LOGINAmara's POV
Warning ‼️ Mature Content ‼️ Magsalita na sana ako para sabihin sa mismong harapan ng babaeng ito na tanggapin ko na ang alok ni Adrian.Pero mabilis na kumilos si Grace, agad nitong sinandal ang ulo sa balikat ni Adrian. "I'm sorry. Please... pag-usapan natin ito ng maayos. I want to see, Jairus." Maarteng wika pa nito. Tahimik naman tumango si Adrian.Sinulyapan niya pa ako ng tingin bago tuluyan silang umalis ni Grace.Napabuntong-hininga tuloy ako. Kailangan niya pa ba ako na magpanggap na girlfriend niya? Mukhang nagkaayos naman na sila ng Grace na iyon. Wala sa sariling naglalakad ako sa tabi ng kalsada.Dadalawin ko lang si daddy.Kung hindi na ako kailangan ni Adrian, saan na ako hahanap ng trabaho? Pinukpok ko tuloy ang aking ulo sa subrang katangahan at kaartehan ko. May biglang humintong sasakyan sa gilid ko. May mabilis na lumabas na dalawang lalaki at agad akong tinakpan ng panyo sa ilong.Nakuha ko pang manlaban sa kanila pero unti-unti na din nandilim ang aking paningin. NAGULAT ako nang sa pag-gising ko ay nasa ibang lugar na ako. Mas lalong nanginig ang aking buong katawan dahil sa mga lalaking nakapalibot sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko. Iba na ang aking suot. " Wow! She's beautiful and fresh. She's mine already." Sigaw pa ng isang may katandaan na lalaki. Isa lang ang alam ko kapag may ganitong eksena. Binenta ako ng walang hiya kung sino man ang dumakip sa akin kanina. Lumingon ako sa isang lalaki na nakatayo sa gilid ko. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan nasa gilid ko ang isang mataas na bakal.Ito ang ginagamit kapag may mag-po-pole dancing. Nagkanya-kanya ng presyo ang mga kalalakihan para makuha lang ako sa gabing ito. " I'm not a virgin anymore.So, don't waste your money for me!" Sigaw ko, pero mabilis akong sinampal ng lalaki na nakatayo sa gilid ko. " Subukan mong magsalita ulit, hindi ka na ma sikatan ng araw!" Wala na akong nagawa bukod sa natakot ako dahil puro mga lalaki ang nandito sa loob. Alam ko na katapusan ko na ito. Dahil wala naman akong inaasahan na tumulong sa akin. Naisip ko si daddy, kung hindi ako makapagbigay ng pera sa operasyon niya. Siguro hanggang doon nalang din siya. Mas maganda nga siguro na sabay nalang kami ni daddy na mawala sa mundong ito. Siguro nga ito na talaga ang kapalaran namin.Subrang yaman tapos biglang bumagsak at hindi na nakabangon pa. May nanalo na sa bidding. Subrang tuwa ng lalaki na aangkin sa akin sa gabing ito. Napapikit ako sa kapalaran ko. Tinulak na ako ng lalaki na nagsisilbing bugaw sa gabing ito. Bigla naman akong niyakap ng lalaki na nakabili sa akin. Hindi parin ako tumigil sa pag-iyak. " Putang-ina! Akala ko ba hindi ka na virgin. Bakit umiiyak ka pa!" Sigaw sa akin ng lalaki,na kinaladkad pa ako sa hallway. Agad akong pinasok sa madilim na kwarto. Kaya mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Kung tinanggap ko lang sana ang alok ni Adrian. Hindi sana ganito ang mangyari sa akin. Di sana may pambayad na ako sa operasyon ni daddy. "Ayaw mong tumigil! Hindi ako malilibúgan sa'yo kung panay iyak ka." Bulyaw niya sa akin at malakas akong tinulak sa kama. Impit nalang akong umiyak para hindi siya masyadong magalit sa akin. Nang akmang umibabaw na sana siya sa akin.May biglang pumasok sa pintuan. Isang lalaking nakasuot ng maskara. Pamilyar sa akin ang pabango niya. