Pagkarating nina Farrah sa gate ng mga Hontiveros, nakita agad niya si Xyrus na nagaantay sa harap ng pinto ng kanilang bahay, hindi maitimpla ang mukha nito. Noong makita nito si Farrah ay nagmamadali itong tumakbo palapit sa dalaga. "Master, alis ka na agad! Parating na ang Mama ko at mayayari ka!" Warning ni Xyrus kay Farrah. "Mayayari ako? Hindi ko naman kilala ang Mama niyo, bakit ako mayayari sa kaniya ng walang dahilan?" Naguguluhan na si Farrah. "Dahil tutol si Mama sa kasal niyo ni Kuya! Matapang at palaban ang Mama ko, kahit si Lolo hindi niya kaya si Mama. Ngayon, umuwi talaga siya mula sa abroad para lumayo ka sa Kuya ko." Sa narinig ni Farrah mula kay Xyrus, bigla niyang naalala ang binanggit ni Levi kanina tungkol sa pamilya Hontiveros. The second daugher-in-law of Hontiveros Family, Hector's mother is a very powerful person. Kilala at respetado sa lahat ang pamilya ng Hontiveros, pero kabit kailan ay hindi nagpakita ng mataas na resp
"Papa! Habang tumatagal yata ay kakaiba na ang inyong mga desisyon. Ipakakasal mo talaga ang babaeng iyan sa anak ko. Gusto niyo bang mapahamak so Hector?" Ani Yollu ma halatang halata na mababa ang tingin kay Farrah. Nangingig sa galit si Arnaldo sa narinig, at tumingin ng masama sa pangalawang anak na si Zaldy Hontiveros. "Zaldy, tignan mo itong asawa mo, wala ka bang gagawin sa kaniya!" Inis na sumbat ni Arnaldo sa pangalawang anak. Umiling iling si Zaldy, "Pa, alam mo namang hindi ko kayang pasunurin iyan. Kung kaya ko siyang pasunurin, hindi sana iyan umalis noon at babalik lang makalipas ng limang taon." "Wala ka talagang kwenta! Bakit ba ako nagkaanak ng hangal na kagaya mo!" Malutong ma sigaw ni Arnaldo. "Pa, huwag mo akong sisihin rito! Hindi ba at lahat ng lalaki sa pamilya Hontiveros ay takot sa kanilang mga asawang babae? Wala akong kasalanan roon ah. Noong buhay pa nga ang Mama, halos yumakap pa ho kayo sa hita niya para lang lambingin at paamuhin siya siy
Noong sumunod na araw, nakaabang ang mga tauhan ni Fareah sa kaniya at hindi siya pinapayagang umalis. "Binalaan na kita, na kung magpapakita sa engagement, makikita mo ang mangyayari sa iyo!" Kalmadong tinignan ni Farrah ang dalawang malaki ang katawang bodyguards na nasa likod ni Yolly. "Sa tingin mo kaya ako ng dalawang iyan?" "Sila ang mga mahuhusay na bodyguards ko. Sa tingin mo ba hindi nila kaya ang isang mahinang kagaya mo? Sinasabi ko sa 'yo sundin mo ako at huwag ka nang umattend sa engagement party, Pakakawalan kita pagkatapos ng party. Pero kung nagpupumilit ka, makikita mo ang hinahanap mo." Farrah checked the time. "The engagement party is about to start. Hindi ako nale-late, kaya huwag mo na akong paharangan sa mga tauhan mo. Kung patuloy niyo akog haharangan, huwag niyo akong sisihin sa magagawa ko." "Masyadong matalas ang dila mo, hija! Kahit sa ganitong pagkakataon matapang at mayabang ka pa rin. Mukhang kung hindi kita mabibigyan ng leksiyon ay hindi mo a
