Share

3

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-11-05 12:08:30

Mariing pinisil ni Carson ang kaniyang noo bago muling tumingin sa kalsada. Mabigat ang kaniyang mga talukap at masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Nang magising kasi siya sa bahay ni Yvonne noong nakaraang gabi, agad siyang umalis. Ayaw niyang magkaroon ng anumang isyu sa pagitan nila ng asawa ng kaniyang kumpare. Hindi rin niya gustong magbigay ng dahilan upang magkaroon pa ng panibagong problema ang babae.

Patungo siya ngayon sa kaniyang kompanya upang tingnan ang mga bagong sasakyang ilalabas nila sa merkado. Lumalago nang husto ang negosyo niya dahil sa dami ng bumibili sa kanilang mga produkto. Hindi naman kataka-taka iyon. Bukod sa magaganda ang disenyo ng kanilang mga sasakyan, kilala rin ang kompanya sa paggawa ng matitibay na piyesa. Hindi basta-basta nasisira ang mga ito, kahit pa masangkot sa isang aksidente.

Pagdating niya sa kumpanya, agad siyang sinalubong ng kaniyang sekretarya na si Rain. May hawak itong ilang dokumento at tila naghihintay lamang sa pagdating niya upang maiulat ang mga bagong balita tungkol sa kanilang negosyo.

"Kumusta? Nagkakaubusan na ba ng mga materyales sa bagong ilalabas nating sasakyan? Sigurado akong marami na naman ang bibili niyan," tanong ni Carson habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina.

"Naayos ko na lahat, sir. Kumuha na po ako kaagad ng mga materyales mula sa Korea pati na sa Japan. At tama po kayo, marami na kaagad ang nagtatanong kung magkano ang sasakyan na ilalabas natin ngayong taon. Sa tingin ko, ang sasakyan na naman natin ang magiging bida. Mauungusan na naman natin ang ibang brands," mayabang na sabi ni Rain.

Ngumisi si Carson. "Well, ano pa nga ba ang mangyayari? Kaya may magagalit na naman diyan dahil sisikat na naman ang produkto nating de-kalidad at talagang matibay ang bawat piyesa."

Napailing si Rain sa narinig ngunit hindi na siya sumagot. Sanay na siya sa pagiging mayabang ng kaniyang amo, lalo na kapag pinag-uusapan ang kompanya. Hindi naman maikakaila na may dahilan si Carson upang ipagmalaki ang lahat ng pinaghirapan niya. Ilang taon din niyang inalay ang oras at lakas sa negosyo bago niya ito naabot sa ganitong kalagayan.

Nagtungo na si Carson sa kaniyang opisina at naging abala sa mga dokumentong naghihintay sa kaniyang mesa. Sa bawat sasakyang inilalabas nila, pinag-iisipan niya nang mabuti ang disenyo, kalidad, at tibay ng bawat piyesa. Hindi niya gustong basta na lamang maglabas ng produkto para kumita. Gusto niyang masiguro na magiging sulit ang bawat sentimong gagastusin ng mga mamimili.

Noon, akala niya ay malabong lumago ang kaniyang negosyo. Maraming beses siyang nakaranas ng pagkalugi at halos sumuko na rin siya sa ilang pagkakataon. Ngunit unti-unting nakilala ang kanilang kompanya. Dumami ang mga mamimili at nagsimulang mag-invest ang ilang negosyante. Sa paglipas ng panahon, naging isa sa mga kilalang pangalan sa industriya ang kompanya ni Carson.

Habang nagbabasa siya ng mga ulat, may kumatok sa p***o ng kaniyang opisina. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino iyon dahil pamilyar na pamilyar sa kaniya ang paraan ng pagpasok ng babae.

"Hi, Carson! Kanina ka pa ba rito?" sambit ni Aila sabay kagat sa kaniyang ibabang labi.

Si Aila ay anak ng isang kilalang negosyante na nag-invest din sa kompanya ni Carson. Naging magkaibigan sila dahil sa ama nitong si Gray, ngunit hindi iyon nangangahulugang may espesyal na pagtingin si Carson sa babae. Matagal nang may gusto si Aila sa kaniya, subalit hindi niya ito pinapansin. Hindi niya gusto ang ugali nito, lalo na ang pagiging malandi at mapilit kapag nais nitong makuha ang atensiyon ng isang tao.

