Share

Two (2)

TWO (2)

Kinakaladkad ako ni Almira papasok sa isang park, ilang oras pagkatapos ng klase namin. EB kasi ng clan namin at walang akong planong pumunta pero eto ako ngayon, kinakaladkad niya.

"Wag ka na kasing KJ, crushmate. Sumama ka na." Pagpupumilit pa nito.

"May magagawa pa ba ako ei hinihila mo na nga ang kamay ko." Sagot kong napipilitan.

"Wag mo ngang dibdibin. Ngayong gabi ka lang naman absent sa dota." Nakangiting sagot naman niya.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, huminto kami sa isang kubong gawa sa kawayan. Halos occupied na ng mga binata at dalaga ang kubong yun. Masaya silang nagkukwentohan sa bawat isa. Halos halakhak ng kahit sinong andon ang maririnig mo. Lahat sila ay panay ang usapan at iilan lang ang tahimik na nakaupo. Mukhang masayahin ang clan na napasokan ko at hindi mga isnaberra ang mga members. Bawat may darating ay kung sinu-sino lang ang lumalapit at nakikipagkamay. Di na rin ako magtataka kung bakit marami nang members ang andon. Isang oras lang naman kaming late ni Almira. Sana wala pa si Uno, yung founder ng clan.

"Crushmate, may kilala ka jan sa kanila?" Bulong ko kay Almira.

Tumango lang siya saka sumagot, "Halos lahat kasi mga old members. Kunting mukha lang ang nakikita kong bago."

Pumasok na rin kami sa loob ng kubo. Nakakatuwa tignan ang mga members parang ilang dekada na silang magkakilala sa sobrang close nilang lahat. Yung iba naghaharotan at nagbibiroan. Yung iba naman ay kinukulit yung ibang tahimik lang para magsalita at sumali sa kulitan. Kaya panay ang pangungumbinsi ni Almira sa akin na umattend ng kahit isang EB lang dahil ganito pala kasaya.

Nakasandal lang ako sa isang poste ng kawayan kasama si Almira. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng members. At sa nakikita ko, kahit newbie ka pa lang mabilis mong magiging close ang lahat dahil sa ugali nilang magaling makisama at makipagusap. Kahit ngayon mo lang sila nakilala ay parang ilang dekada na kayong mgakaibigan.

"Mads, newbie ba yang kasama mo?" Tanong ng isang binatang naglalakad papunta sa dereksyon namin habang nakatingin sa akin.

"Hindi, oldies to. Ngayon lang nagkatime magEB." Sagot naman ni Almira.

Si Almira pala yung tinatanong pero sa akin nakatingin??

"Four." Sabay inabot ng binata ang kanyang kamay sa akin.

"Primera." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"Primera?" Sandali siyang napaisip, "Ikaw ba yung Dota player sa clan?"

"Parang ganun na nga." Nakangiti kong sagot.

"Rhea!" Sigaw ng isang boses mula sa likod ni Four.

May nakakakilala ba sa akin dito para tawagin ako sa totoo kong pangalan?

Pareho kaming napalingon ni Four sa kanyang likod at nakita ko ang kaunaunahang lalaki na tumalo sa akin sa dota. Nakangiti itong naglalakad papunta sa amin.

Mapunit sana mukha mo sa sobrang laki ng ngiti mo.

"Sabi ko nga ba, ikaw si Primera." Dugtong pa nito ng makarating ito sa aming harapan.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Four sa akin.

"Schoolmate ko kasi siya." Mahinang sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Mads, meeting daw muna ang mga officers." Sabi ni Almira kay Four.

Tumango lang si Four kay Almira at magkasabay na silang lumabas ng kubo.

"Princebeybe nga pala." Pagpapakilala ni Ceejay nang mapansin niyang wala sa kanya ang atensyon ko.

Lumingon naman ako sa kanya, "Kilala na po kita, Ceejay Gonzaga."

Nakangiti naman itong sumagot, "Kilala mo na nga ako sa school pero hindi sa clan."

"Tsk." Kalahating ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"First time mong umattend ng EB?" pagpapatuloy niya.

"Oo, ayaw ko nga sana pumunta kaso ayaw akong tigilan ni Almira ei." Paliwanag ko.

"Bakit naman? Enjoy kaya." Nakangiting sagot niya.

"Mukha nga. Ang Iingay nilang lahat ei. Parang walang newbie." Wika ko naman.

Maya-maya ay napabunot si Ceejay sa kanyang bulsa para kunin ang kanyang cellphone. Ako naman ay nakangiting pinagmamasdan ang masayang members na nagkukwentuhan sa aking harapan. Nakakatuwa talaga silang tignan. Kahit hindi ka kasali ay mapapangiti ka nalang kapag humalakhak na sila ng malakas.

Maalala ko nga pala ang ate ko. Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kanya. Nagaalala na talaga yun at malamang tadtad na naman ang inbox ko ng mga messages niya.

Saglit na nilingon ko muna si Ceejay. Mukhang abala naman siya sa cellphone niya, at kinuha ko na rin ang cellphone ko sa bulsa. Bumungat sa cellphone ko ang missed calls ni ate na di mabilang at messages niyang nagpapuno ng inbox ko. Ang galing niya talagang mag.flood messages.

Malamang galit na to.

Hindi na ako nagpaalam kay Ceejay, busy kasi siya sa cellphone niya, lumabas na ako ng kubo at nagmamadaling nagtungo sa Exit.

