And'yan pa ba kayo? Hindi kinayang mag-update kagabi. At ngayon isa pa rin ang nakaya... Salamat sa inyong lahat... sa mga nag-rate at mga gems, thank you po...
“Bart!” singhal ni Anessa pero ang tingin na kay Jyrone na bumagsak sa sahig matapos ko siyang itulak.Nagulat ang lahat. May mga napasinghap, may mga napaatras. May nagbulungan.Si Anessa… nag-panic. “Jyrone!” mabilis siyang lumuhod sa tabi nito, hawak ang braso, at tinutulungang bumangon.Nahagod ko ang buhok ko. Kita ko kasi ang pag-aalala sa mga mata niya na para bang isang babasaging bagay si Jyrone.Hindi ako nakagalaw. Halos hindi ko kayaning makitang concern siya sa ibang lalaki. Parang hinihiwa ang puso ko. Ako dapat ’yon ‘e. Ako ang dapat pinahahalagahan niya, hindi ibang lalaki.“Jyrone… are you okay?” tanong niya. Hindi maalis ang tingin kay Jyrone na halatang hindi naman nasaktan—nagpapanggap lang.Pero ang sakit!Ganito rin ba ang naramdaman niya noon tuwing nakikita niya akong malapit kay Kyline?“Wala bang masakit sa’yo?” tanong niya kay Jyrone na nakatayo na, nagpagpag, at tinulungan naman ni Anessa.Maya maya ay hinarap ako—galit, matalim ang mga mata.“Why did you d
Tahimik akong nakatayo sa gitna ng restaurant. Ang daming tao, pero parang wala akong marinig kundi ang sariling tibok ng puso ko. Lahat sila, busy sa kanya-kanyang usapan, masayang kumakain kasabay ang malamlam na musika mula sa live pianist. Pero ako, parang napako ang mga paa sa kinatatayuan. Tingin ko, hindi maalis sa direksiyon nina Anessa at Jyrone.Magkaharap silang nakaupo sa pandalawahang mesa. Hindi na hawak ni Jyrone ang kamay ni Anessa—binawi kasi agad ng asawa ko. At sa ginawa niyang ‘yon, sa simpleng pagbitaw na iyon, may kaunting gaan akong naramdaman. Parang may bumulong sa tainga ko… Hindi pa sila. Hindi pa tuluyang nahulog si Anessa sa kanya. May pag-asa pa ako.Sa wakas, nagawa ko nang igalaw ang mga paa ko. Nagsimula na akong humakbang, layuning lapitan sila. Kausapin si Anessa, ilalayo kay Jyrone. Pero bago pa man ako makalapit, may sumulpot sa harap ko.“Sir Bart…” si Pilar, ang secretary ko. Nakangiti siya, pero halata ang kaba sa mata niya. Suminyas siya sa m
Nakatitig lang ako sa loob ng condo unit namin. Ang tahimik. Wala ni isang galaw. Wala si Anessa. Wala ang presensya niya, wala ang magalang na boses niya sa tuwing tatawagin niya ako. Maging sa opisina, pareho ang pakiramdam ko. Buong araw akong matamlay. Ayaw ko man aminin, pero hinahanap ko siya. Napalingon ako sa dati niyang desk, at nang makita kong iba na ang nakaupo ro’n, napahawak ako sa noo. Hinagod ko ang buhok, saka madiing isinandal ang likod ko sa swivel chair.Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili… Kailan nawala ang pagmamahal niya? Kailan pa siya nagsimulang magdesisyon na hiwalayan ako?“Damn it,” napamura ako habang napahilamos sa mukha.Bumalik ang mga alaala—lahat ng pasakit na ibinigay ko sa kanya. Hindi ko naman talaga gustong gawin iyon… pero ginawa ko. Nagpakatarantado ako dahil kay Kyline. Dahil ayaw kong masaktan ang babaing akala ko’y nagligtas sa akin noon. Pero hindi pala siya.Si Anessa pala.Malakas kong nahampas ang mesa. Naalala ko ang sinabi ni Mama An
BART Para akong nahimasmasan nang maramdaman ang marahang haplos sa likod. Napasinghap ako. Sandaling natigilan, at sa isang iglap, sumilay ang ngiti sa labi ko. Naisip ko kasing si Anessa ang nasa likuran ko. Bumalik siya. Mahal nga niya ako, kahit ilang ulit ko siyang tinulak, kahit gaano kalamig pa ang pakikitungo ko at kahit itinuring ko lang siyang secretary, hindi niya ako kayang iwan. Hinanda ko ang ngiti ko. Lumingon, pero laking dismaya ko nang hindi siya ang nakita ko. Si Kyline. Para akong nanlata. Nanghina ang mga tuhod ko. Nawala rin ang matamis na ngiting hinanda ko. “Bart?” Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Kyline. “What’s wrong? Who are you looking for?” Napalinga-linga siya. Umiling lang ako. Wala akong lakas sumagot. Lumakad ako palayo, mabagal. Wala akong panahon na sagutin ang tanong niya. Patakbo naman siyang sumunod. Humawak siya sa braso ko, diniin ang pisngi niya roon—isang gesture na pamilyar, matagal nang ginagawa niya. Na laging hinahayaan ko lang, ka
BART Mahigpit ang hawak ko sa dalawang sobre. Pero ang tingin ko ay nasa pinto kung saan lumabas si Anessa. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang kausapin, pero wala akong lakas ng loob. Pakiramdam ko, wala akong karapatan. Napatingin ako sa dalawang sobreng hawak ko. Ang gaan lang nito, pero pakiramdam ko ang bigat. Parang sumikip ang dibdib ko sa bigat ng mga salitang nakasulat roon. Mas matagal akong napatitig sa puting sobre—’yong binuksan ko kanina, ’yong iniabot ng mailman sa condo. Hindi ko man lang binigyan ng pansin. Akala ko isa lang ’yon sa mga summon ng project na palpak na naman. Initsa ko lang sa corner table at agad umalis. Ngayon, halos makuyumos ko na ang sobre. Paulit-ulit kong nahagod ang buhok ko, parang gusto kong bunutin lahat para lang maibsan ang bigat na nararamdaman. Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang laman ng sobre o ang katotohanang iniwan na ako ni Anessa. Magtatapos na ang lahat sa amin. Napangiti ako nang mapait. Dapat masaya ako. Kasi tam
Palabas na sana ako ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Pero napahinto na lang ako sa bungad nang makita ko si Bart na naglakad papunta roon. Bahagya pa siyang lumingon sa akin, mabilis lang, saka agad binuksan ang pinto.Kita ko na isang mailman ang nasa pinto, may iniabot na sobre. Natanaw ko pa sandali na may pinirmahan si Bart, pero bago pa matapos, bumalik na ako sa loob. Wala na akong balak makialam, o alamin kung ano ’yong sulat na natanggap niya.Nagbihis ako. Walang pagmamadali. Saglit akong humarap sa salamin at ngumiti. Buo na ang desisyon ko—ano mang mangyari, isusumite ko na ang resignation letter ko.Napalingon ako sa maliit na luggage sa gilid ng closet. Ang huling maleta ko na naglalaman ng natitira kong gamit.Paglabas ko ng kwarto, wala na si Bart. Gaya ng nakasanayan ko, katahimikan ang bumungad. Napangiti naman ako. Ito rin kasi ang gusto ko—ang umalis nang walang gulo, walang argumento, walang sagabal.Nilibot ko muna ang paningin sa buong silid na naging saksi s