LOGINAITHNE’S POV
Hindi ako mapakali buong araw. Hindi ko alam kung bakit, pero iba ang kaba ko nang sabihin ni mama Marie na yung lalaking nasuntok ang nagbook sa akin. Walang oras. Walang limit. Exclusive. “Sigurado ka ba?” tanong ko kay mama Marie habang inaabot niya ang maliit na papel na may pangalan ng room. Ngumiti siya sa akin. “Oo nga! Goodluck!” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Pagpasok ko sa private lounge, hindi club ang bumungad sa akin—walang malakas na tugtog, walang madilim na ilaw. May mesa sa gitna, may pagkain, may dalawang baso ng tubig. Hindi alak. At nandoon siya. Nakatayo siya malapit sa bintana, nakatalikod sa akin. Simple lang ang suot niya—itim na long sleeves na bahagyang nakaangat ang manggas, relo sa pulso. Pero kahit ganoon, ramdam ko agad ang presensya niya. “You’re late,” sabi niya nang hindi lumilingon. “Five minutes lang,” sagot ko. “Still late,” tugon niya, pero may bahagyang ngiti sa boses. Humarap siya sa akin. Mas malapit na ngayon, mas malinaw ang mukha niya. At sa pagkakataong ’yon, napansin ko—hindi siya mukhang customer. Mukha siyang lalaking sinadya akong makita. “Sit,” sabi niya, sabay hila ng upuan para sa akin. “Hindi ito usual booking,” sabi ko habang umuupo. “I don’t like usual,” sabi niya at bakas pa rin ang pasa sa kanyang mukha at kasalanan ko. “Sorry about last time, nadamay ka pa tuloy. Hindi ka nalang sana nangialam.” “ And why?” “Sanay na akong binabastos, yang ang trabaho ko”. Hindi siya umimik. Sobrang tahimik ng hangin. “ Anong pangalan mo?” tanong ko. “Havoc.” Nagkatinginan kami sandali—tahimik pero hindi awkward. “Kumain ka muna,” sabi niya. “Hindi ka umiinom?” tanong ko. “Not tonight,” sagot niya. “Gusto kong malinaw ang isip ko.” Parang may kung anong gumalaw sa dibdib ko. Habang kumakain kami, nagkwentuhan. Totoong usapan—walang pilit, walang tanong na bastos. Tinanong niya kung anong paborito kong pagkain, kung anong gusto kong gawin kapag wala akong iniisip na responsibilidad. “At ikaw?” tanong ko. “Ano’ng ginagawa mo kapag hindi ka nagtatrabaho?” Sandaling natahimik siya. “Hindi ko alam,” sagot niya. “Matagal na akong walang gano’n.” Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong maunawaan siya. “You look like someone who doesn’t let people get close,” sabi ko. Ngumiti siya, bahagya. “You noticed.” “Pero heto ka,” dugtong ko. “Nagbo-book ng babaeng dapat hindi mo naman kausapin ng ganito.” Tumingin siya sa akin, seryoso. “Because you don’t act like someone who should be here.” May biglang init sa pisngi ko. Hindi ko namalayan kung kailan nagbago ang hangin sa pagitan namin. Mas naging mabagal ang kilos niya. Mas naging maingat ang tingin niya sa akin. Nang ilapag ko ang baso ko, hinawakan niya ang kamay ko—marahan, parang nagtatanong muna. “Okay lang?” tanong niya. Hindi ko agad nasagot. Pero hindi ko rin binawi ang kamay ko. Lumapit siya, sapat lang para maramdaman ko ang init niya. Hinawakan niya ang pisngi ko, hinaplos gamit ang hinlalaki—parang baka masaktan ako kung madiin. “Aithne,” sabi niya, mababa ang boses. “Hindi kita minamadali.” Dumampi ang labi niya sa akin—banayad, mabagal, parang sinusukat kung tatakbo ba ako palayo. Hindi ako umatras. Hindi rin ako marunong gumanti. Para lang akong nanigas, hawak ang laylayan ng damit ko. Napahinto siya. “Hey,” mahinang sabi niya. “Relax.” Huminga siya nang malalim, saka hinawakan ang noo ko at idinikit sa kanya. “You’ve never done this before,” sabi niya, hindi tanong. Nanlaki ang mata ko. “H-hindi—” napatigil ako, hindi ko alam kung magsisinungaling pa ba ako. Hindi niya ako pinilit magsalita. Tinitigan lang niya ako—at doon ko nakita ang pagbabago sa mga mata niya. Hindi pagnanasa. Kundi bigat. “Fuck…” mahina niyang sambit. “You’re untouched.” Parang gusto kong maglaho sa hiya. “Sorry,” sabi ko, halos pabulong. “Hindi ko alam kung bakit—” “Stop,” putol niya agad. “You don’t have to apologize.” Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. “Did I scare you?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi… natatakot lang ako sa sarili ko.” Bahagya siyang ngumiti—malambot, hindi delikado. “Then I’ll be careful,” sabi niya. “I promise.” Hindi ko alam kung paano nangyari ang sumunod. Hindi ko alam kung paano ko hinayaang mapalapit siya nang ganito. Ang alam ko lang—hindi ako nasaktan. Hindi ako natakot. Hindi ako pinilit. Sa halip, para akong iniingatan. At sa pagitan ng mga bulong at haplos, ramdam kong alam na niya— na siya ang una. Na wala nang atrasan. Pagkatapos, tahimik lang kami. Nakahiga ako sa tabi niya, balot ng init niya. Walang salita. Walang tanong. Pero bago ako pumikit, narinig ko siyang magsalita— “You shouldn’t have been someone’s first like this,” mabigat niyang sabi. “But since I am… I won’t forget it.” At doon ko naramdaman ang kaba. Dahil alam kong mula sa gabing iyon— hindi na siya lalayo.AITHNE'S POVTahimik ang loob ng sasakyan. Hindi 'yong klase ng tahimik na nagbibigay ng kapayapaan, kundi 'yong klase ng katahimikan na parang may nakatagong sigaw sa bawat segundo. Walang tugtog. Walang kahit anong ingay maliban sa mahina ngunit tuloy-tuloy na ugong ng makina at sa sariling paghinga kong hindi makontrol.Hindi ako makatingin kay Havoc.Nasa driver's seat siya, diretso ang tindig, ang parehong kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela na para bang kung bibitaw siya kahit sandali, may masisira o may mawawala. Hindi ko alam kung galit ba siya, pagod o pareho. Basta alam ko mas mabigat ang presensya niya ngayon kaysa noong una kaming nagkakilala.Ngayon, para akong boluntaryong bumalik sa hawla. Ito ba talaga ang mas ligtas?Huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gate. Itim. Makintab. Matangkad. Parang pader na humahati sa dalawang mundo—at sa sandaling bumukas ito, alam kong wala na akong babalikan.Nung una kasi sa hotel niya lang ako pinatira.Pumaso
AITHNE'S POVMalabo ang paningin ko nang magising ako. Ang katawan ko, parang winasak ng isang bagyong hindi ko alam kung paano ko naranasan. Ang ulo ko, pulikat at parang may matinding martilyo na nagpapabagsak sa utak ko. Mabaho ang paligid—amoy disinfectant, may halo pang antiseptic, parang lahat ng amoy ng hospital ay gustong ipaalala sa akin kung nasaan ako.Napakalabo ng lahat. Hindi ko alam kung tulog pa ba ako o gising na, pero ramdam ko agad ang bigat ng pagkakasaklay ng katawan ko. Inilibot ko ang ulo ko sa kwarto, halatang takot sa kung ano ang makikita ko. Doon ko nakita ang dalawang pares ng matang nagbabaga sa galit—matang dati kong kinatatakutan sa papel, sa kontrata, sa buhay ko mismo.Napalunok ako ng laway, napakapit sa hospital sheets. Ramdam ko kung gaano kalakas ang pintig ng puso ko, parang sasabog.“H-havoc....” halos bulong ko lang, hindi sigurado kung boses ko ay maririnig niya o mawawala sa gitna ng kaba ko.“You just can't leave....” malamig, mabigat, parang