"Subukan mo." Naningkit Ng mga mata ni Farrah at lumakad papalapit. Tinulak ni Yolly si Farrah sa balikat bago magsalita. "Huwag mo akong pilitin gawin ang bahay na ito. Sa hilaw mong Tai Chi skills, natalo mga ang mga tanga kong bodyguards, pero hindi mo ako kaya. Kaya kitang patumbahin in three moves." Nagulat si Farrah sa narinig mula kay Yolly. Hindi niya akalaing may alam sa martial arts ang ina ni Hector. "E 'di tignan natin kung gaano katagal mo akong maiipit ngayon." Pagkasabi noon ni Farrah ay itimaas niya na ang isa niyang kamay at hinila ang braso ni Yolly na nakababa. Tapos ay humakbang siya paartras. Hinila pa ulit ni Farrah ang braso ni Yolly at hinila niya iyon. Tapos itinulak palayo sa kaniya. 'Hindi basta basta ang babaeng ito! Mukhang hindi siya gumamit ng sobra sobrang lakas labas sa mga bodyguards niya kanina, at siya at itinulak lang ng basta basta.' Napag-isip-isip ni Yolly. "Hija. Seseryosohin na kita ngayon. Humanda ka
Matapos ang palitan nila ng sagot, nakumpirma nila kung sino sila. "Nabalitaan ko nga po kay Master Manding na nakabalik na po kayo sa Mega City." Ano Farrah kay Yolly. "Nabalitaan ko rin mula kay Master noon pa na tinanggap ka niya matagal na panahon na. Ikaw daw ang pinakahuling tinrain niya. Ako naman ay nag-abroad dahil sa personal reasons, matagal akong nasa ibang bansa at hindi na nakabalik. Hindi ko akalain na ang junior ko na pinupuri maigi ni Master Cruz at ikaw pala." "Hindi ko rin po akalaing ang Senior ko ay manugang pa ni Lolo Naldo. Walang duda ang husay niyo sa pakikipaglaban." "Huwag mo na akong bolahin, ikaw itong magaling at talentado. Tama si Master, pinanganak ka para mag Tai Chi. Twenty ka lang this year, kay Master Cruz ka lang natuto sa maiksing panahon. Pero ang husay mo ay malapit na sa perfection. Na-miss ko kayo! Ikaw, at ang iba niyo pang kasamang seniors at juniors na nag-eensayong mabuti." "Sa totoo lang, noong ganyan ang edad ko, sa husay mo kay
"Suotin mo ito!" Naghihilahan pa si Farrah at Yolly pero naikbit na ng huli sa dalaga ang jade bracelet. "Huwag mo 'yang huhubarin! Kapag inalis mo, para mo na ring hindi ginalang ang senior mo." Dahil sa sinabi ni Yolly ay hindi na nakatanggi si Farrah. Si Hector na nakatayo sa harap nila ay tahimik na pinapanood ang kaniyang ina at fiancee, masyado silang close, mukhang maganda na ang samahan nila. "Okay, masyado na tayong nahuhuli, tara na at ituloy natin ang engagement party." Hinila ni Yolly si Farrah palapit sa saksakyan niya habang kinakausap niya ito na parang matagal na silang magkakilala. Lumapit si Stephen kay Hector at tinapik ito sa balikat. Wala nang iba pang sinabi. Tumingin si Hector kay Stephen, walang kahit anong sinabi tinaboy ang kamay nito. At lumakad na palayo. ~~~ Mabilis na natapos ang engagement party. Nanatili pa si Farrah sa mansiyon ng mga Hontiveros. Nangako kasi siya kay Lolo Arnaldo na mananatili
"Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong ni Hector. Sumegunda pa si Stephen. "Baka maling kwarto ang pinasukan mo." "Oh, sorry." Lumabas si Farrah saglit para silipin ang number sa labas ng kwarto. "Paano? Levi, ito ang reserved room na sinabi mo 'di ba?" Nagulat rin si Levi, "Oo, tama naman ito." Naintindihan na ni Farrah kaya, tinulak niya ang pinto at muling pumasok. "Bakit ka bumalik?" Naguguluhang tanong ni Stephen. Lumakad papasok si Farrah at inobserbahan si Hector at Stephen, bago nagsalita. "Hindi naman kami magkakamali, baka kayo ang nagkami ng room reservation. Dito talaga ang reserved na pagkikitaan namin ng kaibigan namin." "Paano nangyari iyon? E ako ang personal na nagbook ng kwartong ito! Baka nagkakamali ka!" Matigas na sagot ni Stephen. Nalukot ang mukha ni Farrah sa narining, hindi siya nagsalita ng ilang segundo. "Sigurado ka bang ikaw ang nagbook nito?" Binuksan ni Stephen ang cellphone at pinakita
