“Ready ka na ba, hija?”
Boses iyon ni Mama Bettina. Warm, elegant, and full of maternal pride. Hindi mo mararamdamang siya’y isang mayamang haciendera at makapangyarihan ang pamilya. Sa kabila ng dami ng pera’t tanyag na pangalan, ang puso niya ay nanatiling mabuti at malapit sa amin ng nanay ko.Isang beses sa isang buwan ay ini-imbita niya kami ni Bart sa hacienda. Para raw makasama ko naman si Mama, at syempre siya.
Bukod do’n, kinukumusta rin nila ang pagsasama namin. Aware nga sila sa sitwasyon namin no’ng una.
Kaya sa buong araw na nado’n kami, doon lang ako tinuturing na asawa ni Bart. Nagpapanggap na okay kami, masaya ang pagsasama namin sa harap nila.
“Yes po, Mama Bettina. Handa na po ako.”
“Good! Dinner’s at six sharp. Huwag kayong ma-late ng asawa mo, ha.”
Napangiti ako na parang kaharap siya. Hindi dahil excited akong makasama si Bart, kundi dahil sa salitang asawa mo.
Ang sarap sanang pakinggan kung ‘yon ang trato niya sa akin. Pero hindi.
Matamlay akong lumabas ng kwarto. Nag-iisip kung paano, yayain si Bart na aalis na kami. Bumuga ako ng hangin nang datnan ko siya sa sala. Handa na rin siya. Bihis na, pero nakatutok naman sa laptop.
Lumapit ako. Sinadya ko na lang magpakita. Hanggang ngayon pa rin kasi ay nag-aalangan pa akong kausapin siya. Maliban na lang kung nasa opisina kami. Wala akong choice do’n ‘e.
“Ready ka na?” tanong niya.
“Hmm…” sagot ko.
Agad siyang tumayo. Naunang nagtungo sa pinto. Iniwan ang mga regalong dadalhin namin sa hacienda.
Nakagat ko na lang ang labi ko. Nakakagigil talaga. Tatlong malalaking paper bags ang binitbit ko. Habang siya, bayag niya lang na malaki… tablet pala.
Tahimik kong nilagay sa backseat ang mga bitbit ko. Siya, tahimik lang din. Hawak na ang manibela.
Kung noon, sinusubukan ko pa na magbukas ng usapan, pipilitin maging masaya ang byahe, hindi lang kami ma-bored, ngayon tahimik na rin ako. Ayaw ko nang gaguhin ang sarili ko.
Mas gusto ko pa ngang matulog na lang, o tingnan ang aming nadadaanan kay sa kausapin ang lalaking dinaig pa ang robot. Walang damdamin. Walang pakisama.
Sa ngayon, ang mahinang musika lang mula sa radio ang tangi naming naririnig.
Matapos ang mahigit dalawang oras, ay nakarating din kami sa hacienda Divinagracia sa Batangas.
Paghinto ng kotse. Agad nagbago ang ekspresyon sa mukha ng Bart. Ngumiti sa akin—napangiwi akong hindi sadya. Lagi na namin itong ginagawa, pero hindi pa rin ako sanay. Lalo’t biglang bait siya. Parang ang lambing na.
Bumaba siya, kinuha ang mga paper bags sa backseat. Bumaba na rin ako. Tinitingnan siya.
Pero hindi ko naman maiwasan ang mapangiti. Tago nga lang. Kung kanina kasi ako ang bumitbit ng mga pasalubong, ngayon ay siya na.
“Let’s go…” Napasinghap ako. Bigla niyang niyapos ang baywang ko. Pinisil pa.
Napakurap-kurap pa ako nang sandali siyang tumitig sa akin. Titig na ang ibig sabihin… simula na ng acting.
Ngumiti kami sa isa’t-isa. Pero halatang parehong naiilang sa pagpapanggap naming dalawa.
“Anessa, Anak! Kumusta?”sabi ni Mama Analita. Niyakap ako. Ngiting-ngiti siya. Hindi maipagkaila ang saya nang makita ako.
Si Bart naman ay nagmano kay Mama nang kumalas kami sa pagkakayap. Halik sa pisngi naman ang bati sa amin ni Mama Bettina.
“Tara na sa loob, handa na ang pagkain,” aya nila sa amin. Kilos niya, ang sigla. Katulad ni Mama, masaya rin siya na makita kami ng anak niya.
