Parang isang kisap-mata, agad naglaho ang emosyong sumilip sa mata ni Bart kanina—'yong emosyon na saglit nagbigay-buhay sa puso ni Anessa.
Pero nang bumaba ang tingin nito sa hawak niyang folder, naintindihan niya agad. Hindi iyon emosyon. Curious lang ito sa dokumentong dala ng intern.Inabot niya ang folder. “File from Sales Marketing, sir,” mahinahong sabi niya, pinilit panatilihin ang propesyonal na tono. Tinanggap ni Bart ang folder. Walang tanong. Wala ring pasasalamat. Tumingin lang ito kay Gabriel, na tahimik pa ring nakatayo sa tabi ni Anessa. “Anything else, sir?” tanong ni Anessa. Hindi ito sumagot. Tumalikod lang at diretsong pumasok sa opisina. Napatitig lang si Anessa sa likod ni Bart na deretsong naglakad sa table niya at binagsak ang folder.Hindi maiwasan ni Anessa na mapakunot noo. Ang hirap talaga pakisamahan ang taong malamig na nga, bugnutin pa.
Isang mahinang ubo ang pumunit sa katahimikan. Napalingon si Anessa. Si Gabriel. Nakatitig din sa opisina ni Bart, halatang kabado. Hawak pa ang dibdib, at maikailang ulit bumuga ng hangin. “Akala ko po, malilintikan ako…” bulong nito, sabay kamot sa ulo. Napangiwi si Anessa. “Bakit mo naman naisip 'yon?” “Kanina kasi… nakita niyang hawak ko ang kamay mo… parang galit ‘e,” sagot nito, ininguso pa ang direksyon ng opisina ni Bart. Napatawa si Anessa. “Gano’n talaga ’yon. Parang laging galit. Masanay ka na.” Pabulong niyang tugon. Napangiti si Gabriel. “Sabi na ‘e, hindi totoo ang sabi-sabi…” “Sabi-sabing suplada ako, pero malandi?” sabat ni Anessa, ginawang biro ang sinabi nito. Napakamot ulit sa ulo ang binata. Awkward ang ngiti. At hindi na muling nagsalita. Muling napangiti si Anessa. “Depende na sa'yo ‘yon kung maniniwala ka agad sa mga sabi-sabi na hindi inaalam ang totoo.” Tumango si Gabriel. “Halata namang sinisiraan ka lang nila. Ilang beses pa lang kitang nakita, alam ko na agad na mabait ka.” Napailing si Anessa sa kadaldalan ng binata. Mukhang wala pa yatang balak bumalik sa trabaho. “Sige na, balik ka na sa trabaho bago pa tayo parehong masita at masesante. Oras pa ng trabaho, hindi pa chika hour,” sabi niya. “Sige po… See you, Miss Anessa,” paalam ni Gabriel, sabay kindat at kaway. Natawa’t gumanti na lang ng kaway si Anessa—hindi dahil kinilig siya, kundi dahil natuwa siyang may isa pang taong mabait sa kanya. Pinaniniwalaan siya, at hindi hinuhusgahan sa kabila ng mga bulung-bulungang naririnig. Nakakagaan sa pakiramdam. Bumalik siya sa mesa. Bumalik din ang katahimikan. Pero ang puso niya, maingay pa rin. Klaro pa rin sa alaala niya ang akala niyang emosyon sa mga mata ni Bart. Pero pilit niya itong iwaksi.Nag-focus siya sa trabaho. Inayos niya ang mga papeles, sinuri ang schedule sa monitor. Gusto niyang matapos na ang araw.
Habang abala, hindi sadyang napalingon siya sa direksyon ni Bart. At halos maubo siya. Nahuli niya ito sa akto, nakatayo sa loob ng opisina. Nakatitig sa kanya.
Napalinga-linga si Anessa. Sinisipat ang ang paligid, baka sa iba ito nakatingin, hindi sa kanya.
Kaya lang, hindi pa rin ito gumalaw. Hindi rin umiwas ng tingin. Isinuksok lang nito ang kamay sa bulsa.Napakunot ang noo ni Anessa. Muling gumuhit ang tanong sa puso niya—ano 'yon? Bakit niya ako tinitigan? Tama ba ang akala ni Gabriel? Galit ba siya?
