MasukIsang mapait na pangyayari ang naganap sa pamilya Torres may dalampung taon na ang nakararaan. They were accidentally switched places by the nurse on duty when they were born.
Labinlimang taon ang inabot bago nakabalik si Farrah sa mga Torres—ang kaniyang totoong pamilya. Limang taon na ang nakakalipas mula noong umalis siya sa probinsiya kung saan siya nanirahan mula pagsilang at magdalaga siya. Kahit nakabalik na si Farrah, ay masyado nang napamahal si Francia sa anak na si Quina, na pinalaki niya ng ilang taon. Hindi niya kayang patirahin ito sa probinsiya at maghirap. Kaya pinanatili niya rin ito bilang anak. She kept both Quina and Farrah as her daughters. Palibhasa ay sa probinsya lumaki ang tunay na anak ni Francia na si Farrah, malayo ang personalidad nito sa anak na napalaki niya. Kung kaya’t hindi niya ito masyadong pinapaboran. Mas matimbang para sa kaniya si Quina. “How can you say those rude words to her, Farrah? Anak ko pa rin si Quina kahit hindi siya nanggaling sa akin, I raised her as my own daughter.” Halata ang galit sa tinig ni Francia. “Subukan mo pa siyang pagsalitaan ng hindi maganda sa susunod, makikita mo ang hinahanap mo, Farrah.” Dinuro pa ang huli ng sariling ina. Kung makakapili lang siguro ng anak si Francia, paniguradong pipiliin siya si Quina kaysa kay Farrah. Sawang sawa na si Farrah sa pagkampi ng sariling ina sa ampon nito, kaya wala na ito para sa kaniya, manhid na siya sa mga masasakit na salitang binibitawan nito. “May lakad pa ako, I have to go, I won’t be home for days.” Pagkasabi ni Farrah noon lumakad na siya patungo sa pintuan at iniwan niya ang tatlo. “Hindi ka uuwi? Saan ka na naman pupunta at gagawa ng mga kabalastugan mo?” galit na sigaw ni Francia sa dalaga. “Hindi ako gagawa ng kabalastugan.” Walang lingong likod na sagot ni Farrah. “E ano naman ang gagawin mo, Farrah?” Sigaw ni Francia. “Hindi mo na ito dapat malaman, isa itong malaking sikreto.” Nanunuyang sagot ni Farrah. Wala nang nagawa si Francia noong tuluyang lumabas ng mansion ang dalaga. “Bastos! Pinagsisihan kong iniluwal ko pa siya sa mundong ito!” asik ni Francia noong makabawi sa ginawa ng anak. Lumabas si Farrah sa mansiyon ng mga Torres. She then saw hundreds of green mecha vehicles approaching their house. Napatingala rin siya noong marinig ang tunog ng mga helicopters. May dosena ang bilang ng mga sasakyang ito na kasalukuyang nasa ere. Humanay ang mga unipormadong sundo at pinalibutan si Farrah. Tumayo ang lider ng hukbo at sumaludo. “Scholar Torres, sakay na po kayo sa sasakyan.” “Bakit ang dami ninyo?” naguguluhang tanong ni Farrah. Inikot niya pa ang paningin at nakitang hindi lang maraming unipormadong tao. Lahat ay may dalang mga armas. “Scholar Torres, kayo po ay napakahalagang personalidad sa ating bansa, hindi ka maaaring masaling sa kahit sa kaliit liitang hiba ng inyong buhok.” Ani ng pinuno ng hukbo na si Heneral Zoren Gomez. “Hindi naman ho kailangan ganito, pupunta lang naman ako sa Research Institute. Matanda na ako para maligaw. Isa pa, kaya ko naman pong protektahan ang aking sarili.” ani Farrah. “Mainit ang usapan tungkol sa inyong research, dahil ito ay isang malaking susi sa mabilis na pag-unlad ng ating bansa. Kaya’t kailangan naming ingatan ang iyong personalidad at totoong pagkakakilanlan. Kailangan ka naming protektahan ano mang mangyari.” Totoong malaki ang ambag ni Farrah kung sakaling maging successful ang kaniyang proyekto ngunit hindi niya akalaing ganito katindi magiging trato sa kaniya. Kita sa mata ng heneral ang paghanga sa kalalabasan ng proyekto ng dalaga at sa angkin