Share

Six (6)

SIX (6)

- Jc's POV -

[ Flashback ]

"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown.

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

"One!"

Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.

Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.

Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.

[ End of Flashback ]

Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya.

"Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumabas na ng kwarto niya si Cyrel, ang ate niya.

"Natutulog na siya." Sagot ni Cyrel habang naglalakad ito papunta sa akin, "Kelangan niya lang matulog at magpahinga. Magiging okay rin siya." Saka umupo siya sa harap ko.

"Hindi ba delikado ang lagay niya? Baka kelangan niya na ng doctor?" Panguusisa ko.

"Ginawa ko na yan noon at sa kung saan-saang hospital ko na siya dinala. Pero walang maayos na diagnosis ang mga doctor sa kalagayan niya." Paliwanag naman niya.

"Matagal na ba yang sakit niya?"

"In-born ang sakit niya." Sagot niya at tinitigan niya ako sa mata ng sobrang sama, "Ano ba kasi ang nangyari at biglang sumikip ang dibdib niya?"

Bigla akong naging bato sa kinauupuan ko. Nawala talaga sa isip ko ang tungkol don. Di tuloy ako nakapaghanda ng idadahilan.

Tumingin nalang ako sa kape na nasa harap ko para iwasan ang nakakatindig balahibo niyang tingin sakin, at nang makapagisip ako ng maayos.

Sasabihin ko kaya sa kanya ang totoo? Ei sa tingin pa lang niya siguradong gugulpihin niya ako.

"P-Pinagtripan kasi siya ng mga clanmate namin." Pagdadahilan ko habang iniiwasan ang tingin niya.

"Talaga? Ano naman ang ginagawa nila sa kanya?" Pangungusisa niya.

Patay. Dead end na ako.

Wala na akong maisagot. As in wala talaga. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Di ko pa gaanong kilala si Primera para malaman kung anong ayaw niya at mga kinatatakotan niya.

Muli akong tumingin kay Cyrel. Nakatitig siya sa akin at halatang nagaabang ng sagot. Para tuloy akong piniprito sa kinauupuan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto sa kwarto ni Primera at lumabas ang Sleeping Beauty sa loob. Magkasabay kaming lumingon ni Cyrel at nakita naming naglalakad si Primera papalapit sa amin.

Sa wakas, lumuwag din ang dibdib kong naninikip sa nerbyos. Natuyo pa ang utak ko sa kakaisip ng isasagot, buti nalang nagising na si Sleeping Beauty 😀

"Ano na naman bang nangyari sayo at sumikip na naman ang dibdib mo?" Tanong ni Cyrel kay Primera na medyo naiinis, nang makalapit ito sa amin.

Sumulyap si Primera sa akin na halatang nagtatanong ang tingin nito kung may sinabi ba ako. Umiling naman ako ng konti para ipahayag sa kanya na wala akong sinabi.

"Tinatakot kasi nila ako ng palaka." Pagsisinungaling nito.

Bumuntong hinga si Cyrel, "Pambihira. Ang tanda-tanda mo na para matakot sa palaka."

Napabungisngis ako sa narinig ko. Takot siya sa palaka. Para siyang bata 🤣

May nalaman akong nakakatawa kay Primera 😉😁

"Sige po. Tutuloy na po ako." Wika ko saka tumayo habang nakangiti parin sa fact na takot si Primera sa palaka.

"Dito ka nalang matulog." Agad na sagot ni Cyrel, "Masyado nang gabi at delikado na sa labas. Baka kung ano pang mangyari sayo."

"At saan mo naman siya patutulugin?" Agad na tanong ni Primera sa ate niya bago pa ako makasagot.

"Doon sa katabing kwarto mo?" Sagot naman ni Cyrel.

Nakangiti lang akong pinagmamasdan si Primera habang nakikipagtalo siya sa ate niya. At sa kakaobserve ko sa galaw at pananalita niya, bigla ko tuloy naalala si Crista. Ganyang-ganyan talaga siya makipagtalo; ang pagiging mataray, pilosopo at matigas ang ulo. Para talaga siyang si Crista.

