Share

Seven (7)

SEVEN (7)

- Jc's POV -

Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.

Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.

Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya.

"Cesha..?" Mahinang tawag ko sa kanya na halatang nagaalala habang hawak ang magkabilang pisngi niya.

"Kuya...." Matamlay at mahinang sagot niya na halatang inaantok pa.

"Anong nangyari sayo at bakit sobrang init mo?" Pagaalalang tanong ko habang inalis ang makapal niyang kumot at hinubad ang napakakapal niyang suot na jacket.

Hindi siya sumagot. Matamlay na pinagmasdan niya lang ako habang abala ako sa paghubad ng suot niyang jacket habang tumatango ang ulo niya sa sobrang antok.

Nang mahubad ko na ang jacket niya ay biglang nanginig ang buong katawan niya at sunod naman ay may dugong lumabas sa ilong niya.

"Cesha!" Bigla akong kinabahan. Mahinang inalog ko ang katawan niya pero kusang pumikit ang mata niya at tuluyang nawalan ng lakas ang katawan niya.

Nanginginig ang braso ko ng nilagay ko sa balikat ko ang ulo niya at binuhat siya. Nagtatakbo akong bumaba sa hagdan at deretso sa pinto.

Sobrang tahimik ng kalsada ng makalabas ako. Ni isang sasakyan, walang dumadaan. Hating gabi na rin kasi kaya wala nang bumabyahe. Kahit medyo malayo ay naglakad-takbo ako papuntang hospital. Hindi na kasi ako makapaghintay ng jeep baka mas lalo pang lumala ang kalagayan ng kapatid ko. Kahit wala siyang malay, ramdam kong nanginginig ang buong katawan niya. Kaya mas binilisan ko.

Maya-maya, lumiwanag ang kalsada. Automatikong napalingon ako sa likod at may nakita akong isang puti na Hilux na paparating. Sa bilis ng takbo nito ay halatang nagmamadali ito. Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong yun at dumiskarte na ako para mapabilis ang pagdating ko sa hospital. Tumayo na ako sa gitna ng kalsada. Kahit gaano pa man kabilis ang takbo nito, hihinto pa rin ito kapag may nakaharang sa kalsada.

Sa awa naman ng Diyos ay unti-unting humihina ang takbo ng Hilux hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko. Bumaba mula sa driver's seat ang isang maputi at matangkad na babae, may suot itong reading eye glasses at white long jacket. Sa tingin pa lang niya sa akin, mukhang papatayin niya na ako.

"Magpapakamatay ka ba?" Galit na sigaw nito sa akin.

"Pasensya na po pero kelangang kelangan ko lang talaga ng masasakayan. Inaapoy po kasi ng lagnat ang kapatid ko." Pagmamakaawang paliwanag ko.

Kumalma naman ang mala-tigre sa galit na mukha ng babae at lumapit ito sa akin. Tumayo siya sa kanan ko kung saan nakapwesto ang ulo ni Cesha. Walang salita na nilagay niya ang kanyang palad sa noo ni Cesha at duoy muling nagkasalubong ang kilay niya. Mahinang hinimas niya ang braso ng kapatid ko habang inoobserbahan ang mukha niya.

Pagkatapos ay sumulyap ito sa relong suot nito sa kamay at naglakad pabalik sa Hilux niya, "Sumabay ka na sa akin. Kelangang madala agad sa hospital ang kapatid mo."

"Ano po ba ang sakit niya sa tingin niyo?" Pangungusisa ko habang sumusunod sa kanya.

Binuksan niya muna ang passenger's seat saka nagtungo sa driver's seat at sumakay, "May symptoms of Dengue fever ang kapatid mo at sa tingin ko ay malala na. Kelangan niya ng agarang lunas."

Ako naman na nakikinig sa sinasabi niya habang sumasakay sa passenger's seat ay biglang nanghina at pabagsak na umupo saka sinara ang pinto. Parang biglang bumigay ang katawan ko na para bang din na kaya nitong gumalaw. Natulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ng kapatid ko.

