Two days later.
Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa Special Laboratory ng Research Institute. Maraming matatandang professors, at mga batikang iskolar ang pumupuri sa success ng research experiment ni Farrah. “Kung hindi dahil sa iyo, Scholar Torres, hindi natin magagawa itong carbon nanomaterials ng ganito kabilis. We just worked and finished it for less than a year.” Mahabang komento ng isa. “Yes! Thanks to Scholar Torres! Kung sakaling magamit na ito ng lahat, paniguradong malaki at magiging mabilis ang pag-unlad ng ating bansa.” Papuri pa ng isa. “Bukod pa roon, paniguradong maraming magugulat sa ating imbensiyon.” Parang mga batang tuwang tuwa sa nagawang laruan ang naging reaksiyon ng mga bihasang professors dahil sa success ng research na pinamunuan ni Farrah. Ang lahat ay nagsasaya at nagdiriwang sa saya at galak. Samantala, si Farrah ay tahimik lang sa sulok habang umiinom ng isang lata ng in canned pineapple juice at nakatulala. “Scholar Farrah, I just received a message from the National Academy of Sciences, they are asking for your availability to hold a press conference.” “Hindi na po kailangan.” Tanggi ng dalaga. “Ako na ang bahala, I will set the date.” Ani ng isang matandang professor kahit mariin ang pagtanggi ng dalaga. Tumango nalang ang dalaga bilang tugon. Sa pagsagot ng dalaga ay alam na ng professor ang gagawin. “At oo nga pala, dahil sa maraming nag-aabang sa malaking proyektong ito, marami ang gusto kang makilala, sa tingin ko kailangan mo nang makipagkita sa kanila. It’s time, Farrah.” Ayaw na ayaw ni Farrah ang nabibigyan ng pansin at ang mabulabog ang tahimik niyang buhay. Kahit kailan ay hindi siya lumantad sa publiko. Nagdalawang isip ang dalaga ngunit sa huli ay napapayag rin. Natuwa ang professor sa naging sagot ng dalaga, dahil sa pangamba na hindi ito pumayag. “Okay, ako na ang bahala rito.” Ang huling sabi ng professor. Tango na lang ang sinagot ng dalaga. Naagaw ang atensiyon ni Farrah sa pagtunog ng cellphone niya. Lolo Arnaldo Hontiveros calling… Mabiis na sinagot ito ng dalaga. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay bumungad na agad ang masayang tinig ng matanda. “Farrah, Hija. Nabalitaan ko na hindi na tuloy ang engagement mo sa pamilya Javier. Congratulations!” Rinig ang malakas na paghalakhak ng matanda mula sa kabilang linya. Sa narinig ay naisip ng dalaga na tama ang hinala niya sa pagtawag ng matanda. Hindi agad siya sumagot at naghintay sa sasabihin nito. “Farrah, Hija, naaalala mo pa ba ang usapan natin noon na kung hindi matuloy ang ipinagkasundo sa iyo ay ipakikilala kita sa aking apo?” Umpisa ng matanda. “I think it’s time to introduce you to my grandson at tuparin ang pangakong iyon.” Tumaas ng bahagya ang kilay ni Farrah sa narinig ngunit sumagot rin. “Okay, payag na po ako, ngunit payag kaya ang inyong apo, Lolo? He is one of the most sought-after bachelors in town. For sure many women are dying to have him. Are you sure he is willing to be engaged with me?” “Kailangan niyang pumayag sa hiling ng kaniyang matandang lolo.” Narinig ni Farrah ang galak ng matanda mula sa kabilang linya. “Oh siya, ipinasusundo na kita sa supermarket malapit sa institute sa Mega City. Doon na lang para hindi mabuking ang iyong sikretong katauhan. Oh siya, malapit ni iyon diyan, sinabihan