Share

She's A Rose (TAGALOG)
She's A Rose (TAGALOG)
Author: Rouzan Mei

Chapter 1 - Transferee

Shitarika's POV

Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang bawat madaraanan namin. Nakaupo ako sa passenger seat habang si tita ay abala sa pagmamaneho. Ni hindi ko magawang magsalita dahil wala rin naman akong balak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong pinalipat ng school. Kagabi niya sinabi sa 'kin at kaninang umaga, pinaghanda na niya ako para mag-impake. Basta ang sabi lang niya, ni-recommend lang daw niya ako sa Headmistress nitong papasukan kong bago.

At sa hinaba-haba ng pagbabyahe namin, bumungad na lang sa paningin ko ang mga punong halos sakupin na ang buong view ko. Maraming mga nakakalat na tuyong dahon sa sahig. Yung mga ibang punong nadaraanan namin, nagkakalagas na. Para kaming pumapasok sa masukal na gubat. Ang creepy naman.

"Shitarika, from now on, sa University ka na mamamalagi, ha? Tita will do busy e. And unfortunately, gadgets are not allowed there. I hope you understand," sabi ni tita sa 'kin pero hindi ko siya nagawang sagutin o tignan. Nakatuon pa rin ako sa paligid.

Maya-maya pa, nakita ko na lang ang isang napakalaki at nakakatakot na building. Ito na ba ang papasukan kong school? Bakit mukhang luma at haunted? Para akong pupunta ng halloween party. Kulang na lang, mag-costume ako.

"We're here," sabi na lang ni tita nang mai-park na niya ang sasakyan. Sabay kaming bumaba at bumungad sa 'kin ang napakalawak na harapan ng school. At syempre, ang nakakatakot na building. Mas mukhang nakakatakot sa malapitan.

"Tita, dito po ba ang bago kong school? Bakit po naman masyadong tago at medyo luma? Ano pong nane ng school na 'to?" sunod-sunod kong tanong kay tita ko na abala sa pagbaba ng dalawa kong maleta. Tinignan niya ako at ang building.

"Walang specific name ang university na 'to. Sadyang university lang ang tawag. And yes, mukhang creepy. Psh! Lahat naman ng university, creepy," Natatawa pa niyang sabi habang umiiling.

"Bakit pala alam mo 'to, tita? Nag-aral ka po ba dito noon?" tanong ko ulit sa kaniya. Huminga siya nang malalim at saka ako nginitian. Muli niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at kinuha ang bag niya.

"Hindi ako nag-aral dito, Shitarika," Nakangiti niyang sabi sa 'kin saka niya sinuot ang bag niya. "Dahil wala akong kakayahang makapag-aral dito. Unlike you," dugtong pa niya sa sinabi niya.

Bakit? Mahal ba tuition dito?

Imbis na magtanong pa ako nang magtanong kay tita, naisipan na naming pumasok sa loob. At sa paglalakad pa lang namin, pansin ko na ang paligid. Nakakatakot talaga. Sa pintuan pa lang, may mga nakadisenyo na mga hindi ko alam na bagay pero nakakatakot. May mga sapot-sapot pa ng gagamba sa bawat gilid. 'Di kaya may halloween party sa loob? Pero imposible, July pa lang ngayon. Ang aga naman.

Maya-maya pa, pumasok kami ni tita sa isang room. Bumungad sa 'min ang isang magandang babaeng nakaupo sa malambot at kulay pulang upuan. Siya na ba ang Headmistress? Ang ganda naman niya. Mala-Lucy Torres-Gomez ang ganda. May pagka-barbie doll din.

"Welcome, visitors. You may sit here," sabi nito sa 'min ni tita. Naupo naman kami ni tita sa magkabilaang upuan sa tapat ng mesa nito. "Siya na ba si Shitarika Morven?" tanong niya kay tita habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti siya sa 'kin kaya ngumiti rin ako sa kaniya.

"Siya na po si Shitarika," tipid namang tugon ni tita at saka tumingin sa 'kin. Ngumiti rin siya sa 'kin bago niya muling tuunan ng pansin ang Headmistress.

"You are now officially in, Miss Morven! Welcome sa University. Mr. Martin, pakisamahan si Miss Morven sa magiging dorm niya," sabi ng Headmistress.

