Share

2

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-11-05 12:00:51

Gabi na nang magkita sina Marlon at Carson Wallace sa isang pribadong bar na madalas nilang puntahan kapag pareho silang may libreng oras. Tahimik ang lugar kumpara sa ibang bar sa siyudad. Mahina lamang ang tugtog mula sa mga speaker, at iilan lang ang mga taong naroon. Sa isang sulok ng bar, nakaupo ang dalawang lalaki sa isang maluwang na sofa, may nakahandang bote ng mamahaling alak sa mesa sa harapan nila.

Matagal nang magkaibigan sina Marlon at Carson. Magkumpare silang dalawa. Bata pa lamang sila ay magkasama na sila sa maraming bagay. Sa pag-aaral, sa mga bakasyon, at maging sa mga kalokohan nila noon, palaging magkasama ang dalawa. Hindi lamang sila basta magkaibigan dahil naging magkumpare pa sila nang magkaroon ng kani-kanilang pamilya. Kaya naman kahit matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-alis ni Carson sa Paris, nanatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Ngunit ngayong gabi, napansin ni Carson na tila hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang kumpare. Mula nang dumating ito sa bar, ilang beses na itong humithit ng sigarilyo at halos hindi ngumiti. Hindi rin ito gaanong nakikipag-usap sa kaniya. Sa halip, nakasandal lamang ito sa sofa habang nakatingin sa baso ng alak na hawak nito.

Alam ni Carson na may problema si Marlon. Hindi lamang niya alam kung ano iyon.

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, nagpasya siyang basagin iyon. Bahagya siyang sumandal sa sofa at pinagmasdan ang kumpare.

"Pare, maayos ba ang buhay mo ngayong may asawa ka na?" tanong ni Carson.

Bumuga ng usok si Marlon bago sumagot. "Hindi. Impyerno nga sa totoo lang."

Kumunot ang noo ni Carson. Hindi niya inaasahang ganoon ang isasagot ng kaibigan. Sa pagkakaalam niya, maayos naman ang buhay ni Marlon. Mayaman ito, may sariling negosyo, at ngayon ay may asawa na rin. Hindi niya maintindihan kung bakit tinawag nitong impyerno ang buhay may-asawa.

"Ha? At bakit naman naging impyerno? Ano ba ang nangyari? Pasensya ka na, wala akong balita sa iyo simula nang umalis ako. Masyado kasi akong naging busy. Pero ngayon, hindi na. Sila Daddy at Mommy na ang bahalang mag-asikaso ng business namin sa States."

Muling humithit ng yosi si Marlon bago nagsalita. "Kilala mo naman siguro kung sino ang babaeng mahal ko, 'di ba?"

"Oo... si Karen. Pero paano iyan? Kasal ka na. Dapat maging tapat ka sa asawa mo."

Asar na tumawa si Marlon. "Tapat? Tangina niya! Inuto niya kasi ang mga magulang ko kaya kami kinasal. Magaling din ang gaga. Wala akong pakialam sa kaniya. Asawa ko lang siya sa papel. Hindi ko naman siya mahal."

"Awit iyan, pare. Kawawa naman iyon. Paano pala iyan? Nagtatanong siya sa akin kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo. Ano ang sasabihin?" saad ni Carson bago uminom ng alak.

"Bahala ka na. Magpalusot ka na lang. Makikiusap sana ako eh. Hindi kasi alam ng mga magulang ko kung ano ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi rin naman siya nagsusumbong. Puwede bang ikaw muna ang tumingin-tingin doon? Sa totoo lang, galit talaga ako sa kaniya. Kaso nga lang, baka kung ano rin ang mangyari sa kaniya, ako naman ang malalagot. Malapit lang naman iyong binili mong bahay sa amin, 'di ba?"

Tumango si Carson. "Oo. Ang kaso nga lang, mahirap ang ganito. Paano kung sa akin naman mabaling ang pagmamahal niya? Eh kasal kayo?"

Ngumisi si Marlon. "Eh 'di mas mabuti! Para hiwalayan na niya ako. Sa ibang bansa naman kami kinasal kung saan puwede mag-divorce. Kung maaari nga lang, landiin mo iyang babae na iyan para hindi na ako ang guluhin niya."

Natawang napailing si Carson. "Tarantado ka. Asawa mo, parang pagkain mo lang na ibibigay sa akin."

Sumeryoso si Marlon. "Pare, hindi ko nga siya mahal. Sa tagal nating magkaibigan at magkumpare, kilalang-kilala mo na ako. Kilala mo kung sino ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko at hindi siya iyon. At kilala mo rin ako mawalan ng pakialam sa isang tao. Kilala mo ako kapag galit sa isang tao. Kung maaari nga lang, ayoko nang umuwi doon. Napipilitan lang talaga akong umuwi dahil tinitingnan ko kung okay lang ba siya."

