Maagang ginising si Liana ng isang halik sa kaniyang noo. Pagdilat ng kaniyang mga mata, nakabihis na si Alexander sa kaniyang mamahaling navy blue suit."Get up, sweetheart. We're going out," nakatitig na sabi ng doktor, ang boses ay puno ng lambing habang hinahaplos ang kaniyang pisngi."Saan tayo pupunta?" tanong ni Liana habang itinataas ang kumot para takpan ang kaniyang dibdib."To buy you everything you deserve," sagot ni Alexander. "Ayaw kong makita kang nagsusuot ng kahit anong bagay na nagpapaalala sa dati mong buhay."Ilang oras ang lumipas, dinala siya ni Alexander sa isang luxury mall sa lungsod. Bawat boutique na pasukin nila ay isinasara para lang sa kaniya. Binilhan siya ni Alexander ng mga branded na damit, sapatos, at bag na kahit sa panaginip ay hindi kayang bilhin ni Marco.Tanghalian na nang pumunta sila sa isang sikat na 5-star French restaurant. Dahil may tumawag kay Alexander mula sa ospital, sandali muna itong nagpaalam para sumagot sa rest room corridor, kay
Last Updated : 2026-08-08 Read more