Home / Romance / Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon / Kabanata 93 - Restricted Area

Share

Kabanata 93 - Restricted Area

Author: SerenityLane
last update Last Updated: 2025-08-10 09:48:15

Seryosong nagsalita si Stephen. "Alam mo, busy na tao si Scholar T, tapos ikaw madalas mong inaabala para makipaglaro. Sa tingin mo matutuwa sa'yo ang mga taong nag-aabang ng mga research niya? Gusto mong kuyugin ka ng mga nag-aabang sa researches niya?"

Gulat na gulat si Stephen, "Ayoko 'no?!"

Sumulyap lang si Hector kay Stephen at walang sinabi.

Iniisip pa lang iyon ni Stephen ay grabe na ang kaba niya. Maya-maya ay nagsalita siya para palakasin ang loob.

"Matanda na si Scholar T, may sarili na 'yong desisyon. Kung gusto niya ang makipaglaro, mapipigilan ko ba siya roon? Isa pa, kahit gaano pa kahusay si Scholar T, tao lang rin 'yon na. Humihinga at umuutot! Kaya relax lang dapat mga supporters niya, binibigyan ko lang siya ng entertainment. Huy Hector! Bakit naman ang bilis bilis mo? Antayin mo naman ako!"

Bumaling pa si Quina sa dalawang lalaki na papalayo.

"Oh bakit parang napako ka na riyan?" Naguguluhang tanong ni Caius.

"Parang may narinig kasi akong pinaguusapan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shiela Cataluña Orjalisa
Ang Ganda more updates po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 102 - Hurting

    Sino ba ang tinatanong ng boss niyang si Hector, kahit siya ay laglag ang panga sa matinding pagkakagulat. “Bakit hindi mo tanungin si Miss Farrah?” Sa screen ay ramdam ni Yen ang bigat at matinding selos na nagmumula sa kabilang linya. “Boss, paano kung isend ko sa inyo ang address kung nasaan kami? Tapos kayo na mismo ang pumunta rito?" Suhestiyon ni Yen. Nag-isip si Hector pero nakapagdesisyon rin agad, “Mas mabuting huwag na lang akong pumunta. Baka isipin niya sinusundan ko siya.” “Edi uuwi na po ba ako?” tanong ni Yen. “Continue following her and then report to me about whatever happens.” Malungkot na sagot ni Hector. Basang-basa ng pawis ang noo ni Yen. Ano bang nangyayari? Ayaw niyang may mangyaring masama. Natatakot siyang lalong maging malapit sina Farrah at ang kasama nito. May matindi siyang hinala sa isip niya, na baka magkasintahan talaga ang dalawa. Kung totoo man iyon, at may nakita siyang hindi dapat, ipapadala ba niya ito sa kanyang boss o hindi? ~

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 101 - Why Are They Together?

    Kumakain si Farrah ng inihaw na pusit kaya hindi niya gaanong napansin ang nangyayari sa paligid. Pagkakita niya sa reaksyon ni Luis ay nagtataka siyang nagtanong. "Anong meron?" Nanliliit ang mga mata ni Luis, matalim ang tingin. "Parang may pasimpleng kumukuha ng video kanina." "Sigurado ka ba?" tanong ni Farrah habang lumilinga-linga, pero wala siyang nakita na kahina-hinalang tao. Mas lalong lumalim ang pagkakasingkit ng mga mata ni Luis "Hindi ako sigurado." "May nakakita ba sa'yo?" hula ni Farrah. "Siguro." "Wala nang saysay na mag-aksaya ng oras at lakas sa mga hindi mahalagang bagay. Kumain na tayo agad. Katatapos mo lang sa exam, kaya kainin mo 'to habang mainit pa." Inabot ni Farrah ang pusit na nasa stick kay Luis. "Tama ka. Okay lang kung may palihim na kumuha ng litrato. Wala naman akong ginagawang kahiya-hiya." Sa isang sulok, ibinaba ng lalaki ang kanyang maskara at humihingal. Matagal bago siya tuluyang nakabawi. Tiningnan niya ang mga litrato sa kanyang

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 100 - Get Back

    Kung hindi dahil sa kagustuhan niyang ipahiya ito, hindi niya pag-aaksayahan ng oras si Quina. Pagkatapos ihatid si Quina pabalik sa kanyang kwarto, lumingon si Francia at tinitigan siya. "Bakit ka kasama ng mga tao mula sa institute Scholar T?" "Kilala ko siya." Hindi balak ni Farrah na ipaliwanag rito ang buong detalye. "Sino ang kilala mo?" patuloy na tanong ng ina niyang si Francia. "Hindi ako kumportable sabihin sa inyo." Dahil nag-aalala na hindi titigil si Francia, nagsalita pang muli si Farrah, "Ayaw niyang ipasabi, kaya hindi ko puwedeng sabihin." Nakunot ang noo ni Francia. "Hindi ko alam kung paano mo sila nakilala, pero gusto kitang paalalahanan na ang mga tao sa instituto ni Scholar T ay hindi mga ordinaryong tao. Sa ugali mong iyan, madali kang makaka-offend ng iba. Huwag kang bast

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 99 - Deserved!