"Teka po, wala po ba akong dapat na--"

"No, no, darling. Everything's settled na. No need to worry," kaagad na tugon sa 'kin ng Headmistress. Tumango ako nang marahan at saka ngumiti. Tumayo na ako nang hawakan naman ni tita ang mga kamay ko. Medyo nahinto pa ako sa kinatatayuan ko dahil nakita ko na may namumuong luha sa magkabilang sulok ng mga mata niya. Teka, iiyak ba siya?

Dapat nga ako ang maiyak kasi ako ang iiwan niya rito. Hindi ko alam na may ganitong ka-drama-han pala si tita Judie.

"Shitarika, always, be a good girl. Make sure that you will make tita proud. Once na natapos ang lahat ng 'to, don't hesitate to come back home and give tita a heart-warming hug. Okay?" sabi ni tita saka ko siya niyakap. Parang pati ako, maiiyak.

"Opo. Mag-iingat po kayo, tita, ah?" sabi ko naman sa kaniya.

"Do it as well, Shitarika," bulong naman niya sa 'kin bago ako kumalas. Kumakaway pa ako sa kaniya habang papaalis ako ng room. Sinasamahan ako ni sir. Martin papunta sa magiging room ko. Dala ko ang isang maleta ko habang siya naman ang nag-prisinta na dalhin ang isa.

Maya-maya pa, umakyat kami sa may second floor ng building na separated sa mismong school. Puro mga babae ang nandito. Ito na ang girls' dorm. Nahinto na lang kami ni sir Martin sa may ikalimang pinto. Kumatok siya ng tatlong beses bago niya pihitin ang doorknob at binuksan ang pinto. Nakita ko na lang ang tatlong babae sa loob. Ang isa ay nakaupo sa kama, ang isa ay nagsusuklay ng buhok habang ang isa naman ay may hawak na kung anong mahabang itim na patpat.

"This will be your room, Miss Morven. Welcome," sabi ni sir Martin sa 'kin bago siya nagpaalam. Nag-thank you at nag-bow pa ako sa kaniya bilang pasasalamat. Muli, hinarap ko ang mga magiging kasama ko rito sa dorm.

"Hello! Halika," sabi ng babaeng nagsusuklay kanina nang salubungin niya ako. Tinulungan niya akong buhatin ang dalawa kong maleta at inilapag sa ibabaw ng magiging kama ko.

Ngumiti pa ako nang bahagya dahil nahihiya ako. Mukha namang mababait ang mga magiging ka-roommates ko.

"What's your name?" tanong kaagad ng babaeng mukhang seryoso. Maikli ang kulay itim niyang buhok. Buhok na mala-Jeongyeon. Hawak-hawak pa rin niya ang itim na patpat. Parang style monopad.

"Shitarika Morven," Nakangiti kong tugon sa kaniya. Tumango lang siya nang sobrang rahan bago niya tuunan ng pansin ang mala-monopad niyang hawak.

"Ako pala si Cali. Cali Vergara. It's nice meeting you!" pagpapakilala ng babaeng tumulong sa 'kin. Mukha siyang cute. Mahaba ang mala-dark blue niyang buhok na naka-ponytail.

"And I'm Souzi Darshmith," pagpapakilala naman ng babaeng nakaupo sa kama. Ngumiti siya sa 'kin nang marahan. Mukha siyang pinag-combine na dalawa. Seryoso ang hitsura pero cute pa ring tignan. Nagagandahan ako sa style niya. Kulay brown ang hanggang balikat niyang buhok at mukhang may dating. "And she's Mendel Olioega," pag-introduce naman niya sa babaeng may hawak na parang monopad.

"Anong nagawa mo?" biglang tanong sa 'kin nung Cali Vergara. Takha ko pa siyang tinignan dahil sa hitsura niyang parang curious na curious.

"Anong anong nagawa ko?" takha ko namang tanong sa kaniya. Nagtakha rin naman siya dahil sa pagbabalik tanong ko.

"Like what's the reason bakit ka lumipat dito?" tanong niya ulit.

"Hindi ko alam e. Basta ang sabi ng tita ko sa 'kin kagabi, ililipat niya ako ng ibang school. Ewan ko kung anong rason bukod sa ni-recommend daw niya ako sa Headmistress," tugon ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagtitinginan nila nung Souzi Darshmith. "Bakit?" tanong ko ulit sa kanila. Mukha kasi silang mga seryoso.

"Alam mo ba na ang lahat ng mga estudyante rito ay may negative reasons bakit sila dito napadpad? Like being weird and merciless. Basta, gano'n," singit naman nung Souzi.