ko siyang tawagan ka sa numero mo pagdating niya.” Tinapos na ni Farrah ang tawag at saktong tumunog ang kaniyang cellphone. Unknown number I’m here. Isang tipid na mensahe ang natanggap niy mula sa isang numero. Lumabas na si Farrah sa institute, marami pa rin siyang nakakasalubong na matatandang professor, tinanguhan niya lamang ang mga ito. Isang pamilyar na sasakyan ang nakita niya. A limited-edition black Mercedez Maybach. Sampu lang ang ganito sa mundo. Ito ay regalo sa kaniya noon, ngunit iniregalo niya rin sa matanda. Bumaba ang bintana at nakita niya ang isang gwapong lalaking sumungaw roon. “Hi, you must be Farrah Torres.”"Saludo ako sa'yo sa mga ganitong sitwasyon, Farrah. Napakalmado mo pa rin." "Wala akong oras makupagsabayan sa mga walang kwenta mong pakulo. Kung may sasabihin ka sabihin mo na." Halata sa boses niya ang pagkabot at inip. "Hindi mo ba nauunawaan ang sitwasyon? Nakasalalay sa akin ang buhay mo ngayon, may gana ka pang magsalita ng ganyan sa akin!" "Ikaw, ikaw--" Namula si Sheena sa sobrang galit. Pero naalala niya ang gusto niyang gawin, kaya isinantabi ang galit. "Farrah, sinasabi ko sa 'yo, hindi ka kailan man dapat na lumapit kay Xean!" Sa narinig ni Farrah, naunawaan niya ang sitwasyon. "Nagkakamali ka ata? Si Xean itong habol ng habol sa akin. Nasusuya rin ako sa lalalking iyon na umaasam lang ng pera mula sa mayaman niyang angkan paranipanggastos sa kapricho at mga babae niya. Hinding hindi ako makikipaglaban sa iyo sa nakakasuyang lalaking iyon." "Sino ka para magsabing nakakasuya si Xean!" "Hindi ba? Hindi ako maniniwalang hindi mo alam kung anong klase siyang
Nagbeep ang phone ni Stephen kaya mabilis niya iyong kinuha. At manghang mangha siya sa nakita. "Yes! Yes! She accepted my request! Scholar T, added me!" Sumulyap si Hector kay Stephen bago sumilip sa phone nito, totoong in-accept ang request nito. "Anong nilagay mo nung nagrequest ka?" "Sinabi ko sa message ko na ako si Stephen at close friend mo ako, tapos ayon accepted ang request ko! Diba! Iba talaga ang charms ko!" Sobrang lakas ng tawa ni Stephe na halos nakanganga siya ng matagal. Hindi pa rin makapaniwala si Hector. Pakiramdam nita ay mayroong mali. "Baka nagkamali lang talaga siya ng pindot." Komento ni Hector. "Ganyan lang ba kababa ang tingin mo sa akin?" Malungkot na tanong ni Stephen. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, imessage mo na ngayon. Sa tingin mo ba rereplyan ka?" Nagdadalawang isip si Stephen kung susundin ang subestiyon ni Hector, at baka iunfriend siya ni Scholar T pagkasasend nita ng message. Kitang kita ni Hector sa itsura ng mukha ni Stephr
Nagmamadali si Xean na humakbang para maabutan si Farrah, mabilis niyang hinatak sa balikat ang dalaga. Galit na humarap si Farrah at hinabloy ang kamay ng binata sa balikat niya at binalibag ito, tumama ito sa isang lamesa at bumagsak sa sahig pati ang lamesa. "Aww." Malakas na sigaw ni Xean. Parang diring diri na pinagpag ni Farrah ang balikat niya na animo basura ang humawak doon kani-kanina lang. Sa huli, walang sulyap sulyap kay siya na lumabas siya ng cafe at umalis. Wala pang isang minuto ng makaalis si Farrah ay sumungaw ito mula sa isang sulok. Noong mga oras na iyon, ay malamig ang mga titig na pinupukol ni Sheena sa papaalis na si Farrah. Kung hindi pala siya sumunod sa lugar na iyon ay hindi niya pa niya malalaman na may gusto ang boyfriend niya kay Farrah. At gusto pa talaga niyang pakasalan ang dalaga. Si Xean ay mula sa mayamang pamilya na gusto niyang mapangasawa, kaya hindi siya papayag na agawin na lang ito sa kanya ni Farrah. Sa isiping iyon ay mabil
