LOGINSa kabilang panig naman.
Halos tapos na sa pagkain ng almusal ang mag-ama.
Kahit alam ni Samuel na halos araw-araw ay tumatawag si Mauren sa kanilang anak sa ganitong oras, hindi naman siya laging nasa bahay, at wala rin siyang gaanong inaalala o pinapahalagahan tungkol dito.
Ngunit ngayong araw, ay hindi tumawag si Mauren. Napansin agad ito ni Samuel ngunit wala pa rin itong halaga sa kanya. Pagkatapos kumain ng almusal, umakyat siya sa itaas upang magpalit ng damit.
Para naman kay Aleya, lalong nagiging masyadong madaldal at mahaba ang usapin nila ng kanyang ina, kaya unti-unti na ring nawawalan siya ng gana na makipag-usap dito sa telepono.
Dahil huli na at hindi pa rin tumatawag si Mauren, naisip niyang baka may ginagawa o may inasikaso itong ibang bagay.
Mabilis na kumislap ang kanyang mga itim na mata, saka niya inagaw ang kanyang bag at tumakbo palabas ng pinto.
Nang makita ito, mabilis na sumunod si Manang Lita at sinabing: "Binibini, maaga pa naman, makakarating ka pa rin kahit mahuhuli ka nang kaunti!"
Hindi ito pinakinggan ni Aleya at masayang tumakbo patungo sa sasakyan.
Sa isip ng bata, bihira lang mangyari na abala ang Mommy niya ngayon at hindi siya makatawag sa tamang oras.
Kapag hindi siya umalis agad, tiyak na tatawag pa rin siya ng kanyang Ina sa ibang oras, at kailangan na naman niyang makipag-usap sa kanya, bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari!
Gayunpaman, matapos ang kanilang kasal, nagsimulang magtrabaho si Mauren sa kumpanyang Varron-Empire.
Pumasok siya rito alang-alang kay Samuel.
Ngunit ngayong maghihiwalay na sila, wala na siyang dahilan upang manatili pa sa nasabing kumpanya.
Kinaumagahan, pagdating sa kumpanya, iniabot ni Mauren ang kanyang resignation letter kay Kristoper, Serrano.
Si Kristoper ay isa sa mga personal na sekretarya ni Samuel.
Labis siyang nagulat nang makita ang sulat ng resignation letter nito.
Si Kristoper ay isa sa iilang tao sa kumpanyang nakakaalam sa ugnayan nina Samuel at Mauren.
Alam ng mga taong malapit kay Samuel na hindi si Mauren ang nagtataglay ng kanyang puso.
Mula noong sila ay ikinasal, naging sobrang lamig na ng pakikitungo niya kay Mauren at bihira pa nga itong umuwi sa kanilang tahanan.
Upang makalapit at makuha ang loob ni Samuel, pinili ni Mauren na magtrabaho sa kumpanya ng mga Varron.
Ang una niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Samuel.
Ngunit hindi pumayag si Samuel.
Kahit pa ang matanda mismo ang namagitan at humiling, hindi rin niya mapipilit ang lalaki na sumang-ayon dito.
Sa huli, wala nang nagawa si Mauren kundi pumili ng susunod na pinakamagandang opsyon, kaya nanatili siya bilang sekretarya at naging isa lamang sa maraming karaniwang katulong ni Samuel.
Noong una, nag-alala si Kristoper na baka magdulot lamang ng gulo si Mauren sa kanilang grupo bilang personal na sekretarya pagkatapos nitong sumali.
Ngunit naging iba ang resulta sa inaakala niya.
Bagama't ginagamit ni Mauren ang kanyang posisyon upang makalapit kay Samuel, maingat naman siya sa tamang panahon at hindi siya lumalampas sa nararapat.
Sa katunayan, marahil dahil nais niyang mapabilib si Samuel, nagsumikap siya nang husto sa kanyang trabaho at nagpakita ng mahusay na kakayahan. Maging noong siya ay nagdadalang-tao, nanganak, o sa ibang pagkakataon, sinusunod pa rin niya ang lahat ng alituntunin at patakaran ng kumpanya, at hindi kailanman humingi o umasa ng espesyal na pagtingin o pakikitungo.
