LOGINGusto nang lumundag ng puso ni Liana sa sobrang bilis ng tibok nito. Nakatitig siya sa madilim na mga mata ni Alexander, hindi makapaniwala sa narinig.
"Pakasalan ka? Nababaliw ka na ba?" nahihirapang bulong ni Liana habang pilit na itinutulak ang matigas na dibdib ng doktor. "Tito ka ng asawa ko! Isang malaking kasalanan 'to!" Hindi man lang natinag si Alexander. Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kaniya, dahilan para magdikit ang mga labi nila nang bahagya. "Kasalanan?" Malamig na tumawa si Alexander. "Ang tunay na kasalanan ay ang ginagawa sa'yo ng pamangkin ko. At ano naman ang mawawala sa'yo, Liana? Your marriage with Marco is already dead. The moment he laid hands on another woman in your bed, tapos ka na sa kaniya." Bumaba ang tingin ni Alexander sa nanginginig na labi ni Liana. Hinawakan nito ang baywang ng babae at mas lalo pa itong hinila papalapit. "P-Pero hindi kita kilala..." nanginginig na apela ni Liana. "Kilala mo ako," bulong ni Alexander, ang boses ay puno ng pagnanasa. "Inside out. Kagabi lang, isinuko mo ang sarili mo sa akin." Bago pa makasagot si Liana, biglang nag-ring ang cellphone sa table ni Alexander. Kumawala ang doktor at sinagot iyon. Habang nakikipag-usap ito sa linya, nag-vibrate din ang cellphone ni Liana sa kaniyang bulsa. Kay Marco galing ang text message: *Liana, pumunta ka sa ospital ngayon din. Kinausap ko ang billing department. Ititigil na nila ang gamot ng nanay mo simula ngayong tanghali kapag hindi ka pumirma sa kasunduan na wala kang kukunin kahit piso sa condo at sa pera ko kapag naghiwalay tayo. Magdusa ka.* Napakuyom si Liana sa hawak na cellphone. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang galit. Walang-hiya talaga si Marco. Gagamitin pa nitong bargaining chip ang buhay ng ina niya para lang hindi ito makasuhan at para wala siyang makuha kahit ano. Naramdaman ni Liana ang paglapit uli ni Alexander sa kaniyang likuran. Ipinatong ng doktor ang dalawang kamay sa mga balikat niya at dahan-dahang hinaplos ang kaniyang leeg. "He texted you, didn't he?" pabulong na tanong ni Alexander. "Gusto ka niyang ipagpalit sa wala. Pinipilit ka niyang sumuko." Napaangat ng tingin si Liana sa salamin sa harap nila. Nakita niya ang kaniyang sarili, wasak, nasasaktan, at desperada. At sa likod niya, nakatayo ang bilyonaryong neurosurgeon, nakatitig sa kaniya na parang handa nitong sunugin ang buong mundo para lang sa kaniya. "I-Iligtas mo lang si Mama..." pabulong na sabi ni Liana habang tumatagaytay ang luha sa kaniyang pisngi. "Iligtas mo lang siya... papayag ako." Bahagyang ngumiti si Alexander. Isang ngiti ng tagumpay. "Good girl." Lumayo ito nang bahagya at kinuha ang dalawang set ng dokumento sa ibabaw ng mesa. Inilapag iyon sa harap ni Liana kasama ang isang mamahaling sign pen. "Ang unang papel ay ang annulment at divorce petition laban kay Marco. My lawyers will handle everything. Marco won't even know what hit him," paliwanag ni Alexander. "Ang ikalawang papel ay ang marriage contract natin. A secret marriage." Tiningnan ni Liana ang papel. Bawat salita roon ay nagpapatunay na itatali niya ang sarili sa pinakamakapangyarihang lalaki sa pamilya Vance. Walang pag-aalinlangang pinirmahan ni Liana ang dalawang dokumento. Nang matapos siya, kinuha agad ni Alexander ang mga papel at ibinigay sa abogadong mabilis na pumasok sa silid. Nang makalabas ang abogado at maiwan silang dalawa muli, may kinuha si Alexander sa isang maliit na velvet box. Binuksan niya ito at isinuot sa gitnang daliri ni Liana ang isang napakagandang diamond ring. "A-Ano 'to?" gulat na tanong ni Liana. "You are now my wife, Liana," seryosong sabi ni Alexander. Kinuha nito ang