Gayunpaman, si Hector ay mabilis sa paglalaro ng chess at hindi masyadong pinag-iisipan ang mga galaw. Ganoon rin naman si Farrah. Noong binigay na ni Hector ang kaniyang unang tira, siya naman ang sumunod. Sandaling katahimikan, tanging ang tunog na lamang ng galaw ng chess pieces ang maririnig. Nakaupo sa hindi kalayuan sina Levi at Stephen, parehong hindi mapakali. Mahusay! Sulit ang pinakaaabangang laban ni Shane Tan at Yuan Hilario! Hindi malaman kung sino ba ang mananalo sa dalawa. Kalahating oras ang lumipas, kinuha ni Farrah ang tsaa sa tabi niya at sumimsom doon. Unti-unting iniangat ni Hector ang kaniyang kamay sa ere at tumingin kay Farrah sa harap niya. Maganda ang makapal at kurbadong kilay ng dalaga, maganda rin ang kaniyang mukha. Kakaiba ang kaniyang natural na ganda. She was calm and graceful, she moves as graceful as a swan. Masyadong malalim ang tingin ni Hector kay Farrah na nawala siya
"Saludo ako sa'yo sa mga ganitong sitwasyon, Farrah. Napakalmado mo pa rin." "Wala akong oras makupagsabayan sa mga walang kwenta mong pakulo. Kung may sasabihin ka sabihin mo na." Halata sa boses niya ang pagkabot at inip. "Hindi mo ba nauunawaan ang sitwasyon? Nakasalalay sa akin ang buhay mo ngayon, may gana ka pang magsalita ng ganyan sa akin!" "Ikaw, ikaw--" Namula si Sheena sa sobrang galit. Pero naalala niya ang gusto niyang gawin, kaya isinantabi ang galit. "Farrah, sinasabi ko sa 'yo, hindi ka kailan man dapat na lumapit kay Xean!" Sa narinig ni Farrah, naunawaan niya ang sitwasyon. "Nagkakamali ka ata? Si Xean itong habol ng habol sa akin. Nasusuya rin ako sa lalalking iyon na umaasam lang ng pera mula sa mayaman niyang angkan paranipanggastos sa kapricho at mga babae niya. Hinding hindi ako makikipaglaban sa iyo sa nakakasuyang lalaking iyon." "Sino ka para magsabing nakakasuya si Xean!" "Hindi ba? Hindi ako maniniwalang hindi mo alam kung anong klase siyang
Nagbeep ang phone ni Stephen kaya mabilis niya iyong kinuha. At manghang mangha siya sa nakita. "Yes! Yes! She accepted my request! Scholar T, added me!" Sumulyap si Hector kay Stephen bago sumilip sa phone nito, totoong in-accept ang request nito. "Anong nilagay mo nung nagrequest ka?" "Sinabi ko sa message ko na ako si Stephen at close friend mo ako, tapos ayon accepted ang request ko! Diba! Iba talaga ang charms ko!" Sobrang lakas ng tawa ni Stephe na halos nakanganga siya ng matagal. Hindi pa rin makapaniwala si Hector. Pakiramdam nita ay mayroong mali. "Baka nagkamali lang talaga siya ng pindot." Komento ni Hector. "Ganyan lang ba kababa ang tingin mo sa akin?" Malungkot na tanong ni Stephen. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, imessage mo na ngayon. Sa tingin mo ba rereplyan ka?" Nagdadalawang isip si Stephen kung susundin ang subestiyon ni Hector, at baka iunfriend siya ni Scholar T pagkasasend nita ng message. Kitang kita ni Hector sa itsura ng mukha ni Stephr