Nagtipon kami sa malaking dining table na punong-puno ng pagkain. Syempre hindi nawawala ang paborito kong leche flan. Kaya lang, parang hindi man lang ako natakam sa nakahain sa aming harapan. Siguro naumay na ako sa masasarap na pagkain o hindi kaya dahil katabi ko si Bart.
Sa bahay kasi, hindi kami sabay kumain. Basta, never naming ginagawa ang mga bagay na gawain ng mag-asawa.
Pero ngayon, ang lambing nga niya. Dinaig niya pa ang leche flan sa tamis. Parang totoong mahal niya ako.
Hindi tuloy mawala ang tingin ko sa kanya. Nagbabalat siya ng shrimp at nilalagay sa plato ko ang nabalatan niya.
Kaya lang, hindi na ako natutuwa ‘e. Hindi na ako ‘yong dating Anessa na ngingiti agad—dadagundong ang puso, kapag ganito siya ka-sweet at ka-alaga.
“So, mga anak…” agaw ni Mama Bettina sa pansin ko.
Ngiting-ngiti siya. Kakaiba ang tingin sa akin. Parang kinikilig sa ka-sweet-an namin ni Bart.
“Ano po ‘yon, ‘Ma?” Nilantakan ko na ang binalatang shrimp ni Bart.
“Kailan niyo kami bibigyan ng apo?” pabirong tanong ni Mama Bettina habang inaabot ang baso ng wine.
Awtomatikong nabitawan ko ang tinidor. Sabay lingon kay Bart. Naubo kasi. Mas gulat pa sa akin ‘e. Paano nga kasi, wala ngang nangyayari sa amin.
Hinaplos ko na lang ang likod niya. Pero ang totoo, mas masarap siyang batukan.
“Tubig, asawa ko…” Inabot ko sa kanya ang baso.
Uminum naman siya, pero ang tingin ay nasa Mama na niya.
“‘Ma, wala pa po sa plano namin.” Patuloy ako sa paghaplos sa likod ni Bart. Mukhang hirap pa rin kasi siyang magsalita. "Busy po pa ang asawa ko. Ako rin po, may trabaho na.”
Napabuga ng hangin ni Mama Bettina. Dismayang tumitig sa amin. “Mga anak, alam namin na busy kayo. Kaya lang, nakikita n’yo naman. Tumatanda na kami.” Lumingon siya kay Mama Analita na malamang ay suportado rin ang ideyang gusto nang magka-apo.
“Hindi namin kayo, pini-pressure mga, Anak. Pero sana… Bago man lang kami pumanaw. Maranasan man lang namin maging lola. Mayakap man lang namin ang aming apo…”
Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko na alam ang sasabihin.
“ ‘Ma…” Napalingon ako kay Bart. Humawak kasi sa kamay ko. Pero wala sa akin ang tingin. Nasa mga mama niya.
Ako, hindi na maalis ang tingin sa kamay niya na pinipisil-pisil ang akin.
Akmang babawiin ko ang kamay ko, pero humigpit lalo ang paghawak niya. Sumulyap pa sa akin sandali. Ngumiti.
Tuloy, puso ko nagwawala na naman. Hindi na nadadala.
“ ‘Wag po kayong mag-alala. Bibigyan din namin kayo ng apo. Kahit ilan pa ang gusto niyo.”
Hindi sadyang napatitig ako sa kanya. Alam kong biro lang ‘yon. Na sinasabi niya lang ‘yon para hindi na kami kukulitin ng aming mga magulang. Pero kung pakikinggan, para siyang seryoso. Parang gusto niya talagang bigyan sila ng apo.
“Narinig mo ‘yon?” sabi ni Mama Bettina kay Mama Analita.
Tuwang-tuwa ang magkumare. Kanina, wala pa silang ganang kumain. Ngayon napapalapak pa at sabay sumubo.
Si Bart sumulyap ulit sa akin, sabay bitiw sa kamay ko. The show is over. Kaya bitiw na.
Pagkatapos ng hapunan nag-aya naman silang tumambay sa veranda.
“Excited na akong mahawakan ang apo ko…” sabi ni Mama Bettina.
“Sino ba ang hindi excited…” ngiting sagot naman si Mama Analita.
Napangiti na lamang ako. Pero hindi ko naman mapigil ang sariling mapasulyap kay Bart. Nasa sariling mundo na naman kasi siya. Abala sa kanyang tablet.
Naintindihan ko naman siya. Alam kong tutok siya sa mga projects ng company. Ayaw niyang makalusot na anumalya. O may nakakaligtaan na mahalagang bagay. Kaya gusto niya, lagi siyang updated sa lahat ng oras.