kaniyang kamay at hinalikan ang likod niyon, diretso ang tingin sa kaniyang mga mata. "And a Vance wife deserves the best." Biglang naramdaman ni Liana ang matinding kaba. "Kasal na tayo... sa papel?" "Sa papel," pag-ulit ni Alexander. Pero bago pa makahinga nang maluwag si Liana, mabilis siyang hinila ng doktor sa baywang at isinandal sa gilid ng malaking desk. Pumulupot ang braso ni Alexander sa kaniyang katawan. Bago pa makapagsalita si Liana, inangkin na ng doktor ang kaniyang mga labi sa isang marahas, mapang-angking halik. Umungol si Liana sa gulat, pero mabilis ding nadala ng init na dulot ng halik nito. Ikinulong ni Alexander ang maselang bahagi ng kaniyang mukha sa mga kamay nito, pinalalalim pa ang halik na tila ba kinukuha ang kaniyang buong hininga. Nang humiwalay ang mga labi nito, kapwa sila hingal na hingal. Madilim pa rin ang mga mata ni Alexander sa matinding pagnanasa. "That's to seal the deal, Mrs. Vance," bulong ni Alexander, habang dahan-dahang hinahaplos ang labi ni Liana na namumula dahil sa kaniyang halik. "Inaayos na ng mga tao ko ang paglipat ng mommy mo sa pinakamagandang suite sa ospital na 'to. And tonight... you are moving into my penthouse." "T-Tonight?" gulat na tanong ni Liana. "Yes. You are my wife now, Liana. At hindi ako pumapayag na ang asawa ko ay natutulog sa ibang bahay."Humarurot ang itim na Rolls Royce palayo sa grand hotel. Sa loob ng sasakyan, mabilis na umakyat ang soundproof partition, tuluyang naghihiwalay sa kanila mula sa driver.Bago pa man makahinga nang maluwag si Liana mula sa tensyon sa ballroom, naramdaman niya ang malalaking kamay ni Alexander na humigit sa kaniyang baywang. Sa isang mabilis na galaw, hinila siya ng bilyonaryo patungo sa ibabaw ng hita nito."Alexander—" napasinghap si Liana, pilit na kumakapit sa malalapad na balikat ng asawa habang umiikot ang kaniyang emerald green gown sa makipot na espasyo.Hindi na siya pinatapos magsalita ni Alexander. Marahas nitong inangkin ang kaniyang mga labi. Walang pag-aalinlangan. Walang pagpipigil. Tila isang gutom na lobo ang doktor na matagal nagtiis sa harap ng maraming tao. Ang mga halik nito ay malalim, nag-aapoy, at nag-uumapaw sa matinding pagnanasa.Kusang bumukas ang mga labi ni Liana para salubungin ang dila ng asawa. Napasabunot siya sa makapal na buhok nito habang ang is
Malamig ang hangin na nagmumula sa air-conditioning ng penthouse, ngunit pinagpapawisan ang mga palad ni Liana. Nakatayo siya sa harap ng isang malaking full-length mirror, halos hindi makilala ang sariling repleksyon.Suot niya ngayon ang isang shimmering emerald green gown na gawa ng isang sikat na Parisian designer. Hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan, perpektong hinuhugis ang kaniyang mga kurba. Mayroon itong malalim na v-neckline at bukas ang likuran, nag-iiwan ng sapat na imahinasyon ngunit nananatiling napaka-elegante. Sa kaniyang leeg ay nakasabit ang mabigat at kumikinang na ruby and diamond necklace ng pamilya Vance, isang simbolo ng kaniyang bagong kapangyarihan.Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na kamay na dahan-dahang pumulupot sa kaniyang maliit na baywang. Dumampi ang malambot na labi ni Alexander sa kaniyang nakalabas na balikat, nag-iwan ng nakakapasong init sa kaniyang balat na nagpatayo sa kaniyang mga balahibo."Nanginginig ka," malalim at paos na bul