"Di ka ba nahihiya?" Sagot ni Primera, "Limang taon na yung hindi nalilinisan tapos don mo siya patutulugin?"

"Bakit? Gusto mo sa kwarto mo siya matulog?" Sumbat naman ni Cyrel.

"Ate!" Halos pagtaasan na ng boses si Primera ang ate niya, "Tatanggap-tanggap ka ng bisita tapos wala kang matinong matutulugan!?"

"Bisita ko ba siya?" Nakapamewang na sumbat ni Cyrel, "Bisita mo siya kaya matuto kang mag-asikaso ng bisita."

"May sinabi ba akong dito siya matulog?"

"Tamad ka ba talaga o hindi ka pa rin marunong maglinis?"

"Ate! Anong oras na! Malapit nang maghating-gabi. Tapos maglilinis pa ako ng kwartong limang taon nang kinain ng alikabok!?"

"Wag ka ng----"

"S-Salamat pero wala naman sigurong mangyayari sakin. Lalaki naman ako." Singit ko para putulin ang kanilang mahabang diskusyon, "Magtataxi nalang ako pauwi."

Parang na-awkward ata ako sa atmosphere. Nagtalo pa tuloy sila ng dahil sa akin.

Cyrel: No, I insist, okay?

Primera: Sige, ihahatid na kita.

Magkasabay na sagot nilang dalawa.

Bigla akong napatanga at napasulyap sa kanilang dalawa na pilit ngumingiti. Hindi pa ba sila tapos magtalo? 😅

Grabe naman kung makapagdebate ang magkapatid na to. Walang gustong magpatalo.

Panandaliang nagkatinginan ang dalawa. Pareho silang nakasimangot pero mukhang napapagod na si Primerang makipagtalo sa ate niya.

"Ate naman..." Mahinang wika ni Primera.

"Papauwiin mo siya ng dis-oras ng gabi? Pagmay nangyari sa kanya, sasaluin mo?" Paliwanag pa ni Cyrel.

"Wala nga siyang matutulugan dito." Sagot naman ni Primera, "Next time nalang okay? Lilinisan ko yun para pagbumisita siya ulit, may matutulugan siya."

"Tatandaan ko yang sinabi mo." Sabi ni Cyrel na halatang pumapayag na siyang umuwi ako.

"M-mauna na po ako." Naiilang kong paalam. Nahiya tuloy ako..

Ngumiti lang si Primera sa ate niya at sinabayan niya akong pumunta sa pinto at lumabas ng bahay nila.

Tahimik lang kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep habang ako naman ay nakayukong nakangiti 😁

"Bakit ka naman nakangiti?" Tanong ni Primera nang mapansin niyang kanina pa ako nakabungisngis.

Natatawa pa rin kasi ako sa fact na takot siya sa palaka. Kaya di ko talaga mapigilang ngumiti. Kulang nalang asarin ko siya.

"Takot ka pala sa palaka?" Natatawa kong tanong at sumulyap sa mukha niya para makita ang magiging reaksyon niya.

"Wag mo akong simulan." Inis na pagbabanta nito.

Biglang humagalpak ako sa tawa dahil sa sobrang pula ng pisngi niya. Ewan ko ba kung nagpipigil siya ng inis o nahihiya. Basta di ko na talaga mapigilan at napatawa na talaga ako.

"Anong nakakatawa ha!?" Naiinis niyang sabi. Ngayon obvious nang nagpipigil siya ng galit.

"Si Primera na dota girl, takot sa palaka." Natatawa kong pangaasar sa kanya. Yung mukha niya na parang bulkan na sasabog na 😂

"Ikaw na bakla ka, tumigil ka kung ayaw mong baliin ko yang leeg mo." Panggigigil pa niyang banta.

