Share

Three (3)

THREE (3)

- 3rd person POV -

"Rhea, may bisita ka." Sigaw ni Cyrel mula sa sala habang binubuksan ng malaki ang pinto.

"Sandali lang." Pasigaw namang sagot ni Rhea mula sa kanyang kwarto.

"Tuloy ka muna. naglalaro pa ata si Rhea ng Dota." Wika naman ni Cyrel sa binatang nasa harapan nito.

"Salamat po pero dito ko nalang hihintayin si Rhea." Sagot naman nung binata.

Maya-maya ay lumabas na si Rhea mula sa kanyang kwarto at naglalakad ito papunta sa main door, "Sino ba yan ate?"

"Ceejay Gonzaga daw ang pangalan niya." Sagot naman ni Cyrel ng makalapit ito sa kanya.

Nagulat si Rhea nang marinig niya ang pangalan ng binatang nakatayo sa harap ng kanilang pinto, kaya mahinang tinulak niya si Cyrel papalayo sa pinto at nakita niyang nakatayong nakangiti si Ceejay sa harap ng pinto.

"At anong ginagawa mo dito?" Pagtataray na tanong ni Rhea.

"Kakagaling ko lang sa school at kanina pa nagsimula ang final practice para sa tournament mamaya. At sinabihan ako ni Sir na daanan ka baka malate ka na naman mamaya." Paliwanag ni Ceejay.

Bumuntong-hinga si Rhea, "Sige, magbibihis muna ako."

Tumango lang si Ceejay at nagtungo na si Rhea sa kanyang kwarto. Iniwan lang ng dalagang nakabukas ang pinto.

Habang naglalakad si Rhea papunta sa kwarto niya, nakita niyang nakatayo si Cyrel sa tabi ng pinto nito habang titig na titig sa mukha ni Rhea. Halatang inoobserbahan niya ang reaksyon ng kanyang kapatid.

Minabuti nalang ni Rhea na ituon ang atensyon nito sa doorknob upang maiwasan ang nagtatanong na tingin ni Cyrel.

"Papasokin mo naman ang bisita mo." Simula pa ni Cyrel.

"Hindi siya bampira ate kaya hindi siya masusunog ng araw." pilosopong sagot ni Rhea na nakaiwas sa tingin ng kanyang ate.

Akmang bubuksan na sana ni Rhea ang pinto ng kanyang kwarto nang biglang hinawakan ni Cyrel ang kamay niyang nakahawak sa doorknob.

"Ikaw dota girl, kakasimula pa lang ng semester, may manliligaw ka na." Sabi pa ni Cyrel.

Sandaling napatingin si Rhea sa kamay ni Cyrel na nakahawak sa kanya, saka sumagot na nakatingin sa kanyang ate, "Hindi ko siya manliligaw. At kung meron man, ikaw ang unang makakaalam."

"Inuulit ko, Rhea. Hindi madali magpaaral ng college kaya umayos ka." Paalala ng kanyang ate.

"Tinuon ko na nga ang atensyon ko sa dota di ba? Para hindi ako magkaroon ng interest sa mga lalaki." Paliwanag naman nito, "At tsaka, di ba may trabaho ka ngayong 9 am? Pasado alas 9 na."

"9 pm po yun, dota girl." Sagot ni Cyrel saka binitawan ang kanyang kamay.

Nang binitawan na ni Cyrel ang kamay ni Rhea, agad namang binuksan niya ang kanyang kwarto. Agad na pumasok at sinara ang pinto.

"Napasobra ata ang laro ko at nakalimotan kong dadaanan pala ako ni Ceejay." Bulong pa nito sa kanyang sarili habang pinapatay ang computer.

Pagkatapos niyang patayin ang computer, nagtungo na siya sa kanyang closet upang maghanap ng maisusuot. Makaraan ang ilang minutong pamimili ay nakahanap na siya ng komportableng maisusuot saka nagpalit ng damit.

Nagsuot ang dalaga ng white polo shirt, blue jeans with brown doll shoes. Nilugay niya ang kanyang straight at hanggang dibdib na buhok at naka-one sided ito. Pagkatapos ng ilang minutong pagsusuklay sa harap ng salamin ay lumabas na ito ng kwarto.