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi kaya si Adrian Villanueva ito? " Get out!" matigas na wika ng lalaking nakasuot ng maskara. " Hey, who is the fucking are you? She's mine.I already bought her." Parang isang bagay lang ako na binibili ng lalaking ito. Hindi nakinig sa kanya ang lalaking naka suot ng maskara. Agad na sinipa ng lalaking nakamaskara ang nakabili sa akin.Dahilan na bumulagta ito sa sahig. Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.Nanginginig ko naman itong tinanggap. " Don't be afraid, you're safe now." Wika niya sa baritonong boses. Agad niya akong binuhat na pang bridal style.Sinipa niya pa ulit ng malakas ang lalaki na tatayo na sana ito para awatin kami. " Adrian? " tawag ko sa kanya. " Ssh... don't talk." Pinilig ko nalang ang aking ulo sa malapad niyang dibdib. Agad niya akong pinasok sa sasakyan niya. Mabilis niyang tinaggal ang suot niyang maskara.Kaya nasilayan ko ulit ang gwapo niyang mukha. " Thank you for saving me. Siguro iyon na ang katapusan ko kung di ka pa dumating." Tahimik lang siya pero kita ko ang panga niya na umiigting. Inutusan na niya ang kanyang driver na aalis na kami. " Thank you for saving me again, Adrian. " Wika ko ng makarating na kami sa apartment na tinirhan ko. "Come on, gamutin natin ang sugat mo." Malumanay niyang wika. Ngumiti naman ako," No, it's okay. Kaya ko na ito. Magpahinga ka na, Mr.Villanueva." " I insist! Wag matigas ang ulo, miss Sandoval." Tumango na lamang ako bilang sang-ayon sa gusto niya. Pagpasok palang namin sa apartment ay agad niya akong sinandal sa likod ng pintuan. " Accept my offer, Amara.So, no one can touch you." Mabilis akong tumango; naiyak pa ako dahil akala ko hindi na niya ako kailangan bilang magpanggap na girlfriend niya. " Aray! Ang sakit!" mahinang wika ko ng dahan-dahan niyang ginamot ang sugat ko. Nakaupo kami ngayon sa sofa. " Paano mo nalaman na dinala ako doon?" " May nakakita sa'yong tauhan ko. Kaya agad ka namin sinundan." " Iniwan mo si,miss Grace, for me?" Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko." H'wag masyadong assuming,miss Sandoval. Hinatid ko muna siya bago kita pinuntahan." Bigla naman nag-init ang magkabilang pisngi ko sa hiya na naramdaman ko.Oo nga naman, hindi porke't inalok na niya akong maging girlfriend ay priority na niya ako. " Bakit magpanggap pa tayo na magkasintahan.Kung nagkabalikan na kayo ni, miss Grace?" Napakunot-noo naman siya sa tanong ko. " She's not my girlfriend and she's never be. Gusto lang niyang madikit sa pangalan ko." " Ganun ka ba ka tanyag para dikitan ng mga babae?" Natawa naman siya ng malakas. Ang cute ng tawa nito na mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya. Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla niya akong tinitigan. " That's why I choose you, miss Sandoval. Dahil wala kang interest sa akin. One of my rules, don't you dare to fall in love with me." " What if I..." hindi na niya tinapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumeryoso. " That's the end of the contract." Ako naman ngayon ang tumawa." Assuming! Hindi ako maiinlove sa'yo, Mr.Villanueva. Iyong ugali mo ang layo sa pangarap kong lalaki. " Ngumisi siya ng mapakla," That's why you fall in love with your scumbag's ex. " Bigla ko siyang pinanliitan ng mata. Kasalanan ko bang lokohin ako ni Marcus. Okay naman sana kami ni Marcus umabot nga kami ng nine months eh. " Done! I should go." Agad na siyang tumayo ng matapos na niyang gamutin ang sugat ko. Hinatid ko pa siya sa pintuan.Bakit ngayon palang