    "Posible iyon." Mabagal na sagot ni Hector. Nahulog sa malailm na pag-iisip si Yen. ---(Masyon ng mga Torres) Pagkauwi pa lang ni Farrah, hindi na nakapaghintay si Quina at agad na dumiretso sa pakay niya. "Ate, sa wakas bumalik ka na. Hindi ba tapos na ang entrance exam? Bakit naka-boarding house ka pa rin?" "Anong pakialam mo?" Wala nang pasensya si Farrah sa mga satsat ni Quina. Dumiretso siya sa sofa, umupo, kinuha ang isang orange mula sa mesa at nagsimulang kumain. Sadya namang tumingin si Quina sa inang si Francia na ngayon ay namumula ang mga mata, pagkatapos ay tumalikod at nagkunwaring pupunasan ang luha sa kanyang mata. Nag-umpisa nang magalit si Francia. "Farrah, anak. Nag-aalala lang si Nana para sa’yo, hindi mo dapat siya pagsabihan ng ganyan." Ngumiti si Farrah, "Oo nga! Sobrang concern niya sa akin, kaya muntik na siyang sumugod sa private room kung saan kumakain sina Scholar T kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang tapang niya talaga." Nagulat si Quina, at n

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 98 - Protecting Who?

    "Ayos lang. May paraan ako para harapin ito."Buo na ang pasya ni Quina. Grabe na ang sitwasyon, gaano pa ba ito lalala? Ang matatapang ay mamamatay sa kabusugan, samantalang ang duwag ay mamamatay sa gutom. Bakit hindi na lang sumugal? Kung papalarin siya, baka makilala niya si Scholar T, at mairerekomenda ang sarili. Baka isipin ni Scholar T na may tunay siyang talento at tanggapin siya sa institusyon? Hindi na siya nagdalawang-isip pa at dali-daling binuksan ni Quina ang pinto ng pribadong silid. Wala. Nakakadismaya! "Ang weird. Nasaan si Scholar T?" "Baka nakalabas na siya nang hindi natin napapansin sa gitna ng kaguluhan?" hula ni Caius. Agad na bumagsak ang mukha ni Quina, at naglaho ang lahat ng kanyang pag-asa. Para siyang nalugi. Sakto namang tumawag ang ina niyang si Francia. "Nana, kamusta? Nakilala mo ba si Scholar T?" masiglang tanong ni Francia sa kabilang linya. Pinisil ni Tang Quina ang kanyang kamao at pinabagal ang pagsasalita, "Malas, hindi ko siya

  • Shotgun Marriage with the Scumbag Tycoon   Kabanata 97 - That Humiliation

    Ang mga kanina lang ay nagsasabi ng hindi maganda kay Farrah ay parang mga naumid ang mga dila at natahimik na ngayon. Ito ba ang boyfriend na binanggit ni Quina? Napakakisignat tindig palang ay yayamanin na? May cheap at bayarang lalaki ba na ganitong kagandang itsura at tindig. Ito ay Grand Mega Hotel, at ang mga nakakakain dito ay siguradong mayaman, kilala, o may koneksyon. Paanong may maliligaw na bayarang lalaki rito sa ganitong lugar? Ibig bang sabihin, gumagawa lang kuwento si Quina? Sinabi niya lang ba 'yon kanina para siraan ang kapatid niya?Diyos ko! Kung totoo 'yan, sobrang sama pala niya! Ang paninirang-puri ay parang pagpatay — sinisira nito ang puso. Para sa isang babae, ang reputasyon ay mahalaga. Siniraan niya ang kapatid niya sa harap ng publiko. Buti na lang may nagtanggol. Kung hindi, baka pinagtsismisan na ang kapatid niya habang buhay.Dahil dito, tiningnan siya ng lahat ng may paghamak at pagkadiri. Ang iba, hindi na nakatiis at nagsimulang batikusin siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status