Maagang nagising si Serena kinabukasan dahil sa walang tigil na pagtalon ni Eli sa kama."Mommy! Wake up!"Bahagya niyang iminulat ang mga mata."Eli, it's only seven.""I know!" masiglang sagot ng bata. "Pero sabi mo kahapon, first activity natin today!"Napabuntong-hininga siya habang natatawa. Hindi yata marunong mapagod ang anak niya."Five more minutes, baby please.""No!" Hinila pa nito ang kumot. "Mommy!"Napailing na lamang si Serena bago bumangon. Parang wala naman siyang choice kundi ang sumunod sa anak niya.Sa sobrang excited nito ay nagawa siya nitong gisingin ng seven. Kaloka! Buong buhay niya ay tulog pa siya sa mga oras na yon, tapos heto, si Eli lang pala ang makakapagising sa kaniya ng ganito kaaga.Pero gaya nga ng sabi niya kanina, wala siyang choice."Okay, okay. You win.""Yay!"~Makalipas ang isang oras, pareho na silang handang umalis ni Eli.Nakasuot si Serena ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang malapad na straw hat. Kahit sim
Last Updated : 2026-08-05 Read more