Sa paglipas ng mga taon, naging pinuno si Mauren sa isang grupo bilang sekretarya.
Buong panahong nakita at naramdaman niya ang pagmamahal ni Mauren para kay Samuel.
Sa totoo lang, hindi inakala ni Kristoper na magreresign ito sa kompanya. Hindi rin siya makapaniwala na kusang-loob itong magpapaalam sa kanyang posisyon.
Ang dahilan kung bakit aalis ngayon si Mauren, marahil may nangyari sa pagitan nila ni Samuel na hindi niya alam, at dahil dito ay bak inutusan siya ng lalaki na umalis sa kanyang posisyon.
Mahusay naman talaga si Mauren sa kanyang trabaho. Bagama't nakakalungkot ang pangyayari, sinabi pa rin ni Kristoper sa paraang angkop sa kanilang tungkulin: "Tinatanggap ko na ang iyong resignation letter. Aayusin ko agad na may pumalit sa iyong mga gawain sa lalong madaling panahon."
"Sige."
Tumango si Mauren at muling humarap sa kanyang pwesto.
Pagkalipas ng ilang sandali ng pagtatrabaho, ipinaalam ni Kristoper ang kanyang mga ginagawa kay Samuel sa pamamagitan ng online na paraan.
Nang malapit nang matapos ang kanilang usapan, biglang naalala niya ang tungkol sa pagreresign ni Mauren, kaya sinabi niya: "Nga pala, Boss Samuel, tungkol po kay—"
Bagama't sinabi na niya kay Mauren na aayusin niya agad na may pumalit sa kanyang mga gawain, nais pa rin niyang malaman ang pasya ni Samuel kung kailan dapat tuluyang umalis si Mauren sa kanyang pwesto.
Kung nais ni Samuel na huwag nang pumasok si Mauren sa kumpanya simula bukas, aayusin niya agad ang lahat ng kailangan.
Ngunit bago pa man niya masabi ang mga salitang nais niyang bitawan, naalala niya na noong pumasok pa lamang si Mauren sa kumpanya, sinabi ni Samuel na ang lahat ng usapin tungkol dito ay dapat asikasuhin alinsunod sa mga patakaran at tuntunin ng samahan, at hindi na kailangang ipagbigay-alam pa sa kanya nang partikular.
Wala naman talaga siyang malasakit o pakialam sa kanya.
At iyon ang katotohanan.
Sa paglipas ng mga taon, hindi kailanman kusang nagtanong o nag-alam si Samuel tungkol sa mga gawain ni Mauren sa loob ng kumpanya.
Kapag nagkikita sila doon, tinatrato niya ito na parang isang taong hindi niya kilala.
Sa paglipas ng mga taon, naging napakahusay ng naging pagganap si Mauren sa kanyang tungkulin. Dalawang taon na ang nakararaan, bago pa man nila planong itaguyod siya sa mas mataas na posisyon, sadyang ipinaalam muna nila ito kay Samuel, dahil alam nilang hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya.
Ibig sabihin, kung hindi ito makalulugod sa kanya, ititigil na agad ang usapin tungkol dito.
Nang marinig ito ni Samuel, kumunot ang kanyang noo at may pagkainip na muling sinabing hindi siya makikialam at dapat nilang sundin ang mga patakaran.
Sinabi pa nito na huwag na siyang tanungin pa tungkol sa trabaho ni Mauren sa kumpanya.
Nang makitang hindi pa nagsasalita si Kristoper, muling kumunot ang noo ni Samuel at nagtanong: "Ano ba iyan?"
Biglang natauhan si Kristoper mula sa kanyang pag-iisip at mabilis na sumagot: "Wala po iyon."
Alam na pala ni Samuel ang tungkol sa pagreresign ni Mauren ngunit hindi man lang ito binanggit sa kanya, ibig sabihin ay walang kahalagahan ang bagay na ito sa paningin ng lalaki.
