Share

Kabanata 4

Penulis: Yan An
Pagkatapos ng kalahating oras.

Nakaparada ang Rolls-Royce sa harap ng Mountain’s Fork Cemetry.

Sa loob ng sasakyan, nababasa ni Josephine ang tatlong malalaking salitang, Mountain’s Fork Cemetry, at ang kaniyang magandang mukha ay namutla.

Ang rason para sa kaniyang pag-uwi ay upang bisitahin ang kaniyang may malubhang sakit na lola. Maliban na lang kung si lola ay…

“Narito si Lola?” Napahingal si Josephine.

“Si Rose narito.” Pagtatama sa kaniya ni Jay.

“Si Rose? Si Rose ay nakalibing dito?”

Napabuntong-hininga si Josephine. Pagkatapos no’n, napatanong siya, “Hindi naman Qingming Festival ngayon, ah, bakit tayo narito?” (TN: Ang mga intsik ay bumibisita sa libingan ng kanilang mga ninuno tuwing Qingming Festival upang linisin ito, ipagdasal ang kanilang mga ninuno, at maglagay ng mga handog.)

Biglang napatili sa kilig si Josephine, “Sabi ko na, eh! May nararamdaman ka pa rin para kay Rose! Saka, paano mo ipapaliwanag ‘yong henyong batang si Jenson?”

Si Jay ay naglalakad na palayo patungo sa akyatan. Dalawang malalaking puno ng pino ang nakatayo sa dalawang gilid ng hagdan.

Nang marinig ang mga salita ni Josephine, siya ay napatigil. Siya ay napabuntong-hininga, “Si Jenson ay isang aksidente. Hindi siya resulta ng pag-ibig!”

Dinilaan ni Josephine ang kaniyang labi at nag-iisip na sinabi, “Eh, bakit hindi ka pa nagkakaroon ng iba pang aksidente? Ang ganda-ganda ng lahi mo, saying naman kung hindi mo ‘to madalas gagamitin.”

“Hindi bawat bata ay makukuha ang swerte ni Jenson sa hindi pagkuha ng mababang lahi ng kaniyang ina.” Nang marinig ang pangalan ni Jenson, mahahalata ang pagmamahal sa malamig at gwapong mukha ni Jay.

Ang kaniyang anak, si Jenson, ay hindi lamang kamukha ang kaniyang ama, ngunit namana rin pati na rin ang kaniyang mga talent.

Sa edad na lima, ang bata na iyon ay isa nang napakahusay na hacker.

Kahit na si Josephine ay mahal na mahal ang kaniyang pamangkin, hindi siya kailanman masasanay sa kayabangan at mapagmahal sa sarili na ugali ni Jay.

Dahil dito, siya ay nasisiyahan sa pang-aasar kay Jay. “Oo nga, namana niya lahat ng magaganda mong katangian pero nakuha niya rin ‘yong mga panget mong ugali. Sabi nga ni ina na mas mapagmataas pa siya at madaldal kaysa sa ‘yo noong bata ka pa. Akala pa niya dati mayroong autism si Jenson.

“Paano kung manahimik ka na lang?” Pagalit na sabi ni Jay. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman na mayroong problema sa kaniyang anak.

Napabuntong-hininga si Josephine, “Hindi ka pa ba nakakita ng bata dati? Mga iyakin sila at palatawa. Tulad ano dapat ang ugali ng mga bata.”

Sa hindi malaman na kadahilanan, biglang naisip ni Jay ang batang babae na nabunggo niya sa labasan ng paliparan.

“Nakakita ako ng isa kanina. Kahit na maganda ang bata, wala namang ibang kapansin-pansin sa kaniya. Kung iyon ang bata, mas pipiliin kong hindi maging ganoon si Jenson!”

Pagkatapos no’n, tumingin si Jay sa paligid upang maghanap sa isang partikular na lapida.

Nang marinig ang deklarasyon ni Jay, hinayaan na lamng siya ni Josephine.

“Ano ang numero ng lapida ni Rose?” Tanong ni Josephine.

“674,” sabi ni Jay.

“674? Mamatay ka na?” Napasingap nang malakas si Josephine. “Napakamalas nga ni Rose, huh. Paano niya nakuha ang ganoong malas na numero?” (TN: Ang numerong 674 ay may kaparehas na pagkakabigkas sa “Mamatay ka na” sa lingwaheng Mandarin.)

Hindi ito napansin ni Josephine, ngunit ang matangkad na anyo ni Jay ay napatigil. Tila isang madilim na ulap ang bumalot sa gwapo niyang mukha.

Tila ang hangin sa paligid ay nanlalamig.