"Wag kang magalala. Ako ang magaasikaso ng kapatid mo pagdating natin don." Dugtong pa niya ng hindi ako makapagsalita. At pinaandar na niya ang makina at bumyahe na kami.

"Doctor po kayo?" Tanong ko.

"Oo, at midnight shift ang schedule ko." Sagot nito habang nanatili ang mga mata sa daan, "Buti nalang dito ako dumaan. Hindi kasi ako makadrive ng mabilis sa main road."

Ngumiti na lamang ako kahit fake smile bilang sagot na sinabi niya at tumingin sa labas ng bintana habang mahigpit ang yakap sa kapatid ko. Wala kasi ako sa mood para makipagusap. Sobra-sobra ang pagaalala ko sa kalagayan ni Cesha. Panong hindi nadala ni Tita sa hospital si Cesha? Buong araw silang magkasama sa bahay?

Maya-maya ay dahan-dahang bumabagal ang takbo ng Hilux hanggang sa tuluyan itong huminto sa entrance ng emergency. Hindi pa napapatay ng doctora ang makina ng Hilux niya ay agad siyang bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob. Ako naman na nakita siyang pumasok ay bumaba na rin at sumunod sa kanya sa loob.

"Stretcher!! May kasama akong pasyente!" Sigaw ni doctora habang ginagala ang paningin niya sa paligid.

Agad namang may lumapit sa aming tatlong nurse na may dalang stretcher. Automatikong nilagay ko naman si Cesha doon at agad naman siyang kinabitan ng isang nurse ng dextrose. Pagkatapos ay dinala na nila si Cesha sa ER.

Naiwan ako sa labas ng ER na nagiisa habang nakatayong nakasandal sa pader katabi ng pinto, nakapamulsang nakayuko habang tinititigan ang sahig. Sobrang hapdi na ng mata ko dahil sa kakapigil ko ng luha na namumuo sa gilid ng mga mata ko. Kaya nga walang salita na lumalabas sa bibig ko. Baka kasi, wala pang isang salita, tutulo na luha ko. Kinakabahan ako na parang kahit anong oras ay sasabog ang dibdib ko. First time kasing magkasakit ng ganito kalubha ni Cesha.

Sa sobrang daming negatibong posibilidad na pumapasok sa isip ko ay nagawa kong magpalakad-lakad sa harap ng ER. Hindi talaga ako mapakali. Ayoko ring isipin ang mga yun at baka pati ako maconfine na rin.

Sa mental Institute.

Maya-maya naman ay lumabas na ng ER si Doctora at agad akong napalingon sa kanya. Nagkasalubong ang tingin naman at sa tingin pa lang ni Doctora sa akin ay malamang hindi maganda ang kondisyon ni Cesha.

Biglang nanigas ang paa ko ng maglakad ito papalapit sa akin. Bumibilis naman ang kabog ng puso ko sa bawat hakbang ni Doctora. Napalunok nalang ako dahil pakiramdam ko talaga ay manginginig ako sa sasabihin niya.

"May dengue fever ang kapatid mo, stage 2. At ayun sa pagsusuri ko sa kalagayan niya, mabilis na bumababa ang platelet count niya...."

Pakiramdam ko ay sinakal ako sa narinig ko dahil di ko man lang magawang huminga sa narinig ko. May sinasabi pang ibang detalye si Doctora pero tila wala akong naririnig.

Napakurap ako ng hawakan niya ang balikat ko at muli kong narinig ang sinasabi niya, "Sa entrance ng ER, kumaliwa ka at sa dulo nun, may maliit na chapel. Humingi ka ng tulong sa Kanya. Kaya niyang gamutin ang kapatid mo." Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at muling pumasok sa ER.

Naiintindihan ko ang tinutukoy niya dahil madalas ko rin pinagdarasal sa Kanya si Crista. Hindi ko akalaing magdadasal ako ngayon para sa buhay ng kapatid ko.

Hindi ko talaga intensyon ang puntahan ang sinasabing chapel ni Doctora pero namalayan ko nalang ang sarili kong dinala ako ng mga paa ko doon at nakatayo mismo sa bukas na pinto nito at nakatitig sa altar. Mukhang Siya lang nagiisang matatakbohan ko ngayon.