Kaya lang, kahit um-effort siya na mapaganda ang acting namin sa tuwing kasama ang aming mga magulang. Ramdam ko pa rin ang kakaibang lamig mula sa kanya. Lamig na sinubukan kong painitin, pero hindi ko nagawa hanggang ngayon.
“Anak…” Hinawakan ni Mama Analita ang kamay ko. “Masaya ako sa nakikita ko ngayon. Maayos ang pagsasama n’yo ni Bart.”
Ngumiti ako. Hinawakan din ang kamay niya. Pero hindi na ako sumagot. Niyakap ko na lang siya. Ayaw ko nang dagdagan ang kasinungalang ginagawa namin.
“Akala ko, mali na pumayag ako sa kasal n’yo…” Lumingon siya kay Mama Bettina.
Hinaplos naman nito ang balikat ng kaibigan niya. “Ana, cold, distant nga ang Anak ko. Pero hindi siya masamang tao. May puso siya. Hindi niya lang alam kung paano gamitin. Kailangan niya lang ng tamang babae na magpapainit ng puso niya. At si Anessa ‘yon.”
Napahaba na lang ang nguso ko. Kung alam lang nila…
Pero sa ibang banda, tama naman si Mama Bettena. May puso si Bart. Balot nga lang ng makapal na yelo na hindi ko matunaw-tunaw.
“Tama na nga ang drama…” natatawang sabi ni Mama Analita. Hinaplos niya ang pisngi ko.
Napalingon naman ako nang pamansin kong tumayo si Bart. Tumingin sa relo niya.
“Uwi na tayo?” tanong ko. Malambing ang tono.
“Dito na kayo matulog,” sabat ni Mama Bettina.
Sabay kaming napatingin sa kanya.
“Gabi na. Malayo ang byahe. At saka, delikado ang bumyahe ng gabi.” Tumayo siya. Lumapit kay Bart at matalim na tinitigan.
“ ‘Ma, may maagang meeting si Bart bukas… hindi pwedeng wala siya.” Ako na ang unang umangal. Kasi kapag si Bart. Masakit.
At saka, minsan nga walang buto ang dila niya. Deritsahan siya kung magsalita. Parang train na walang preno. Walang pakialam kung nakakasakit ng damdamin. Ayaw kong magtampo na naman si Mama sa kanya.
Isang beses sa isang buwan nga lang kami nagkakasama—magkakasamaan pa ng loob.
“Mga Anak, mas mahalaga ang buhay kay sa meeting,” giit ni Mama Analita.
Lumingon si Mama Bettina kay Bart. Dinuro niya ito. “Bukas na kayo umuwi. Pagod ka na sa byahe papunta rito.” Madiin ang pagkakasabi ni Mama Bettina. Hindi na binigyan ng pagkakataon si Bart na tumanggi.
“ ‘Ma…”
“Sige po, bukas na kami, uuwi…” sagot ni Bart na ikinagulat ko. Ipagpipilitan ko pa nga kasi sana na uuwi kami.
“Sigurado ka?” Kunot-noo ko siyang tinitigan.
Gusto ko pa sanang itanong kung bakit siya pumayag. Pero hindi na siya tumingin sa akin. Muli siyang umupo at tumutok na naman sa tablet niya.
“Ipapahanda na namin ang kwarto n’yo…” excited sila.
Nag-utos sa mga katulong na ihanda ang aming kwarto. Noon pa kasi nila gustong mag-stay kami rito sa hacienda. Pero dahil madalas maaga kaming pumupunta rito, may time pa kaming umuwi.
Pero ngayon. Sinadya nilang i-set sa dinner time ang pagbisita namin. Kesyo may mahalagang lakad sila kanina.
“Pwede na kayong magpahinga. Handa na ang kwarto,” nakatingiting sabi ni Mama Bettina. Hinila ako patayo at dinala sa kwarto. Saglit namang napatingin sa amin si Bart.
“Nakahanda na rin ang pantulog n’yo,” sabi naman ni Mama Analita. Kalalabas lang niya sa kwarto.
Napakunot-noo tuloy ako.
Ang wierd ng mga magulang namin. Para akong hinahain sa hayop na hindi kumakain karne.
Wala na akong nagawa kundi pumasok na nga lang sa kwarto.
Pumasok ako sa banyo. Dali-daling naligo at nagbihis. Suot ko na ang itim na nighties na hinanda nila.
Ayaw ko sanang isuot ‘to, pero wala naman akong damit dito. At sure ako na hindi rin papayag si Mama na humiram ako ng damit sa kanya.