Nagmamadali si Xean na humakbang para maabutan si Farrah, mabilis niyang hinatak sa balikat ang dalaga. Galit na humarap si Farrah at hinabloy ang kamay ng binata sa balikat niya at binalibag ito, tumama ito sa isang lamesa at bumagsak sa sahig pati ang lamesa. "Aww." Malakas na sigaw ni Xean. Parang diring diri na pinagpag ni Farrah ang balikat niya na animo basura ang humawak doon kani-kanina lang. Sa huli, walang sulyap sulyap kay siya na lumabas siya ng cafe at umalis. Wala pang isang minuto ng makaalis si Farrah ay sumungaw ito mula sa isang sulok. Noong mga oras na iyon, ay malamig ang mga titig na pinupukol ni Sheena sa papaalis na si Farrah. Kung hindi pala siya sumunod sa lugar na iyon ay hindi niya pa niya malalaman na may gusto ang boyfriend niya kay Farrah. At gusto pa talaga niyang pakasalan ang dalaga. Si Xean ay mula sa mayamang pamilya na gusto niyang mapangasawa, kaya hindi siya papayag na agawin na lang ito sa kanya ni Farrah. Sa isiping iyon ay mabil
Kabado ang buong klase kaya gumawa sila ng private na meeting at hindi kasama si Farrah. "Anong gagawin natin? Paano kubg totoohin ni Farrah ang pustahan. Wala na tayong mukhang ihaharap sa mga tao." "Hindi ba sobrang sama ni Farrah?" "Walang puso iyang si Farrah, 'yan ang sinasabi ko inyo. Si Farrah lang ang wala sa grupong iyon. At ang rason kung bakit tahimik ang lahat ay dahil nag-iba ang takbo ng usapan. Sa kabilang banda, alam ni Farrah na pinag-uusapan na siya ng hindi maganda ng mga kaklase sa likod niya. Sa huli, nakaisip ang lahat ng maaaring gawing solusyon. "Pres Sheena, patulong kaya tayo sa boyfriend mong si Xean? Baka masolve niya ang problema natin." Samo't saring reaksyon ang lahat. Napaisip rin si Sheena sa isinuhestyon ng kaniyang kaklase, kaya mabilis niyang kinuha niya ang phone at tinawagan ang boyfriend. "Honey, baka puwede mo akong bigyan ng pabor." Noong sumunod na araw, pumunta si Farrah sa lugar kung saan sinabi ni Sheena na makikipagki
【Nabalitaan kong ikaw ang top scorer sa college entrance exam?】 Mukhang nakabalita ito. [Hmm] Simpleng sagot ni Farrah. 【Congratulations!】 [Salamat.] Tipid na sagot ni Farrah. 【Anong gusto mong kainin for dinner? My treat as celebration.】 [May celebration kasi kami ng ng mga magulang ko mamaya, kaya hindi pa ako makakauwi.] Nangunot ang noo ni Hector. Sa mga oras natin iyon, ay nagsalita si Stephen. "Isang buwan lang ang usapan niyo, at sampung araw na ang lumipas. Bawat araw na natitira ay mahalaga! Hector, sabihan mo si Farrah, na kailangan niyang bumawi sa mga araw na wala siya rito kapag dumating siya." "Parang hindi naman iyon tama?" Malungkot na sagot ni Hector, halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. "May mali ba? Nahihiya ka ba? Ano ba? Bakit kailangan mo mahiya para sa mapapangasa mo?" Sa sinabing iyon ni Stephen nakita niya na mabilis na nagtype ng message si Hector at sinend iyon agad. Sumilip siya at biglang napangiti sa nabasa. Ang mensaheng pinadala ni
Sa mga oras na iyon, nagbago ang mga mukha ng lahat ng naroroon, hindi na sila sigurado sa mga nangyayari. Ang iba ay nadidismaya at hundi na nakapaniwala. Sa nakikitang reaksyon nibQuina ay lalo siyang naging balisa at umiyak ng ubod ng lakas. Para siyang batang umaatungal. "Faith, paano mo nasasbi 'yan? Nag-aaalala lang ako sa grades na makukuha ng kapatid ko. Isa pa, nakita ko lang naman ang admission ticket niya nh hindi sinasadya noong isang araw..." patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga. "Ganun lang? Aksidente mo lang na nakita tapos kinuhanan mo pa ng picture gamit ang phone mo. Anong intensyon mo?" Tanong ni Faith. "Ah-ah Faith, you disappoint me so much. Pinagkatiwalaan pa naman kita kaya ko sinabi 'yan sa 'yo. Pero may lihim kang galit sa amin dahil kina Papa ipinamahala ang family business nina Lolo at Lola. Gusto mo silang mapahiya dahil umaasa ka pa rin na kayo ang mamamahala roon. Kaya nagpumilit kang idisplay ang resulta sa lahat.""The heck! Quina, may hiya ka pa b