Kaya kaya na niyang asikasuhin ito alinsunod sa mga patakaran ng kumpanya, gaya ng dati.
Dahil sa pag-iisip na iyon, hindi na nagsalita pa si Kristoper.
At pinutol na rin ni Samuel ang kanilang tawag sa video.
"Huy! Ano bang iniisip mo?"
Noong tanghali, biglang tinapik ng isang katrabaho si Mauren sa balikat.
Nagising siya mula sa kanyang malalim na pag-iisip, ngumiti lang siya at umiling: "Wala naman."
"Hindi mo ba tatawagan ang iyong anak ngayon?" tanong ng katrabaho niya.
"Hindi na, salamat." malamig na sagot ni Mauren.
Karaniwang tumatawag talaga siya sa kanyang anak nang dalawang beses sa isang araw.
Ang isa ay ala-una ng madaling araw, at ang isa naman ay bandang tanghali.
Alam ito ng lahat sa kanilang tanggapan.
Hindi na kinaya ng matandang ginang na marinig ang mga pang-iinsulto nila kay Mauren. Akmang magsasalita na siya nang maunahan siya ni Mauren. "Nakapag bigay na po ako ng liham na pagbibitaw sa trabaho. Kapag natapos ko na ang aking tungkulin, aalis na rin po ako sa kompanya." kalmadong wika niya.Nang masabi niya ang mga salitang iyon, parehong natigilan sina Linda at Arlene.Kumunot ang noo ng matandang ginang, "Mauren." Ngunit bago paman masundan ang sasabihin nito, isang bagong boses ang nagsalita. "Nandito ba ang mommy?" Si Aleya, na kararating lang sa ikalawang palapag gamit ang elevator, ay nagpakita na, ang kanyang pagdating ay nagdulot ng bagong tensyon sa tensyonadong sitwasyon.Isang pagkakataon. Pagbaba ng batang babae sa elevator, sinalubong siya ng pigura ng kanyang ina. Isang maliwanag na ngiti ang sumilay sa mga labi ng bata, isang ngiting puno ng kagalakan at pag-asa. Mahigit isang buwan na rin pala ang nakalipas simula nang huli nilang pag-uusap, at ang muling pagki
Napangiti si Mauren nang bahagya, halos mapatawa ng marinig niya ang sinabi.Hindi niya maiwasang isipin ang kakaibang pagkakataon kung paano sila nagkakilala ni Samuel. Sa katunayan, nagkakilala lamang sila matapos ang kasal nila ni Mauren.Alam ni Monica ang tungkol sa relasyon niya kay Samuel, ngunit hindi siya makapaniwala na hindi alam ng kanyang ama na si Samuel ang asawa ng isa pa niyang anak na babae! Napaka imposible, tiyak naman na alam niya.Ngunit walang hiya parin niyang ipinagkasundo si Monica kay Samuel. Mula rito'y maliwanag na lubos na napapabayaan ni Albert ang kanyang isa pang anak na babae, walang halaga sa kanya ang damdamin nito.Tumango si Samuel. Isang simpleng pagsang-ayon, ngunit naglalaman ng di-maipaliwanag na bigat.Matapos ang maiksing pag-uusap na puno ng maingat na mga salita, nanatili si Mauren sa kanyang kinatatayuan, pinagmamasdan si Samuel. Naghihintay ito hanggang sa tuluyang makasakay si Albert sa sasakyan, bago sumakay sa sarili nitong kotse at
Ngunit si Mauren ay mas gugustuhin niyang siya mismo ang gumagawa ng mga bagay para sa anak niyang babae. At nasisiyahan pa siya rito at hindi niya kailanman nararamdaman na nakakapagod o nakakaabala.Kaya naman medyo nagulat si Samuel nang marinig ang mga sinabi ni Mauren. Pero hindi na niya ito masyadong inisip, dahil para kanya maliit na bagay lang naman iyon, at walang dapat ikabahala."Sige." isang simpleng sagot ng lalaki, at pagkatapos ay agad ding ibinaba ang cellphone.Habang nakikinig, alam na alam na kaagad ng batang babae kung sino ang kausap ng kanyang ama, "Si mommy ba?" tanong niya.Maayos namang tumango si Samuel, at kalmadong sumagot, "Oo." "Kung ganon, uuwi si mommy mamaya at kasama natin siya papunta kina lola?" Sumunod na tanong ng batang babae, halata ang komplikadong saya sa mga mata nito."Oo, sasama ang iyong ina." ani Samuel.Pagkarinig niyon, napakunot agad ang noo ng batang babae bago paman ito makapagsalita. Hindi naman dahil sa ayaw niyang makita ang kan
