LOGINFive Years Later
"Mommy! Bilisan mo!" Napangiti si Serena Valencia habang pinagmamasdan ang limang taong gulang na batang halos tumakbo na palabas ng arrival hall ng airport. "Eli, don't run," natatawa niyang saway sa sariling anak. Huminto naman ang bata at lumingon sa kaniya. Suot nito ang isang puting polo shirt, khaki shorts, at maliit na sneakers. Sa isang kamay ay hila nito ang dinosaur-shaped luggage, habang ang isa naman ay kumakaway sa kaniya. "But we're finally here!" Napailing na lamang si Serena. Hindi niya maiwasang matawa. Kahit saan talaga sila magpunta, hindi nauubusan ng energy ang anak niya. Inayos niya ang strap ng Hermès handbag na nakasabit sa balikat bago muling naglakad. Agad na napalingon ang ilang tao nang makita siya. She was stunning. Nakasuot siya ng eleganteng cream-colored trousers, silk blouse, at isang manipis na trench coat na nagbibigay lalo ng class sa kaniyang kabuuan. Nakalugay ang mahaba niyang kulot na buhok habang bahagyang natatakpan ng designer sunglasses ang kaniyang mukha. Kung may nakakilala man sa kaniya limang taon na ang nakalipas… Siguradong hindi na nila makikilala ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Wala na ang simpleng event planner na dating umiiyak gabi-gabi. Wala na ang babaeng iniwan ang Isla Verde na wasak ang puso. Ang kaharap ng mundo ngayon ay si Serena Valencia… Founder at CEO ng Vera Luxe International, isa sa pinakamalalaking luxury resort developers sa Asia. A self-made billionaire. "Mommy!" Muli siyang natauhan nang hilahin ni Eli ang kamay niya. "Can we go now?" Ngumiti siya at marahang ginulo ang buhok ng anak. "Excited na excited ang baby ko ah?" "Super, Mommy! I'm super excited na! I can't wait nga po eh!" "Why?" "Because we're finally going to Isla Verde!" Bahagyang natigilan si Serena. Isla Verde. Limang taon niyang iniwasan ang pangalang iyon. Limang taon niyang pinilit kalimutan ang bawat alaala roon. Pero heto siya ngayon, babalik sa mismong lugar na minsang sumira sa kaniya. Hindi dahil gusto niya kundi dahil gusto niyang bigyan ng bakasyon ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. At wala siyang balak hayaang kontrolin pa rin ng nakaraan ang kasalukuyan niya. Lumuhod siya sa harap ng anak at marahang hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "So, Mr. Eli Valencia, are you ready for your first vacation in the Philippines?" Tumango ito nang mabilis. "Yes, Mommy!" "Anong gusto mong gawin pagdating natin don?" "Hmm..." Nag-isip muna ang bata. "I want to swim!" "Okay." "I want to build a sandcastle, as well." "Okay." "I want ice cream." "Okay, noted." "I want pizza." "Copied, baby." "I want pancakes." Tumawa si Serena. Ang cute talaga ng anak niya, ang daming gustong gawin. "Eli..." "What?" "We're going on vacation, not on a food trip." Napanguso ang bata. "But vacations are more fun with food, Mommy." She couldn't argue with that. "You sound exactly like your Uncle Noah." "I know!" Tumawa silang mag-ina. Habang naglalakad palabas ng airport, wala ni isa sa mga taong nakakasalubong nila ang makapagsasabing walang ama ang batang iyon sa tabi niya. Dahil sa bawat ngiti nito… Sa bawat titig… Sa bawat kumpiyansa sa paglalakad… May isang taong para bang buhay na buhay dito. Isang lalaking matagal nang nakalimutan ni Serena. O pilit niyang kinalimutan. "Welcome back, Ms. Valencia." Huminto siya nang lapitan ng isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Magalang itong yumuko bago kunin ang maleta nila. "The convoy is ready. Ihahatid na po tayo sa private yacht." Tumango si Serena. "Thank you, Mr. Reyes." Napanganga naman si Eli. "Private yacht?" "Yes." "Mommy..." bulong nito habang kumikinang ang mga mata. "We're riding a yacht?" "Of course, baby." "Can I drive it?" "No. Not today." "Please?" "No." "I'll be careful." "You're only five." "I know." "So, no." Napabuntong-hininga ang bata na tila ba sobrang disappointed. "Fine..." Hindi napigilan ni Serena ang mapatawa. Napakagaan ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang anak. Ito ang dahilan kung bakit siya bumangon. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya sumuko limang taon na ang nakalipas. At ito rin ang dahilan kung bakit handa na siyang bumalik. Habang papalabas sila ng airport, bahagyang napalingon si Serena sa malawak na karagatang tanaw mula sa labas ng gusali. Sa kabilang dulo ng dagat ay naghihintay ang Isla Verde. Ang islang minsan niyang tinakasan. At ang islang walang kaalam-alam na ang batang masayang naglalakad sa tabi niya ay ang tunay na tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya rito. ~ Ilang minuto ang lumipas, tuluyan nang nakaalis ang convoy mula sa airport. Tahimik lamang si Serena habang nakatanaw sa bintana ng luxury SUV. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay makikita ang malalagong puno, mga mamahaling resort, at ang mala-crystal na dagat na siyang dahilan kung bakit dinarayo ng pinakamayayaman sa buong mundo ang Isla Verde. Wala pa ring nagbago. Maganda pa rin at tahimik pa rin. At masakit pa rin sa tuwing naaalala niya ang nakaraan. "Mommy!" Napalingon siya kay Eli na kasalukuyang nakadikit ang mukha sa bintana. "Look! Ang daming yachts oh!" She smiled. "Beautiful, isn't it?" "Can we buy one, Mommy?" Napailing siya habang natatawa. "One day, baby. One day." "Promise?" "Promise." Nagliwanag ang mukha ng bata. Hindi na nito napansin ang panandaliang paglayo ng tingin ng ina sa bintana. One day... Kapag wala nang multo ng nakaraan na humahabol sa kanila. Pagdating nila sa private marina ng Isla Verde, agad silang sinalubong ng resort manager. "Welcome back, Ms. Valencia." Magalang itong yumuko. "Everything has been prepared according to your request. The Presidential Cliff Villa is exclusively reserved for your stay." "Thank you." "Your luggage will be delivered immediately." Tumango lamang si Serena bago hinawakan ang maliit na kamay ni Eli. "Come on." Masayang tumalon ang bata habang naglalakad sila sa mahabang wooden boardwalk. "Mommy! Fish! It looks so pretty! Can we feed them?" "Later." "Can we swim?" "Later, baby." "Can we ride the yacht?" "Later." Napatawa na lamang si Serena. "You really can't wait, huh?" Eli flashed his adorable grin. "Nope!" Habang abala silang mag-ina, ilang metro lamang ang layo nila ay isang convoy ng itim na luxury SUVs ang sunod-sunod na huminto sa VIP entrance ng marina. Agad na nagtuwid ng tayo ang mga empleyado. Nagmadaling yumuko ang mga security personnel. "The Chairman is here. The CEO has arrived." Sabay-sabay na bumukas ang mga p***o ng mga sasakyan. Unang bumaba ang ilang bodyguards. Kasunod ang executive assistants at sa pinakahuling sasakyan ay dahan-dahang bumaba ang lalaking limang taon nang hindi nakita ni Serena. Mahigit anim na talampakan ang taas nito. Nakasuot ng charcoal gray suit na perpektong nakabagay sa matipunong pangangatawan. Mas naging matalas ang mga linya ng mukha nito. Mas naging cold ang expression. At mas naging makapangyarihan ang presensiyang dala nito. Kael Villafuerte. The CEO of Villafuerte Group. The man who ruled Isla Verde. Hindi man lang ito lumingon sa paligid. Diretso itong naglakad habang sinusundan ng mga tauhan nito. "Sir, your meeting with the investors will begin in thirty minutes." "Move it to one hour." "Yes, sir." Kasabay noon ay ang eksaktong lumiko rin si Serena sa kabilang direksiyon. Hindi niya namalayang may makakasalubong siya. Bahagyang nabunggo ang balikat niya sa matigas na dibdib ng isang lalaki. "Oh, I'm so—" Naputol ang sasabihin niya at unti-unti siyang napatingala. At ganoon din ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Serena. Hindi niya inaasahang sa mismong araw na pagdating nila ay magtatagpo ulit sila ni Kael. Nanatiling walang emosyon ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kaniya na para bang sinusubukan nitong alalahanin kung saan niya nakita ang babaeng nasa harapan