Share

She Ran Away with His Hidden Heir
She Ran Away with His Hidden Heir
Author: Senyorita

Prologue

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-08-05 19:57:15

"I'll protect you." Malalim ang boses ni Kael Villafuerte. "Hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa."

Parang huminto ang mundo ni Serena Valencia.

Nakatayo siya sa labas ng bahagyang nakabukas na p***o ng private consultation room, naninigas ang buong katawan habang nakatitig sa eksenang nasa harapan niya.

Ang lalaking pinakasalan niya dalawang taon na ang nakalipas… Ang lalaking ipinangakong siya lang ang mamahalin habambuhay… Ay mahigpit na yakap ang isang buntis na babae.

Dahan-dahang pumatak ang isang luha sa pisngi niya. Pakiramdam niya, unti-unting nawawalan ng hangin ang mga baga niya.

Hindi niya marinig ang pintig ng sariling puso. Hindi niya maramdaman ang nanginginig niyang mga kamay.

Ang malinaw lang sa kaniya ay ang mga bisig ni Kael na mahigpit na nakapalibot sa ibang babae.

Napayuko siya.

Mahigpit niyang hinawakan ang puting envelope na kanina pa niya yakap. Isang ultrasound photo ang laman ng envelope na yon at tatlong pregnancy tests.

At isang balitang buong umaga niyang pinangarap sabihin sa asawa.

Buntis din siya sa anak ni Kael.

Napapikit siya. Kanina lamang ay iniisip pa niya kung paano niya sasabihin sa asawa ang pinakamasayang balita ng buhay nila.

Ngayon, hindi na niya alam kung may saysay pa ba iyon.

"Trust me. I'll fix everything." Marahang hinaplos nito ang buhok ng babae. "You don't have to cry anymore."

Pakiramdam ni Serena ay may humigpit na kamay sa leeg niya kaya nahihirapan siyang huminga. Sumisikip ang dibdib niya pero ayaw naman lumabas ng mga luha. At kahit gaano kasakit ang nakikita niya ngayong eksena, pero hindi niya magawang magsalita para magalit sa asawa niya.

Ang tanging naririnig niya ay ang unti-unting pagguho ng lahat ng pangarap na binuo nila.

Nakakaputangina!

Mahigpit niyang niyakap ang puting envelope na hawak. Nanginginig ang mga daliri niya.

Kanina lang ay halos hindi siya mapakali sa sobrang saya. Tatlong beses pa niyang sinigurado ang resulta. Tatlong pregnancy tests pa ang ginamit niya. At ang ultrasound request na ilang minuto pa lang niyang nakuha mula sa doktor.

Buntis siya. Magiging ama na si Kael.

Paulit-ulit niyang inisip kung paano ito sasabihin. Bibili ba siya ng maliit na sapatos? Maghahanda ba siya ng candlelight dinner? O ibibigay na lang niya ang pregnancy test habang nagkakape sila mamayang gabi?

Nakangiti pa siya habang papunta rito. Pero hindi niya akalaing sa araw ding iyon ay mamamatay ang lahat ng dahilan para ngumiti siya.

Isang mahinang hikbi ang kumawala sa kaniyang labi pero agad niya iyong tinakpan. Ayaw niyang marinig siya. Ayaw niyang malaman ni Kael na naroon siya dahil kung malinaw ang nakita ng mga mata niya, ano pa ang silbi ng paliwanag?

Unti-unti siyang umatras. Ngunit sa pagmamadali, nadulas ang envelope sa kaniyang kamay.

Kasabay ng mahinang tunog nito sa sahig ay ang pagkalaglag ng isang maliit na picture. Ang ultrasound request na laman ng envelope. Kasunod nito ang tatlong pregnancy test.

Napayuko siya. Matagal niya lang iyong tinitigan. Parang may kung anong bumabara sa lalamunan niya. Marahan niyang pinulot ang mga iyon at isa-isang inayos.

Pinunasan ang bahagyang lukot na papel. Pagkatapos ay idinikit sa kaniyang dibdib nang mahigpit.

Parang iyon na lang ang natitirang dahilan para manatili siyang matatag.

Tumalikod siya at hindi na siya lumingon. Hindi na rin niya hinintay na makita siya ng asawa.

Sa bawat hakbang palabas ng medical center, pakiramdam niya ay may naiiwang bahagi ng puso niya sa loob ng silid na iyon. Hindi niya namalayang bumubuhos na ang ulan sa labas.

Wala siyang dalang payong pero wala siyang pakialam. Hinayaan niyang mabasa ang buong katawan niya habang tahimik na naglalakad palabas ng Verde Medical Center.

Kasabay ng ulan ang walang tigil na pagpatak ng kaniyang mga luha. At sa unang pagkakataon mula nang makilala niya si Kael, gumawa siya ng desisyong babago sa buhay nilang dalawa.

Hindi niya sasabihin ang tungkol sa anak nila. Hindi na kailanman dahil kung kaya nitong yakapin ang ibang babae habang dinadala nito ang anak ng iba ay wala nang lugar sa buhay nito ang anak na dinadala niya.