Humiga na ako. Binalot ang katawan sa kumot, at pumwisto sa gitna. Kampante akong hindi tatabihan ni Bart.
Mahigit isang taon na nga kaming mag-asawa at ni minsan hindi pa kami nagkakatabi sa kama.
At saka, nahihiya nga akong makita niya itong suot ko. Baka akalain na inaakit ko siya.
Napagil ko ang hininga ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nagkunwari akong tulog. Tiim na tiim ang mata, sinadyang i-awang ang bibig.
Pero pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw niya. Pumasok siya sa banyo. Maya maya ay rinig ko na ang lagaslas ng tubig.
Ilang minuto lang, nawala na ang lagaslas at bumukas ang pinto.
Pigil hininga ako habang nakikiramdam sa kanya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang ilang minuto na ay wala pa rin akong napansing paggalaw.
Siguro, humiga na rin siya sa sofa.
But, sh*t!
Gumalaw ang kama. Alam kong nakaupo na siya sa gilid. Maya maya ay gumalaw pa. Humiga na siya sa tabi ko. Kagat-kagat ko na ang labi ko. Pigil hininga. Ang lakas pa ng dagundong ng puso ko.
Ano ba ang pumasok sa utak niya, at tumabi siya sa akin ngayon?
Then, inangat niya ang kumot.
Napaigtad ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kumot. Parang nakipag-agawan.
“Anong ginagawa mo?” Ayon… nabisto ang pagkukunwari kong tulog.
Nanlaki ang mga mata kong hinarap siya. Sinimangutan ko pa.
Imbes na sumagot. Umangat ang sulok ng labi niya. Tumagilid paharap sa akin. Malakas na hinablot ang kumot kasama ako.
“Bart!” singhal ni Anessa pero ang tingin na kay Jyrone na bumagsak sa sahig matapos ko siyang itulak.Nagulat ang lahat. May mga napasinghap, may mga napaatras. May nagbulungan.Si Anessa… nag-panic. “Jyrone!” mabilis siyang lumuhod sa tabi nito, hawak ang braso, at tinutulungang bumangon.Nahagod ko ang buhok ko. Kita ko kasi ang pag-aalala sa mga mata niya na para bang isang babasaging bagay si Jyrone.Hindi ako nakagalaw. Halos hindi ko kayaning makitang concern siya sa ibang lalaki. Parang hinihiwa ang puso ko. Ako dapat ’yon ‘e. Ako ang dapat pinahahalagahan niya, hindi ibang lalaki.“Jyrone… are you okay?” tanong niya. Hindi maalis ang tingin kay Jyrone na halatang hindi naman nasaktan—nagpapanggap lang.Pero ang sakit!Ganito rin ba ang naramdaman niya noon tuwing nakikita niya akong malapit kay Kyline?“Wala bang masakit sa’yo?” tanong niya kay Jyrone na nakatayo na, nagpagpag, at tinulungan naman ni Anessa.Maya maya ay hinarap ako—galit, matalim ang mga mata.“Why did you d
Tahimik akong nakatayo sa gitna ng restaurant. Ang daming tao, pero parang wala akong marinig kundi ang sariling tibok ng puso ko. Lahat sila, busy sa kanya-kanyang usapan, masayang kumakain kasabay ang malamlam na musika mula sa live pianist. Pero ako, parang napako ang mga paa sa kinatatayuan. Tingin ko, hindi maalis sa direksiyon nina Anessa at Jyrone.Magkaharap silang nakaupo sa pandalawahang mesa. Hindi na hawak ni Jyrone ang kamay ni Anessa—binawi kasi agad ng asawa ko. At sa ginawa niyang ‘yon, sa simpleng pagbitaw na iyon, may kaunting gaan akong naramdaman. Parang may bumulong sa tainga ko… Hindi pa sila. Hindi pa tuluyang nahulog si Anessa sa kanya. May pag-asa pa ako.Sa wakas, nagawa ko nang igalaw ang mga paa ko. Nagsimula na akong humakbang, layuning lapitan sila. Kausapin si Anessa, ilalayo kay Jyrone. Pero bago pa man ako makalapit, may sumulpot sa harap ko.“Sir Bart…” si Pilar, ang secretary ko. Nakangiti siya, pero halata ang kaba sa mata niya. Suminyas siya sa m
