LOGINSa alaala ni Aleya, laging sumusunod si Mauren sa kanyang Ama.
Kapag sinabi nitong hindi mangyayari, tiyak na hindi nga ito magaganap.
Sa wakas ay gumaan din ang pakiramdam ni Aleya.
Naging masigla na siya, at tumatalon-talon pa siyang pumasok sa loob ng bahay habang sinasabi kay Manang Lita na nais na niyang maligo.
"Okay po, sige po." sunod-sunod na sagot ni Manang Lita, at habang naaalala ang ipinagbilin ni Mauren inabot niya ang sobre kay Samuel: "Sir, ito po ang ipinapabigay sa inyo ng Madam."
Kinuha ito ni Samuel at walang gaanong pag-aalinlangang nagtanong: "Nasaan siya?"
"Ah... Nag-impake po ang Madam at umuwi na pabalik sa Valencia kaninang tanghali, hindi niyo po ba alam?" marahang sagot ni Lita.
Natigil si Samuel habang paakyat na sana, saka lumingon at nagtanong, "Umuwi?"
"Opo." tumango si Manang Lita.
Bakit nga ba biglang pumunta si Mauren sa Buenavista? Hindi man lang binigyan ni Samuel ng pagkakataong magpaliwanag ang kanyang asawa.
Wala siyang pakialam.
Kaya't nang mabalitaan niyang umalis na ito, ni hindi man lang ito pinag-isipan nang malalim.
Maging si Aleya ay may bahid ng pagkagulat.
Nang marinig iyon, nakaramdam siya ng kaunting panghihinayang.
Naisip din niya na kung hindi naman sasama ang kanyang ina sa paglalakbay nila ng kanyang ama bukas, mas maganda sana kung makakasama niya ito sa gabi.
Bukod dito, madaling sumasakit ang kanyang mga kamay tuwing pinapakinis niya ang mga kabibe, kaya gusto sana niyang tulungan siya ng kanyang ina upang matapos niya agad ito!
Ilang buwan ding hindi nagkita sina Samuel at Mauren. Sa wakas ay nakadalaw rin si Mauren. Ngunit ni hindi man lang ito nakausap o nakasama ng kanyang asawa.
Dahil naalala ni Manang Lita na tila may kakaiba sa itsura ni Mauren noong umalis ito, hindi niya napigilang paalalahanan si Samuel: "Sir, medyo hindi po maganda ang ekspresyon sa mukha ni Madam kanina, mukhang galit po siya."
Akala ni Manang Lita ay may mahalaga at kagyat na gawain lang si Mauren kaya nagmadali itong umuwi sa Valencia.
Ngunit ngayong nalaman niyang wala palang kaalam-alam si Samuel sa pag-alis at pag-uwi nito, doon pa lang niya napagtanto na may hindi tama sa mga pangyayari.
Galit?
Laging mahinahon at mapagparaya si Mauren sa harapan niya.
Hindi niya akalain na nagagalit din pala siya?
Bago iyon, hindi pa niya ito nakikita o nararanasan.
Ngumiti lamang si Samuel na parang walang halaga ang sinabi, sumagot kay Manang Lita sa paraang tila wala siyang gaanong pakialam, at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.
Pagbalik sa kanyang silid, bubuksan na sana niya ang sulat na ibinigay ni Mauren nang tumawag si Monica. Matapos sagutin ang tawag, walang pag-aalinlangang itinabi ng lalaki ang sobre at tumalikod upang umalis.
Ilang sandali pa, nahulog ang sobre sa sahig sa tabi ng kanyang kama.
Hindi na bumalik pa si Samuel noong gabing iyon.
Kinabukasan, nang umakyat si Manang Lita upang maglinis, nakita niya ang sobre na nakahandusay sa sahig, at nakilala niya ito, ito ang ibinigay niya kay Samuel noong nakaraang araw, na ipinagbilin sa kanya ni Mauren.
Akala niya ay nabasa at nakita na ito ni Samuel, kaya inilagay na lang niya ito nang walang gaanong pag-aalinlangan sa kabinet na katabi niya.
Gayunpaman, sa kabilang dako. Pagkababa ng eroplano, dumiretso si Mauren sa itaas upang ayusin at pulutin ang kanyang mga gamit.
Sa loob ng anim na taon, marami rin siyang naiwan at naipong mga gamit sa loob ng bahay.
Ngunit kumuha lamang siya ng ilang hanay ng damit, dalawang uri ng mga gamit na pang-araw-araw, at ilang aklat na may kinalaman sa kanyang propesyon.
Matapos ang kanilang kasal, nagbibigay si Samuel ng pera para sa kanilang pangangailangan ng kanilang anak bawat buwan.
Ang halagang ito ay inilalagay sa dalawang magkahiwalay na kard.
Ang isa ay nakapangalan sa kanya, at ang isa naman ay para sa kanilang anak.
Ngunit si Mauren, karaniwang sarili niyang kard ang ginagamit niya sa lahat ng kanyang binibili.