Kusang lumuhod ang mga tuhod ko kasabay ng pagyuko ko. Nagkusang tumulo ang luhang pinipigilan ko kasabay ng pagbukas ng bibig ko at nagsimulang magbigkas ng dasal.

"Lord... Madalas ko pong pinagdarasal ang buhay ni Crista sa inyo pero sa pagkakataong ito ay pinagdarasal ko po ang buhay ni Cesha, ang kapatid ko. Siya na lamang ang nagiisang pamilya na meron ako at nagiisang dahilan kung bakit ako nabubuhay at nagsisikap. Ako po ay nagmamakawa sa inyo, gamutin niyo po ang sakit niya. Mahal na mahal ko po ang kapatid ko at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala siya sa akin."

================================================================

- Rhea's POV -

Magdadalawang oras na akong katok ng katok sa pinto ng ICU at wala paring bumukas ng pinto.

Tssk.. Nasan ba kasi si Jc? Konting-konti nalang at maiinis na talaga ako.

"Crushmate." Tawag ng isang kilalang boses mula sa kung saan.

Iisang tao lang naman ang pwedeng tumawag sa akin ng ganun kaya ginala ko ang aking mga mata at di naman ako nagkamaling makita siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Kanina ka pa ba?" Pagpapatuloy niya ng makalapit siya sa akin.

"Magdadalawang oras lang naman." Sarkastikong sagot ko.

Saglit siyang tumawa at mahinang tinapik ang balikat ko, "Napahimbing ata ang tulog ni Jc. Magdamag kasi yung gising."

"Ganun ba?" Sagot ko, "At ano naman ang ginagawa mo dito?"

"Binibisita ko ang pinsan ko." Sagot niya.

"Pinsan mo?" Nagulat naman ako.

"Oo, si Cesha. First cousins kaya kami ni Jc at Cesha. Haleeerr." Sagot niya.

Oh nga naman nu. Nakalimutan ko ata ang tungkol dun 😆

Napatango lang ako na parang medyo nagulat ng konti.

"Pumasok ka na nga lang." Pagpapatuloy niya at binuksan ang pinto ng ICU at magkasabay na kaming pumasok sa loob.

Nakita kong nakadextrose si Cesha at may tubong nakalagay sa dalawang butas ng ilong niya na nagkukunekta sa oxygen tank na nasa tabi ng kama niya. Ganun ba talaga kalubha ang kalagayan niya???

Ginala ko naman ang paningin ko sa buong kwarto at nakita kong natutulog sa isang sofa chair si Jc, na nasa harap lang ng kama ng kapatid niya. Nakabent ang isang paa niya na nakapatong sa sofa habang ang isa naman at nakatuwid habang natatakpan ng braso niya ang kanyang mukha.

"Kamusta na ba ang kondisyon ng kapatid niya?" Tanong ko habang nagaalalang nakatingin kay Cesha.

"Sabi ng Doctor, dengue ang sakit niya at mababa sa regular count ang platelets niya kaya maputla siya." Sagot ni Almira habang naglalakad papunta kay Jc.

Kelangan niya pa lang maabunuhan.....

"Jc... Gising..... Andito si Rhea." Mahinang sabi ni Almira habang inaalog ang dibdib niya.

Walang kabuhay-buhay na inalis ni Jc ang kamay niya sa kanyang mukha at matamlay na bumangon at umupo. Sumandal siya sa upuan habang kinukoskos ng kanyang daliri ang mata niya.

"Andito si Rhea." Bulong ni Almira sa kanya.

Pinagmasdan ko lang si Jc ng inalis niya ang kanyang daliri sa kanyang mata, tapos ay tumingin siya sa akin ng walang ni isang salita kahit ngiti. Basa pa ang mga mata niya dahil sa luhang hindi pa natutuyo at halatang puyat ang awra niya. Ngumiti ako sa kanya pero tumingin siya sa ibang dereksyon. Apektado kasi siya sa kalagayan ng kapatid niya.