Hindi ako lumingon.Kahit may parte sa akin na gustong tumakbo pabalik, yakapin ang maling seguridad, at magpanggap na hindi ko narinig ang lahat ng salitang bumaon sa laman ko—hindi ako lumingon.Ang paglingon, para sa akin, ay pagsuko.Mabigat ang hangin habang naglalakad ako palayo sa bahay na hindi kailanman naging akin. Tahimik ang paligid, yung katahimikang hindi mapayapa kundi mapanganib. Parang bawat tunog ay pinalalaki ng gabi—ang sariling yabag ko, ang paghinga ko, ang pagkaluskos ng mga dahon sa gilid ng kalsada. Masikip ang dibdib ko. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa lahat ng hindi ko nasabi. Lahat ng tinanggap ko kahit alam kong hindi ko dapat. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ng babaeng 'yon. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Wala akong choice kundi maging bayarang babae. Napagtanto kong tama naman siya. Ang basahan kahit bihisan ng mamahalin, basahan pa rin. At kahit kailan ang langit at lupa ay hindi magtatagpo. Kasunduang kasal lang ’to.Pau
AITHNE’S POVAkala ko kaya ko.Akala ko sapat na ang katahimikan, ang pagod, ang paghinga nang malalim para matulog at kalimutan ang lahat.Pero mali ako.Pagkaalis ni Havoc sa kwarto—kahit sandali lang—doon bumigay ang lahat.Umupo ako sa sahig, likod ko nakasandal sa kama. Dahan-dahan kong hinubad ang mga alahas na suot ko kanina. Isa-isa. Parang bawat pagtanggal, may kasamang alaala ng mga matang tumingin sa akin na parang hindi ako kabilang.Basahan.Tumawa ako—mahina, basag.“Basahan,” bulong ko sa sarili ko. “Oo nga naman.”Tumingin ako sa salamin sa harap ko. Hindi ko nakita ang asawa ng isang Marchetti. Sabagay, hindi naman ito totoong kasalan. Kailangan ko ng pera para sa kapatid ko, kailangan niya ng asawa para hindi na siya kukulitin ng pamilya niya. Hindi ko nakita ang babaeng ipinaglaban niya sa harap ng lahat.Ang nakita ko—ako pa rin.Yung babaeng sanay husgahan.Yung babaeng mababa ang lipad.Yung babaeng madumi na nagtatrabaho sa club at kung sino sinong lalaki ang hu
AITHNE’S POV Hindi ako sanay sa salitang ASAWA. Pero heto ako nasa loob — nasa loob ng pinakamalaking ballroom na napasukan ko sa buong buhay ko. Kristal na chandelier sa kisame, mamahaling mga damit, mayayamang mga tao. 50TH ANNIVERSARY OF MARCHETTI GROUP OF COMPANIES At ako, nakakapit sa braso ni Havoc — parang maling piyesa sa perpektong larawan. “Relax,” mahinang sambit ni Havoc sa akin. “You’re doing fine.” dagdag pa nito. Bago pa ako makasagot may matandang babaeng lumapit sa amin. Elegante, dignified, may mga matang matalim pero mainit. “Havoc, iho! I thought you’re not coming. Magtatampo talaga ako,” sambit ng matandang babae. “I promised you, mom. By the way, this is my wife, Aithne.” Halata sa mata ng mama niya ang pagkagulat. Tumingin ito sa akin at niyakap ako. “I’m so glad to meet you, Aithne. Hindi man lang kami sinabihan ni Havoc, yang bata na yan talaga masyadong malihim. Bisita kayo minsan sa bahay ha, para maipagluto kita ng masasarap na specialty
AITHNE’S POVHindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital. Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang pangalan ng kapatid ko na sinisigaw ng nurse. Dugo. Sigawan. Ilaw na masyadong maliwanag. At si Junjun—nakahiga, walang malay, nakakabit sa kung anu-anong tubo.“Miss, kailangan po nating operahan agad ang kapatid niyo,” sabi ng doktor, seryoso ang mukha.“Kritikal ang kondisyon niya.”“M-magkano po?” nanginginig kong tanong.Sandaling nag-atubili ang doktor bago sumagot.“₱500,000 po ang kailangan—paunang bayad.”Parang binagsakan ako ng langit.₱500,000.Halagang hindi ko alam kung paano hahagilapin. Wala akong ipon.Wala akong kahit anong pwedeng isanla—maliban sa sarili ko.Nanlambot ang tuhod ko. Umupo ako sa bangko sa hallway at doon ko naramdaman ang bigat—ang takot na baka mawala ang kapatid ko dahil lang wala akong pera.At sa gitna ng kaguluhan sa isip ko , isang pangalan lang ang pumasok.Havoc.Hindi ko alam kung bakit siya. Hindi kami magkaano-ano. Isa lang siyang







