Share

Chapter 48

"Wala na," mahinang sabi ni Berto.

"Saan napunta?" tanong naman ni Lino.

"Napunta na sa pangangalaga ng gobyerno."

"Iyan na muna sa ngayon," pagputol ni Lino sa usapan kaya agad akong lumabas sa office at nagkunwareng nag-aayos ng mga upuan.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila sa loob kasi iyon lang ang narinig ko at hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapang iyon. Dalawang araw nawala si Berto kaya nagtataka na rin ako. Ang layo naman ng pinuntahan niya?

"Mon..." sambit ni Berto nang makita ako rito sa sala. Nginitian ko siya.

"Ang tagal mong nawala. Nabili mo ba iyong pinabibili ni Lino?" I asked.

Tumango siya at napatingin sa kanang kamay kong may benda. "Hindi ko agad nahanap kaya nagtungo pa ako sa ibang bayan," kumunot ang noo niya at muling binalik sa ‘kin ang tingin. "Napano ang iyong kamay?"

"Nahulugan ng lalagyan ng kandila pero ayos na 'to." tinanggal ko ang benda ng kamay ko at pinakita sa kanya ka

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status