Tracy...NAGISING ako dahil sa isang taong humahaplos sa buhok ko, napangiti ako, "Naiinggit ka na naman sa buhok ko Cal, bakit hindi mo kaya i-try ang magpaka-straight?"
"Ha?"Minulat ko ang kaliwang mata ko dahil ramdam kong inaantok pa rin ako, hinawakan ko yung malagintong kulot na buhok niya, "Sabi ko bakit hindi ka magpa-straight gaya ng sa mga pinsan mo?"Ngumiti lang siya, "Yung pagkakulot ko nakuha ko sa side ng mga Criebo, sa side ni Mommy. Mas gusto ko nang ganito ang buhok ko."Umiwas ako sa kanya at humikab. Hindi ko kayang matagal na malapit ako sa kanya lalo na't gising na siya dahil natatakot ako na baka malaman niya ang nasa isip ko at ang nasa puso ko."Dito na pala tayo nakatulog dahil sa pagod. Gusto mo na bang mag breakfast tayo?" Tumango siya at sumunod sa akin patungo sa kitchen. Naupo siya sa bar counterTracy..."HANGGANGngayon ba hindi mo pa rin nasasabi kay Caleb ang na mahal mo siya?" Napalingon ako kay Neon na biglang nagsalita sa likuran ko."Ssshh! Ano ka ba?!" Sumenyas ako sa kanya na 'wag maingay, "Baka marinig ka nung iba o ni Caleb. Anong ginagawa mo dito sa Simonne Clothing's designer's office?""Naisip ko lang dumalaw." Ngumiti siya, nakatingin lang ako sa pula niyang buhok na hanggang balikat na, "So ano na nga? Hindi mo pa nasabi sa pinsan ko na mahal mo siya?"Napairap ako sa kanya, "Pumunta ka lang yata dito para mang-intriga at maki-tsismis." Umupo siya sa sofa na malapit sa akin, "Hindi pa niya alam, tingin mo kung alam na niya nandito pa ako? Siguradong lalayuan na niya ako oras na malaman niya, alam mo naman kung ano si Caleb hindi ba?""I know, pero malay mo pag sinabi mo may magbago.""Kung may magbabago man, kami yun s
Tracy...MATAPOSang araw na iyon ay hindi ko na nagawang makipag-usap o tumingin man lang ng matino kay Caleb. It was my first kiss! Our first kiss!Kaya paano ko naman magagawang kausapin siya ng matino kung ganoon?"Trace." Nanlaki ang mga mata ko at napahigpit ang kapit ko sa mga folders na nasa kamay ko, "Trace, mag-usap naman tayo.""Ahm, kailangan na po itong mga papeles dun sa.. ano.. kailangan na po ni Miss Gretchen." Itinaas ko iyong folders na hindi pa rin lumilingon sa kanya, "Para ho magawa na para sa Simonne Clothings.""Trace kulang pa yan, hindi pa ako nakakapag-design ng maayos nitong mga nakaraang araw hindi ba?"