Bumuntong hinga si Almira saka dabog na nagtungo sa kama ni Cesha, para tignan uli ang kalagayan ni Cesha, "Pambihira talaga si Tita. Di man lang niya namalayan na may dinaramdam na sakit si Cesha hanggang sa umabot sa ganito." Reklamo pa niya.

Maingat na ginalaw ni Jc ang mga mata niya para sumulyap sa kanyang kapatid.

"Jc.. Umuwi ka muna at magpahinga. Ako na muna ang magbabantay sa kanya." Pagboboluntaryo ni Almira na halos magdalawang isip pa siya. Halata naman kasing dededmahin lang siya. Sa awra pa lang kasi niya, pati multo matatakot sa kanyang masungit na mukha.

Lumapit na ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi, "Jc, alam ko di ka pa kumakain. Saluhan mo na ako. Ginataang tilapia ang ulam ko." Wika ko sa mahinang tono. Sinadya ko talagang sabihin ang ulam ko kasi paborito niyang ulam ang ginataang tilapia. Baka naman kasi kausapin niya ako.

Lumingon naman siya sa akin at walang kaemo-emosyong sumagot, "Pasensya ka na, Rhea, kayo nalang ni Almira ang kumain."

Kamuntik na akong kabahan sa tono ng pagsagot ng lalaking 'to. Kahit kilalang-kilala ko na siya ay kinikilabotan parin ako sa nakakamatay niyang kasungitan kapag wala siya sa mood. Idagdag pa natin ang nakakagasgas sa sobrang tulis niyang tingin.

Napalunok ako para ipakita sa kanya na kunwari di ako tinablan sa kasungitan niya at mahinang hinila ang kamay niya, "Halika, may pupuntahan tayo."

Malakas naman na hinila ng lalaking 'to ang kamay niya pabalik sa kanya, "Wala ako sa mood para mamasyal." Saka tinalikuran ako at tumingin sa ibang dereksyon.

Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya saka bumulong sa pinakamalambing kong tono, "Hindi naman tayo mamamasyal. May pupuntahan lang tayo."

Lumingon naman siya sa akin at kamuntik nang tumama yung lips niya sa lips ko. Buti nalang at matangos ang ilong ko at bumangga yung ilong ko sa ilong niya kaya napaatras ako.

Walang kaemo-emosyong tinitigan niya ako sa mata ng walang ni isang salita kahit maliit na ngiti. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya kahit sobrang sungit niyang tignan sa awra niya.. Kikiligin sana ako sa sobrang lapit ng mukha namin kung nasa mood lang siya pero sa sobrang sungit ng mukha niya matatakot pa ata pati masamang elemento sa kanya ei.

"Pleasee." Mahinang sabi ko sabay pagpapacute sa kanya.

Hindi nga siya ngumiti o nagsalita pero tumayo naman siya at matamlay na naglakad papunta sa pinto at lumabas. Agad ko naman siyang sinundan baka kasi magbago pa ang isip niya at nagtatakang sinundan lang kami ng tingin ni Almira hanggang tuluyan kaming mawala sa paningin niya.

Tahimik lang kaming naglakad sa hallway. Nakakabingi na nga. Halata naman kasing wala sa mood ang kasama ko. Hanggang sa elevator ay tahimik pa rin siya. Ako na ang pumindot ng down button (🔻) para bumukas ang elevator. At magkasabay naman kaming pumasok sa loob. Ako na rin ang pumindot ng close button (▶|◀) para sumara ang elevator. Habang naghihintay kaming bumaba sa ground floor ang elevator ay nagisip naman ako ng paraan para magsalita siya.

Rhea: 🎼I just can't sleep tonight

Knowing that things ain't right.

It's in the papers, it's on the TV, it's everywhere that I go:

Children are crying,

Soldiers are dying,

Some people don't have a home.

🎼But I know there's sunshine beyond that rain.

I know there's good times beyond that pain.

Hey, can you tell me how I can make a change?

Napalingon siya sa akin ng marinig niya akong kumanta. At sa di inaasahan ay ngumiti siya sa akin. Yung ngiti niyang natural at nakakainlove. Kaya namagnet naman ang labi ko at nagkusang ngumiti rin sa kanya habang nagpatuloy sa pagkanta.

