Hello po. Still trying my best na makapag-update po kahit masakit puson ko. Maraming salamat po sa paghihintay.
Kira’s POVKinakabahan ako dahil makikita at makakausap ko na sa unang pagkakataon ang mga na-scam na clients. Kahit ilang beses kong pinilit na mag-focus sa presentation namin ni Ella, hindi ko maiwasang kabahan.Ilang clients ang nagdadalawang-isip makipag-cooperate sa amin dahil nalaman nilang asawa ako ni Anthony. May nagsabi pa na baka another scam or fraud na naman ang mangyayari. At naiintindihan ko sila. Kung ako rin ang nasa sitwasyon nila, siguro ganoon din ang magiging reaksyon ko.Sa terms na inilatag ko, 50% lang ang babayaran nila. Hindi sila maglalabas ng pera dahil ang budget for another 50% ay ang Salvatore Holdings mismo ang sasalo at ibabayad sa firm namin. Ang hiningi ko lang sa kanila ay tiwala.Alam kong malaking kawalan ito para sa amin ni Ella. Pero kung ito ang paraan para maibalik ang tiwala ng mga tao kay Anthony at sa kompanya nila, wala akong pakialam sa profit ngayon.Nang kumalat ang balita na ang Vantare Creative Studios na ang nangungunang investor at
Kira’s POVIlang araw na kaming naghahanap kina Bianca at Tita Carmen pero wala pa ring resulta. Halos lahat ng tao sa paligid namin ay nawawalan na ng pag-asa. Patung-patong na kaso na ang isinampa ng mga na-scam na clients laban sa Salvatore Holdings. Araw-araw rin bumababa ang sales ng kompanya.Si Anthony, hindi na mapakali. Laging pagod, laging nakakunot ang noo. Nakikita ko kung paano siya unti-unting nasasakal sa bigat ng problema. At ako, nasasaktan kasi hindi ko alam kung paano ko siya gagaanan ng pakiramdam.Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang Salvatore Holdings. Kaya kahit hindi niya hinihingi, palihim kong kinausap si Ella.“Ella, I need you to check the investors na umalis sa Salvatore Holdings,” sabi ko sa kapatid ko habang magkausap kami sa opisina. “Alamin mo rin ang mga na-scam daw na clients. Gusto kong makuha lahat ng pangalan at projects na hindi natuloy. Kukunin natin.”“Sigurado ka ba riyan, Ate?” tanong ni Ella. “Ang laki ng risk. Kung tayo ang tatayo sa mg
Kira’s POVSunod-sunod na tawag ang natanggap ni Anthony. Halos hindi na niya mabitawan ang telepono habang kami ay nasa opisina ng kompanya. Nakikita ko kung paano siya bawat saglit ay napapatingala sa kisame, napapahawak sa sentido, at biglang napapabuntong-hininga.“Sir Anthony, nagsimula na pong mag-pull out ang ilang investors,” sabi ng isa niyang staff na takot na takot lumapit.Nakapikit si Anthony, pilit pinapakalma ang sarili. “Ilang percent?” tanong niya, mahina pero ramdam ang galit.“Almost 40% po ng total investors, Sir. Ayaw nilang madamay sa kaso. Ang iba nagbabalak nang mag-file ng complaint.”Napasapo si Anthony sa ulo niya. “Damn it…” bulong niya. “Forty percent… that’s almost half of our funding.”Pumasok naman ang isa pang empleyado, bitbit ang ilang dokumento. “Sir, may mga kliyente pong naglabas ng ebidensya. Mga resibo at tseke ng transactions. Pino-post na rin sa social media. Nagiging viral po, at halos lahat sila tinatawag tayong scammer.”Halos mabitawan ko
Kira’s POVLumabas muna saglit si Anthony. May kinakausap siya tungkol sa paghahanap kay Tita Carmen. Naiwan ako sa loob ng ICU, pinagmamasdan ang mga monitor na tuloy-tuloy ang tunog, habang ang malamig na hangin mula sa aircon ay ramdam ko sa balat.Napatingin ako sa kamay ni Lolo Roman nang bigla itong gumalaw kasabay ng pagdilat ng kaniyang mga mata. Agad siyang inasikaso ng doktor, tiningnan ang vital signs, at inobserbahan ang reaksyon niya. Nanginginig ang katawan ko, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa galit na matagal kong kinimkim para sa matanda. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng pang-aalipusta niya noon sa akin. Para akong walang karapatang ipaglaban ang sarili ko. Ngayon, nakahiga siya rito, halos wala nang lakas, at pakiramdam ko—kinarma na siya.Pero nang magtama ang mga mata namin, agad tumulo ang luha sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang umiyak nang makita ako sa tabi niya.“K-Ki-ra…” Hirap na hirap siyang bigkasin ang pangalan ko.Napabunton
Kira's POV Pagkatapos ng press conference, halos hindi ako makahinga sa kaba. Nakita ko sa live coverage kung paano siya binato ng bato. Pagputol ng balita, sunod ko na lang napanood na dinala si Anthony sa ospital kasama si Mardy. Kasabay noon, lumabas din ang ulat na marami sa mga investors ng Salvatore Holdings ang umatras na.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Natatakot ako na baka tuluyang bumagsak ang kompanya. Hindi pa rin nila mahagilap si Tita Carmen, at lalo pang lumala nang mabalitaan kong dinala rin sa ospital si Lolo Roman dahil nahirapan ito sa paghinga.Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero wala na akong nagawa. Kinuha ko agad ang susi ng kotse. Tinawagan ko ang kasambahay namin.“Aling Rosa, pakisundo muna si Midnight sa school. Pupuntahan ko si Anthony sa ospital,” mabilis kong bilin.“Opo, Ma’am Kira. Ako na po bahala,” sagot niya.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Mabilis akong umalis. Habang nagmamaneho, nanginginig ang mga kamay ko. Sa isip ko, paano
Kira's POV Hindi mapakali ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa TV. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin na nakikita si Anthony doon sa entablado, pinagbabatuhan ng mga tao na parang wala siyang ginawang tama. Press conference ng Salvatore Holdings ngayon, at ako—nandito lang sa sala, hawak ang remote, habang pinipilit kong hindi maiyak.“Anthony…” bulong ko.Kanina pa niya ako pinapakiusapan na huwag akong sumama. “Stay here, Kira. I don’t want you in the middle of this mess,” iyon ang huling sinabi niya bago siya umalis. Ayaw kong sumunod pero wala akong nagawa.Napatakip ako ng bibig nang makita kong binato siya ng ketchup. Sunod ay itlog. Hindi pa nakuntento ang ilan, may nagtapon pa ng pera, tila panunuya sa perang nawawala.“Please, tama na…” mahina kong usal kahit alam kong hindi nila maririnig.Kita ko sa TV kung paanong hindi siya matinag. Nakatayo pa rin siya roon, hawak ang mikropono, pilit pinapakalma ang lahat.“Ladies and gentlemen, please,