namiss ko agad ang presensiya niya? " Amara... " tawag niya sa akin. "Yes?" " Good night..." Napatulala nalang ako habang sinusundan ko siya ng tanaw. Kahit nakatalikod ay maganda parin tingnan ang isang Adrian Villanueva. Hinawakan ko ang aking puso na kanina pa tumitibok ito. Napailing ako sa sarili ko, hindi pwedeng mainlove ako sa kanya. Siguro magagamit ko siya para magantihan man lang si Marcus. Pumasok na ako sa loob.Padabog akong humiga sa sofa. Akala ko talaga katapusan ko sa gabing ito.Amara's POV Lumapit ako kay daddy, mahina lang ang boses ko na tinatanong ko siya kung okay lang ba siya. " Okay lang ako,anak. Huwag mo na akong intindihin masaya lang talaga ako." Aniya. " Okay, Daddy. Halika na kakain na tayo, " hinawakan ko ang kanyang kamay tinungo na namin ang mesa kung saan nandoon ang maraming pagkain. Sinalubong naman ako ni Adrian na may bitbit na din pinggan na may laman ng pagkain na naaayon sa diet ko. " Thanks, babe...kumuha ka na din ng pagkain mo." Wika ko. Tinungo ko na ang umpukan ng mga kaibigan ko na ngayon ay may kanya-kanya nang kausap. " Congratulations soon to be Mr. and Mrs.Villanueva!" masayang sambit ni Lucien Vale.Binuksan niya ang isang bote ng wine. Iniisa-isa naman niyang sinalinan ang mga kopita nila. Napansin ko din ang isang kaibigan ni Adrian na panay ang sulyap nito kay Cely pero hindi yata pansin ng kaibigan ko dahil busy ito sa pakikipag-usap kay Josephine. Tumabi na sa akin si Adrian na ngayon ay may dala n
Amara's POV PAGDATING namin sa bahay, kababa ko palang ng sasakyan sumalubong na agad sa akin si Jairus. " Mommy Amara... how are you? Is my little bro okay?" Agad na salubong sa akin ni Jairus. Ang sweet talaga ng batang ito. Napaisip tuloy ako na Tama si Adrian kanina sa hospital. Huwag na ko na dawng pag-aksayan na isipin ang pamilya niya kung ayaw talaga nila sa relasyon namin. Dahil nandiyan naman daw ang daddy ko, si Jairus, mga kaibigan, ang kapatid niyang si Josephine, mga kaibigan niya at higit sa lahat siya naman daw ang kasama ko. Masyado lang siguro akong nakapukos sa mga bagay na hindi para sa akin. Kung tutuusin ang dami parin mga tao na nakapaligid sa akin na nagbibigay sa akin ng tunay na kahulugan bilang tao. Iyong iniintindi parin ako kahit may iba't-ibang obligasyon na kami sa buhay. " I'm fine, big bro. The baby is healthy and doing well, so there's nothing to worry about, okay?" Inakbayan na ako ni Adrian para papasok na kami sa loob ng bahay. Haba
Amara's POV Kinabahan ako habang papalapit sa akin si Cely. Hinawakan ni Adrian ng mahigpit ang aking kamay. " Cely, kumusta? May resulta na ba ang mga lab test ko?" hindi ko maiwasan manginig. Ngumiti siya sa akin at binasa ang resulta ng laboratory test ko. Nakahiga kami ng maluwag ni Adrian dahil okay naman ang resulta ng test ko. Safe na din si baby sa loob ng aking tiyan. May mga pinagbawal lang siya ulit na mga pagkain. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napahamak ang pinagbubuntis ko. Lahat naman ng mga tagubilin ni Cely ay sinusunod ko. " Bakit ganun nalang ang pananakit ng tiyan at pati sikmura ko, Cely?" " In early pregnancy, tumataas ang antas ng hCG (human chorionic gonadotropin) at progesterone. Ang progesterone ay nagpaparelax ng mga smooth muscles, kaya bumabagal ang paggalaw ng tiyan at bituka. Nagdudulot ito ng kabag, constipation, at pananakit ng tiyan." Mahabang paliwanag niya. Dahan-dahan muna akong bumangon para sumandal sa headboard ng kama.