Ngunit hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin, nasip niyang marahil ay bumalik na nga si Mauren sa kanyang pamilya.Pagpasok ni Samuel sa banyo, bigla niyang naalala ang mga araw na tuwing umuuwi siya, ay palagi niyang nadadatnan na magkasama sina Aleya at Mauren.Ngunit sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pagkakaiba dahil sa hindi nito kasama ang anak niya, naisip niyang baka hindi umuwi si Mauren o kaya naman ay may nangyari sa pamilya nila. Biglang naisip niya ang mga sinabi ng sekretaryang si Kristoper, at doon lang niya napagtanto ang katotohanan. Sandali siyang natigilan, pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin.Kinabukasan, habang nag-aagahan, sinabi ni Samuel sa kanyang anak, "Na-kompleto na ang pagpaparehistro mo. Magpa enroll kana bukas ng umaga sa paaralan." aniya."Opo, Dad, pwede niyo po ba akong samahan sa eskwelahan bukas?" tanong ni Aleya habang bahagyang kumukunot ang ilong."Baka hindi ako bakante bukas." sagot ng ama.Kinalikot ng batang babae an
Bumuntong hininga ang matanda, "Kahit gaano ka pa kaabala sa trabaho mo, kailangan mo parin kumain ng maayos." seryusong sabi nito."Alam ko po lola, mag-iingat po ako." malumanay na tugon naman ni Mauren.Umupo si Mauren sa tabi ng matanda, sinandal ang mukha sa balikat nito, at sumipsip ng kaunting init mula rito.Nang makita nang matanda ang malapit ng maluto niyang tupa, naghanda siya ng isang mangkok na sabaw, para mainitan muna si Mauren.Habang nakikinig si Mauren sa mapagmahal na salita ng matanda, naalala niya ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw, at hindi mapigilang magsimulang manubig ang kanyang mga mata.Dahil sa takot na mabahala ang matanda, mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at nagtanong, "Naglalakbay pa rin po ba ang tiyahin kasama ang pamilya nila?" kalmadong tanong nito."Hindi na, masaya naman sila. Sabi nila, isang linggo pa raw ang uwi." sagot naman ng matanda."Nasaan nga pala ang tito? May pupuntahan ba siyang sosyal na okasyon ngayong gabi?"
"Sekretarya Mauren, paki-ayos naman ang iyong pag-uugali sa trabaho. Akala mo ba bahay mo 'to?" malamig na usal ng lalaki. halatang naiinis dahil sa tingin niya ay ginagamit ng babae ang posisyon nito para magkaroon ng espesyal na trato sa kanya.Kinabig ni Mauren ang kanyang bag, habang ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nanatiling walang pagbabago. "Kung hindi kayo nasisiyahan, maari niyo na akong tanggalin agad ngayon." kalmadong tugon nito sa lalaki."Aba!" ang sagot lamang nito.Nakasama na ng sekretaryang si Troy ang boss niyang si Samuel sa Buenavista noon, pero alam din niyang ang tungkol sa pag file ni Mauren ng liham para sa pag-alis niya sa pagtatrabaho ng kompanya.At kahit pa lubos siyang pinagkakatiwalaan ng Boss niyang si Samuel, hindi naman siya ang nagmamay-ari ng kompanya, kaya't wala siyang karapatang sabihin kay Mauren na umalis siya.Higit pa rito, si Mauren ay paborito ng Ginang Varron. Kung pupunta si Mauren doon para magreklamo, at kahit pa alam niya at sigurad







