Share

Chapter 14 – Boundaries Crossed

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2025-08-20 23:41:24
Chapter 14 – Boundaries Crossed

“Ano bang ginagawa mo?” Inalis ko ang braso niya sa balikat ko at tumayo.

Pero tumaas lang ang sulok ng labi niya at tumayo rin. “They asked for proof, Mama wanted to know if you’re fine—if we’re fine…”

Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa kanya, pero dibdib ko, ang bilis ng pag-angat-baba. Nakakapangigigil siya. Matapos niya akong galitin, paiyakin, ipahiya, tapos ngayon, a-acting siyang malambing sa mga magulang namin.

Nakakabuwisit siya.

Lumapit ako sa pinto. Binuksan ko iyon at hinarap siya. “Tapos ka nang kumuha ng katibayan… lumabas ka na,” diretso kong sabi.

Napatitig siya sa akin. Tumiim ang panga, pero hindi nagsalita. Hindi rin siya kumilos.

Nilahad ko ang kamay ko, iminumuwestra ang bungad ng pinto. Saka lang siya tumayo, pero ni minsan ay hindi niya ako nilubayan ng tingin.

At sa pagkakataong ’to, hindi ako umiwas. Nakipagtitigan ako. Siniguro kong lamig ang maramdaman niya, gaya ng lagi niyang pinaramdam sa akin.

Pagkalabas niya, agad ko
sweetjelly

Happy kapag maraming komento. Pasensya na talaga, hindi pa kaya maraming update. May mga ganap pa sa totoong life. Salamat sa inyo...sa mga gems din thank you.

| 45
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
chona varias
masyadong ma ego nman si bart
goodnovel comment avatar
Ze Punzalan
ay bakit napapaiyak na ako tapis walang kasunod
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
parang baliw n Asawa m..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 99 —  No One But Me

    BARTPagbaba ko sa kanya sa kama, handa na akong angkinin siya, pero pansin kong nagbago ang ekspresyon niya. Parang malungkot siya. Naging matamlay.“My love…” Nilapat ko ang palad ko sa pisngi niya. “What’s wrong?”Umiling siya. “Wala.” Umiwas siya ng tingin.Pinihit ko agad paharap sa akin. “Malungkot ka e. Anong problema? Tell me…”“May naalala lang ako.” Wala na naman sa akin ang tingin niya. Kaya sinundan ko.Napakunot-noo ako. Ang sofa lang naman ang tinitingnan niya.Then, sumagi sa isip ko ang nangyari noon. Napahigpit ang hawak ko sa kama bago ako lumapit sa kanya at niyakap siya.“You remembered the stupidity I did,” sabi ko. “I let you sleep on that sofa.”Hindi siya sumagot. Hindi rin siya tumingin sa akin. Pero maya maya ay tumalim ang tingin niya, parang naniningil ng utang na hindi ko nabayaran.Hinaplos ko ang braso niya, dahan-dahan. “I’m sorry,” bulong ko. “I was an idiot back then.”Mas lalong umismid si Anessa. “Maniwala ka man o hindi, gusto kong makatabi ka noon,

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 98 — Love on Fire

    BART Hinawakan ko ang kamay ni Anessa, pinapakalma siya. “Anessa… we won’t be gone long,” sabi ko habang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. “Ito na lang… isama na lang natin siya, para hindi ka mag-alala.” Tumingin ako kay Mama. “Siguradong matutuwa si Mama Bettina kapag nakita siya.”Napatingin si Anessa sa mama niya. Tahimik lang silang nagtitigan pero may bahagyang ngiti.“My love, I want my mom to bless us again. At saka, galit pa ‘yon sa akin e. Baka hindi papayag…”Lumapit si Mama Anelita. Hinawakan niya ang kamay ni Anessa at ngumiti. “Anak, sasama ako sa inyo. Tama si Bart, miss ko na rin ang kaibigan kong ‘yon,” malumanay niyang sabi. May ningning pa ang mga mata.Tumango-tango si Anessa, pero nasa akin na ang tingin niya. Matamis ang ngiti.“Ihanda ang mga gamit ni Mama. We leave early tomorrow,” utos ko sa nurse.Agad siyang sumunod, inayos ang mga kailangan. Pati ang dalawang bodyguard ay tinawag ko.“Pack up. We’re all going.”Kinabukasan, si D ang sumundo sa am