Bigla akong nahinto sa pagtawa ng tawagin niya ulit akong bakla. Tinitigan ko siya ng seryosong-seryoso at hinatak ang braso niya papalapit sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ay halos magkadikit na ang ilong namin at nararamdaman ko na ang bawat paghinga niya.

"Sinong bakla?" Mahina at seryosong tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya.

Hindi siya nagpatinag sa tingin ko at tinitigan niya rin ako sa mata, "Ikaw."

Ilang minuto rin kaming nagkatitigan sa mata at ang weird lang talaga ng babaeng to. Kadalasang reaksyon ng mga babaeng tinititigan ng ganito ka lapit ng mga gwapo ay nagbublush at kinikilig. Pero ang isang ito, parang papatayin pa ata ako nito sa sobrang sama ng tingin niya sa akin.

"Kanina mo pa ako tinatawag na bakla at nagtitimpi lang ako. Kapag hindi ka tumigil at naubos ang pasensya ko, hihimatayin ka talaga ulit." Mahina at seryosong pagbabanta ko.

"Ako ba ang tinatakot mo?" Sagot nito habang nakacrossed arms, "Subukan mo lang at papatayin talaga kita."

Mukhang hindi siya natatakot sa sinabi ko. Kaya naman seseryosohin ko talaga ang sinabi ko. Bahala ka kung hihimatayin ka ulit basta hahalikan ko talaga ang nakakapikon na babaeng to.

Unti-unti ko nang binababa ang mukha ko, at nilalapit sa labi niya. Hindi talaga siya natitinag. Ni hindi nga siya gumagalaw kahit konti. Inaabangan niya talaga kung gagawin ko ba o hindi.

Maya-maya, may napansin akong gumagalaw sa likod niya. Kaya maingat kong ginalaw ng konti ang mata ko para makita ko kung ano yun.

Mukhang may nakita akong mas ikakabaliw niya kesa sa halikan ko siya 😜

Imbes sa labi niya, nilapit ko ang labi ko sa tenga niya habang nakangiting bumulong, "Ano yang nasa likod mo?"

"Hu?" Gulat na sagot niya dahil sa di inaasahang sinabi ko.

"Sabi ko, ano yang nasa likod mo?" Binulong ko ulit sa tenga niya.

Lumingon naman siya sa likod niya. At nang makita niya ang tinutukoy ko, nanlaki ang mga mata niya at nagtatalong tumakbo sa likod ko habang panay naman ang tili niya.

"AAAHH!! PALAKAAA!!"

"HAHAHA!!" Humagalpak ako sa tawa. As in, sobrang lakas na hawak-hawak ko pa yung tiyan ko sa kakatawa. Kulang nalang ay gumulong ako sa lupa 😂 Sobrang nakakatawa ang reaksyon niya na halos ikabaliw na niya.

"Four!! Nakakainis ka!" Galit na sigaw nito sa akin sabay hinampas niya ako sa likod ng malakas.

"Malay ko bang may palaka na palaboy-laboy dito." Natatawa ko paring sagot.

"Alisin mo yan!!" Mas lumakas pa ang sigaw niya ng tumatalon na ito papunta sa amin.

Hinihila niya naman ang braso ko paatras habang sumisigaw kaya napapaatras din ako. Pinagpapawisan ng malamig ang kamay niya at nanginginig. Para talaga siyang nakakita ng kung anong elemento ng mundo na pwedeng sumira sa pagiisip niya. Habang ako naman ay tumatawa pa rin habang siya naman ay malapit ng ipasok sa mental hospital 🤣 Ei sa natatawa ako, mapipigilan ko bang sarili ko.

Dahil nabibingi na ako sa sobrang lakas ng sigaw niya, pumulot na ako ng bato at tinaponan yung palaka at mabuti naman ay lumihis na ito ng talon.