niya. Lumipas ang ilang segundo at tahimik pa rin ito. Napakabigat ng katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa. "Are you alright, Miss?" malamig nitong tanong. Napalunok si Serena. Ibang-iba na ang boses nito. Mas mababa at mas seryoso. At wala ni katiting na pagkilala sa kaniya. Marahan siyang tumango. "I'm fine." She stepped back. "Excuse me." Hindi na siya naghintay ng anumang sagot. Mabilis siyang naglakad palayo habang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi siya puwedeng mag-panic. Hindi ngayon at mas lalong hindi sa islang to! Samantala, nanatiling nakatayo si Kael. Hindi nito maipaliwanag kung bakit pero may kakaibang pakiramdam na gumuhit sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang papalayong babae. Parang… may matagal na itong hinahanap. "Sir?" Napalingon siya sa assistant. "Your meeting." "Let's go." Tumango ang lalaki at muling naglakad. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Serena nang may maliit na boses na biglang umalingawngaw sa buong isla. “Mommy!” Lumingon si Kael kasabay ng halos lahat ng taong naroon. Mula sa fountain sa gilid ng boardwalk, isang cute na limang taong gulang na batang lalaki ang masayang tumatakbo palapit kay Serena, hawak ang isang maliit na stuffed sea turtle. "Mommy! Look what I found!" Huminto ang bata sa harap ni Serena at agad nitong niyakap ang bewang ng babae. Bahagyang napataas ang tingin ni Kael. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maialis ang mga mata sa batang iyon. May kung anong pamilyar sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. At sa kabilang banda, mahigpit na hinawakan ni Serena ang balikat ng anak. Tahimik siyang nanalangin na… Sana... hindi siya makilala ng lalaking minsan niyang minahal.Tatlong taon na ang lumipas mula nang magpalitan sila ng panata sa mismong dalampasigan ng Isla Verde. Ngunit para kay Serena, pakiramdam niya ay araw-araw pa rin siyang nililigawan ng asawa niya.Nakatayo si Serena sa balkonahe ng kanilang mansyon, haplos-haplos ang kaniyang malaking tiyan. Walong buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang anak, isang baby girl na matagal nang hinihiling ni Kael. Mula sa itaas, pinapanood niya ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.Tumatawa nang malakas si Eli habang tinuturuan ito ni Kael na magpalipad ng saranggola sa buhanginan. Mas matangkad na ngayon ang walong taong gulang na si Eli, at mas lalong naging kamukha ng kaniyang ama."I told you not to stand too long, Mrs. Villafuerte."Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na braso na pumulupot sa kaniyang baywang. Hinalikan ni Kael ang kaniyang balikat. Napangiti si Serena at sumandal sa matipunong dibdib ng asawa niya."Pinapanood ko lang kayo ni Eli," malambing na sagot ni Serena.
Naging kasingganda ng isang panaginip ang buong wedding reception.Sa ilalim ng malawak na kalangitan ng Isla Verde na punong-puno ng mga bituin, nagkasiyahan ang mga piling bisita nina Kael at Serena. Napalilibutan ang buong venue ng mga tiki torches, fairy lights, at mga nakasabit na puting bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin.Nakaupo si Serena sa sweetheart table, nakasandal sa dibdib ni Kael habang pinapanood nila ang mga tauhan ng binata na masayang nagtatawanan sa kabilang banda ng beach. Kahit ang seryosong si Marco ay napangiti nang asarin ito ni Mylene habang kumukuha ng pagkain sa buffet table."I can't believe this is real," nakangiting bulong ni Serena. Pinaglaruan niya ang diamond ring at ang bagong suot na wedding band sa kaniyang daliri.Humigpit ang pagkakaakbay ni Kael sa kaniya. Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "Believe it, Mrs. Villafuerte. Wala nang bawian 'to."Napatawa si Serena. Tiningnan niya ang kabilang gilid ng mesa kung saan mahimbing nang nat
Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Serena nang marinig niya ang pamilyar at nakakakilabot na ganda ng tugtog mula sa isang string quartet.Nakatayo siya sa bungad ng mahabang white carpet na inilatag sa ibabaw ng pinong buhangin ng private beach sa Isla Verde. Ang buong paligid ay napapalamutian ng libu-libong puting rosas at mga nakasabit na kristal na kumikinang sa ilalim ng papalubog na araw. Ang malamig na simoy ng dagat ay humahaplos sa kaniyang balat, pinapasayaw ang mahabang belo ng kaniyang kumikinang na lace wedding gown.Pero wala sa magandang tanawin ang atensyon niya. Ang buong puso at paningin niya ay nakapako sa lalaking naghihintay sa dulo ng altar.Nakatayo roon si Kael, suot ang isang perpektong puting tuxedo na lalong nagpalitaw sa kakisigan nito. Ang lalaking kilala ng buong bansa bilang isang walang-awang bilyonaryo, ang lalaking kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa isang iglap, ay nakatayo roon ngayon habang walang-hiyang pinupunasan ang mga luhang naglalandas
Punong-puno ng maliliit at maiilaw na fairy lights ang malawak na garden ng Villafuerte Mansion. Ang pamilyar na tunog ng mga alon mula sa dagat ay sinasabayan ng isang mahina at nakakarelaks na acoustic music.Gabi na bago ang inaabangang kasal nina Kael at Serena. Sa halip na magdaos ng isang malaking party, mas pinili nilang dalawa na magkaroon ng isang intimate rehearsal dinner. Tanging ang mga pinakamalalapit na tao lang sa buhay nila ang naroon, si Mylene, si Marco, si Manang Rosa, at ang ilang pinagkakatiwalaang tauhan na naging protektor nila noong mga panahong nagtatago sila.Nakatitig si Serena sa lalaking katabi niya. Suot ni Kael ang isang simpleng white button-down shirt na nakatupi hanggang siko at itim na slacks, pero para kay Serena, ito na yata ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Hawak ni Kael ang kamay niya sa ilalim ng mesa habang nakikinig sila sa maikling speech ni Mylene."Gusto ko lang sabihin na... sobrang saya ko para sa inyong dalawa," nakangiting panimu
Isang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyan silang manirahan muli sa Isla Verde.Sa loob ng pitong araw na iyon, pakiramdam ni Serena ay nabubuhay siya sa isang napakagandang panaginip na ayaw na niyang gisingan. Wala nang mga tauhan ni Vincent na nagbabantay. Wala nang banta sa buhay nila. Ang tanging gumigising sa kaniya tuwing umaga ay ang amoy ng kape, ang halik ni Kael, at ang masayang boses ni Eli.Nakatayo si Serena sa veranda ng master suite, may hawak na tasa ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang mag-ama sa dalampasigan.Mula sa pwesto niya, kitang-kita niya si Kael na nakasuot lamang ng board shorts. Ang araw ay tumatama sa matipuno at basang katawan ng binata habang buhat-buhat nito si Eli na tuwang-tuwang nakasakay sa mga balikat nito. Nagtatakbuhan sila sa malinaw na tubig ng dagat. Ang halakhak ng anak niya ay umaabot hanggang sa kinaroroonan niya.Napangiti si Serena. Ang lalaking dating kinatatakutan at iniiwasan ng lahat dahil sa pagiging seryoso at malamig n
Paggising ni Serena, ang unang sumalubong sa kaniya ay ang mainit na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto, at ang mabigat na braso ni Kael na nakapulupot sa kaniyang baywang.Dahan-dahan siyang gumalaw upang hindi magising ang mahimbing na natutulog na bilyonaryo. Inangat niya ang kaniyang kaliwang kamay. Kahit nasisinagan ng araw, nangingibabaw ang kislap ng dyamanteng singsing na nakasuot sa kaniyang palasingsingan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Pagkatapos ng limang taong pagtatago, ng mga luhang iniyak niya sa ibang bansa, at ng takot na muntik nang kumuha sa buhay nila... heto siya ngayon. Ligtas, buo, at engaged sa kaisa-isang lalaking minahal niya."It looks perfect on you."Napalingon si Serena. Gising na pala si Kael. Nakasandal ang ulo nito sa unan, ang magulong buhok at paos na boses ay nagbibigay rito ng nakakapanlambot na sex appeal. May pamilyar na ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kamay niya.Ngumiti si Serena at humarap dito. "Hindi pa rin ako