"May kailangan ka pa? Marami pa akong dapat gawin na importante kaya huwag mong sayangin ang oras ko," mahinahon ngunit madiing sabi ni Carson.

Lumabi si Aila. "Ang sungit mo naman palagi! Hindi ka na ba magbabago? Araw-araw ka na lang bang masungit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Sa tagal nating magkakilala, ni minsan hindi ka naging malambing sa akin."

Tumigil si Carson sa pagbabasa ng dokumentong hawak niya at saka tumingin sa babae. Hindi niya maintindihan kung bakit palaging ganoon si Aila. Kahit ilang beses na niyang ipakitang wala siyang interes dito, patuloy pa rin itong nagpapapansin.

"At bakit naman ako kailangang maging malambing sa iyo? Sino ka ba? Girlfriend ba kita?"

Natawa si Aila, bagaman halata sa mukha nito ang pagkayamot. "Kaya ka hindi nagkakaroon ng girlfriend dahil diyan sa ugali mo. Masyado kang coldhearted at arrogant!"

"Oh, tapos? Ano naman sa iyo? Nilalait mo ang ugali ko pero ikaw naman itong papansin sa akin. Sira ulo ka ba? At kaya naman walang sumeseryoso sa iyo dahil haliparot ka. Alam mo ba iyon?"

Tila sinampal si Aila sa sinabi ni Carson. Napahinto siya at hindi agad nakapagsalita. Wala talagang preno ang bibig ng binata kapag naiinis ito. Aminado naman si Carson sa kaniyang ugali. May pagkamayabang siya at malamig sa mga taong hindi niya gusto, lalo na kung hindi niya nagugustuhan ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya. Wala siyang pakialam kung masaktan man sila sa mga salitang binitiwan niya.

Gayunman, hindi naman siya palaging ganoon. May puso rin siya para sa mga taong mahalaga sa kaniya at sa mga taong malapit sa kaniyang buhay. Hindi lamang siya mahilig magpakita ng lambing, at mas lalong hindi niya ito ginagawa sa mga babaeng tulad ni Aila.

"Darating ang araw na ikaw naman itong magpapansin sa akin dahil mami-miss mo ang kakulitan ko," sabi ni Aila bago bahagyang ngumiti.

Tumawa si Carson. "Oh? Kailan? Sana nga dumating, kaso mukhang malabo. Huwag kang mangarap nang gising, ha? Nagmumukha kang tanga."

Inis na lumabas ng opisina si Aila. Nang tuluyang maisara ang p***o, natawa muli si Carson bago bumalik sa kaniyang ginagawa. Natatawa na lamang siya sa pagiging istupida ng babae. Hindi niya alam kung bakit patuloy pa rin itong umaasa gayong napakalinaw naman ng kaniyang mga sinasabi.

Naging abala si Carson sa kompanya hanggang sa hindi niya namalayang gumabi na. Marami siyang kailangang tapusin at ayaw niyang iwan ang mga dokumentong hindi pa niya nasusuri. Nang sa wakas ay matapos siya, kumain na lamang siya sa labas bago napagpasyahang umuwi.

Habang nagmamaneho, napansin niyang madadaanan niya ang subdivision kung saan nakatira si Yvonne. Napabagal siya ng takbo at tuluyang huminto sa gilid ng kalsada. Sandali siyang nanatili roon, nakatitig sa direksiyong patungo sa bahay ng babae.

Nag-aalinlangan siya kung pupuntahan ba niya ito o hindi.

Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa mga taong hindi niya kilala o hindi niya malapit sa puso. Hindi niya ugaling makialam sa problema ng iba, lalo na kung wala naman siyang kinalaman sa mga ito. Ngunit hindi niya mawari kung bakit naaawa siya kay Yvonne.

Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa sitwasyon ng babae o dahil sa pait at sakit na nakita niya sa mga mata nito noong una silang magkausap. May kung anong bagay sa mukha ni Yvonne na hindi niya basta-basta maalis sa isip. Hindi niya alam kung bakit patuloy niyang naaalala ang babae, gayong dapat ay wala naman siyang pakialam dito.

Tangina, ano ba ito? Bakit kailangan ko pang maawa sa isang taong hindi ko naman lubusang kilala o malapit sa akin?

Bumuntong-hininga si Carson bago nag-U-turn. Nagpasya siyang bumili ng pagkain na maaari niyang dalhin kay Yvonne. Hindi niya alam kung kumain na ba ito o kung may nag-aalaga rito, ngunit naisip niyang hindi naman masama ang dumalaw sandali.

Mabilis siyang nakabili ng pagkain at nagtungo sa bahay ng babae. Tatlong beses siyang nag-doorbell bago tuluyang bumukas ang gate. Nang makita si Yvonne, bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Naamoy niya ang alak na nagmumula sa babae, at agad niyang napansin ang pamumula ng mga mata nito.

"Ikaw na naman pala, Carson. Mabuti ka pa, naisipan akong dalawin dito. Iyong asawa ko kaya? May balak pa ba?" basag ang boses na wika ni Yvonne habang nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

Agad na nag-iwas ng tingin si Carson. Ayaw niyang makita ang magandang mukha ni Yvonne na napupuno ng sakit at pait. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, lalo na at hindi niya kayang sagutin ang tanong ng babae.

"Ahm... pasensya ka na. Hindi ko alam kung nasaan si pare ngayon. Baka... baka nandoon kay Violet," aniya nang hindi tumitingin kay Yvonne.

Biglang humagulhol si Yvonne, ikinagulat iyon ni Carson. Malakas itong umiyak bago pinaghahampas ang matipunong dibdib ng binata.

"Ano ba ang naging mali sa akin para ganito ang trato niya? Mali ba ang magmahal? Mali ba ang umasa na balang araw magagawa niya akong mahalin? Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito ang sukli sa akin? Bakit araw-araw akong pinapatay? Bakit araw-araw na dinudurog ang puso ko?" umiiyak na tanong ni Yvonne.

Hindi alam ni Carson ang sasabihin. Hindi siya sanay na may babaeng umiiyak sa harap niya, lalo na kung ganito kalalim ang sakit na nararamdaman nito. Kusa na lamang gumalaw ang kaniyang mga kamay at niyakap niya nang mahigpit si Yvonne.

Iyon ang unang beses na nagawa niya iyon sa isang babaeng hindi naman malapit sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin upang mapagaan ang loob nito. Kaya nanatili na lamang siyang nakayakap, hinahayaan itong umiyak habang pilit niyang pinapakalma.

Ngunit ilang sandali pa, may kakaibang init siyang naramdaman sa katawan ni Yvonne.

"Yvonne? Yvonne? Ayos ka lang ba?"

Hindi na sumagot ang babae. Bigla itong nanghina at muntik na siyang mabitawan nang mawalan ito ng malay. Napansin ni Carson na mainit ang noo nito. Buong araw na pala itong umiiyak, at mukhang dinapuan pa ng sakit.

"Yvonne, gumising ka!" inis na sambit ni Carson bago dali-daling binuhat si Yvonne papasok sa bahay nito.

"Yvonne! Yvonne!" nag-aalala niyang tawag habang maingat na inilapag ang babae sa sofa. "Ano ba'ng nangyari sa iyo?"

Ngunit nanatiling nakapikit si Yvonne. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Carson. Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang humingi ng tulong at saka muling lumapit sa babae. Kahit hindi niya lubusang kilala si Yvonne, hindi niya kayang iwan ito sa ganoong kalagayan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sinful Nights With Kumpare    4

