Share

4

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-11-05 12:15:27

Lumipas ang dalawang araw. Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Yvonne, bagama’t hindi pa rin tuluyang nawawala ang panghihina ng kaniyang katawan. Nakakakain na siya nang kaunti at hindi na rin kasingdalas ang pag-iyak niya. Gayunman, hindi pa rin naging madali para sa kaniya ang harapin ang sitwasyon sa kanilang pagsasama ni Marlon.

"Pare, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Nang dahil sa ginagawa mo, nagiging mahina ang katawan niya. Mukhang walang maayos na tulog at hindi pa yata kumakain ang asawa mo," seryosong sabi ni Carson.

"Kumpare naman, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? At kasalanan niya iyan. Kaya nga nakikiusap ako sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung may iuutos ka sa akin, susundin ko..."

Nainis bigla si Carson. "Talaga bang wala ka nang balak na ayusin ang relasyon ninyo? Kung hindi mo talaga siya kayang mahalin, bakit hindi ka na lang mag-file ng divorce para maghiwalay na agad kayo?"

"Sa susunod na. After two or three years. Alam kong hindi papayag ang mga magulang ko kapag hiniwalayan ko kaagad siya. At saka, hindi talaga ako naaawa sa kaniya. Kasi siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa kaniya iyan. Kung hindi niya sana ipinilit na ikasal kami, eh 'di sana hindi siya nagdudusa sa piling ko?"

Bumuntong-hininga si Carson bago tumingin sa ibang direksyon. Naaawa talaga siya para kay Yvonne. Ngunit wala siyang balak na gawan ito ng masama kahit na ipinapasa sa kaniya ni Marlon ang responsibilidad na alagaan ang asawa nito.

"Bahala ka. Baka pagsisihan mo rin sa huli ang ginagawa mo sa kaniya. For sure, ginagawa naman niya ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo pero mukhang wala kang balak bigyang-pansin iyon."

"Wala talaga. Pasensya na sa abala, pare. Huwag mo na lang siyang puntahan sa bahay. Hayaan mo na lang siya. Baka naaabala na kita masyado. Kaya naman niya ang sarili niya. Nagiging madrama lang siya para maawa ako sa kaniya."

Hindi na lang nagsalita pa si Carson. Umalis na lamang siya sa lugar na iyon at nagtungo sa kaniyang kumpanya. Balak nga sana niyang huwag nang bigyang-pansin pa si Yvonne dahil hindi naman niya ito kaano-ano. Asawa lang ito ng kaniyang kumpare. Hindi naman sila close. Ngunit nang makita niya itong lumuluha, naaawa talaga siya.

"Tangina naman..." mahina niyang sabi nang muling sumagi sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Yvonne.

Pumikit siya nang mariin bago pilit na itinuon ang atensyon sa kaniyang binabasa. Ayaw niya kasing may iba siyang iniisip kapag may ginagawa siyang importante.

SAMANTALA, HINDI NA HALOS MAGALAW NI YVONNE ang pagkain sa kaniyang harapan. Hinawakan siya ni Emily, ang kaibigan niyang napagsasabihan niya ng lahat. Ang kaibigan niyang hindi siya iniwan noon pa man.

"Ikaw naman kasi eh. Sinabihan na kita. Bakit kasi hindi ka nakinig sa akin? Alam mo, kapag may isang lalaking nagmamahal talaga nang totoo, hindi makukuha ng ibang babae. Kahit sabihin pa nating palagi kayong magkasama, kung iba naman ang nilalaman ng puso niya, wala rin..."

"Alam ko naman iyon. Umasa lang ako. Pero iyon na nga, ako itong nagdudusa sa mali kong desisyon. Kung puwede ko nga lang sanang ibalik ang nakaraan, hindi ko na siya pakakasalan pa," malungkot na saad ni Yvonne.

"Oh, bakit ayaw mo pang makipag-divorce sa kaniya? Sa ibang bansa naman kayo kinasal, 'di ba? Kaya talagang approved agad iyan."

"Hindi pa puwede eh. Siguro mga dalawang taon pa. Para hindi naman sumama ang loob sa akin ng mga magulang niya. Kasi ako talaga ang gusto nilang mapangasawa ng anak nila. Ayaw kasi nila kay Violet. Iba raw ang pakiramdam nila sa babaeng iyon. Sa akin daw, magaan ang loob nila. Pero wala naman akong magagawa kahit gusto ako ng mga magulang ni Marlon kung ayaw naman niya sa akin."

Bumuntong-hininga si Emily. "Hay naku! Nakaka-stress naman ang buhay pag-ibig mo! Siya nga pala, sino pala iyong kumpare ng asawa mo na bumibisita sa iyo?"

"Si Carson."

Namilog ang mata ni Emily. "Si Carson? Seryoso?"

"Oo..."