"So, ibig sabihin. weird at merciless ako?" takha ko namang tanong. Nagsimula na rin akong iligpit at ayusin ang mga damit ko para ilagay sa cabinet na nakalaan para sa 'kin.

"Bakit? Ano ba ang nagawa mo?" tanong ulit nung Souzi.

"Ano ka ba naman, Souzi? Hindi mo ba narinig? Hindi nga raw niya alam, 'di ba? Psh!" ~Cali.

"Hay! Baka yung tita niya ang may nakakaalam ng dahilan? Hindi naman siya ililipat ng walang dahilan dito, 'no?" ~Souzi.

Patuloy pa rin ang pagliligpit ko ng damit habang nililipat ang tingin sa kanilang dalawa. Kung makapag-usap naman ang dalawang 'to, parang wala ako sa harapan nila.

"Teka. Hindi ko maintindihan e. Ano bang mga sinasabi ninyo?" pagpapatigil ko sa dalawa. Sabay na lang silang nahinto at tumingin sa direksyon ko.

"That's enough," at halos sabay-sabay kaming tumingin nang magsalita yung Mendel Olioega. "Mas maganda kung ilibot natin siya rito sa buong University. She needs to know this place better for her class tomorrow. Para hindi siya maligaw," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa 'min.

Ang gandang ideya. Oo nga, 'no? Tutal, hindi ko pa naman kabisado ito e. Baka nga magkawala-wala pa ako bukas kapag nag-start na ako.

"Agree ako," matuwa-tuwa kong sabi sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin nang sobra-sobrang tipid bago siya pumaroon sa cabinet niya. Namangha pa ako nang makita ko ang biglang pagliit nung hawak niyang mala-monopad at itinabi sa ilalim ng mga damit niya. Wow!

"Finish what you're doing first. It's already 10:25 am. Sakto't matatapos tayo bago tayo mag-lunch sa cafeteria," huling sabi ni Mendel bago niya ayusin ang salamin niya sa mata.

NAGLALAKAD kami sa hallway habang itinuturo sa 'kin nina Cali at Souzi ang bawat madaraanan namin. Tapos na kami sa fifth floor and fourth floor. Tinatahak na namin ngayon ang third floor pababa dahil sakto raw para sa lunch sa cafeteria na nasa first floor.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, pansin ko na lang ang mga pagtitinginan at pagbubulungan ng mga estudyante sa 'min. Hindi ko alam kung sa 'min o sa 'kin mismo?

"Souzi, bakit gano'n ang mga estudyante rito? Talaga bang gano'n sila makatitig at makapagbulungan sa 'tin?" takha kong tanong kay Souzi habang nakatuon sa tinatahak naming hallway.

"Gan'yan 'yang mga 'yan sa tuwing may transferee. Hayaan mo lang sila," tugon niya lang sa 'kin kaya umayo na lang ako. Sabagay, gano'n naman lagi kapag may--

Bigla na lang akong nahinto nang mabilis akong hawakan ni Souzi sa braso ko. Napakahigpit. Nang tignan ko sila, nakahinto rin sila sa kinatatayuan nila habang nakatingin sa iisang direksyon, kaya tinignan ko rin ang tinitignan nila.

"H'wag niyo silang tignan!" pabulong ngunit mariing sabi ni Mendel kaya umiwas na rin ako ng tingin. Bakit? Yung grupo ba na nasa dulo yung iniiwasan nila?

"I think, we should deviate our way, 'no?" sabi ni Cali kaya lumihis kami ng daan sa may kaliwa. Pero bago pa man mawala sa paningin ko ang grupong 'yon, palihim ko ulit silang sinulyapan. Marahan pang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagtatama ng mga mata namin ng lalaking nagbubuga ng usok mula sa bibig.

Teka? Ako ba ang nakita niya? Pero imposible. Nakaharang si Cali sa gilid ko, 'no?

Pero para siyang gangster. Gangster na ma-porma. May dating. Ang astig naman. Hindi talaga mawawala 'yan sa bawat school na pinapasukan ko. Naaastigan talaga ako sa mga gano'n.

Habang itinutuloy namin ang paglalakad, hindi ko maiwasang ma-curious. "Yung grupo ba na nasa dulo ang iniiwasan natin kanina?" takha kong tanong sa kanila nang tignan ko sila. Medyo marahan pang nanlaki ang mga mata ko dahil sabay-sabay silang tumingin sa 'kin. Mga mukhang seryoso at nag-aalala. May nasabi ba akong mali?