Rhea: 🎼 I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and pray.

I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and....

🎼I pray for the broken-hearted.

I pray for the life not started.

I pray for all the lungs not breathing.

I pray for all the souls that need a break.

Can you give 'em one today?

Habang ako ay kumakanta, siya naman ay panay ang titig sa akin habang nakangiti. Malapit na nga akong madistract ei sa sobrang ganda ng ngiti niya. Naku Jc! Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Tumatalon na ang puso ko, pag di ko na kinaya, kikiligin na talaga ako.

Rhea: 🎼 I just can't sleep tonight.

Can someone tell me how to make a change?

🎼 I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and pray.

I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and I pray.

"Ang weird mo talagang babae." Bigla siyang nagsalita na halatang smiley ang mukha niya kaya nahinto ako sa pagkanta.

"Bakit na naman ba?" Agad ko namang sagot na nagpipigil ng ngiti.

"Kahit gaano kasama ng nangyari sa araw ko, kapag narinig kitang kumanta, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kusa akong napapangiti." Katwiran niya habang nakangiting nakatitig sa akin na parang hihinto ang ulan sa sobrang ganda ng ngiti niya.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong natameme sa sinabi niya. Ni hindi nga magawang bumuka ng bibig ko. As in plain speechless talaga ako sa unexpected na sinabi niya. Napatunganga nalang ako habang pinagmamasdan ang napakatamis niyang ngiti. Hindi kasi gumagana ang utak ko kaya wala akong maisip na sabihin para basagin itong nakakakilabot estie nakakakilig na pangyayari.

"Bigla ko tuloy naalala si Crista..." Pagpapatuloy niya ng di ako makapagsalita.

At dahil sa huling sinabi niya, di ko na talaga magawang alisin ang tingin ko sa kanya at di ko na talaga magawang pigilan ang sarili kong ngumiti at kiligin. Wala na.... Di na talaga gumagana ang utak ko. Ni bibig ko nga ay ayaw bumigkas ng salita. Susulitin ko na lang tong moment na to at yung nararamdaman ko, baka di na maulit.

Maya-maya, mula sa nakakakilig na ngiti ay unti-unting nagbabago ang ngiti niya hanggang sa maging malungkot itong ngiti. Panandalian siyang tumingin sa sahig kasabay ng pagsandal ng balikat niya sa pader saka napatingin sa ibang dereksyon.

"Sobra ko lang siguro siyang namimiss." Mahina at malungkot nitong sabi, "Madalas niya kasi akong kinakantahan lalo na kapag malungkot."

Ay talaga?? Miss mo ako? Pano ko ba sasabihin sayo???? Hello, John Carlo Laporre aka Four ako to si Crista Segovia aka CrystaLheart. Yung clanmate mong dead na dead sayooo xD pero pasensya na, di pwedeng sabihin... Mapapahamak ako

"Dapat lage kang masaya." Wika ko at muli siyang tumingin sa akin, "Malulungkot talaga si Crista kapag nakita ka niyang malungkot."

Bahagya lang siyang ngumiti. Halatang fake smile lang. Kasabay ng pagbukas ng elevator. Magkasabay kaming lumabas at naglakad sa tahimik na hallway.

"Rhea, may boyfriend ka na?" Tanong niya habang nakatuon ang tingin sa hallway.

Nagulat ako sa di inaasahan niyang tanong at napasimangot na sumagot, "Wala no."

Bakit liligawan mo ako??? 😆

"Hindi mo pa boyfriend si Princebeybe?" Pangungusisa niya.

"Hindi no." Agad ko namang sagot.

"Hindi pa?" Pangungulit niya.

"Hindi ah!" Inis kong sagot.

Sandali siyang tumawa, "Halatang may gusto siya sayo. Ikaw yung pinaparinggan niya sa gm area."

"Maniwala ka, pinagtitripan lang ako nun." Katwiran ko naman.

"Pero nililigawan ka niya?" Nakangising tanong nito.

Nakasimangot lang akong umiling sa sagot niya pero nakabungisngis parin ang mukha niya.

"Gusto mo rin siya nu?" Tanong niya ulit.