nitong talino. “Nasaan nga pala si Master Logro?” Tanong niya noong mapansin na wala ito ngayon. “Mayroong international competition sa martial arts competion. Kaya ako muna ang inyong bantay.” Tugon no Heneral Zoren. “Tayo na!” Pumasok na si Farrah sa sasakyan. Narinig ng katulong ang ingay sa labas kung kaya’t siya ay lumabas para silipin ito. Nakita ang mga sasakyang ng mga sundalo, at maraming mga sasakyan ng sundalo. “Ma’am! Madam! Si Ma’am Farrah po ay sumakay sa sasakyan ng mga pulis at sundalo!” humahangos na sabi ng isang katulong sa mga amo. “Ano ang nangyari?” Gulat na tanong ng ginang. “Hindi ko rin ho alam! Basta po ay nakita ko pong pinalibutan po siya ng maraming pulis at mga sundalo tapos isinakay sa sasakyan!” Sa narinig ay nagmamadaling lumabas si Francia ng mansiyon, sumunod rin si Quina at Caius. Ngunit nakalipad na ang mga helicopter at nakalabas na rin ang mga sasakyan. “This is—” Hindi masabi-sabi ni Francia ang nais sabihin sa sobrang takot. Namutla siya at parang tinakasan ng kulay ang mga mukha. “Anong krimen ang ginawa niya?” Tanong ni Quina. “What kind of violation she made to be taken by that big group of forces?” Tanong rin ni Caius. Is she a murderer? Pare-parehong tanong sa isip ng tatlo.Walang nagawa si Luis kundi lumaban sa kalaban, at hindi nagtagal ay nagsimula na silang magsagupaan. Ngumiti si Will at bahagyang ipinikit ang kanyang makitid na mga mata habang nakatingin kay Farrah. “Ara, no one will bother us now, come on and let's finish what we have started. Habang sinasabi iyon, muling iniunat ni Will ang kanyang mga kamay, umismid, at sumugod kay Farrah. “Give me a kiss.” Itinaas ni Farrah ang kumot at mag-aakmang kikilos na sana, ngunit sa sandaling iyon, isang kamay ang biglang lumitaw at hinawakan ang likod ng kwelyo ni Will. “Who are you to bother me?” Will looked at the face of the handsome man in front of him, and immediately realized who it was. The fiancé of Farrah, the CEO of Hontiveros Group of Companies. Napatingin si Farrah kay Hector nang may pagtataka. “Bakit ka nandito?” Isang halos di-mapansing lamig ang dumaan sa madilim na mga mata ni Hector. “Buti na lang at dumating ako, kung hindi ay naabuso ka na sana.” “Asan si lola?” pag-iwas n
“May punto ka.” Muling tumingala si Wena kay Hector, “Hector, kailangan mong bigyang-pansin ito. Ang lumang rheumatoid arthritis ay hindi basta-basta sakit. Kapag umatake ito, parang gusto ko nang putulin ang mga binti ko.” “Huwag kang mag-alala, Lola. Iuutos ko agad kay Yen,” sagot ni Hector. Hindi nagtagal, nakatanggap ng tawag mula sa ibang bansa si Farrah. “Hello? Will, ano’ng gusto mong pag-usapan?” Napansin ni Farrah ang mabigat na tunog sa labas ng pinto ng silid at napalingon siya. Sa susunod na segundo, biglang bumukas ang pinto ng silid at lumitaw ang isang makisig at matipunong lalaki na may mahabang gintong buhok at mala-dagat na asul ang mga mata. May background music pa at mga nagliliparang laso. “Ara, my Ara! Are you surprised? Did I surprised you?” Bago pa makapagsalita si Farrah, inilagay ng guwapong blondeng lalaki ang daliri sa kanyang labi, gumawa ng tunog na “shhh”, at kumindat sa kanya."I know that you've missed me so much, and you are very touch r