Nasa sala si Cyrel na nakaupo sa sofa ng madaanan ito ni Rhea papunta sa pinto. Tinignan niya ang kanyang kapatid mula ulo hanggang paa habang naglalakad ito.

"Magblush-on ka naman." Nakangising pangaasar pa ni Cyrel sa kanya bago pa ito makalabas ng pinto.

Lumingon ng konti si Rhea sa kanya saka sumagot, "Hindi tatalab ang pangaasar mo sa akin."

Mahinang napatawa si Cyrel saka tuluyan nang lumabas ng pinto si Rhea. Iniwan ng dalagang nakabukas ang pinto kaya napagmasdan ni Cyrel ang dalawa habang naglalakad ito papalayo sa kanila.

"Alam mo ba kung para saan ang final practice ngayon?" Tanong ni Rhea habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep.

Umiling lang si Ceejay saka tumingin kat Rhea na halatang nagaabang ng sagot mula sa dalaga.

"Screening kasi yun. Iisang representative lang kasi bawat course." Paliwanang ng dalaga.

"Ibigsabihin ako ang representative ng BS-IT?" wika naman ng binata.

"Bakit? Pumasa ka?"

"Oo." :D

"Nakapagtataka." Bulong ng dalaga sa kanyang sarili habang nakayukong napapaisip.

Napahinto naman ang binata sa paglalakad at humarang sa harap ng dalaga. Dahilan ng paghinto ng dalaga sa kanyang paglalakad at napatingin sa kanya, "Pinagdududahan mo ba ang galing ko?"

"May sinabi ba ako?" Agad naman na sagot ng dalaga saka umiwas sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

- Rhea's POV -

Nakapagtataka lang kung bakit si Ceejay ang pumasa bilang representative ng BS-IT. Dapat yung bestfriend ko nung highschool, si Megan. May nagbago ba nang bumalik ako? Hindi ko naman pinakealaman ang Libro ng Tadhana. Ni hindi ko nga binuksan. Mapapagalitan ako ni St. Gabrielle kapag ginawa ko yun.

Binura ko na lamang yun sa isipan at nagisip ng iba. Baka di pa ako makalaro ng maayos sa kakaisip ko sa maliit na bagay.

Huminto na ako sa paglalakad nang makarating na ako sa sakayan ng jeep. Napalingon naman ako sa likod nang mapansin kong hindi ko kasabay si Ceejay. Nakita ko siyang hinihingal sa pagsunod sa akin. Mabilis ba akong maglakad o masyado lang talaga siyang mabagal?

"Ang bilis mo namang maglakad." Pagod na sabi niya ng maabotan niya ako.

"Mabagal ka lang." Wika ko.

================================================================

Pagdating namin sa school, labas-pasok ang mga estudyante. Tahimik lang kaming pumasok sa loob at dumeretso sa ComLab3 (Computer Laboratory 3)

Pagdating namin, konti pa lang ang estudyante na andon kaya di pa ako pumasok, huminto lang ako sa harap ng pinto at sumandal sa tabi. Napahinto naman si Ceejay sa paglalakad ng di ako pumasok.

"Hindi ka pa ba papasok?" Tanong nito sa akin.

"Final screening pa kasi yan. Ang mananalo jan ang makakalaban ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Makakalaban mo?" Pagtatakang tanong niya.

"Hindi ba nabanggit sayo ni sir Jeff na ako ang defending champion?" Tugon ko.

"Sige na nga. Papasok na." Sagot naman ni Ceejay at pumasok na siya sa loob ng ComLab.

Pumwesto siya sa unit na malapit sa CCTV. Ano kaya ang pumasok sa isip niya at doon niya naisipang pumwesto? Ang dami pa kayang bakante.

Maya-maya ay dumating na si Sir Jeff. Mukhang si Sir ang magiging baby sitter nila.

"Castino, pasok ka muna." Tugon ni sir habang papasok siya sa loob.

Sumunod na rin ako. Masyado kasi akong maaga. Dapat mamayang 1 pm pa ako pupunta dito. Bored kayang maghintay.

Nang maihakbang ko ang aking paa sa loob, biglang nanigas ang buong katawan ko at bigla ring huminto sa paggalaw ang lahat ng estudyante sa loob pati si sir. Tila huminto ata ang panahon at oras.

May bababa bang anghel galing sa langit? Wala naman akong sinuway na patakaran at bilin ah. At bakit pati ako nanigas din? Dapat nga mortal lang, ei hindi naman ako mortal.