Ni hindi niya ginalaw o ginamit kahit minsan ang kard ng kanyang anak.
Bukod dito, dahil sa kanyang pagmamahal kay Samuel, sa tuwing namimili siya, hindi niya maiwasang bumili ng mga damit, sapatos, palamuti sa manggas, kurbata, at iba pang mga bagay na bagay kanya.
Samantala, para sa kanyang sarili, dahil sa kanyang trabaho, hindi naman malaki ang kanyang mga ginagastos araw-araw. Buong-buo ang kanyang pag-aalay ng sarili para sa asawa at anak, at nais niyang maibigay sa kanila ang pinakamagagandang bagay. Kaya’t ang malaking bahagi ng perang ibinibigay sa kanya ni Samuel ay ginugugol niya para sa mag-ama.
Dahil dito, inaakala niyang hindi na gaanong marami ang natitirang halaga sa kanyang kard.
Gayunpaman, sa loob ng humigit-kumulang isang taon, mula noong tumira ang kanyang anak kasama si Samuel sa Buenavista, lalong nabawasan ang mga pagkakataong makabili siya ng mga bagay para sa kanila.
Mahigit tatlumpung milyon pa ang natitira sa kanyang account.
Hindi ito mahalaga o pinapansin ni Samuel, ngunit para kay Mauren malaking halaga ito para sa kanya.
Dahil sa tingin niya ay sa kanya naman talaga ang pera, walang pag-aalinlangang inilipat ito ni Mauren sa ibang account.
Iniwan na lang niya ang dalawang kard, binuhat ang kanyang mga dala, at umalis nang hindi man lang lumingon pa.
May sarili siyang bahay na hindi kalayuan sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Hindi ito kalakihan, mahigit isandaang metro kuwadrado lamang ang sukat nito.
Binili niya ito apat na taon na ang nakalilipas upang matulungan ang isang kaibigang umalis ng tahanan na itaguyod ang sariling negosyo, at ni minsan ay hindi pa siya doon tumitira.
Ngunit ngayon, napatunayang kapaki-pakinabang na rin niya ito.
Dahil araw-araw itong nililinis noon, hindi naman ito marumi. Sapat na ang simpleng pag-aayos lamang upang matirhan na ito.
Pagkatapos ng mahabang oras, naghilamos at naligo si Mauren, at humiga na sa kanyang silid upang magpahinga nang bandang alas-dies ng gabi.
"Tang-tang, tang-tang, tang-tang—"
Ang matinis na tunog ng orasan ay biglang gumising kay Mauren mula sa kanyang pagtulog.
Dahil sa biglaang pagkagising dulot ng ingay, saglit na nag blanko ang kanyang isipan.
Nang maging malinaw na muli ang kanyang isipan, bigla niyang naalala na ala-una ng madaling araw na rito, na katumbas ng makalipas nang kaunti ang ikapito ng umaga sa Buenavista kung saan naroon sina Samuel at ang kanyang anak.
Ito ang karaniwang oras ng kanilang almusal.
Mula noong sumama ang kanyang anak kay Samuel sa Buenavista, karaniwang tumatawag siya sa kanyang anak sa ganitong oras.
Gayunpaman, madalas siyang pagod galing sa trabaho at sanay nang matulog nang maaga. Dahil ayaw niyang makaligtaan ang pagkakataong makausap ang bata sa telepono, itinakda niya ang orasang ito.
Nang sumama ang kanyang anak kay Samuel, nahirapan siyang masanay noong una at labis na nangulila, laging naiisip na tawagan ito anumang oras.
Ngunit habang tumatagal ang pananatili ng bata sa nasabing bansa, ang dating pagmamahal at pangungulila nito sa kanya ay napalitan ng pakikitungong walang gaanong saysay at pagkainip tuwing magkakausap sila sa telepono.
Matagal na palang hindi na kailangang itakda ang ganitong orasan.
Ngunit mahirap para sa kanya na tuluyang bitawan ang nakasanayan.
Sa pag-iisip nito, mapaklang ngumiti si Mauren.
Matapos mag-alinlangan nang ilang sandali, binura na niya ang nakatakdang orasan, pinatay ang kanyang telepono, at muling humiga upang matulog.