    Lumipas ang dalawang araw. Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Yvonne, bagama’t hindi pa rin tuluyang nawawala ang panghihina ng kaniyang katawan. Nakakakain na siya nang kaunti at hindi na rin kasingdalas ang pag-iyak niya. Gayunman, hindi pa rin naging madali para sa kaniya ang harapin ang sitwasyon sa kanilang pagsasama ni Marlon."Pare, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Nang dahil sa ginagawa mo, nagiging mahina ang katawan niya. Mukhang walang maayos na tulog at hindi pa yata kumakain ang asawa mo," seryosong sabi ni Carson."Kumpare naman, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? At kasalanan niya iyan. Kaya nga nakikiusap ako sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung may iuutos ka sa akin, susundin ko..."Nainis bigla si Carson. "Talaga bang wala ka nang balak na ayusin ang relasyon ninyo? Kung hindi mo talaga siya kayang mahalin, bakit hindi ka na lang mag-file ng divorce para maghiwalay na agad kayo?""Sa susunod na. After two or three years. Alam kong hindi papayag ang mga m

  • Sinful Nights With Kumpare    3

    Mariing pinisil ni Carson ang kaniyang noo bago muling tumingin sa kalsada. Mabigat ang kaniyang mga talukap at masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Nang magising kasi siya sa bahay ni Yvonne noong nakaraang gabi, agad siyang umalis. Ayaw niyang magkaroon ng anumang isyu sa pagitan nila ng asawa ng kaniyang kumpare. Hindi rin niya gustong magbigay ng dahilan upang magkaroon pa ng panibagong problema ang babae.Patungo siya ngayon sa kaniyang kompanya upang tingnan ang mga bagong sasakyang ilalabas nila sa merkado. Lumalago nang husto ang negosyo niya dahil sa dami ng bumibili sa kanilang mga produkto. Hindi naman kataka-taka iyon. Bukod sa magaganda ang disenyo ng kanilang mga sasakyan, kilala rin ang kompanya sa paggawa ng matitibay na piyesa. Hindi basta-basta nasisira ang mga ito, kahit pa masangkot sa isang aksidente.Pagdating niya sa kumpanya, agad siyang sinalubong ng kaniyang sekretarya na si Rain. May hawak itong ilang dokumento at tila naghihintay lam

  • Sinful Nights With Kumpare    2

    Gabi na nang magkita sina Marlon at Carson Wallace sa isang pribadong bar na madalas nilang puntahan kapag pareho silang may libreng oras. Tahimik ang lugar kumpara sa ibang bar sa siyudad. Mahina lamang ang tugtog mula sa mga speaker, at iilan lang ang mga taong naroon. Sa isang sulok ng bar, nakaupo ang dalawang lalaki sa isang maluwang na sofa, may nakahandang bote ng mamahaling alak sa mesa sa harapan nila.Matagal nang magkaibigan sina Marlon at Carson. Magkumpare silang dalawa. Bata pa lamang sila ay magkasama na sila sa maraming bagay. Sa pag-aaral, sa mga bakasyon, at maging sa mga kalokohan nila noon, palaging magkasama ang dalawa. Hindi lamang sila basta magkaibigan dahil naging magkumpare pa sila nang magkaroon ng kani-kanilang pamilya. Kaya naman kahit matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-alis ni Carson sa Paris, nanatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.Ngunit ngayong gabi, napansin ni Carson na tila hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang kumpare.

  • Sinful Nights With Kumpare    1

    Nakatingin si Yvonne sa asawa niyang si Marlon at tila nag-aalangang magsalita. Nasa hapag-kainan na ang mga pagkaing inihanda niya. Mayroon siyang sinigang na hipon, pritong manok, at isang mangkok ng kanin na bagong saing. Ilang beses niyang inayos ang pagkakalagay ng mga plato at kubyertos, umaasang kahit papaano ay magiging maayos ang kanilang pagsasalo ngayong gabi. Dalawang taon na silang kasal ni Marlon ngunit hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mapalapit sa asawa."Marlon... Love...halika na kumain na tayo," nauutal na sabi ni Yvonne habang nakatayo sa may pintuan ng kanilang dining room.Mula nang ikasal sila, hindi naging madali ang buhay niya kasama ang lalaki. Hindi siya nito itinuturing na tunay na asawa dahil wala naman itong pagmamahal sa kaniya. May ibang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Marlon, at alam iyon ni Yvonne mula pa sa simula ng kanilang pagsasama.Para silang dalawang estranghero sa malaking bahay na iyon. Umuuwi si Marlon kung kailan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status