Di nagtagal ay unti-unting dumidilim ang paligid. Tapos biglang tumayo si Ceejay, lumabas ng ComLab at pagkalabas niya, nagspark ang mga wirings sa kisame, dingding at pati ang mga system unit. Agad na nagsitilian ang lahat ng estudyante sa loob. Sa sobrang lakas ng sigaw nila, nabingi ako. Wala ako ibang naririnig kundi ang tilian nila na nag-echo sa aking tenga na dahilan ng pagpikit ko.

"Rhea.... Rhea...."

Malabo man sa aking pandinig ay naririnig ko paring may tumatawag sa akin sa gitna ng nakakabinging sigawan.

Hanggang sa bigla nalang akong napadilat. Nanlaki ang aking mga mata ng bumungat sa harap ko ang mukha ni Ceejay.

"Rhea.... Rhea...." Paulit-ulit na tawag ni Ceejay sa akin habang mahinang inaalog ang aking balikat.

Blangkong napatitig ako sa kanyang mukhang nagaalala.

"Okay ka lang?" Pangungulit pa ni Ceejay ng hindi ako sumagot.

Hindi ko siya pinansin. Inikot ko ang mga mata ko sa buong room at maliwanag naman. Naka-on ang lahat ng ilaw. Okay naman ang condition ng mga wirings at system units. Ang hindi lang okay ay ang hindi magandang tingin ng mga estudyante sa akin at ni sir Jeff.

"Castino, kaya mo bang maglaro mamaya?" Pagtatakang tanong ni sir Jeff.

"Okay lang naman ako sir." Mahinang sagot ko.

Nagkibit balikat lang si sir, "O sige, ikaw muna magbantay dito habang wala ako ako. Nakaset na jan sa server ang time at auto-score. Ang gagawin mo nalang ay magbantay kung may magchecheat. Makikita mo naman kasi magflash sa screen ng server ang unit ng nag.cheat." Paliwanag ni Sir.

"Eto ba ang dahilan kung bakit niyo ako pinaaga ng dating dito?" Reklamo ko.

"Bukod sa malalate ka, at oo yan na rin." Sagot ni sir at pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa pinto at tuluyan ng iniwan sa aking mga kamay ang pagbabantay sa kanila. Ni hindi man lang niya hinintay ang magiging sagot ko.

"Okay ka lang ba talaga, Rhea?" Muling tanong ni Ceejay ng mawala na si sir sa room.

"Bumalik ka na sa unit mo." Naiiritang sagot ko saka nagtungo na sa server na nakapwesto sa harap nilang lahat, bandang kaliwa.

Oo, naiirita na ako sa kakulitan ng mokong nato.

Nakaharap ako sa monitor nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na naglalakad si Ceejay papunta sa unit niya. Nang makaupo na siya sa unit niya, napatingin ako sa enter key ng keyboard habang napapaisip.

Mangyayari ba talaga yung nakita ko? Parang hindi naman siguro. Kung hindi naman mangyayari, bakit pinakita sa akin? Ang gulo-gulo na ng isip ko. Sa tournament nalang muna ang focus ko. Baka matalo pa ako sa kakaisip ng kung anu-ano.

Pinindot ko na ang enter key, hudyat ng pagsisimula ng game. Kaso nga lang, pagkapindot ko sa enter ay biglang namatay ang lahat ng ilaw kasabay rin ng pagshutdown ng lahat ng units pati ang server. Dinig ko ang pagbubulong-bulongan ng mga players.

Brown out ba?

"Kelan pa ba nagkaroon ng routational brown out tuwing screening?" Reklamo ko.

"Wag ka kasi laging magpa.VIP. Para alam mo ang lahat ng nangyayari sa paligid mo." Pagsusungit pa ni Andrei na nakaupo malapit sa server.

Nakataas ang isa kong kilay ng sinagot ko siya, "Hiningi ko ba ang opinion mo?"

Kagwapong nilalang nitong lalaking to kaso saksakan ng sungit. Kinilabotan tuloy ako sa sinabi niya.

Maya-maya tumayo si Ceejay at naglakad papunta sa pinto.

Teka lang .........

Wag mong sabihin... Mangyayari pa ata yung nakita ko?? Ngayon ???

