Stay tuned for more updates po. Maraming salamat!
Ella’s POVNagulat si Neil nang makita niya akong lumabas mula sa silid ni Savannah. Agad siyang lumapit at hinawakan ang braso ko.“Ella, what did she say? Did she scold you again?” tanong niya, halatang nag-aalala.Umiling ako. “No. She said sorry. Humingi siya ng tawad sa lahat ng nasabi at nagawa niya sa akin.”Napaluwag ang mukha ni Neil at agad niya akong niyakap. “Good. At least she realized na sobra na siya. Don’t let her words bother you, okay?”Napabuntong-hininga ako at yumakap pabalik. Pero habang nakapikit ako, bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Savannah. Kahit masakit aminin, may punto siya. Hindi pwedeng ako lang ang iniisip ni Neil palagi.Pagpasok namin sa silid niya, umupo siya sa kama at agad kinuha ang phone niya, parang wala lang. Ako naman, hindi mapakali.“Neil,” tawag ko.“Yes, love?” sagot niya habang tumitingin pa rin sa screen ng phone niya.Umupo ako sa harap niya. “Can we talk? About the company in Spain.”Nakita kong agad siyang tumigil, pero imbes na t
Ella’s POVPagkatapos naming kumain ng hapunan, hindi ko inaasahan ang sumunod na mangyayari.“Ma’am Ella,” maingat na sabi ng maid. “Pinapapunta raw po kayo ni Ma’am Savannah sa silid niya.”Napatigil ako. Mabilis ang tibok ng puso ko at parang nabigatan ako bigla sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong kausapin nang mag-isa. Lalo na at kanina lang, halos hindi niya maitago ang galit niya sa akin.Naglakad ako papunta sa kuwarto ni Savannah. Habang lumalapit, ramdam ko ang kaba. Nang nasa harap na ako ng pinto, kumatok ako nang marahan.“Come in,” malamig pero mahinahong sagot niya mula sa loob.Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Tahimik lang siya, hawak ang isang baso ng tubig. Iba ang ekspresyon niya ngayon, hindi galit, kundi parang may bigat na itinatago.“Upo ka,” aniya habang itinuro ang silya malapit sa mesa.Umupo ako. Tahimik lang ako at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.Sandali siyang napabuntong-hininga bago nagsalita. “Ella, I owe y
Ella’s POVAgad akong bumaba nang tawagin ako ng maid. “Ma’am Ella, kakain na raw po,” magalang nitong sabi. Tumango ako at inayos ang buhok ko bago lumabas ng silid ni Neil.Pagbukas ko ng pinto, biglang namilog ang mga mata ko. Sa sala, nakaupo ang isang babaeng hindi ko inaasahang makikita rito—ang Ate Savannah ni Neil. Ang CEO ng Archangel Group. Kilala ko siya noon pa man dahil isa siya sa tumulong sa amin, ilang beses ko na siyang nakita sa mga business magazines. Magaling siyang abogada. Matapang ang tindig, halatang sanay na sanay manguna.Bago pa ako makapagsalita, bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko nang mariin niya akong sampalin.“Savannah!” nagulat na sigaw ng Mommy ni Neil na nasa dining table.“Anong ginagawa mo?” halos sabay-sabay na tanong ng mga tao sa paligid.Pero hindi ako nakapagsalita. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko.“Walang hiya ka,” madiin na sabi ni Savannah habang nakatitig sa akin. “Dahil sa iyo, ayaw nang bumalik ng kapa
Ella’s POVHindi ko akalain na ganito kabilis kumalat ang balita. Ilang araw lang ang lumipas mula nang dumating sina Rowan at Cassandra sa opisina ko, at ngayon, lahat ng social media platforms, pati mga business groups na konektado sa amin, pinag-uusapan na sila. Hindi na bago sa akin ang tsismis, pero iba ito.Si Rowan, na dati’y iniidolo ng ilan dahil doctor siya, ngayon halos pandirian na. At si Cassandra, na kilala sa pagiging sosyal at maarte, biglang naging tampulan ng pangungutya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa.Nasa lounge ako ng firm, kasama si Dale at ilan sa mga staff na hindi mapigilang magkomento.“Ma’am, grabe po talaga. Trending sa Twitter at Facebook,” sabi ni Dale habang hawak ang phone niya. “Hashtag RowanScandal, Hashtag CassandraNaBiktima. Ang daming memes, Ma’am. Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanila.”“Pakita mo nga,” sabi ko.Nilapit niya ang phone niya sa akin. Nakita ko ang screenshot ng wedding invitation card nila na kumalat
Ella’s POVKatatapos lang ng meeting namin kasama ang ilang board members ng Vantare Creative Studios. Pagod na rin ako pero nakangiti pa rin dahil maganda ang naging resulta ng presentation ng mga staff. Papunta na ako sa opisina ko nang biglang pumasok si Dale, ang secretary ko.“Ma’am Ella,” sabi niya, “may naghahanap po sa inyo. Nasa loob na ng opisina ninyo.”Napakunot ang noo ko. “Sino dñraw?”Umiling si Dale. “Hindi nagsabi, Ma’am. Basta sabi, importante raw.”Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto ng opisina ko. At halos mapailing ako sa gulat. Nakatayo roon si Rowan, ang dati kong fiancé. At ang mas ikinabigla ko, magkahawak kamay sila ni Cassandra Villareal.Nagkangitian pa sila nang makita ako. Naglakad ako papasok, hindi nagpahalata ng kaba, at umupo sa swivel chair ko.“Oh,” sabi ko habang nakataas ang kilay. “Ito pala ‘yong importante. Rowan and Cassandra in one frame.”Ngumisi si Rowan at iniabot sa akin ang isang wedding invitation card. “We came here to person
Neil’s POV Hinila ko nang madiin ang kwelyo ng tauhan kong si Marco at walang pakundangang binagsak sa sementadong sahig. Wala na akong pasensya. Ilang araw na at wala pa rin siyang dala sa akin na pangalan. “Boss! Please, makinig ka muna!” sigaw niya habang halos gumapang sa harap ko. “Makinig?” singhal ko. “Ilang araw na ang binigay ko sa’yo! Ang hinihingi ko lang, pangalan ng taong gustong pumatay sa Daddy ko. Pero ano? Wala! Ni anino, wala kang maibigay!” Sinuntok ko siya sa panga. Narinig ko ang ungol niya habang bumagsak ulit sa sahig. Dinampot ko ang cellphone niya na nahulog sa tabi. Pagtingin ko, may mga unread messages. Napatitig ako. Nakasulat doon: “Huwag mong ibubulgar. Tandaan mo, pamilya mo ang kapalit.” Sunod-sunod pa ang messages mula sa parehong number. “Putang—” halos pasabog ang boses ko. “Sino ‘to?!” Nanginginig siyang tumingin sa akin. “Boss… huwag mong hawakan ‘yan.” Sinipa ko siya nang malakas sa tagiliran. “Sino ang nag-utos, Marco?! Sabihin mo na ngayo