"Farrah, anak, napakahirap ng entrance exam, tapos hindi ka pa namin naasikaso masyado. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," puno ng galak na sabi ni Francia. Masamang tingin ang ipinukol ni Quina kay Farrah. Hindi lang ang kaniyang mga magulang na sina Juanito at Francia ang nagbago ang pakikitungo kay Farrah, magingsi Caius ay nag-iba ang tingin kay Farrah. Hindi ito maaari, kailangang may gawin siya. "Congrats, sis! Kahit sa paanong paraan ka pa nakapasa, nakapasa ka pa rin. Kaya mag-celebrate tayo. Bilang reward, papipiliin kita sa mga alahas ko. Sa'yo na ang magugustuhan mo." "Ah, napaka-thoughful mo naman Nana!" Masayang bumaling ang mag-asawa sa anak na si Quina. Sumulyap si Farrah kay Quina. Mas matalino siya rito ngunit mas mabilis itong mag-isip ng paraan upang magpapansin at magbida bida. Kaunting, salita lang nito ay naagaw nito ang atensyon ng lahat sa kaniya. "Oo nga, masyado siyang thoughful kaya nga sinabi niyang fake ang painting kahit hindi naman.
02042025 Farrah Torres 750 points! Perfect Score! Top scorer in the 2025 college entrance examination in the City! Kinagulat ng lahat ng naroroon ang nakita sa malaking screen. Halos hindi makagalaw ang naroroon sa matinding pagkagulat. Sa mga oras na iyon, kahit ang maliit na papel sa na mahulog sa sahig ay maririnig. "Hala, hindi- hindi siguro ito totoo. Baka nagkamali ako ng nabuksan, sa ibang tao siguro ang resulta nito." Nanginginig ang boses nito, habang nakatitig sa pangalan sa malaking screen. Farrah Torres Iyon talaga ang nakasulat roon. Baka may kapareho ng pangalan? Kinalimutan na ni Faith ang maling spelling na naiiisip niya dahil imposibleng magkamali ang ibinigay ni Quina sa kaniya na admission ticket. Siguradong ang walang kwentang si Farrah talaga ang nasa results. Nagbabaga ang mga mata ni Quina habang ang kamay nito ay hinihila na ang damit ni Faith. Hindi ito maaari... anong basehan? Paanong si Farrah ay napakahusay sa exam? Wala naman talaga s
"Oo nga, noong nakita ko ito sa tingin ko ay totoo ito. Pero sabi ni Quina hindi raw iyon totoo. Doon ko napagtanto na paano magiging totoo iyon. Paano magkakaroon ng kopya noon si Farrah kung hindi sila magkakilala ni Mez Sanchez? So naisip kong baka nga may punto si Quina!" Komento ng isa. "Sa tingin ko rin. Kasalanan talaga iyo ni Quina. Kung hindi niya di niya sinabi iyon, malamang ay hindi ito pinunit ni Gng. Torres. Milyon ang halaga ng painting na iyon! Pero nasira lang ng ganoon." Sabad rin ng isa pa. "Hindi ito usapin ng halagang perang katumbas ng painting na iyon. Pero walang katumbas na halaga ang gawa ni Mr. Sanchez at mahirap makakuha ng mga gawa niya. Maraming mayayaman o kilalang angkan ang nag-aasam magkaroon nito, pero hindi sila basta bastang nakakakuha. Hindi rin basta basta o madali makarequest ng painting sa kaniya. Pero nasira lang ng ganoon." "Shh, huwag kang maingay. Magagalit si Mr. Sanchez kung marinig niya ito. Anong mangyayaris sa mga Torres?" Si Z