"San ka pupunta, Crushmate?" Tawag sakin ni Almira ng mapansin niya akong nagmamadaling dumaan sa kanyang likuran.

"Uuwi." Maikling sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"Kakadating mo pa lang ah." Pasigaw nitong sagot.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad nang hindi siya pinapansin.

"Pagpalain ang mga kapatid na sumusunod sa kanilang ate." Pabirong sigaw naman ni four.

Habang naglalakad ay nakatingin ako ng konti sa kanya saka sumagot, "Siya lang ang meron ako." Pagkatapos ay tuluyan ko nang tinuon ang atensyon ko sa paglalakad at dumeretso sa abangan ng jeep.

Buti nalang may nakaparada na jeep sa abangan kaya agad akong nakasakay. Umalis din agad ang jeep kaya mabilis akong nakarating sa bahay.

Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay natagpuan ko si ate na nakaupo sa sofa sa aming sala, na may katabing kape. Nakaharap ito sa kanyang laptop at mukhang importante ang ginagawa niya dahil seryoso ang mukha niya.

Akmang hahakbang na sana ako papasok sa loob ng biglang nilingon niya ang kanyang mga mata sa pinto at agad namang binalik niya ulit ito sa kanyang laptop. Kaya napahakbang lang ako ng konti at saka sinara ang pinto.

"Ba't ngayon ka lang? Kanina pang alas-5 natapos ang klase mo?" Paguumpisa pa ni ate nang hindi nakatingin sa akin.

Its fliptop time :D

"Pinilit kasi akong umattend ng EB ni Almira." Paliwanag ko habang nagtatakang nakatingin sa laptop na kaharap niya.

Tumango lang si ate sa naging sagot ko habang nakatuon parin ang mga mata niya sa laptop. Hindi ko talaga ugaling magsinungaling kay ate kaya hindi humahaba ang usapan. namin.

Napapaisip tuloy ako kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

"Ano ba yang ginagawa mo jan at parang ayaw humiwalay ng mata mo sa laptop?" Pagtatakang tanong ko habang magkatagpo ang kilay at naka-crossed arms.

"Ka-video chat ko si papa kasama ang mga half sisters natin." Sagot naman nito na nakapako pa rin ang tingin sa laptop.

Di na ako sumagot. Dismayado akong naglakad papunta sa kusina at naghanap ng kung anung makakain. Akala ko pa naman kung ano na.

"Di mo man lang ba sila kikilalanin?" Dugtong pa niya nang hindi ako sumagot.

"Kakain nalang ako. Mabubusog pa ako." Sagot ko naman at nagbukas ng ref at kumuha ng ilang makakain.

Napalingon si ate sa kusina nang hindi tumatayo sa kanyang kinauupuan saka nagsalita, "Hanggang kelan ka ba magiging ganyan? Tanggapin mo na kasi na may kanya-kanya na silang pamilya."

"Matagal ko naman yung tanggap ate." Wika ko at nilapag sa maliit na mesa ang pagkainin na kinuha ko sa ref, na nasa gitna ng kusina, "Ang hindi lang kayang tanggapin ng konsensya ko ay may mukha pa silang naihaharap sa atin pagkatapos ng lahat nang pinaggagawa nila."

Mula sa kusina, narinig ko ang hakbang ng mga paa na nagmumula sa sala papunta sa aking kinaroroonan. At bumulagtang sa harapan ko ang mukha ni ate na nagkalasubong ang kilay at nakapamewang pa.

"Magpasalamat ka nalang at kinakamusta pa tayo ni papa. Kesa naman kay mama na binaon na tayo sa limot." Pangangatwiran pa ni ate na halos pagtaasan na niya ako ng boses.

Napatingin ako sa naiinis niyang mukha saka sinumbatan siya, "At naitama ba nun ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya?"

"Si mama ang hindi nakontento at pinagpalit tayo sa iba kaya naghanap si papa ng iba." Sagot naman ni ate.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at inis na tumitig sa kanya, "At sa paghahanap ni papa ng iba, naitama ba nun ang pagkakamaling nasimulan ni mama?" Sagot ko naman, "Ni minsan hindi naitatama ng pagkakamali ang isa pang magkakamali."

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si ate. Kinuha ko na ang aking pagkain na nasa mesa at dabog na nagtungo sa kwarto ko.

Matulis ang tingin niya habang pinagmamasdan niya ako umalis sa kanyang harapan.

Madalas talaga kaming magtalo tungkol sa mga magulang namin. Pareho kasi silang nagkasala. 8 years old ako nang may ibang lalaki si mama at iniwan kami. At ilang taon din ang nakalipas ay may ibang babae din si papa. Umalis siya at iniwan kami sa hangin. Highschool pa si ate nun at nasa elemtary ako. Pero nabuhay kami ng sariling sikap ni ate at nakapagtapos siya. At ngayon, ako naman ang pinapaaral niya.

Bitter nga ako kasi iniwan nila kami sa hangin. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin pero nakaraos din kami.

Umupo ako sa kama at nagsimulang kumain. Tamihik lang habang pinapakiramdaman ang paligid. Madilim ang kwarto ko dahil hindi ko pinaandar ang ilaw pero maliwanag naman dahil sa liwanag na nagmumula sa liwanag ng buwan.

Habang may buwan pang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi, laging may pagasa sa bawat hirap na pinagdadaanan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status