Nang malayo na sa paningin namin ang palaka, bumitaw na siya sa braso ko at nagsquatt sa likoran ko habang nakabaon ang mukha niya sa mga palad niya. Natatawa pa rin ako ng nilingon ko siya at pinagmasdan. Nanginginig ang tuhod niya at pinagpapawisan ng matindi ang mga braso niya.

Nahinto ako sa pagtawa ng makita ko ang kalagayan niya. Seryoso talaga siya na takot siya sa palaka.

"Primera, okay ka lang?" Tanong ko kasabay ng mahinang paghaplos ko sa buhok niya.

Galit na hinampas niya ang kamay ko papalayo sa kanya saka tahimik na tumayo at naglakad papunta sa kabilang dereksyon na walang ni isang salita.

"Teka lang. Primera, san ka pupunta?" Nakangisi kong tawag sa kanya habang sinusundan siya.

Pero hindi man lang siya lumingon o sumagot. Mukhang napikon ata.

"Sorry na Primera. Biro lang naman ei. Wag mo naman seryosohin." Pangungulit ko habang nakabuntot pa rin sa kanya.

Kalaonan ay huminto siya at humarap sa akin, na halos saksakin niya na ako sa sobrnag tulis ng tingin niya sa akin, "At sa tingin mo, magandang biro yun? Kamuntik na nga akong mamatay sa sobrang nerbyos, bakla ka!"

Napakagat ako ng labi sa huling salita na sinabi niya. Malapit na maubos ang pasensya ko. Kapag inulit niya pa ng isang beses, hindi na talaga ako magpipigil.

"Kaya nga ako nagsosorry di ba? Kasi hindi nakakatawa." Sagot ko na nagpipigil ng inis.

"Alam mo namang hindi nakakatawa, bakit mo pa ginawa!? Nakakainis ka talagang bakla-----"

Natigilan siya sa pagsasalita ng hinawakan ko ang kamay niya saka hinila papalapit sa akin at hinalikan siya.

Sa pisngi ;))

Nanlaki ang mga mata niya na halatang gulat na gulat siya at blangkong nakatitig sa akin.

Ngumiti ako sa kanya saka kalmadong sumagot, "Akala mo sa lips. Ayokong nerbyosin ka ulit."

She made me feel so weird nang ngumiti siya ng sobrang sweet na parang ngiti ng isang masayang anghel. Paningin ko ay lumiwanag ang mukha niya dahil sa tamis ng kanyang ngiti na nagpaliwanag sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy maintindihan ang pakiramdam ko. Kinakabahan na pinagpapawisan ang kamay ko na parang umakyat ang dugo ko papunta sa mukha ko na para bang ako lang talaga ang parang ewan.

Tumalikod na lamang ako at naglakad papalayo sa kanya.

"Four, sa----"

"Salamat nga pala." Sabi ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

"Saan?" Pagtataka niya.

Huminto ako sa paglalakad at bahagyang nilingon siya, "Kahit pano gumaan ang pakiramdam ko."

Ayan na naman yung sobrang tamis niyang ngiti na kamuntik nang sumira sa pagiisip ko, bilang sagot niya sa sinabi ko. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya bago pa tuluyan akong kilabotan at naglakad ulit.

Rhea: 🎼Kalimutan mo na yan sige sige maglibang

Wag kang magpakahibang

Dapat ay itawa lang

Ang problema sa babae dapat 'di iniinda

Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo di' ba

Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko

Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo

Kaya wag nang uulit pa

Kaya wag nang uulit pa. 🎼

Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting lumingon sa kanya ng marinig kong kumanta ulit siya. Hindi ko talaga siya kayang talikuran kapag kumanta sa sobrang lamig ng boses niya. Para kang dinuduyan habang lumalanghap ng preskong hangin.

"Ba't ka naman huminto?" Tanong ko nang huminto siya sa pagkanta, nang makatingin na ako sa kanya.

"Kanina pa kasi ako kumakanta pero di pa kita naririnig kumanta." Katwiran niya habang humahakbang papalapit sakin.