"Oh my! Isang kilalang businessman! Mabenta ang mga sasakyan niya dahil de-kalidad talaga ang mga ito! Matibay at magaganda pa ang bawat disenyo! Mabuti nagagawa ka niyang bisitahin. Kumusta naman siya makipag-usap sa iyo? Ayon kasi sa mga narinig ko, masungit daw ang taong iyon. Mayabang at coldhearted. Hindi iyon basta-basta nakikipag-usap sa kung sino. Wala siyang pakialam kung sino pa ang isang tao basta ayaw niya, ayaw niya."

Tumingin si Yvonne sa kaibigan. "Ganoon ba? Hindi ko kasi siya kilala. Kailan ko lang siya nakilala. Noong hinahanap niya si Marlon."

"Mailap naman kasi sa tao si Carson. Ayaw na ayaw niyang napapa-poster ang mukha niya."

Tumango-tango si Yvonne. "Sabagay, halata naman sa mukha niya na masungit siya. Pero mukhang mabait naman."

Nagkibit-balikat si Emily. "Ewan ko lang. Ang balita ko, wala pa siyang nagiging girlfriend. Single raw since birth! Siguro mga nakalandian, marami. Sa guwapo ba naman niya, 'di ba? Imposibleng wala siyang tinira. Ang dami kayang babae ang gustong matikman siya. At ang balita, daks daw!"

Natawa si Yvonne. "Tumigil ka na nga! Mukha kang daks. Ikaw ba ay may boyfriend na?"

"Wala pa eh. Wala pa akong makitang matino. Lahat mukhang tulisan."

Muling natawa si Yvonne. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya ngayong nakausap niya ulit ang kaniyang best friend. Ilang linggo rin kasi siyang nagmukmok sa bahay at umiyak nang umiyak. Ngayon lang siya nakaramdam ng kaunting gaan, kahit alam niyang hindi pa rin niya kayang takasan ang problema sa kaniyang pagsasama ni Marlon.

NANG MAKAUWI siya kinagabihan, nangunot ang noo niya nang makita ang sasakyan ni Carson sa tapat ng kaniyang bahay. Dali-dali siyang lumabas at nilapitan ito. Seryoso ang mukha ng binatang tumingin sa kaniya at hindi man lang ngumiti.

"Kumusta ka dito?"

"Ayos lang. Nagiging okay naman ako kahit papaano," tugon niya bago tipid na ngumiti.

Bumuntong-hininga si Carson. "Maglibang ka na lang. Lumabas-labas ka kaysa umiyak ka buong magdamag. Nagpunta lang ako dito para kumustahin ka. Busy din kasi ako. Sa totoo lang, hindi ako natutuwa sa ginagawa sa iyo ni kumpare pero huwag mo sanang isipin na tinotolerate ko ang ginagawa niya. Pinagsasabihan ko naman siya pero hindi siya nakikinig sa akin. Kaya bilang tulong na lang din, ito lang ang magagawa ko. Ang kumustahin kita."

Tila nahaplos ang puso ni Yvonne sa sinabing iyon ni Carson. Kahit walang emosyon ang mukha nito, nararamdaman naman niyang may pakialam ito sa kalagayan niya.

"Ayos lang. Maraming salamat. Hindi mo na nga dapat pa itong gawin dahil hindi naman tayo close o ano. Pasensya ka na kung naaabala ko pa ang oras mo. Pero huwag kang mag-alala, lilibangin ko na lang ang sarili ko para hindi na ako maging malungkot pa."

"Tama iyan. Mabuti naman at naisipan mong gawin iyan. Sige na. Aalis na ako. Mag-ingat ka palagi dito."

Mabilis na umandar palayo ang sasakyan ni Carson. Bumuga ng hangin si Yvonne habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng binata. Ewan niya ba, ngunit tila magaan ang loob niya rito kahit na hindi naman sila magkakilala nang masyado. May parte rin sa kaniya na tila gustong mas mapalapit dito at makilala pa ang binata.

Bigla tuloy nag-init ang kaniyang pisngi nang maalala niya ang gabing hinalikan niya ito. Ang halik na muntik pa siyang malunod at maubusan ng hininga.

“Bakit niya kaya ito ginagawa? Bakit niya ako kinukumusta kahit na ayos lang naman kahit hindi niya gawin ito? Pinakiusapan ba siya ni Marlon para gawin ito? O siya lang mismo ang gumagawa nito dahil naaawa siya sa akin?” mahina niyang usal.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kaniya ng simpleng pagbisita ni Carson. Sa kabila ng malamig nitong pakikitungo at seryosong mukha, nararamdaman niyang hindi ito katulad ng ibang taong nakapaligid sa kaniya. Hindi man nito diretsahang sinasabi, ipinapakita naman nito sa pamamagitan ng mga kilos na may pakialam ito sa kaniyang kalagayan.