Tracy...PAGKAUWIko ay agad kong ini-empake ang mga gamit ko at nilagay sa mga maleta at bag na meron ako, marami-rami na rin akong gamit dito na yung iba ay sa tingin ko hindi na magkakasya pa.Nagulat ako ng biglang magbukas ang pintuan ng kwarto ko at biglang pumasok si Caleb, "Anong ginagawa mo?""Packing." Matipid na sagot ko."Alam ko, ang ibig kong sabihin bakit ka nage-empake?"Humarap ako sa kanya at saglit na tumigil sa ginagawa ko, "Tinatanong mo talaga sa akin yan? Alam mo na kung bakit hindi ba?" Bumalik na ulit ako sa ginagawa ko."Stop that Trace." Hindi ako nakinig sa kanya at tinuloy
Tracy...DUMATINGang ibang kapamilya ni Caleb mula sa side ng mga Criebo at ang iba ding Simonne na hindi nakapunta nung isang araw, sabay-sabay naming hinihintay na magising si Caleb dahil 36 hours na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari kaya nagsisimula na lahat kaming mag-alala. Lumipas ang anim na oras at lahat sila ay kinakausap na si Caleb na gumising, ang ilan sa amin ay nagdadasal na ng himala pero lumipas ang anim na oras pa at nag-deklara na ang Doctor na na stado na coma si Caleb.Umiyak ang mga magulang nila Sir Gael, Sir Jay at maging ang mga lolo at lola ni Caleb, lahat kami ay nalungkot pero kasama ng lungkot na nararamdaman ko ay ang pagsisi ko sa sarili ko dahil alam kong ako ang may kasalanan ng lahat.Ilang oras pa silang nanatili bago nagsabi si Sir Gael na kailangan na naming magpahinga at siya mun
Tracy...BUONGaraw lang akong nakaupo sa sofa habang nakabukas ang TV na hindi ko naman naiintindihan ang palabas, sa totoo lang ay hinihintay ko na mag-message sa akin si Neon na gumising na ulit si Caleb at ayos na talaga siya.Dumating ang gabi at nag-ring ang cellphone ko, agad kong sinagot ng makitang si Neon ang tumatawag."Neon?""Tracy, saan ka na? Nagising na ulit si Caleb."Napangiti ako sa sinabi niya, "T-Talaga?""O-Oo." Parang hindi sigurado ang boses niya ng sumagot."Eh bakit parang nag-aalala ka pa? Maayos na siya hindi ba?" Hindi siy
Tracy...PATULOYlang akong naghintay sa labas ng pintuan pero maggagabi na ay hindi pa rin lumalabas si Caleb sa kwarto kaya't nagpasya akong magluto na muna at nang matapos ay saka ko kinatok muli ang pintuan niya."Caleb, kain na tayo." Walang sumagot, pinihit ko ang seradura ng pinto at bumukas iyon kaya pumasok na ako, nakaupo si Caleb sa kama at nakatitig lang sa kawalan, "Caleb."Lumingon siya sa akin pero halata sa mukha niya ang lungkot."Caleb, yung sinabi ko kanina, huwag mo na isipin iyon, I'm sorry, bati na tayo please?" Lumapit ako at umupo sa harapan niya, "Saka anong ginawa mo dito? Ang dilim pa ng kwarto, buksan mo kaya kahit itong lampshade." Yumuko ako para buksan yung ilaw sa tabi niy
Tracy...KUMAINkami sa isang restaurant matapos ang kasal, tahimik lang kami nila Neon habang nag-uusap ang judge pati na ang mga lolo at lola ni Caleb."This is my gift to the both of you." Iniabot ni Atty. Diaz ang isang box sa amin."Nag-abala pa po kayo." Nahihiya kong tinanggap iyon."Para ko na ring apo itong si Caleb dahil apo siya nitong si Calixto." Tinapik niya ang balikat ng lolo ni Caleb, "Matagal na kaming magkaibigan kaya pamilya na rin ang turingan namin." Pinunasan niya ang labi pagkatapos iyon at tumingin sa relong nasa kaliwang kamay at tumayo na, "Paano pa ba yan pare, may kailangan pa akong mga gawin, pasensya ka na.""Ayos lang iyon, sige na baka nakakaabala na kami ng sobra sa iyo." Nagkatawanan pa sila at umalis na si Atty. Diaz.Kinamayan niya kami bago umalis. Tahimik lang ulit
Tracy...PAGKADAONGng yate sa Isla Simonne ay inalalayan ako ni Caleb na bumaba, ang ibang mga gamit namin ay ipinalagay ni Ivan sa kwartong tutuluyan namin sa Hotel sa mga staffs."Sige enjoy kayo ah, pasensya na kayo hanggang dito ko lang kayo masasamahan, ayoko naman makaabala sa inyo at marami pa akong gagawin, enjoy the night, nakahanda na ang dinner niyo." Pagkasabi sa amin nun ni Ivan ay umalis na siya.Nakatingin lang si Caleb sa paligid, gabi na pero puno ng liwanag ang buong isla dahil sa mga ilaw."Kain na daw tayo, sigurado akong masarap yung pagkain dito lalo na yung seafoods." Ngumiti na ako at hinila ang kamay niya, hinatid kami ng isa sa mga staff sa isang parte ng isla kung saan mayroong lamesa sa gitna na napapaligaran ng ilaw at iba't ibang mga bulaklak.Napangiti ako ng makita ko ang mga seafoods na nasa isa pang la