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 97 — Mom’s Blessing

    ANESSAHawak-hawak ni Bart ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa bakuran. Hindi rin maputol ang tinginan namin na parang may sarili kaming mundo na hindi pwedeng guluhin ng kahit sino.Kaya lang, napaigtad ako. Awtomatikong naglaho ang ngiti ko. Kasi naman, si Mama nasa bungad ng pinto.Nakakunot-noo. Nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto. Dinaig niya pa ang dalawang bodyguard.“Magandang gabi, ‘Ma…” sabay naming bati ni Bart.“Bakit ngayon lang kayo?” mahinahon niyang tanong, pero alam kong may dalang bagyo.Nagkatinginan kami ni Bart. Sandaling humigpit ang hawak ko, pero nang bumaba ang mga mata ni Mama sa magkahawak naming kamay, mabilis akong bumitaw. Saka ko palihim na kinurot ang likod ni Bart.Napangiwi siya, pero nakuha pang ngumiti. “I fell asleep po, Ma,” sabi ni Bart. “She waited for me to wake up.”Tumaas ang isang kilay ni Mama, nanlilisik pa ang mga mata. “Tingin mo, maniniwala ako sa sinabi mong ‘yan? Mga mukha n’yo…”Napalingon kami sa dalawang gu

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 96— A Taste of You

    ANESSAKanina pa ako nakatitig sa mga isdang nasa lababo. Ni isa, wala pa akong nalilinis. Hawak ko lang ang kutsilyo pero hindi ko pa rin kayang hiwain ang hito. Kasi naman, hindi itong mga isda ang iniisip ko. Si Bart. Kauuwi lang namin mula sa team building. Medyo pagod ako, pero masaya. Apat na araw kaming magkasama ng mahal ko. Kaya sa sobrang saya ko, nagpresenta akong magluto.“Anessa!”Napaigtad ako. Muntik ko nang maitsa ang kutsilyo. “‘Ma…” nasabi ko.Nasa likod ko na pala si Mama, hindi ko man lang napansin. Nakahalukipkip siya, may tinging kakaiba. “Kanina pa ako nagsasalita. Hindi ka sumasagot. Nakatitig ka lang d’yan. Kulang na lang kausapin mo ‘yang mga isda!”Napahaba ang nguso ko. Nahihiya akong tumingin kay Mama, pero hindi ko rin maiwasang mapangiti. “Sorry po, ‘Ma. May iniisip lang.”“May iniisip? Sino? Si Bart?” tono niya, medyo galit pero may halong biro.Tiniim ko lang ang labi ko. Hindi ako makasagot. Paulit-ulit nga kasi niya akong pinaalalahanan. Pero nah

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 95 — My Love

    BARTIlang segundo rin akong natahimik, at napatingin kay Anessa na wala ring imik na tinitigan ako. Habang si Kyline, walang tigil sa pakiusap na puntahan ko siya.“I’m sorry…” mahina kong sabi. “Hindi ako makakapunta. I have something more important to do.”Agad kong pinutol ang tawag bago pa siya makapagsalita ulit. Walang alinlangan. Walang guilt. At wala akong pakialam kung nasaktan siya. Mas concern ako kay Anessa na alam kong curious kung sino ang tumawag.Hinawakan ko ang kamay niya. Pilit akong ngumiti. “Sino ‘yon? Anong nangyari? Bakit parang bothered ka?” tanong niya.Hinaplos ko ang pisngi niya, marahan, parang sinusuyo siya. Binubura kung ano man ang iniisip niya. “I’m not bothered because of the call,” sabi ko. “I’m bothered because I don’t want you to get mad at me.”“Get mad? Bakit naman ako magagalit? Sino ba kasi ‘yong tumawag?” “Hindi importante… Ayaw ko lang na mag-isip ka ng masama. And I don’t want this night to be ruined.”Napakunot ang noo niya, sabay ngiti

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   CHAPTER 94 — When She Calls

    BARTPuno ng tawanan ang dalampasigan. Ang saya ng lahat. Para silang bumalik sa pagkabata. Napapangiti na lamang akong pinagmamasdan sila. Pero mas napapangiti ako sa tuwing magtatama ang mga mata namin ni Anessa na masayang nakikipaglaro sa mga kasamahan.Si D ang host ng palaro. No’ng una, parang alanganin pa ang mga tauhan na sumali sa palaro. Kilalang masungit at estrikto nga kasi si D, pero hindi na siya ‘yong CEO na kinatatakutan ng lahat. Ang cool na niya ngayon. Naging parang kabarkada siya ng mga empleyado.“The first game is Human Tunnel!” sigaw niya. “Each team will run through the sand while passing under the arms of their teammates!” Nag-demo pa si D kung paano gawin ang palaro niya. At nang magsimula, walang tigil ang tawanan. Lalo nang matumba si Gabriel, tapos nadamay si Estra. Muntikang maglapat ang mga labi nila.Tuloy ang masayang palaro, nauwi sa tuksuhan. Dahil nga palpak ang team nila Gabriel, ang team nila Jenny ang nanalo na makakatanggap ng 5 thousand pesos

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status