“Ah…,” may pag-aatubiling angal ni Lola Wena. Bahagyang napakunot din ang noo ni Hector, “Talaga bang kaya mong pagalingin ito?” Napansin ni Farrah na hindi sila lubos na naniniwala sa kanya. Siyempre, nauunawaan niya ito. Noon pa man, tuwing may nagpapatingin sa kanya, palaging ganoon ang reaksyon nila kapag nakita kung gaano siya kabata. “Sinasabi ko lang naman. Hindi ba may appointment kayo sa doktor? Sige, pumunta na kayo.” Nagparaya si Farrah, at parehong napabuntong-hininga sina Hector at Lola Wena—kung hindi, hindi nila alam kung paano tatanggihan. “Mauna na ako,” paalam ni Hector kay Farrah, bagamat may pag-aatubili. “Sige, pumunta ka na.” Malamig na sabi ni Farrah. Pagkatapos ay isinama ni Hector si Lola Wena papunta sa espesyalistang kausap niya. Pagkalipas ng kalahating oras, umiling ang espesyalista. “Matagal nang may sakit ang matanda. Kung nakarating siya sa akin dalawang taon na ang nakalipas, baka may pag-asa pa.” Komento ng doctor. “Wala na ba
“Pero…” Agad na nawala ang masayang ekspresyon ni Hector at muling tumigas ang kanyang mukha. “Hindi pa rin ako masaya na nasaktan ka dahil kay Christian Hans.” Hinawakan ni Farrah ang kanyang noo. “Eh ‘di sa susunod, para sa’yo naman ako masasaktan? Ayos na ba pakiramdam mo ngayon?” “Hindi.” Napalalim ang kunot sa noo ni Hector, at matapos ang ilang sandali ay nagsalita, “Hindi ko hahayaang masaktan ka para sa akin!” Parang kinurot ang puso ni Farrah sa narinig.Halos tumigil ang tibok ng kanyang puso, pero agad ding bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon. Biglang ngumiti si Hector at tumingin kay Farrah na may pagmamalaki sa mga mata. “Talagang karapat-dapat kang maging fiancée ko. Ang dami mong alam. Curious lang ako, may iba ka pa bang ‘vests’? Gusto ko talagang tuklasin lahat at silipin.” Nginitian lang siya ni Farrah, walang imik. “Sa totoo lang, si Stephen ay tagahanga mo. Kung malalaman niyang ikaw pala ang kanyang ‘driving god’, baka mabaliw siya sa tuwa.” bulong ni
Habang naglalakad sila, biglang nagsalita si Rowena. “Ha? Parang pamilyar ‘yung babaeng ‘yon.” Narinig ito ni Hector pero hindi niya masyadong pinansin. Hanggang sa sumunod na linya… “Bakit parang kamukha ng fiancée mo?” Agad na sinundan ni Hector ang tingin ni ng Lola Wena niya at nakita nga si Farrah. Pero bakit siya naka ospital gown? Napansin ni Farrah na parang may nakatitig sa kanya nang matindi. Napalingon siya, litong-lito, pero agad ding iniwas ang tingin at tumalikod. “Scholar T, Miss Farrah, anong nangyari sa inyo? Hindi ba gusto ninyong maglakad-lakad? Bakit gusto ninyong bumalik agad pagkakalabas pa lang? Nahihilo ba kayo ulit dahil sa sugat sa ulo?” habol ng nurse, puno ng pag-aalala. Tumingin si Hector kay Yen na nasa tabi niya at sinabing, “Tulungan mo muna si Lola.” “Opo, boss.” Mabilis na sagot ni Yen. Mabilis na humakbang si Hector at hinabol papalayong si Farrah hanggang sa maabutan niya ito. Napakunot ang noo ni Farrah, walang masabi. “Ang saklap ng pa
Paniguradong magsisisi ang pamilyang ito balang araw. Pero—bago iyon, may kailangan siyang gawin agad-agad. Maya-maya, dumating siya sa Ward 308 at kumatok sa pinto nang may kaba sa dibdib. “Pasok ka,” mahinang sabi ni Farrah Nakaramdam ng matinding pagkakonsensya ang nurse at matagal siyang nag-atubili, hindi makapagsalita. “Dahil ba kay Quina kaya ka narito?” tanong ni Farrah habang nakataas ang kilay. Nanlaki ang mga mata ng nars. “Paano mo nalaman?” Itinuro ni Farrah ang kanyang ulo. “Hula ko lang.” Nakakamangha! Napatingin ang nars kay Farrah na kumikislap ang mga mata. Talagang parang hindi pangkaraniwan ang kanyang utak! “Pasensya na po!” Yumuko ang nurse nang, halos gusto nang ibaon ang ulo sa kanyang mga binti. “Hindi ko dapat tinulungan si Quina Torres, at hindi ko rin dapat sinabi sa kanya ang tungkol sa inyo. Pero may isang bagay akong maipapangako: Tinulungan ko lang si Quina dahil magkasama kami sa isang club noong high school, at narinig kong gusto n