"Teka, Gonzaga. San ka pupunta?" Natatarantang sigaw ko bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto.

Sa sobrang lakas ng pagkakasita ko sa kanya, nagtinginan ang lahat ng estudyante sa akin. Ayaw ko sa tingin nila. Nakakatunaw.

Automatikong napahinto at lumingon din siya sa akin.

"Titignan ko lang yung fuse kung anong nangyari." Kunot noong sagot ni Ceejay.

"Hindi." Agad kong sagot matapos niyang magsalita, "Ako na ang titingin."

"Hindi pwede. Masyadong madilim sa hallway. Baka kung anong mangyari sayo." Pagdadahilan niya.

"Tigilan mo nga yang kunwari concern effect mo." Pambabara ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kanya, "Ako na ang pupunta."

"Mas mabuti pa sigurong antayin nalang natin na umandar ang generator, ma'am." Pagsusungit pang sagot ni Ceejay.

"Dederetso naman po ako sa generating room para magtanong, boss." Pagpupumilit ko.

Hindi na niya nagawang magprotesta nang pinagtaasan ko siya ng kilay. Tumabi na lamang siya at hinayaan akong lumabas ng ComLab.

Sandali lang...

Tama ba talaga na ako ang lumabas? O dapat ba talaga na si Ceejay ang nasa labas?

Sa kakaisip ko, napahinto ako sa paglalakad, ilang hakbang mula sa ComLab.

Mali.....

Dapat hindi ako lumabas...

Tama.. Hindi dapat ako lumabas. May mapapahamak sa loob.

Agad akong napalingon sa madilim na ComLab. Tanging ilaw lang ng mga cellphones ng mga players ang nagsisilbing liwanag sa loob. At pagkalingon ko, kasabay din ng pagbalik ng ilaw at agad na nagspark ang lahat ng wirings sa kisame, dingding at pati ang mga system units. Kasunod nun ang malakas at nakakabinging sigawan ng lahat ng players sa loob.

Sinasabi ko na nga ba....

Ang tanga-tanga ko talagang nilalang..

Nagtatakbo akong bumalik at pagdating ko, nagkakagulo na silang lahat kasabay ng nakakabingi nilang sigawan sa sobrang takot. Nagsibagsakan na rin ang ilang mga live wires mula sa kisame deretso sa mga conputers, ang iba sa system units na naging dahilan ng unti-unting pagsisimula ng apoy.

"Presence of mind, players!!" Pinakamalakas kong sigaw para makuha ang atensyon nila, "Labas!! Bilis!!"

Buti nalang, narinig nila ako at nakapagisip sila ng matino, at nagmamadali na silang lumabas kahit yung iba ay parang mabaliw parin sa kakasigaw. At sa sobrang pagmamadali ng mga players, isang player ang hinimatay at buti nalang nasa likod niya ai Ceejay. Kaya agad niya itong binuhat.

Malapit na sana sa pinto si Ceejay, buhat ang dalagang nawalan ng malay, nang bigla siyang nanghina at napaluhod. Pinagpapawisan ang buong mukha niya. Tumitindi na kasi ang init sa loob na gawa ng paglaki ng apoy.

Papalapit ako sa kanila para tumulong nang makita ko ang isang live wire mula sa kisame na bumabagsak sa kanila. Bago pa ito tumama sa kanila ay ginamit ko ang buong lakas ko at hinila ang kamay ni Ceejay kasama ang dalagang buhat at paikot na hinagis sila sa labas. Eksaktong binitawan ko ang kamay ni Ceejay ng bumagsak sa mismong likod ko ang live wire.

Ramdam kong dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko dahilan ng paninigas ko at pagbagsak sa lupa.

"RHEA!!" Sigaw ni Ceejay ng mapalingon siya sa loob matapos kong bitawan ang kamay niya.

Nagaalalang mukha ni Ceejay habang nagtatakbo siya pabalik ang huli kong nakita bago tuluyang naging itim ang paningin ko......

- Cyrel's POV -

Pagkatanggap ko ng tawag mula kay Sir Jeff tungkol sa nangyari sa school ni Rhea, agad akong nag.punch out at nagtungo sa hospital kung saan dinala si Rhea.

Pagdating ko sa labas ng ER ay andon din si Ceejay, nakatayo sa tabi ng pinto ng ER. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay bigla siyang napalingon sakin. Mukhang napansin ata niya akong dumating.