Kabado ang buong klase kaya gumawa sila ng private na meeting at hindi kasama si Farrah. "Anong gagawin natin? Paano kubg totoohin ni Farrah ang pustahan. Wala na tayong mukhang ihaharap sa mga tao." "Hindi ba sobrang sama ni Farrah?" "Walang puso iyang si Farrah, 'yan ang sinasabi ko inyo. Si Farrah lang ang wala sa grupong iyon. At ang rason kung bakit tahimik ang lahat ay dahil nag-iba ang takbo ng usapan. Sa kabilang banda, alam ni Farrah na pinag-uusapan na siya ng hindi maganda ng mga kaklase sa likod niya. Sa huli, nakaisip ang lahat ng maaaring gawing solusyon. "Pres Sheena, patulong kaya tayo sa boyfriend mong si Xean? Baka masolve niya ang problema natin." Samo't saring reaksyon ang lahat. Napaisip rin si Sheena sa isinuhestyon ng kaniyang kaklase, kaya mabilis niyang kinuha niya ang phone at tinawagan ang boyfriend. "Honey, baka puwede mo akong bigyan ng pabor." Noong sumunod na araw, pumunta si Farrah sa lugar kung saan sinabi ni Sheena na makikipagki
【Nabalitaan kong ikaw ang top scorer sa college entrance exam?】 Mukhang nakabalita ito. [Hmm] Simpleng sagot ni Farrah. 【Congratulations!】 [Salamat.] Tipid na sagot ni Farrah. 【Anong gusto mong kainin for dinner? My treat as celebration.】 [May celebration kasi kami ng ng mga magulang ko mamaya, kaya hindi pa ako makakauwi.] Nangunot ang noo ni Hector. Sa mga oras natin iyon, ay nagsalita si Stephen. "Isang buwan lang ang usapan niyo, at sampung araw na ang lumipas. Bawat araw na natitira ay mahalaga! Hector, sabihan mo si Farrah, na kailangan niyang bumawi sa mga araw na wala siya rito kapag dumating siya." "Parang hindi naman iyon tama?" Malungkot na sagot ni Hector, halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. "May mali ba? Nahihiya ka ba? Ano ba? Bakit kailangan mo mahiya para sa mapapangasa mo?" Sa sinabing iyon ni Stephen nakita niya na mabilis na nagtype ng message si Hector at sinend iyon agad. Sumilip siya at biglang napangiti sa nabasa. Ang mensaheng pinadala ni
Sa mga oras na iyon, nagbago ang mga mukha ng lahat ng naroroon, hindi na sila sigurado sa mga nangyayari. Ang iba ay nadidismaya at hundi na nakapaniwala. Sa nakikitang reaksyon nibQuina ay lalo siyang naging balisa at umiyak ng ubod ng lakas. Para siyang batang umaatungal. "Faith, paano mo nasasbi 'yan? Nag-aaalala lang ako sa grades na makukuha ng kapatid ko. Isa pa, nakita ko lang naman ang admission ticket niya nh hindi sinasadya noong isang araw..." patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga. "Ganun lang? Aksidente mo lang na nakita tapos kinuhanan mo pa ng picture gamit ang phone mo. Anong intensyon mo?" Tanong ni Faith. "Ah-ah Faith, you disappoint me so much. Pinagkatiwalaan pa naman kita kaya ko sinabi 'yan sa 'yo. Pero may lihim kang galit sa amin dahil kina Papa ipinamahala ang family business nina Lolo at Lola. Gusto mo silang mapahiya dahil umaasa ka pa rin na kayo ang mamamahala roon. Kaya nagpumilit kang idisplay ang resulta sa lahat.""The heck! Quina, may hiya ka pa b