"You saw them?" tanong ni Cali. Tumango ako bilang tugon.

"May nakakita ba sa 'yo mula sa kanila?" tanong naman ni Mendel.

Nakakita? Sasabihin ko ba na yung lalaking naninigarilyo ang nakakita sa 'kin? Pero imposible. Baka naman namamalikmata ako. Baka iba ang tinitignan no'n at hindi naman mismo sa 'kin?

"Wala," tipid kong tugon. Nakita ko na lang ang paghinga nila nang malalim na parang mga nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Bakit? Anong meron?" takhang tanong ko sa kanila.

"They are the most dangerous here in University. Sila ang Octapetala. The eight who are in the highest ranks. Sila ang kinatatakutan at iginagalang ng lahat dito," paliwanag ni Souzi.

Parang gangsters nga. Wow!

"Ang galing naman ng group nila," pagmamanghang sabi ko sa kanila.

"But the name Ocatapetala is not actually the name of their group. Octapetala ang tawag sa walong nasa highest ranks dito sa University. Palagi silang nasa top eight kaya kilala na sila sa pagiging Octapetala," paliwanag naman ni Cali.

"That's right. They are the second batch in this University sa pagiging highest. May mga dating estuyante rito na napasok sa highest rank. Mga lima pa lang noon ang highest. I don't know kung anong tawag sa kanila, and I don't even know what those people names are," sabi naman ni Souzi.

Parang yung Octapetala ang second generation. Ang galing! Akala ko sa mga nababasa ko lang ang mga ganitong bagay-bagay. Pati sa mga movies. Meron din pala talaga in real, 'no?

"Hmm... Don't think too much, Shitarika. Bago ka pa lang naman. We're telling you this para may idea ka kahit papaano. But when the week or month passed, marami ka ring malalaman," sabi ni Cali sa 'kin sabay tap sa balikat ko.

At pagtapos ng pagkahaba-haba naming University tour, sa wakas at lunch na. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Cali sa pwesto namin habang sina Mendel at Souzi na ang um-order ng kakainin namin. Maya-maya nang bumalik sila dala ang mga pagkain. Nagsimula na rin kaming kumain. Nakakagutom ang pagkakahaba-haba naming paglalakbay.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko, napansin ko na lang ang limang grupo ng kababaihan. They look hot and sexy. Lalo na yung isa na nakaupo sa mesa habang may lollipop sa bibig.

"See that hot woman?" bulong sa 'kin ni Souzi habang nakatingin din sa tinitignan ko. "Siya si Margarret Mallari. The hottest woman here in university. She's one of the Octapetala. 'Yang grupo niya, kasama rin sa mga kinatatakutan. They are whores. Pero pumapatol lang sila sa mga hot guys," paliwanag pa ni Souzi.

Whores? Halata naman. Sa kilos at galaw pa lang nila. Sila nga ang pinakamaingay mag-chikahan dito sa cafeteria e. Ni walang gustong magpatigil sa kanila. Sabagay, kinatatakutan daw e.

"Will you just shut your mouth and eat your lunch first, Souzi?" mariing pagsaway ni Mendel kaya bumalik na lang sa pagkain si Souzi. Pati ako, kumain na lang din. Nakakatakot ang presensya ni Mendel. Pati pagsasalita niya, pakiramdam ko, malalagot ako.

"Kumain ka lang nang kumain, Shitarika. Once the Octapetala came, do not look at them, okay?" pagpapaalala ni Mendel sa 'kin kaya't tumango ako sa kaniya. Wala pang isang minuto nang dumating ang grupo kanina na iniwasan namin sa third floor. Paano nalaman ni Mendel na darating sila? E patalikod ang upo niya mula sa pintuan, ah? May sixth sense ba siya?

At tulad ng pagpapaalala niya, umiwas kaagad ako ng tingin dahil nandito na sila. Ngunit kahit nakatuon na ako sa kinakain ko, pansin ko sa peripheral vision ko na naupo sila sa place katabi no'ng limang babae.

Tinignan ko si Cali para kunwari, hindi ko sila napapansin. Pero bakit ganito?

Kahit hindi man ako diretsang nakatingin sa grupong Octapetala na 'yon, pakiramdam ko, may matang nakatuon sa 'kin.

Bakit ko ba tinatakot ang sarili ko? Psh!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status