"S-Sabi ng doctor, stable na daw ang kalagayan ni Rhea. Hindi naman siya gaanong napuruhan ng apoy. Pwede na rin siyang i-discharge pagkagising niya." Paliwanag ni Ceejay ng makarating ako sa kanyang harapan.

Nakahinga ako ng sobrang luwag pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Kinabahan ako dun ng matindi na parang sasabog na ang dibdib ko.

"Naku, salamat ha." Maginhawang sagot ko.

"Walang anuman. Maiwan ko na muna kayo." Wika naman ni Ceejay saka naglakad na papalayo ng ER.

Nang nakalayo na siya ay pumasok na ako sa loob. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama kung saan nakahiga si Rhea. Inobserbahan ko ang hitsura niya mula ulo hanggang paa. Mukhang maayos naman talaga ang kondisyon niya at wala siya gaanoong sugat na natamo. Napansin kong medyo gumagalaw ng konti ang pilik-mata ng babaeng to.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya, "Magaling ka nga magDota pero hindi ka magaling umarte." Sabi ko na nakacrossed arms ang kamay.

Dumilat naman ang maarte kong kapatid at tumingin sakin, "Ano naman ang ginagawa mo dito?" Sagot nito saka umupo sa kama.

"Nag-undertime na nga ako para tignan ang kondisyon mo tapos ganyan pa yang ugali mo?" Nakasimangot kong sagot.

"Hindi naman kita sinabihan." Pilosopong sagot nito saka tumingin sa ibang dereksyon, "Baka mamaya ako pang sisihin mo kapag nastress ka."

"Hindi ka nga masyadong napuruhan pero matindi naman ang epekto ng apoy sa ugali mo." Inis na sagot ko, "Nagpaka-wonderwoman ka pa kasi."

Automatikong napalingon siya sa akin at tinitigan ako sa mata ng sobrang sama na parang tutunawin na niya ako.

At bago pa man siya makapaginsulto, nauna na akong magsalita sa kanya, "Tumayo ka na jan at i-didischarge na kita."

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya, dumeretso na ako sa pinto at nauna nang lumabas ng ER.

- Rhea's POV -

Pagkalabas ni ate ay tumayo na ako at lumabas na rin ng ER. pwede ko naman kasing hintayin si ate sa waiting area habang inaasikaso ang discharge slip ko.

Hindi naman kasi ako napuruhan sa apoy kahit nung nakuryente pa ako. Ayoko rin namang magalala si ate baka madamay pa ang trabaho niya. Bakit pa kasi siya tinawagan ni Sir. Nadisturbo pa tuloy ang trabaho niya. Alam ko naman na sobrang busy si ate. Siya lang kaya ang bumubuhay at nagpapaaral sa akin.

Maya-maya ay dumating na si ate sa waiting area kung saan ako naghihintay sa kanya, dala ang discharge papers ko. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng hospital. Buti nalang ay naniwala siyang okay na ako. Ang hirap pa naman niyang kumbinsihin kaya pinasakay na niya ako ng taxi pauwi ng bahay habang siya naman ang sumakay ng jeep pabalik sa trabaho niya. Maaga pa naman at meron din akong gagawin sa bahay paguwi ko.

Pagdating ko sa bahay ay kinilabotan ako sa katahimikan na bumungat sa akin. Natural, wala kasing tao. Kaming dalawa lang ni ate ang nakatira. Nilock ko agad ang pinto sa harap at saka umakyat sa kwarto ko. Pagpasok ko ay agad kong nilock ang pinto at dumeretso sa kama at umupo.

Gagawin ko ba talaga to? Siguradong mapapagalitan ako ni Saint Gabrielle kapag ginawa ko. Pero titignan ko lang naman, wala naman akong babaguhin. At tsaka dalawang bagay lang naman ang pinagbawal sa akin,

Una, wag baguhin ang kapalaran ng tao at

Pangalawa, wag gamitin ang Libro ng Tadhana para baguhin ang nakatakda.

Haaaay...

Napabuntong-hinga ako. Sige na nga. Pupunta nalang muna ako ng langit para komunsulta at nang di ako masermonan.

Nang nakapagdesisyon na ako ay tumayo ako sa kama at nagtungo sa bintana. Dadayain ko muna ang oras baka may makakita sa akin.