Isang hibla ng pag-asa na naman ang sumibol sa puso niya, kahit pilit na niyang pinatay 'yon. Kahit anong pigil niya ang sarili, bumabalik pa rin. Nag-iwas siya ng tingin. Nag-focus uli sa ginagawa niya. Pinagagalitan niya ang sarili. Tama na nga ang umasa. Nakakapagod nang paulit-ulit masaktan. Nag-vibrate ang phone niya. Agad niyang dinampot. Si Jenny ang nag-text. May plano silang mag-dinner maka-unwind na rin. Tamang-tama ang text niya. Oras na rin mag-out sa trabaho. Niligpit na niya ang gamit. Tatayo na sana siya, nang biglang tumunog ang intercom. Napatingin siya sa opisina ni Bart habang pinipindot ang speaker. Nakaupo na ito, pero sa laptop na nakatingin. “Prepare the minutes for the next meeting. Deliver it before you leave.” Napapikit siya. 'Yong tamang paalis ka na, tapos may pahabol pang utos. Ang nakakainis, wala kang karapatang humindi o magreklamo. Tinext niya muna si Jenny. “Wait ka lang, may utos pa si boss.” Agad niyang sinimulan ang minutes. Paspasan, pero pulido. Kailangang walang mali. Pagka-print, tumayo siya’t kumatok sa opisina. “Sir, tapos na po 'yong pinagawa n'yo.” Inilapag niya ang minutes sa desk. “May iba pa po ba kayong ipapagawa?” magalang ang tono niya, pero utak niya, nagmumura. Naiinis. Hindi siya pinansin ni Bart. Nakayuko lang ito. Nakatutok sa laptop na parang walang narinig. “Kung wala na po, uuwi na po ako.” Bigla itong tumayo. Tiniklop ang laptop. “Sabay na tayo.” Napatigil si Anessa. Kumabog ang dibdib. Umawang pa ang bibig. “Ano po ‘yon, sir? Sabay tayo?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili. Napangiwi si Bart. “I mean, sabay tayong mag-out. Hindi sabay umuwi. 'Wag kang mag-assume.” Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Sapul ang puso niya. “Noted po,” sagot niya—kaswal, walang bakas ng sakit. Pagbalik sa mesa, pinatay niya ang computer. Gigil na parang si Bart ang pinapatay niya. Inayos niya na rin ang gamit. Pero nakikiramdam lang kung lumabas na ba si Bart ng opisina. Ayaw niyang makasabay ito. Nang bumukas ang pinto. Binagalan niya ang kilos. Sinasadya niyang ilabas ang mga gamit sa bag niya na may parang hinahanap. Ramdam na niya ang presensya nito sa likuran niya. Pero hindi siya lumingon. Kahit pa nag-iinit na ang batok niya, nagkunwari siyang hindi ito napapansin. Hindi rin ito nagsasalita, pero halatang naghihintay. Hanggang sa marinig niya ang mga hakbang. Palayo sa kanya. Saka lang siya huminga. Sinalansa lahat ng gamit niya sa bag. Saktong namang natapos siya ay dumating si Gabriel. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya. “Sinusundo ka po.” Ngising tugon ng binata. Napailing siya. Feeling close talaga. “Ready ka na po ba, Miss Anessa? Utos ni Ate Jen, sunduin ka.” “Ate Jen?” “Pinsan ko po si Jenny.” Ngumiti si Anessa. Kaya pala. Tumayo siya. Sabay silang lumakad papunta sa elevator, kasabay ang magaan na usapan. Parang nawala ang bigat ng araw dahil kay Gabriel na positive ang aura. Kaya lang, pagdating nila sa elevator, muling bumigat ang atmosphere—nandoon si Bart. May kausap sa phone. Nakaharap sa elevator. Agad rin itong pumasok nang bumukas.Nag-aalangan si Anessa na sumabay, pero hinawakan siya ni Gabriel giniya papasok.
Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Pero nag-iinit na ang batok ni Anessa na para bang may nag-aapoy na mga matang nakatingin sa kanya.