Hindi na nagawang makatulog ni Liana matapos ang nakakapanindig-balahibong tawag na iyon. Ang malamig at matigas na boses ni Madam Victoria Vance, ang ina ni Alexander at ang kinatatakutang matriarka ng pamilya ay patuloy na umaalingawngaw sa kaniyang isipan.Tahimik siyang nakahiga sa malawak na kama, nakatingin sa kisame habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ramdam niya ang matipunong braso ni Alexander na nakapulupot nang mahigpit sa kaniyang baywang. Kahit sa pagtulog, hindi siya nito binibitawan, tila ba nagbibigay ng mensahe na walang makakakuha sa kaniya."Stop overthinking, sweetheart. I can hear your heart racing from here," malalim at inaantok na pabulong na boses mula sa kaniyang tabi.Napaigtad nang bahagya si Liana nang maramdaman ang mainit na labi ni Alexander sa kaniyang balikat. Humigpit ang yakap nito at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg."Paano ako hindi mag-iisip?" nangangambang sagot ni Liana. Humarap siya sa asawa at tinitigan ang perpektong mukha nito sa di
Nanginginig ang mga binti ni Liana habang pilit na humahakbang paatras palayo sa mahogany desk. Nakatingin siya sa mga nagkalat na papel at litrato sa sahig.Ang bawat salita ni Alexander ay parang patalim na dahan-dahang ibinabaon sa kaniyang dibdib."Matagal mo na akong minamanmanan?" nanghihinang tanong ni Liana. Ang kaniyang boses ay basag at puno ng pagkabigo. "Ibig sabihin... pinanood mo lang akong magdusa sa kamay ni Marco? Hinintay mo lang na tuluyan akong mawasak para magmukha kang bayani sa paningin ko?!"Hindi sumagot agad si Alexander. Nakasandal pa rin ito sa hamba ng pinto, walang suot na pang-itaas, habang nakatupi ang magkabilang braso sa matipunong dibdib. Sa halip na makakita ng pagsisisi o pag-aalala sa mukha nito, isang malamig at kalmadong titig lang ang ibinigay ng bilyonaryo.Dahan-dahan itong humakbang papasok ng study room. Bawat tapak ng kaniyang paa sa malamig na sahig ay nagpapatakbo ng matinding kaba sa sistema ni Liana. Tumigil si Alexander ilang hakbang
Nang makabalik sila sa penthouse pagkatapos ng kaguluhan sa restaurant, hindi pa rin makaniwala si Liana sa nangyari. Ang dating itinuturing na basura ni Marco ay buong giting na ipinaglaban ng pinakamakapangyarihang lalaki sa pamilya Vance. Pagkapasok na pagkapasok nila sa silid, agad na hinila ni Alexander si Liana sa kaniyang mga bisig at isinandal sa p***o. "Dapat itininanggi mo na lang ako kanina, dapat sinabi mo na lang na hindi mo ako kil—" "He touched you," paos na sabi ni Alexander, habang ang mga kamay ay mariing nakahawak sa mga balakang ni Liana. "I wanted to break his arms the moment I saw him holding you." Napangiti si Liana sa kabila ng kaba. "Alexander... ikaw lang ang asawa ko. Wala nang iba." Ang mga simpleng salitang iyon ang tuluyang nagpaalis sa galit at selos ng doktor. Inangkin ni Alexander ang kaniyang mga labi sa isang napakamainit at madamdaming halik. Binuhat siya nito patungo sa malaking kama at pinaligaya nang buong magdamag. Malalim na ang gabi nang
Maagang ginising si Liana ng isang halik sa kaniyang noo. Pagdilat ng kaniyang mga mata, nakabihis na si Alexander sa kaniyang mamahaling navy blue suit."Get up, sweetheart. We're going out," nakatitig na sabi ng doktor, ang boses ay puno ng lambing habang hinahaplos ang kaniyang pisngi."Saan tayo pupunta?" tanong ni Liana habang itinataas ang kumot para takpan ang kaniyang dibdib."To buy you everything you deserve," sagot ni Alexander. "Ayaw kong makita kang nagsusuot ng kahit anong bagay na nagpapaalala sa dati mong buhay."Ilang oras ang lumipas, dinala siya ni Alexander sa isang luxury mall sa lungsod. Bawat boutique na pasukin nila ay isinasara para lang sa kaniya. Binilhan siya ni Alexander ng mga branded na damit, sapatos, at bag na kahit sa panaginip ay hindi kayang bilhin ni Marco.Tanghalian na nang pumunta sila sa isang sikat na 5-star French restaurant. Dahil may tumawag kay Alexander mula sa ospital, sandali muna itong nagpaalam para sumagot sa rest room corridor, kay