"Hay naku, pare. Bahala ka. Basta, gagawin ko na lang kung ano ang makakaya ko. Busy din ako eh. Kapag nagka-time na lang ako, sisilip-silipin ko na lang siya sa bahay ninyo. Ang laki pa naman ng bahay na iyon. Baka magbigti siya doon kapag nandilim ang paningin niya," wika ni Carson sabay kagat-labi.

"Sa kaniya ko na ipinangalan ang bahay na iyon para kapag nagkahiwalay kami, kaniya-kaniya na iyon. Wala akong balak kunin pa ang bahay na iyon dahil may binili na akong bahay para sa amin ni Karen," dagdag pang sabi ni Marlon.

SUMAPIT ANG HATINGGABI, NAGPAALAM NA SI CARSON sa kaniyang kumpare dahil uuwi na siya. Hindi naman ganoon kalakas ang tama ng alak sa kaniya kaya makakapagmaneho pa siya pauwi. May dala siyang pagkain na ipinabibigay ni Marlon para kay Yvonne. Kaya naman dadaanan niya muna si Yvonne bago tuluyang umuwi.

Uminat-inat muna siya sabay hingang malalim bago lumabas ng kaniyang sasakyan. Nakatatlong doorbell siya bago bumukas ang malaking gate. Malungkot ang mukha ni Yvonne na bumungad sa kaniya.

"Nasaan si Marlon? Kasama mo ba ang asawa ko?"

"Nag-inom kaming dalawa. Ahm... ano kasi... alam kong masasaktan ka pero wala na yata siyang balak magpunta pa dito. Kaya ako na lang ang madalas na bibisita sa iyo kung sakali. Kapag hindi ako busy. Kapag may kailangan ka, magsabi ka na lang."

Gumuhit ang kirot sa dibdib ni Yvonne nang marinig iyon. Para siyang sinaksak ng maraming beses sa dibdib. Agad na nangilid ang kaniyang luha. Gusto niyang umiyak nang malakas ngunit pinili na lang niyang kimkimin ang kirot at pait na kaniyang nararamdaman.

"Ganoon ba? Salamat dahil nag-abala ka pang puntahan ako dito. Wala na talaga siyang pakialam sa akin dahil ibang tao na ang sinabihan niyang puntahan ako dito..." garalgal ang kaniyang tinig na saad.

"Sorry kung sasabihin ko sa iyo ito pero mahal na mahal talaga niya si Violet. Ito ang babaeng pinakamamahal niya. Kaya hindi ko alam kung magbabago ba ang nararamdaman niya para kay Karen. Sa tingin ko kasi, malabong mangyari iyon. Malabong maibaling ni Marlon ang pagmamahal niya sa iba..."

Napasinghap si Yvonne nang maamoy ang alak na nagmumula sa bibig ni Carson. Papikit-pikit na nga ito nang iabot sa kaniya ang dala nitong pagkain mula kay Marlon.

"Teka... kaya mo pa bang magmaneho pauwi?" nangangambang tanong niya.

Hindi nagsalita si Carson. Nakayuko na lang ito habang nakasandal sa pader. Tinitigan ni Yvonne ang mukha ng binata. Hindi niya maiwasang humanga sa kaguwapuhang taglay nito. Hinaplos niya ang mukha ni Carson at saka mahinang sinampal.

"Carson? Tulog ka na ba? Magpahinga ka muna saglit dito bago ka umuwi. Baka mabangga ka pa kapag pinilit mong magmaneho..."

Napamulat ng mata si Carson. "Ha? A-ayos lang ba? Kahit sa sala na lang ako maidlip."

"Oo, sige. Akin na ang susi ng sasakyan mo para ipasok ko na muna ito. Pumasok ka na sa loob."

Pagewang-gewang na naglakad si Carson sa loob ng bahay na iyon at agad na nahiga sa sofa. Ipinasok naman ni Yvonne ang sasakyan ng binata at saka siya pumasok na sa loob ng kaniyang bahay. Pinagmasdan niya muna ang natutulog na si Carson. Hanggang sa mapaluha siya nang maisip na ibang tao na ang mag-aalala para sa kaniya imbes na ang kaniyang asawa.

“Sige... ito pala ang gusto mo, Marlon. Ang ipamigay ako sa iba. Asawa mo ako pero ang kumpare mo pa ang dapat magkaroon ng pakialam sa akin. Wala kang puso. Masyado mo nang dinudurog ang puso ko….” gigil na sabi ni Yvonne sa isipan.

Dumako ang tingin ni Yvonne sa mapulang labi ni Carson. Hanggang sa inilapit niya ang mukha niya sa binata at maingat na hinalikan ito. Nagulat siya nang hawakan ni Carson ang kaniyang ulo at siilin siya ng halik. Nakapapasong halik ang natanggap niya mula kay Carson at hindi na niya nagawang magpumiglas pa dahil tumutugon na siya sa mainit nitong halik.