Tumalikod na ako at nakapamulsang nagpatuloy sa paglalakad saka sumagot, "Iisang babae lang ang kinakantahan ko."

"Sino naman yun?" Pangungusisa niya.

Napatingala ako sa langit saka sumagot, "Dalawang taon na siyang patay."

"Ganun ba?" Malungkot nitong sagot.

Napalingon ako sa kanya ng biglang lumungkot ang tono ng boses niya. Nakayuko nga siya at tila nagtatampo.

Sige na nga lang. Pagbibigyan ko na. Tutal isang kanta lang naman. Ano ba naman kasi ang meron sa babaeng to at naguguilty ako kapag tinanggihan ko.

Jc: 🎼Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama

Mas okay pang laging gan'to, nalilimutan ka

Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo

Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?

Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal

Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal

At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita

Subalit nasaan ka na? Sumama sa iba

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?

Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na?

Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya

Wala pa ring k'wenta, bakit ba?🎼

Rhea: 🎼H'wag mong isipin yon

Hindi ka no'n mahal

H'wag yang katangahan mo ang pinapairal

Alam mo nang niloloko ka niya

Pero nagbubulag-bulagan ka

Hindi mo ba napapansin

Nakekengkoy ka na

H'wag manghinayang don

May mas babagay pa

Igala-gala mo lang ang mga mata

At kung sa pag-ihip nitong hangin

Dama mo na ikaw ay napuwing

Probema mo't suliranin aking aalisin

Tumingin ka sa iba at iyong makikita

Yung di ka iiwan di na mag-iisa

Tumingin ka kung saan

Kikislap ang 'yong mga mata

At gugulong ka sa katatawa

Hahaha masaya

Di ka na mangangamba

Hindi ka na magmumukhang tanga

At kung manhid ka kasi mahal mo pa s'ya

Naku umayos ka

Marami pang iba🎼

Nakangiting tumingin ako sa kanya ng bigla niyang putulin ang pagkanta ko sa pagsingit niya ng ibang kanta.

Maiksing napatawa ako pagkatapos ng kanta. Bukod sa magaling siyang kumanta, marunong din siya pumili ng kakantahin.

"Ba't ka naman nakangiti?" Kunot noo nitong tanong.

"Sinira mo ang moment ko." Nakangiti ko namang sagot.

"Ang pangit kaya ng kanta mo. Bawal ang malungkot ngayon." Katwiran pa niya.

Napasmirk nalang ako saka sumagot, "Umuwi ka na nga lang. Baka hinahanap ka na ng ate mo."

"So pinapaalis mo na ako." Agad naman nitong sagot.

"Masyado ng gabi. Baka may mangyari pa sayo." Katwiran ko.

"Ihahatid muna kita sa abangan ng jeep." Pagpupumilit niya.

Ang tigas talaga ng ulo....

"Hindi na. Kaya ko naman." Nakangiti kong sagot, "Tsaka malapit lang naman."

"Sinabi mo yan. Pagmay nangyari sayo sa daan, wag mo akong sisisihin." Paalala pa niya.

Napabungisngis ako na abot hanggang tenga, "Walang mangyayari sa akin. Wag kang magalala."

Dinig kong huminto siya sa paghakbang saka sumagot, "Bahala ka."

Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kanya habang nagderederetso sa paglalakad, "Magiingat ka sa pauwi."

"Good night, Four. Ingat." Sagot niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, "Jc nalang."

"Hu?" Pagtataka niya.

"John Carlo Laporre ang totoo kong pangalan. Jc nalang." Paliwanag ko.

Ngumiti naman siya saka sumagot, "Rhea Castino nga pala."

"Nice meeting you, Rhea." Sagot ko naman, "Bumisita ka sa party house kung kelan mo gusto. Libre lahat ng drinks basta ikaw."

"Talaga?" Excited pa nitong sagot.

"Oo naman. Ikaw pa."

"Sinabi mo yan. Walang bawian."

"Basta ikaw."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status