Pagkaalis nila sa Nueva at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Diego.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Mauren, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Monica kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Monica." malamig na sagot ni Mauren.Si Diego ay napailing na may halong inis: "Si Samuel, hindi lang si Monica ang pinapasok sa Nueva, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Nueva na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Santiago." matigas niyang usal.Tahimik lang na nakinig si Mauren, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Mauren, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Samuel kay Monica, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Nueva sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Flores sa Nueva? Ramda
Hindi lamang si Samuel ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Jeriko at Ralp.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Mauren,, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Mauren naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Samuel sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Frank,, "Heneral Samuel, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Samuel habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Mauren na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Monica.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimula
Kinabukasan, pagsapit ng tanghali.Agad na nagmaneho si Mauren para puntahan ang villa ni Ismael upang sunduin ito.Pagkasakay ni Ismael sa sasakyan, maayos na nagtanong si Mauren, "Guro, saan po tayo pupunta?"Ibinigay lamang ni Ismael. ang isang address bilang sagot.Makalipas ang kalahating oras, nang makarating sila sa isang restawran ay agad silang inihatid ni Ismael sa isang pribadong silid-kainan.Pagbukas nila ng pinto, dalawang lalaki na nasa gitnang edad na ang naroon na, kapwa may matitinding presensya at karismang kapansin-pansin.Pagkakita palang sa kanilang pagpasok, agad tumayo ang dalawang lalaki. "Andito na sila." bulalas nito.Ipinakilala sila ni Ismael nang may malamig na tono, "Mr. Fredo Agudo, Mr. Richard Gamez Ang estudyante ko si Mauren Piñeda.." Ngunit kahit batid ni Mauren na ang isa ay may mataas na posisyon sa militar at ang isa naman ay kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, nanatili pa rin ang magaan nilang pakikitungo sa kanya.Ngunit nang makita ni
Pagkababa ng telepono, bumalik si Mauren sa trabaho.Bandang alas-nwebe ng gabi, matapos mapuno ng kaalaman ang kanyang isipan, ay mas gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.Sa mga oras na iyon, si Diego naman ang tumawag sa kanya."Nais mo bang lumabas at maglibang?" anyaya nito.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Mauren sa isang bar.Sinalubong siya ni Diego sa pintuan at magiliw na nagtanong, "Iinom ka ba?"Saglit pang tumigil si Mauren, saka mahinahong tumugon, "Sige, inom tayo, pero kaunti lang." aniya.Yumuko nang bahagya si Diego at tiningnan siya: "Mukhang masama ang loob mo?""Mas maayos na ngayon," sagot ni Mauren.Hindi na siya tinanong pa ni Diego. Sa halip, nag-order ito para sa kanya ng isang asul na cocktail na may katamtaman at di-kalakasang alcohol content.Tahimik na nakaupo si Mauren, hawak ang kanyang baso habang marahang humihigop ng alak. Sa paligid niya, masaya ang kuwentuhan nina Diego at ng mga kaibigan nito, ngunit nanatili siyang tahimik, nakikinig la
Pagkapasok sa banyo, mahigpit na binigti ni Mauren ang kanyang mga kamao.Halos wala na siyang nararamdaman sa tuwing naririnig niya ang kabaitan ni Samuel kay Monica.Mas lalo pa nang marinig niyang sinusuyo ng lalaki ang ina ni Monica, hindi pa rin niya napigilan ang sarili sa pagkabigo.Nang mga sandaling 'yon, bigla nalang narinig niya mula sa labas ng pintuan ang boses ng isa sa mga tauhan sa sales office: "Magaling si Mr. Samuel pumili, ang ganda ng nobya niya." anito."Oo, elegante rin ang nanay ng nobya niya at maganda ang tindig. Ang mahalaga pa, hinahayaan siya ng asawa at biyenan niyang gawin ang gusto niya, lahat ay ayon sa kagustuhan niya, sobrang spoiled siya. Tignan mo sila, tapos ikumpara mo sa asawa at biyenan ko, nakakainis talaga!" sambit ng isa pa."Hindi ba? Ang suwerte talaga ng nobya ni Mr. Samuel. Hindi pa nga sila kasal, pero binilhan na niya ito ng villa na mahigit anim na daang milyon ang pamilya nito. Hay, pareho lang namang babae, pero ang nobya ni Mr. Sam
Pagkapasok sa loob ng bahay, maingat na ibinaba ni Jeriko si Mauren.Lumapit agad ang doktor na naghihintay sa gilid at sinuri ang kanyang paa. Mabuti na lang at bahagyang pagkadislocate lang ito. Agad niyang inayos ang bali ni Mauren at mabilis rin itong bumuti.Tinanong siya ni Jeriko, "Mag-iisking ka pa ba ulit?" aniya."Ayos lang ako, puwede pa akong magpatuloy," sagot ni Mauren.Dahil naroon na rin siya, ayaw niyang masira pa ang kasiyahan.Nang marinig ni Mauren mismo mula sa doktor na wala naman talagang seryosong pinsala sa kanyang binti, hindi na rin siya tumutol pa.Sa hindi kalayuan..."Ritha? Anong tinitingnan mo?" tanong ng kasamahan.Ritha, "Parang may nakita akong isang kakilala." aniya, may bahid ng pagtataka.Ang tagiliran ng mukha ng lalaking nasa unahan ay talagang kahawig ni Jeriko Cortez.Pero may kasama siyang bata at isang babae… imposible sigurong siya 'yon, diba? Bulong nito sa sariling isip.Nang balak na sana niyang lumapit ng kaunti para makita nang malinaw