Gusto na niyang lumingon, pero pinipigilan ang sarili. Napalingon lang siya kay Gabriel nang sumagi ang braso nito sa kanya. Ngumiti ito. Matamis na ginantihan rin ni Anessa. Pagbukas ng pinto, nauna silang lumabas. Pero si Gabriel, lumingon pa. “Goodbye, Sir.” Bahagyang yumuko. Hindi sumagot si Bart. Hinila na lang ni Anessa ang binata. Mabilis ang lakad niya. Halatang gusto nang makalayo kay Bart. Sa lobby, sinalubong sila ni Jenny. Masigla. “Sa wakas!” sabay tapik sa balikat ni Gabriel. “Let’s go!” yumakap siya sa braso ni Anessa. “Saan tayo kakain?” “Anong oras ka uuwi?” Napatigil si Anessa nang makirinig ang tanong na ‘yon. Boses ‘yon ni Bart. Nag-rumble agad ang isip niya. Sumabay pa ang pagwawala ng puso niya. Siya ba ang tinatanong? Dahan-dahan siyang lumingon. Hindi sure kung ano ang aasahan. “I’ll wait for you…” Napangiti siya. Mapait. Agad nag-iwas ng tingin. Another false alarm! May kausap si Bart sa telepono. ‘Yon ang tinatanong niya. ‘Yon ang gusto niyang makasama. Hindi siya. Hinila na siya nina Jenny at Gabriel palabas ng gusali. Nang makalayo sila, saka lang siya muling nakahinga. Saka lang kumalma ang puso niyang walang kadala-dala. Natanong niya ang sarili. Hanggang kailan ba ako magpapaloko sa sariling damdamin? Kailan ko ba matatanggapin na hindi ako mahal ni Bart? Hindi niya ako magugustuhan—na kahit pa yata mawala siya sa buhay nito, walang mababago. Patuloy na iikot ang mundo nito.Hello sa mga sisilip, sa mga patuloy na magbabasa at sasama sa journey nina Anessa at BArt hanggang wakas. Sana magustuhan n'yo ang bawat pahina ng buhay nila...SAlamat!
Parang isang kisap-mata, agad naglaho ang emosyong sumilip sa mata ni Bart kanina—'yong emosyon na saglit nagbigay-buhay sa puso ni Anessa. Pero nang bumaba ang tingin nito sa hawak niyang folder, naintindihan niya agad. Hindi iyon emosyon. Curious lang ito sa dokumentong dala ng intern.Inabot niya ang folder. “File from Sales Marketing, sir,” mahinahong sabi niya, pinilit panatilihin ang propesyonal na tono. Tinanggap ni Bart ang folder. Walang tanong. Wala ring pasasalamat. Tumingin lang ito kay Gabriel, na tahimik pa ring nakatayo sa tabi ni Anessa. “Anything else, sir?” tanong ni Anessa. Hindi ito sumagot. Tumalikod lang at diretsong pumasok sa opisina. Napatitig lang si Anessa sa likod ni Bart na deretsong naglakad sa table niya at binagsak ang folder. Hindi maiwasan ni Anessa na mapakunot noo. Ang hirap talaga pakisamahan ang taong malamig na nga, bugnutin pa. Isang mahinang ubo ang pumunit sa katahimikan. Napalingon si Anessa. Si Gabriel. Nakatitig din sa opisina ni
Ang mga dingding ng opisina ay gawa sa salamin—hindi lang literal, kundi pati damdamin. Sa bawat tingin, sulyap, at bulungan, hindi mo kailangan ng mikropono para marinig ang panghuhusga.At si Anessa, araw-araw, humaharap sa salamin ng panghuhusga."Bart, here’s the marketing proposal you asked for."Boses iyon ni Kyline. Masigla, pino, punong-puno ng extra effort.Kitang-kita ni Anessa mula sa labas ng opisina ang bawat galaw ni Kyline. Sadyang iniangat pa nito ang mini pencil skirt habang inilalapag ang folder sa mesa ni Bart. Kumindat pa ito at ngumiting may malisya.Walang imik si Bart. Saglit lang na tiningnan si Kyline at tahimik na kinuha ang folder. Walang emosyon.Hindi alam ni Anessa kung talaga bang hindi gusto ni Bart ang ginagawa ni Kyline o nagkukunwari lang na hindi, dahil alam niyang nakikita sila sa labas. Pero si Kyline walang paki. Para siyang spring season sa taglamig. She bloomed—with intention."Bart, kung may gusto kayong ipabago, I can personally walk you thr
Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana na simulan ang araw.Pero sa pagitan nina Anessa at Bart, ni walang pormal na kasunduan sa setup ng kanilang lihim na kasal. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikang unti-unting pumapatay sa pag-asa ni Anessa.Sa opisina, si Bart ay perpektong CEO—professional, sleek, commanding. Sa kanya, walang espasyo ang drama. Lalo na ang personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa asawa niyang si Anessa, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado.“Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig na utos ni Bart, hindi man lang siya tiningnan.At halatang wala rin itong balak magpaliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi.“Yes, sir,” mahinang sagot ni Anessa. Kagat niya ang dila, pinipigil ang sarili. Dahil kahit asawa siya nito, wala siyang karapatang magtanong. Bawal makialam. Bawal
Muli niyang kinuha ang cellphone at muling tinitigan ang larawan nila ni Bart. Larawang hindi man lang sila nakaharap sa camera. Nakaw na kuha lang Bettina pero hindi niya kayang i-delete, kahit kailan. Kahit wala ni konting ngiti sa labi o kislap sa mata si Bart mahalaga pa rin ito sa kanya. Pero habang tinititigan niya ang litrato. Lalo siyang nadudurog sa katutuhanang ang kasal nila ay walang saya. Isang kasal na hindi selebrasyon.Napangiti si Anessa. Mapait. Sa likod ng larawang ‘yon, buhay pa rin sa isip niya ang bawat detalye ng araw na 'yon—araw na pinangarap niya buong buhay niya, pero naging araw ng tahimik na pagtanggap.Sariwa pa sa alaala niya ang pagpasok nila sa maliit na opisina ng civil registrar. Sa halip na red carpet, ay linoleum floor. Sa halip na bulaklak, ay lumang stand fan ang umiikot sa gilid. Isang lamesa, ilang plastik na upuan, at isang mayor na halatang minamadali ang seremonya.“Do you, Barton Martino Divinagracia, take Anessa Lacosta to be your lawful
Ang unang araw ni Anessa R. Lacosta bilang executive secretary ng CEO ng Divinagracia Interprises ay hindi ordinaryo.Mukha siyang kalmado habang nakatingin sa salamin ng elevator. Maayos ang suot, banayad ang ayos ng buhok, at mahinhing nakapulupot ang ID sa leeg. Pero sa ilalim ng kanyang ivory silk blouse, binabayo ang dibdib niya ng kabang hindi maawat. Ang kamay niya, mahigpit ang kapit sa folder na puno ng schedules, company protocols, at notes.Lahat ng kailangan niya para maging perpekto ang unang araw ay dala na niya. Pero may isa pang papel na hindi niya maaaring ibunyag.Hindi lang siya bagong hire. Hindi lang siya sekretarya. Asawa siya ng boss. Asawa siya ni Barton “Bart” Divinagracia.Pero wala dapat ni isang makakaalam niyon.Pagbukas ng elevator, sinalubong siya ng malamig na ambience ng 15th floor. Floor-to-ceiling glass walls, minimalistong mga mesa, at katahimikang tila nang-aamoy ng intruder. Lumingon sa kanya ang ilang empleyado. May bahagyang bulungan, mabilis d
Divinagracia Interprises, 15th Floor – CEO’s OfficeAng tunog ng stiletto heels ni Anessa Lacosta-Divinagracia ay parang tibok ng pusong buo na ang desisyon. Matibay. Determinado.Dalawang dokumento ang hawak niya. Isang resignation letter.Isang annulment petition.Dalawang papeles, pareho ang nilalaman. Paglaya.Huminga siya ng malalim. Nasa pintuan na siya ng opisina ng CEO. Isang pamilyar ngunit malamig na silid na parang salamin ng relasyon nila. Walang emosyon, walang init.Kumatok siya. Isang beses. “Come in,” malamig na tugon mula sa loob. Boses na pagod na siyang pakinggan. Sawa na siyang marinig.Bumukas ang pinto. At naroon siya. Si Bart Divinagracia. Ang CEO niya. Ang Kanyang asawa, ngunit kailanman hindi siya minahal.Nasa harap siya ng desk, tiklop ang mga kamay, nakatitig sa laptop. Hindi man lang tumingin sa kanya. “Sir,” mahinahon ngunit matatag ang boses ni Anessa.Tumigil sa pag-type si Bart. Dahan-dahang tumingala. Ang malamig niyang mata, bahagyang nagulat, pero