Malapit na akong mainis, Jc konti nalang. Tinutulak mo ako sa tayong ayaw ko.

"Hindi ah." Agad kong sagot, "Hinding-hindi ako magkakagusto sa mokong na yun."

Tumawa lang siya ng sobrang lakas, "Mukha ka na ngang kamatis, Hindi parin ang sagot mo."

Sandali kong ginala ang tingin ko sa paligid at baka may nadisturbo siya sa lakas ng tawa niya. Buti nalang kami lang ang naglalakad sa hallway.

Namumula ba mukha ko? >_<

Agad tuloy akong napahawak sa magkabilang pisngi ko habang panay naman ang ngisi ng lalaking kaharap ko. Pinagtitripan lang ata ako ng lalaking to.

"Sagutin mo na kasi siya." Nakangising dugtong niya.

Hoy! Ikaw yung gusto ko. Wag ka ngang ano jan. Malapit na talaga akong mapikon.

"Hindi ko nga siya gusto!" Inis kong sagot habang nakasimangot.

"Umamin ka na. Hindi ko naman sasabihin sa iba." Pangungulit niya.

Napahinto ako sa paglalakad saka sinigawan siya dahil napipikon na talaga ako, "Ikaw yung gusto ko! Wag mo nga akong itulak kay Princebeybe!"

Nahinto siya paglalakad saka napalingon sakin at seryosong napatitig sa aking mga mata. Ako naman, nang marealize kong isang kahibangan ang sinigawa ko ay nanlaki ang aking mata at automatikong naitakip ko yung mga kamay ko sa bibig ko.

Rhea!! Sira-ulo ka talaga! Kulang nalang sabihin mong ikaw si Crista! Ikaw naman kasi ei, inuubos mo pasensya ko 😱😣

Nakabungisngis yung mukha niya ng lumapit siya sa akin habang ako naman ay panay na ginagalaw ang mata ko para iwasan ang titig niya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact o kung paano ko babawiin ang sinabi ko. Parang nagfreeze ang brain cells ko kaya ayaw gumana ng utak ko.

Nang makalapit na siya ay bigla niya akong kinurot sa pisngi sabay sabi, "Bukod sa maganda ka, marunong ka rin pa lang mambola." Saka nakangiting tumalikod at naglakad na ulit.

Ramdam na ramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha na naging dahilan ng pagiging kamatis ng mukha ko. Hinampas ko ang sarili kong pisngi saka napailing ng ilang beses.

Huminahon ka nga lang Rhea! Kinurot ka lang naman niya sa pisngi ah! Para yun lang electrified ka na??

Pero atleast hindi siya naniwala.... Buti naman...

Nang kumalma na ako ay sumunod na ako kay Jc. Muntik ko na tuloy makalimutan kung saan ko siya dadalhin.

"Halos araw-araw lage akong nakakarinig ng ganyan. Kaya di na bago sa pandinig ko." Paliwanag pa niya.

Bigla atang nagkaroon ng malakas na hangin ah. Akala mo kung sinong gwapo.

Minabuti ko na lamang na itikom ang bibig ko para wala na akong kalokohang masabi pa na maging dahilan ng ikakapahamak ko.

Maya-maya ay bigla siyang huminto sa paglalakad at ako nama'y tumayo sa kanyang tabi. Andito na pala kami. Maliit na chapel ng hospital.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tinititigan niya ang altar ng chapel. Inaabangan ko na kusa siyang papasok sa loob.

"Kakagaling ko lang dito." Nagsalita siya makalipas ang ilang minuto.

"Okay lang. Unlimited naman humingi ng tulong kay Lord." Sagot ko naman at hinila na siya papasok ng chapel. Sa tono kasi ng pagsalita niya ay parang ayaw niyang pumasok.

"Magdasal tayo para gumaling ang kapatid mo." Wika ko saka nagtungo kami sa upuan na malapit sa pinto.

Lumihod ako sabay yumuko habang siya naman ay lumuhod sa tabi ko at yumuko rin habang nakapikit ang mata.

Kaso nga lang, bigla kong iniangat ang ulo ko ng may maramdaman akong kakaiba at di inaasahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status