Hindi na pinilit ni Jyrone ang tanong tungkol kay Bart at sa akin. Para bang pinili niyang hayaan akong magsalita nang kusa kaysa siya ang bubungkal sa sugat na tinatago ko.“Lagi mo lang tandaan na nandito ako. Handang intindihin ka, damayan, at tulungan sa lahat ng bagay. Gano’n kita kamahal…”Tahimik lang akong nakinig, parang nakabitin ang hininga, at sa huli, ako na mismo ang nag-aya. “Uwi na tayo. Gabi na.”Agad siyang tumayo. Ever the gentleman, inalalayan niya akong tumayo, hinawakan ang siko ko para igiya palabas ng restaurant hanggang sa parking. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Sumakay ako, wala pa ring imik, nakatanaw lang sa labas ng tinted window. Tulala.Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga salitang narinig ko kanina mula sa kanya.Nalilito rin ako. Dapat ko na bang aminin ang totoo tungkol sa amin ni Bart? O itatago ko pa rin ang katotohanang ’yon sa kanya?Narinig ko ang pagbukas ng driver’s seat. Napalingon ako. Pumasok si Jyrone, may ngiti sa labi, na pa
Ayaw ko man pero hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Mas humakbang pa siya palapit sa akin. Napaatras ako. “May kinunsulta…” Sasagot na sana ako pero natigil. Bigla kasing bumukas ang pinto ng lobby.Pumasok ang isang lalaki. Si Jyrone, may hawak na bouquet ng lilies, ngiting-ngiti na para bang ang saya niya nang makita ako. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw, nanlaki lang ang mga mata ko nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.“Hi, Anessa,” sabi niya, puno ng tuwa ang tinig. “Jyrone? Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong kong tanong. Tinanggap ko ang bulaklak at niyakap ’yon. “It’s been two weeks since the party…” Nag-pause siya sandali, at ngumiti. “I missed you…” Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita.Para namang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pinagtitinginan na kasi kami ng dumadaan. “I want to be with you… have dinner with you.”Ayon na naman ang bahagyang ngiti niyang parang laging nang-aakit.
Alas-sais ng umaga na. Nakalatag na ang isang maleta sa harap ng aparador—ang maletang dala ko no’ng dumating ako rito. Maingat kong tiniklop ang mga damit ko, at nilagay ang ilang mahahalagang bagay na pagmamay-ari ko.Humugot ako ng malalim na hininga. Sabi ko nga kay Jenny, may kailangan pa akong tapusin, kaya hindi pa ako puwedeng umalis agad.Nang mapuno ko ang maleta, sinara ko iyon at inilagay sa dati nitong lagayan, sa tabi ng aparador. Lumabas ako ng kuwarto dala ang makapal na folder ng mga papeles.Sakto namang tumunog ang phone ko. Agad ko ‘yong sinagot.“Mrs. Divinagracia,” malumanay na bati ng boses sa kabilang linya. “I’ve read the case summary you sent. We can use the ground of psychological incapacity. Based on the details you shared—emotional detachment, refusal to fulfill marital obligations, and the secrecy of the marriage—this is valid.”Natahimik ako sandali, pinakikiramdaman ang mga salitang iyon. Psychological incapacity. Ang bigat ng tunog, pero iyon din ang p
Alas-kuatro ng madaling araw pa lang ay gising na ako. Niligpit ko na ang hinigaan ko, habang si Bart mahimbing pa ring natutulog, katabi ang cellphone niya.Saglit ko siyang tinitigan saka mapait na napangiti. Isang titig muna sa lalaking hindi man lang sinuklian ang pagmamahal ko, at ngayon ay handa ko nang sukuan.Pumasok ako sa banyo, mabilis na naligo. Tinatanya ko ang oras, sinigurong tulog pa rin si Bart paglabas ko.At paglabas ko nga ay tulog pa nga siya. Pero hawak na niya ang phone niya.Mabilis akong nagbihis. Para kasing nagpapanggap lang siyang tulog. Suot ko ay casual na damit. Balak ko kasing um-absent ngayon sa trabaho, ipapasyal ko sila Mama ngayon.Siguro naman ay papayag si Bart dahil sila Mama naman ang kasama ko.Mabagal ang kada hakbang ko papunta sa pinto. Ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay at magising siya. Masira na naman ang araw ko.“Good morning, Anak,” sabay bati nila Mama. Sabay pa nilang nilapag ang tasa ng kape sa mesa.Lumapit ako. Nakangiti, pa
Paglapat ng labi ni Bart sa pisngi ko, tawang kinikilig ang agad sumunod. Tawa nina Mama at Mama Bettina, mga halakhak na puno ng kasiyahan, na para bang ang nakikita nila ay larawan ng isang perpektong mag-asawa.Hilaw akong ngumiti, saka ko iniwas ang pisngi ko kay Bart. Pero ang mga mata ko, matalim na nakatutok sa kanya. Hindi ko rin napigilan ang pagkibot ng labi ko. Kung hindi nga lang siguro nakamasid sila Mama, baka natampal ko na ang nguso niya.Lapastangang hayop!“Pasok na nga kayo, dito pa kayo naglambingan,” masayang aya ni Mama Bettina. Sabay kaming pumasok ni Bart. Hindi pa rin kasi niya ako binitiwan.Lumayo lang siya nang yumakap sa akin si Mama. “‘Ma, buti naman, napadalaw kayo.” Bumitiw ako kay Mama at niyapos ang baywang niya.Si Bart naman, tahimik na sumunod sa amin.“Miss na kita, Anak, kaya no’ng isang linggo pa ay sinabihan na namin si Bart na dadalaw kami.”Napalingon ako kay Bart. Na parang tuta na ang bait. Nakasunod sa amin. Nagpapa-cute, kamot-kamot ang ul
“In-acting mo, Bart?” Tinulak ko siya. Matiim siyang tinitigan. ‘Yong titig na hindi niya nakita sa akin noon. “Hindi ba’t ‘yon naman ang gusto mo? Ikaw ang nagsabing wala dapat makakaalam sa totoong papel ko sa buhay mo!”Kumuyom ang kamao niya at buong puwersa niyang idiniin iyon sa malamig na pader ng elevator. Kumalabog iyon, at kahit hindi siya nagsalita, sapat na ang tunog na iyon para dagundungin ang tainga ko. Tinitigan niya lang ako nang napakatalim, parang isang matalim na kutsilyong tumatagos hanggang buto ko.Pero hindi ako nagpatinginang. Pagod na akong magtimpi. Magtiis.“Ikaw mismo ang nagsabi, dito sa opisina, secretary mo lang ako!” madiin kong sambit, halos pabulong pero puno ng pait.Ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Umiwas ako. Ayaw ko na siyang tingnan. Mas lalo lang kukulo ang dugo ko.Nakatutok lang ako sa mabilis na pagbabago ng numero sa LED panel ng elevator. Para bang bawat numerong umiilaw ay hudyat na makakalaya na ako. Makakalayo na ako.Nang