Binuksan ko ang bintana at nilapag ko ang kaliwang kamay ko sa hangin at pumikit.

Unti-unting lumiwanag ang palad ko kasabay ng paghinto ng hangin, paglalakad ng mga tao sa labas at pagkahulog ng dahon sa punong kahoy. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita kong nanigas ang lahat ng nasa labas maliban lang sa akin. Tumalon ako sa bintana at lumabas ang makinang at maputi kong mga pakpak at lumipad na ako papuntang langit.

Pagkalapag ko sa ulap ay unang napansin ni Propheta Isaiah ang pagdating ko.

"Maligayang pagdating, munting anghel." Pagbati niya.

Niyuko ko ang aking ulo sa kanyang harapan bilang pagbati sa kanya.

"Batid kong may gumagambala sa iyong puso." Pagpapatuloy niya.

"Yun nga po ang aking pinunta." Magalang kong sagot.

"Subukan mong ikwento at nang ating maliwanagan."

"Nagulat kasi ako ng ni Ceejay ang naging representative ng BS-IT. Dapat kasi yung schoolmate ko nung highschool." Pagsisimula ko, "At ang mas ikinagulat ko ay ang nangyari kanina. Hindi naman yun nangyari nung nabubuhay pa ako."

"Ako may nagulat din sa aking nasaksihan." Isang kilalang boses ang nagpatingin sa akin sa likuran ni Propheta Isaiah at napalingon din siya sa kanyang likuran.

"Saint Gabrielle." Pagbati ko sabay yuko ng makilala ko kung sino ang anghel na papalapit sa amin.

"Ngunit hindi na ako maaaring magtaka sapagkat ito'y aking inaasahan na." Pagpapatuloy ni Saint Gabrielle ng makalapit ito sa aming harapan.

Iniangat ko ang aking mukha at naguguluhang tumingin sa kanya, "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Kapag may isang anghel na binigyan ng Panginoon ng isa pang pagkakataon para bumalik sa lupa, mayroong Fallen na magiging balakid sa kanyang pagbabalik. Upang humadlang sa nakatakdang mangyari." Paliwanag ni Saint Gabrielle.

Napakunot ang noo ko. Ei sa wala akong maintindihan, "Ano po ba yung Fallen?"

"Isang anghel mula dito sa langit na tinapon sa lupa dahil sa maitim nilang puso at sa kagustuhan nilang higitan ang kapangyarihan ng panginoon." Sagot naman ni Propheta Isaiah.

"Sa madaling salita, may Fallen na humahadlang sa buhay mo at pilit na binabago ang nakatakdang mangyari." Dugtong pa ni Saint Gabrielle.

"Kung sinong Fallen man yan, hindi ako natatakot sa kanya." Pagmamayabang ko.

"Wag kang umasa sa sarili mong lakas at kaalaman. Lalo pa't masyadong makapangyarihan ang Fallen na makakaharap mo." Babala pa ni Saint Gabrielle.

"Paano niyo naman po nasabi?" Tanong ko.

"Iisang anghel lang ang may abilidad na mag-anyong tao at pumatay ng isang anghel." Katwiran niya na halatang sa tono ng pagsasalita niya ay alam niya kung sinong fallen ang tinutukoy niya.

Napaisip tuloy ako. Narinig ko na rin ang tungkol sa anghel na may ganyang abilidad, "Si Lucifer." Bulong ko.

"Hindi lang siya basta alamat. Totoo siya at makapangyarihan." Wika ni Propheta Isaiah, "Kaya laging kang magdasal at manalig sa panginoon. Yan ang sandata mo laban sa kanya."

"Hinding-hindi niya matitibag ang pananampalataya ko sa Panginoon." Kampanteng sagot ko.

"Magiingat ka parin, Crista. Panginoon lang ang tangi mong paniwalaan at wag na wag mong hayaan na umibig ang puso mo sa ano mang meron ang mundong ibabaw. Tanging pagibig lang ng Panginoon ang tunay at dalisay." Bilin ni Saint Gabrielle.

O sige. Kung sino ka mang Fallen ka, makikipaglaro ako sayo. Sasakyan ko ang trip mo. Pero wag na wag mo lang talaga sagarin ang pasensya ko. Dahil pag nakilala kita, patawarin ako ng Panginoong Maykapal sa magagawa ko sayo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status