Amara's POV NAHABAG naman ang puso ko nang makita ko si Jairus na umiiyak. Naalimpungatan yata ito dahil sa paggising niya wala na ako sa tabi niya. Papasok siya sa kwarto namin ni Adrian. Inaalalayan naman ito ng daddy niya. " Daddy, mommy, can I sleep beside you?" aniya. Mabilis naman kaming tumango ni Adrian. Natuwa naman si Jairus kaya agad na itong sumampa sa master's bedroom. Pinagitnaan namin siya ni Adrian, bago pa siya tuluyang matulog ulit nagrequest muna ito na magkwento muna daw ang daddy Adrian niya. Natawa pa nga ako dahil nagpasaklolo si Adrian sa akin pero nagkibit-balikat lang ako. Siya ang gusto ni Jairus na magkwento bdahil naglalambing ang anak niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kwento ni Adrian. Natawa ako minsan kapag may nakakatawa sa kwento niya. Hindi ko alam na sa kaseryosohan nito ngayon makulit pala siya n'ong bata. Bagay na hindi namana ni Jairus sa kanya. "Daddy, I want to be like you when I’m big." Masayang wika naman ni Jairus. Ngunit bi
Amara's POV TINABIHAN ko muna si Jairus na humiga sa kanyang kama dahil mukhang nag-alala parin ito sa mommy Angela niya. Naawa ako sa bata dahil ito pa ang ginamit ng kanyang mommy sa hidwaan na pagitan nila ni Adrian. Kahit hindi sabihin ni Adrian sa akin, alam ko naman na may kinalaman ito sa pagkwento ko sa kanya na ang dalawang babae na involved sa kanya ang nagbanta sa akin na may masamang mangyayari sa akin at si baby ko kung hindi ako lalayo kay Adrian. Okay lang sana kung ako lang ang sasaktan nila kaso idadamay pa nila ang pinagbubuntis ko na walang ka malay-malay. Napakasama pa nilang dalawa dahil kahit si daddy hindi pinalampas sa pananakot nila sa akin.Ayaw ko naman na aabot pa sa may masamang mangyari sa pamilya ko kaya nakapagdesisyon ako na lihim nalang akong lalayo kay Adrian dahil ayaw ko na din na maging kumplikado pa ang sitwasyon. " Mommy, ibalik naman ng mga monsters si , mommy Angela, diba? Kahit minsan bad sa akin ang mommy ko pero mahal ko parin siya k
Adrian's POV Dumiretso muna ako sa banyo para pagkatapos ko na nilagay sa kama si Jairus. Naabutan ko pa si Amara sa paglabas ko galing sa loob ng banyo. Kahit nagtatampo siya sa akin pero hindi parin mapigilan ang sarili nito na hindi mapanganga ang kanyang labi na nakatitig sa akin. Lihim naman akong napangiti dahil kita ko sa kanyang mga mata ang labis na paghanga sa katawan ko. Sinadya ko din talaga na sa harapan niya ako magbihis. Mahina nalang akong tumawa dahil naririnig ko naman ang binubulong niya. " Magbihis na nga lang kailangan pang ibalandra ang kanyang katawan sa akin," pabulong niyang sabi pero naririnig ko naman. " May sinasabi ka, babe?" malambing ko na tanong sa kanya. Hindi muna ako nagbihis ng damit pang-itaas dahil mukhang mag-eenjoy pa ang mahal ko sa katitig sa katawan ko. " Tsk!..." palatak pa niya. Pero hindi naman siya umalis nakatitig parin siya sa mismong dibdib ko at pagbaba sa gìtna ko. " Gusto mong tikman? Bagong ligo 'to..." tudyo ko sa
Amara's POV Tanghali na akong nagising dahil hindi naman kailangan magmamadali. Day-off ko ngayon bilang tutor at fake girlfriend kay Adrian Villanueva.Mabilis na akong bumangon sa kama; tinungo ang banyo para sa daily routine. Pagkatapos ko maligo diretso na agad ako sa kusina para magluto at
Amara's POV Malakas na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng sasakyan.This is it! Ito na ang simula ng trabaho ko bilang fake girlfriend ni Adrian Villanueva. Paglabas ko ng sasakyan, nakatayo na si Adrian sa labas nakalahad ang kanyang kamay sa akin. Ngumiti ako na inabot sa
Amara's POV Ngumiti ako sa kanila; tinanong ko kung kumain na din ba sila. Ang aga ng mga ito na nagsipunta sa bahay. " So, is that Adrian Villanueva? " si Ruby. Tumango ako at umupo. "Are you sure about this,sis? Are you not falling in love with him? With his irresistible handsome face an
Amara's POV Ang sarap ng tubig sa pool hindi na ako nahiyang maligo dahil kasama ko naman ang kaibigan ko.Habang si Adrian ay hindi naalis ang malagkit na tingin niya sa akin. Nakaupo lang siya sa may lounge chair na may hawak na alak. Katabi niya din sa kabilang upuan ang mga barkada niya. Hin