Kahit pa ang batang iyon ang tunay na tagapagmana ng pamilyang Villafuerte.

Sa gabing iyon, isang babae ang nawala sa Isla Verde. Ilalayo niya ang anak niya sa islang to!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 3

    "Next stop natin ay ang Emerald Cove!" Masiglang anunsyo ng tour guide habang muling sumakay ang grupo sa tram. "Isa ito sa mga pinakapinagmamalaking lugar ng Isla Verde. Crystal-clear ang tubig dito at maraming activities na puwedeng subukan."Halos hindi na mapakali si Eli. "Mommy! Mommy! Can we swim?""Later.""Snorkeling?""You're too young.""Kayaking?""We'll see."Napanguso ang bata."You're always saying 'we'll see.'"Napatawa si Kael na nasa katapat nilang upuan."Your mommy is smart."Napatingin si Eli sa kaniya. "Why?""Because that's what adults say kapag ayaw pang mangako.""Ah..." Tumango ang bata na tila ba may malaking realization. "So, it's a mommy technique?"Hindi napigilan ni Serena ang mapailing."Yes. A mommy technique." Tumawa si Kael. Isang maikling tawa. Ngunit sapat na iyon para mapatingin ang lahat ng staff.Napakabihira nilang makitang ngumiti ang CEO ng Villafuerte Group.Pagdating nila sa Emerald Cove, agad na humanga si Eli."Whoa!"Halos kuminang ang mga

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 2

    Maagang nagising si Serena kinabukasan dahil sa walang tigil na pagtalon ni Eli sa kama."Mommy! Wake up!"Bahagya niyang iminulat ang mga mata."Eli, it's only seven.""I know!" masiglang sagot ng bata. "Pero sabi mo kahapon, first activity natin today!"Napabuntong-hininga siya habang natatawa. Hindi yata marunong mapagod ang anak niya."Five more minutes, baby please.""No!" Hinila pa nito ang kumot. "Mommy!"Napailing na lamang si Serena bago bumangon. Parang wala naman siyang choice kundi ang sumunod sa anak niya.Sa sobrang excited nito ay nagawa siya nitong gisingin ng seven. Kaloka! Buong buhay niya ay tulog pa siya sa mga oras na yon, tapos heto, si Eli lang pala ang makakapagising sa kaniya ng ganito kaaga.Pero gaya nga ng sabi niya kanina, wala siyang choice."Okay, okay. You win.""Yay!"~Makalipas ang isang oras, pareho na silang handang umalis ni Eli.Nakasuot si Serena ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang malapad na straw hat. Kahit sim

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 1

    Five Years Later"Mommy! Bilisan mo!"Napangiti si Serena Valencia habang pinagmamasdan ang limang taong gulang na batang halos tumakbo na palabas ng arrival hall ng airport."Eli, don't run," natatawa niyang saway sa sariling anak.Huminto naman ang bata at lumingon sa kaniya. Suot nito ang isang puting polo shirt, khaki shorts, at maliit na sneakers. Sa isang kamay ay hila nito ang dinosaur-shaped luggage, habang ang isa naman ay kumakaway sa kaniya."But we're finally here!"Napailing na lamang si Serena. Hindi niya maiwasang matawa.Kahit saan talaga sila magpunta, hindi nauubusan ng energy ang anak niya.Inayos niya ang strap ng Hermès handbag na nakasabit sa balikat bago muling naglakad. Agad na napalingon ang ilang tao nang makita siya.She was stunning.Nakasuot siya ng eleganteng cream-colored trousers, silk blouse, at isang manipis na trench coat na nagbibigay lalo ng class sa kaniyang kabuuan. Nakalugay ang mahaba niyang kulot na buhok habang bahagyang natatakpan ng designe

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Prologue

    "I'll protect you." Malalim ang boses ni Kael Villafuerte. "Hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa."Parang huminto ang mundo ni Serena Valencia.Nakatayo siya sa labas ng bahagyang nakabukas na pinto ng private consultation room, naninigas ang buong katawan habang nakatitig sa eksenang nasa harapan niya.Ang lalaking pinakasalan niya dalawang taon na ang nakalipas… Ang lalaking ipinangakong siya lang ang mamahalin habambuhay… Ay mahigpit na yakap ang isang buntis na babae.Dahan-dahang pumatak ang isang luha sa pisngi niya. Pakiramdam niya, unti-unting nawawalan ng hangin ang mga baga niya.Hindi niya marinig ang pintig ng sariling puso. Hindi niya maramdaman ang nanginginig niyang mga kamay.Ang malinaw lang sa kaniya ay ang mga bisig ni Kael na mahigpit na nakapalibot sa ibang babae.Napayuko siya.Mahigpit niyang hinawakan ang puting envelope na kanina pa niya yakap. Isang ultrasound photo ang laman ng envelope na yon at tatlong pregnancy tests.At isang balitang buong umag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status