Ng kukunin na ng guro si Christopher, tumalikod na ako para umalis, ngunit biglang lumuhod si Hanley sa harapan ko, pinisil ang dalawang luha."Dawn, Honey, Talagang alam kong mali ako. Nasa ospital ang ina ko at walang nagaalaga sa kanya at may trabaho pa din ako. Hindi ko kaya na asikasuhin ang lahat magisa. Pakiusap. Dati tayong kasal. Pakiusap, bumalik ka. Kung gagawin mo, ililipat ko ang bahay sa pangalan mo..."Hindi ko na pinansin ang mga titig ng mga manonood habang sumisigaw, "Dating kasal? Iniisip ang mga taong nakalipas kasama mo ay napapasuka ako! Ano, bigla mo na lang akong gustong balikan ngayong wala ka ng maid sa bahay? Sa tingin mo ba hahayaan ko na naman ang sarili kong mapakinabangan? Maganda ang buhay ko kasama ng anak ko—bakit ako at ang mama mo babalik para pagsilbihan ka!"Ipinilig ni Hanley ang kanyang ulo, nahihiya, hindi umiimik.Lumabas ang guro kasama si Christopher at sinulyapan ko si Hanley. "Huwag ka na ulit lalapit sa akin. Lumayo ka. Ito ang sinabi
Nilingon ni Kennard si Nicole. "Ikaw ang pumipigil kay Dawn na magpa paternity test. Kung kaya, sa buong pangyayari, ikaw ang nagplano na ibunton ang sisi sa kanya! Ikaw ang siyang nagtatago ng lahat ng pangit na katotohanan. Paano ako naging sobrang bulag sa lahat ng mga taong nakalipas? Sabihin mo sa akin—sino ang ama ni Hanley?"Namula ang mukha ni Hanley sa galit. "Ma! Sinira mo ang lahat! Nadivorce ko si Dawn! Si Christopher ang tunay kong anak!"Sa wakas, hindi na napigilan ni Nicole. Masama ang tingin niya sa akin. "Kinuha mo na ang pera at hiniwalayan mo si Hanley. Bakit ka bumalik ngayon? 30 years ko ng itinatago 'to at sinira mo ang lahat!"Inilibot ko ang paningin ko. "Sinimulan mo ito, natandaan mo ba? Tatlong taon pa lang si Christopher at pinalayas mo kami sa gitna ng gabi. Ano, akala mo hahayaan ko na lang 'to? Hayaan mong sabihin ko sayo, ito ay karma. Hindi mo talaga akalain na kaya mong itago ang sikretong ito habambuhay, 'di ba? O naisip mo bang masaya akong magin
Mabilis na kumalat sa aming mga kamag anak at kaibigan ang balita ng hiwalayan namin ni Hanley. Hindi sila nag aksaya ng oras sa pagbuhos ng mga pang iinsulto sa akin sa chat ng pamilya, na hindi pinapansin ang katotohanan na hindi pa ako umaalis sa grupo.Binasa ko ang mga malupit na mensahe, nakataas ang isang kilay sa katapangan. Isinave ko ang bawat salita bilang ebidensya, pagkatapos ay tumalikod at ibinigay ang lahat sa pulis.Si Hanley, na nagngangalit sa galit, ay bumungad sa akin, "Ano pa bang gusto mo ngayong hiwalay na tayo? Wala kang katulad kundi isang mapaghiganting bruha!"Hindi ako sumagot. Kinuha ko na lang ang bag ko at naglakad palabas, papunta sa dati naming bahay.Pagdating ko, magulo ang bahay. Tila, salamat sa aking ulat tungkol sa kanilang paninirang puri, ang ilan sa kanyang malalapit na kamag anak ay nasiyahan na sa isang maliit na pagbisita sa istasyon ng pulisya.Kumatok ako sa pinto at si Hanley ang sumagot.Ilang araw pa lang ang lumipas simula noong
Nanlamig ang mukha ni Nicole, umigting ang panga habang nakatitig kay Hanley. "Hanley, hindi na kailangang makipagtalo sa babaeng ito. Hindi naman tayo unreasonable na tao. Ibalik na lang natin sa kanya ang bahagi ng perang nai ambag niya. Sa ganitong paraan, wala na siyang dahilan para istorbohin pa tayo at mabubuhay tayo ng mapayapa."Halatang naguguluhan si Hanley. "Ma, anong pinagsasabi mo? Matapos ang ginawa niya, dapat siyang umalis ng walang wala. Bakit ko siya bibigyan ng kahit isang kusing? Kahit na mapunta sa korte, nasa panig natin ang batas."Hindi napigilan ni Kennard ang galit. "Mismo. Mas gugustuhin ko pang sunugin ang bahay na ito kesa pabayaan ko siya.""Sige, kung ganyan, didiretso na ako sa korte para sa divorce. Ng gabing iyon, tinulak mo si Christopher at nagdulot ng kanyang head injury—duguan at lahat ng iyon. Iyon ay domestic abuse. Si Christopher ay witness. Nagtataka ako na makita sino ang papanigan ng judgejudge. At sisiguruhin ko na imbitahan lahat ng kama
Nakita ko na ang mga ulat ng health check-up nina Kennard at Nicole. Pareho silang may O na dugo.Ayon sa tsart sa dingding, ang kanilang anak ay maaaring magkaroon lamang ng O na dugo. Imposibleng magkaroon ng ibang uri ng dugo ang kanilang mga supling.Pero malinaw kong naalala na anim na buwan na ang nakalipas, sumailalim si Hanley sa isang company wide health check-up at ako ang nag fill out sa kanyang form. Ipinakita nito na mayroon siyang A na dugo. Paano ito magiging…Natigilan ako saglit, tapos tinamaan ako.Hindi kataka taka na kakaiba ang kinikilos ni Nicole, palagi silang hinihimok na paalisin ako, kahit paulit ulit na pinipigilan si Hanley na kumuha ng pangalawang paternity test para kay Christopher. Siya pala ang may tinatago.Isang tawa ang tumakas sa akin.Ano ito, isang plot ng pelikula? Ang katawa tawang ito ay talagang lumalabas sa harap ng aking mga mata. Kung malalaman nina Kennard at Hanley ang katotohanan, ang mga Pearce ay mabigla.Hindi ko maiwasang isipi
Pinandilatan niya ako, pulang pula ang mukha niya sa galit. "Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Mabuting sabihin mo sa akin, ng tuluyan, kung kaninong anak si Christopher. Kung hindi, ikaw lang ang mapapahiya kapag nakalabas na ito!"Hinawakan ko ang kumukurot kong pisngi, naramdaman ko ang init ng sampal at nagpakawala ng mapait na tawa. "Sige at ikalat niyo. Wala akong tinatago. Sabihin niyo ano man ang gusto niyo."Hinawakan ni Hanley ang kwelyo ko at sinabi, "Ilang taon ka ng nanloloko sa likod ko? At umaasa ka pa rin na iingatan mo ang dignidad mo? Ako ang nahihiya, hindi ikaw! Bulag ako para makasal sa babaeng katulad mo!"Ipinikit ko ang aking mga mata saglit, sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. "Kung gayon kumuha tayo ng divorce. Wala na akong sasabihin pa sayo o sa pamilya mo. Mananatili si Christopher kasama ko—tutal malinaw na ayaw mo sa kanya."Ang pagbanggit ng divorce ay tila ang huling dayami. Sumabog ang galit ni Hanley. "May lakas ng loob ka pa na bangg