Napailing si Yvonne at pilit na inalis sa isip ang mga tanong na iyon. Hindi niya dapat hayaang magkaroon ng ibang kahulugan ang kabaitan ni Carson. Asawa siya ni Marlon, at kahit gaano man kasakit ang kanilang pagsasama, hindi pa rin niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa mga susunod na araw. Gayunman, hindi niya maiwasang mapangiti nang bahagya habang iniisip ang binata, bago tuluyang pumasok sa bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sinful Nights With Kumpare    4

    Lumipas ang dalawang araw. Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Yvonne, bagama’t hindi pa rin tuluyang nawawala ang panghihina ng kaniyang katawan. Nakakakain na siya nang kaunti at hindi na rin kasingdalas ang pag-iyak niya. Gayunman, hindi pa rin naging madali para sa kaniya ang harapin ang sitwasyon sa kanilang pagsasama ni Marlon."Pare, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Nang dahil sa ginagawa mo, nagiging mahina ang katawan niya. Mukhang walang maayos na tulog at hindi pa yata kumakain ang asawa mo," seryosong sabi ni Carson."Kumpare naman, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? At kasalanan niya iyan. Kaya nga nakikiusap ako sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung may iuutos ka sa akin, susundin ko..."Nainis bigla si Carson. "Talaga bang wala ka nang balak na ayusin ang relasyon ninyo? Kung hindi mo talaga siya kayang mahalin, bakit hindi ka na lang mag-file ng divorce para maghiwalay na agad kayo?""Sa susunod na. After two or three years. Alam kong hindi papayag ang mga m

  • Sinful Nights With Kumpare    3

    Mariing pinisil ni Carson ang kaniyang noo bago muling tumingin sa kalsada. Mabigat ang kaniyang mga talukap at masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Nang magising kasi siya sa bahay ni Yvonne noong nakaraang gabi, agad siyang umalis. Ayaw niyang magkaroon ng anumang isyu sa pagitan nila ng asawa ng kaniyang kumpare. Hindi rin niya gustong magbigay ng dahilan upang magkaroon pa ng panibagong problema ang babae.Patungo siya ngayon sa kaniyang kompanya upang tingnan ang mga bagong sasakyang ilalabas nila sa merkado. Lumalago nang husto ang negosyo niya dahil sa dami ng bumibili sa kanilang mga produkto. Hindi naman kataka-taka iyon. Bukod sa magaganda ang disenyo ng kanilang mga sasakyan, kilala rin ang kompanya sa paggawa ng matitibay na piyesa. Hindi basta-basta nasisira ang mga ito, kahit pa masangkot sa isang aksidente.Pagdating niya sa kumpanya, agad siyang sinalubong ng kaniyang sekretarya na si Rain. May hawak itong ilang dokumento at tila naghihintay lam

  • Sinful Nights With Kumpare    2

    Gabi na nang magkita sina Marlon at Carson Wallace sa isang pribadong bar na madalas nilang puntahan kapag pareho silang may libreng oras. Tahimik ang lugar kumpara sa ibang bar sa siyudad. Mahina lamang ang tugtog mula sa mga speaker, at iilan lang ang mga taong naroon. Sa isang sulok ng bar, nakaupo ang dalawang lalaki sa isang maluwang na sofa, may nakahandang bote ng mamahaling alak sa mesa sa harapan nila.Matagal nang magkaibigan sina Marlon at Carson. Magkumpare silang dalawa. Bata pa lamang sila ay magkasama na sila sa maraming bagay. Sa pag-aaral, sa mga bakasyon, at maging sa mga kalokohan nila noon, palaging magkasama ang dalawa. Hindi lamang sila basta magkaibigan dahil naging magkumpare pa sila nang magkaroon ng kani-kanilang pamilya. Kaya naman kahit matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-alis ni Carson sa Paris, nanatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.Ngunit ngayong gabi, napansin ni Carson na tila hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang kumpare.

  • Sinful Nights With Kumpare    1

    Nakatingin si Yvonne sa asawa niyang si Marlon at tila nag-aalangang magsalita. Nasa hapag-kainan na ang mga pagkaing inihanda niya. Mayroon siyang sinigang na hipon, pritong manok, at isang mangkok ng kanin na bagong saing. Ilang beses niyang inayos ang pagkakalagay ng mga plato at kubyertos, umaasang kahit papaano ay magiging maayos ang kanilang pagsasalo ngayong gabi. Dalawang taon na silang kasal ni Marlon ngunit hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mapalapit sa asawa."Marlon... Love...halika na kumain na tayo," nauutal na sabi ni Yvonne habang nakatayo sa may pintuan ng kanilang dining room.Mula nang ikasal sila, hindi naging madali ang buhay niya kasama ang lalaki. Hindi siya nito itinuturing na tunay na asawa dahil wala naman itong pagmamahal sa kaniya. May ibang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Marlon, at alam iyon ni Yvonne mula pa sa simula ng kanilang pagsasama.Para silang dalawang estranghero sa malaking bahay na iyon. Umuuwi si Marlon kung kailan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status