Nakatitig lang ako sa loob ng condo unit namin. Ang tahimik. Wala ni isang galaw. Wala si Anessa. Wala ang presensya niya, wala ang magalang na boses niya sa tuwing tatawagin niya ako. Maging sa opisina, pareho ang pakiramdam ko. Buong araw akong matamlay. Ayaw ko man aminin, pero hinahanap ko siya. Napalingon ako sa dati niyang desk, at nang makita kong iba na ang nakaupo ro’n, napahawak ako sa noo. Hinagod ko ang buhok, saka madiing isinandal ang likod ko sa swivel chair.Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili… Kailan nawala ang pagmamahal niya? Kailan pa siya nagsimulang magdesisyon na hiwalayan ako?“Damn it,” napamura ako habang napahilamos sa mukha.Bumalik ang mga alaala—lahat ng pasakit na ibinigay ko sa kanya. Hindi ko naman talaga gustong gawin iyon… pero ginawa ko. Nagpakatarantado ako dahil kay Kyline. Dahil ayaw kong masaktan ang babaing akala ko’y nagligtas sa akin noon. Pero hindi pala siya.Si Anessa pala.Malakas kong nahampas ang mesa. Naalala ko ang sinabi ni Mama An
BART Para akong nahimasmasan nang maramdaman ang marahang haplos sa likod. Napasinghap ako. Sandaling natigilan, at sa isang iglap, sumilay ang ngiti sa labi ko. Naisip ko kasing si Anessa ang nasa likuran ko. Bumalik siya. Mahal nga niya ako, kahit ilang ulit ko siyang tinulak, kahit gaano kalamig pa ang pakikitungo ko at kahit itinuring ko lang siyang secretary, hindi niya ako kayang iwan. Hinanda ko ang ngiti ko. Lumingon, pero laking dismaya ko nang hindi siya ang nakita ko. Si Kyline. Para akong nanlata. Nanghina ang mga tuhod ko. Nawala rin ang matamis na ngiting hinanda ko. “Bart?” Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Kyline. “What’s wrong? Who are you looking for?” Napalinga-linga siya. Umiling lang ako. Wala akong lakas sumagot. Lumakad ako palayo, mabagal. Wala akong panahon na sagutin ang tanong niya. Patakbo naman siyang sumunod. Humawak siya sa braso ko, diniin ang pisngi niya roon—isang gesture na pamilyar, matagal nang ginagawa niya. Na laging hinahayaan ko lang, ka
BART Mahigpit ang hawak ko sa dalawang sobre. Pero ang tingin ko ay nasa pinto kung saan lumabas si Anessa. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang kausapin, pero wala akong lakas ng loob. Pakiramdam ko, wala akong karapatan. Napatingin ako sa dalawang sobreng hawak ko. Ang gaan lang nito, pero pakiramdam ko ang bigat. Parang sumikip ang dibdib ko sa bigat ng mga salitang nakasulat roon. Mas matagal akong napatitig sa puting sobre—’yong binuksan ko kanina, ’yong iniabot ng mailman sa condo. Hindi ko man lang binigyan ng pansin. Akala ko isa lang ’yon sa mga summon ng project na palpak na naman. Initsa ko lang sa corner table at agad umalis. Ngayon, halos makuyumos ko na ang sobre. Paulit-ulit kong nahagod ang buhok ko, parang gusto kong bunutin lahat para lang maibsan ang bigat na nararamdaman. Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang laman ng sobre o ang katotohanang iniwan na ako ni Anessa. Magtatapos na ang lahat sa amin. Napangiti ako nang mapait. Dapat masaya ako. Kasi tam
Palabas na sana ako ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Pero napahinto na lang ako sa bungad nang makita ko si Bart na naglakad papunta roon. Bahagya pa siyang lumingon sa akin, mabilis lang, saka agad binuksan ang pinto.Kita ko na isang mailman ang nasa pinto, may iniabot na sobre. Natanaw ko pa sandali na may pinirmahan si Bart, pero bago pa matapos, bumalik na ako sa loob. Wala na akong balak makialam, o alamin kung ano ’yong sulat na natanggap niya.Nagbihis ako. Walang pagmamadali. Saglit akong humarap sa salamin at ngumiti. Buo na ang desisyon ko—ano mang mangyari, isusumite ko na ang resignation letter ko.Napalingon ako sa maliit na luggage sa gilid ng closet. Ang huling maleta ko na naglalaman ng natitira kong gamit.Paglabas ko ng kwarto, wala na si Bart. Gaya ng nakasanayan ko, katahimikan ang bumungad. Napangiti naman ako. Ito rin kasi ang gusto ko—ang umalis nang walang gulo, walang argumento, walang sagabal.Nilibot ko muna ang paningin sa buong silid na naging saksi s