Nalasahan niya ang alak na nagmumula sa bibig ni Carson nang magsalo ang kanilang laway. Nagulat siya nang biglang lamasin ni Carson ang kaniyang dibdib kaya agad siyang lumayo sa binata.

"Hmmm..." mahinang ungol ni Carson habang nakapikit.

Habol-hininga naman ang ginawa ni Yvonne dahil nalunod siya sa mainit at mapusok na halik ni Carson.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sinful Nights With Kumpare    4

    Lumipas ang dalawang araw. Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Yvonne, bagama’t hindi pa rin tuluyang nawawala ang panghihina ng kaniyang katawan. Nakakakain na siya nang kaunti at hindi na rin kasingdalas ang pag-iyak niya. Gayunman, hindi pa rin naging madali para sa kaniya ang harapin ang sitwasyon sa kanilang pagsasama ni Marlon."Pare, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Nang dahil sa ginagawa mo, nagiging mahina ang katawan niya. Mukhang walang maayos na tulog at hindi pa yata kumakain ang asawa mo," seryosong sabi ni Carson."Kumpare naman, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? At kasalanan niya iyan. Kaya nga nakikiusap ako sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung may iuutos ka sa akin, susundin ko..."Nainis bigla si Carson. "Talaga bang wala ka nang balak na ayusin ang relasyon ninyo? Kung hindi mo talaga siya kayang mahalin, bakit hindi ka na lang mag-file ng divorce para maghiwalay na agad kayo?""Sa susunod na. After two or three years. Alam kong hindi papayag ang mga m

  • Sinful Nights With Kumpare    3

    Mariing pinisil ni Carson ang kaniyang noo bago muling tumingin sa kalsada. Mabigat ang kaniyang mga talukap at masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Nang magising kasi siya sa bahay ni Yvonne noong nakaraang gabi, agad siyang umalis. Ayaw niyang magkaroon ng anumang isyu sa pagitan nila ng asawa ng kaniyang kumpare. Hindi rin niya gustong magbigay ng dahilan upang magkaroon pa ng panibagong problema ang babae.Patungo siya ngayon sa kaniyang kompanya upang tingnan ang mga bagong sasakyang ilalabas nila sa merkado. Lumalago nang husto ang negosyo niya dahil sa dami ng bumibili sa kanilang mga produkto. Hindi naman kataka-taka iyon. Bukod sa magaganda ang disenyo ng kanilang mga sasakyan, kilala rin ang kompanya sa paggawa ng matitibay na piyesa. Hindi basta-basta nasisira ang mga ito, kahit pa masangkot sa isang aksidente.Pagdating niya sa kumpanya, agad siyang sinalubong ng kaniyang sekretarya na si Rain. May hawak itong ilang dokumento at tila naghihintay lam

  • Sinful Nights With Kumpare    2

    Gabi na nang magkita sina Marlon at Carson Wallace sa isang pribadong bar na madalas nilang puntahan kapag pareho silang may libreng oras. Tahimik ang lugar kumpara sa ibang bar sa siyudad. Mahina lamang ang tugtog mula sa mga speaker, at iilan lang ang mga taong naroon. Sa isang sulok ng bar, nakaupo ang dalawang lalaki sa isang maluwang na sofa, may nakahandang bote ng mamahaling alak sa mesa sa harapan nila.Matagal nang magkaibigan sina Marlon at Carson. Magkumpare silang dalawa. Bata pa lamang sila ay magkasama na sila sa maraming bagay. Sa pag-aaral, sa mga bakasyon, at maging sa mga kalokohan nila noon, palaging magkasama ang dalawa. Hindi lamang sila basta magkaibigan dahil naging magkumpare pa sila nang magkaroon ng kani-kanilang pamilya. Kaya naman kahit matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-alis ni Carson sa Paris, nanatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.Ngunit ngayong gabi, napansin ni Carson na tila hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang kumpare.

  • Sinful Nights With Kumpare    1

    Nakatingin si Yvonne sa asawa niyang si Marlon at tila nag-aalangang magsalita. Nasa hapag-kainan na ang mga pagkaing inihanda niya. Mayroon siyang sinigang na hipon, pritong manok, at isang mangkok ng kanin na bagong saing. Ilang beses niyang inayos ang pagkakalagay ng mga plato at kubyertos, umaasang kahit papaano ay magiging maayos ang kanilang pagsasalo ngayong gabi. Dalawang taon na silang kasal ni Marlon ngunit hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mapalapit sa asawa."Marlon... Love...halika na kumain na tayo," nauutal na sabi ni Yvonne habang nakatayo sa may pintuan ng kanilang dining room.Mula nang ikasal sila, hindi naging madali ang buhay niya kasama ang lalaki. Hindi siya nito itinuturing na tunay na asawa dahil wala naman itong pagmamahal sa kaniya. May ibang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Marlon, at alam iyon ni Yvonne mula pa sa simula ng kanilang pagsasama.Para silang dalawang estranghero sa malaking bahay na iyon. Umuuwi si Marlon kung kailan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status