‘674?’

‘Mamatay ka na?’

‘Iyon ang ibig sabihin no’n?’

‘Nagkataon ba ito o may nagsadya nito?’

‘Kung hindi ito nagkataon lamang, ibig-sabihin nito ay pineke ng Rose na iyon ang sarili niyang pagkamatay. Gumamit siya ng klasikong panduruyang tinatawag na ‘misdirection’ para lamang maloko ako?’

Nang mahanap ni Jay ang lapidang may numerong 674 at nabasa ang pangalan na nakasulat doon, siya ay natigilan.

Sigurado na siya, siya ay ginawang tanga ni Rose!

Ang magandang ukit sa lapida ay nagsasabing, “Sa alaala ni Angeline Severe.”

‘Angeline? Paanong naging Angeline?’

Agad na napahiyaw si Josephine nang lumapit siya at mabasa ang pangalan sa lapida.

“Diyos ko po! Kuya, Angeline ang nakalagay!”

Tinitigan ni Jay ang lapida. Hindi niya naintindihan kung paano naging kay Angline ang lapida ni Rose.

Si Angeline ay isang edukadong babae na nanggaling mula sa isang karespe-respetong pamilya, habang si Rose ay isang gag*ng nagmula sa probinsya.

Paanong nagsama ang dalawang magkabaligtad sa iisang lapida?

“Kuya, kung kay Angline ang 674, saan nakalibing si Rose?” Dali-daling tanong ni Josephine.

Halata sa pagngiti ni Jay ang masama niyang binabalak, “Mukhang hindi pa siya patay, huh? May araw ka rin.”

Sisiguraduhin niyang patay na si Rose kapag nahuli na ito.

Tumingin sandali si Jay sa paligid ng sementeryo. Ang kaniyang mga mata ay tila may naaalalang nakaraan at tila nag-aatubili.

Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay tumayo at umalis.

Nang bumalik si Jay sa kaniyang kotse, tinawagan niya ang kaniyang kawani.

“Humanap ka ng paraan upang makausap ang pamilya ni Harper upang mapadala siya sa Grand Asia Hospital sa lalong madaling panahon!”

Sa kabilang linay, si Grayson, ang kaniyang kawani, ay hindi makapagsalita.

Si Harper ay ang ina ng dapat ay patay nang si Lady Rose.

Malinaw na natatandaan niya ang araw nang malaman niya ang tungkol sa ina ni Lady Rose. Humingi pa siya ng tulong mula sa presidente. Sa oras na iyon, ang mga salita ng presidente ay, “Ako ang magbabayad para sa kaniyang mga gamot. Ngunit pagkatapos no’n, ayoko nang makarinig pa ng anumang bagay tungkol sa kaniya.”

Bakit ang bilis magbago ng isip ng presidente?

“Naintindihan ko, ginoo,” sagot ni Grayson.

Nang patayin ni Jay ang telepono, isang manipis na ngisi ang makikita sa kaniyang mga labi.

Umiwas ng tingin si Josephine nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Jay. Alam niya ang ibig-sabihin nito—nanganganib ang buhay ni Rose.

...

Bumaba si Rose sa Splendid Town.

Sa gabing iyon, nakatanggap si Rose ng isang tawag sa telepono mula sa ospital tungkol sa kaniyang ina.

Ang taong nasa telepono ay sinabi sa kaniya na dahil sa biglaang pagsama ng kundisyon ng kaniyang ina, kailangan niyang ilipat ang kaniyang ina sa nephrology specialist ng Grand Asia Hospital sa lalong madaling panahon.

Sa Grand Asia Hospital, ang kumpanya ni Jay.

Agad na nablangko ang isipan ni Rose.

Siya ay nangakong hindi na siya kailanman tatapak sa teritoryo ni Jay. Hindi mo nga naman talaga alam ang ibabato sa ‘yo ng buhay!

Siguro ay hindi siya makikilala ni Jay?

Kinumbinsi ni Rose ang kaniyang sarili, at inipon niya ang lahat ng kaniyang tapang at napagdesisyunan na magtungo sa Grand Asia Hospital.

Sa sumunod na araw.

Bilang dagdag pag-iingat, tinanggal ni Rose ang kaniyang babaeng-babae na itsura at nagsuot ng mala-punk na istilo.

Inayos niya ang kaniyang buhok at inayos ang kaniyang mukha ng maraming makeup—itim na mga kulay sa ilalim ng mata at pulang-pula na lipstick. Dagdag pa roon, suot-suot niya ang kaniyang bilog na salamin bago kumuha ng isang taksi patungong Grand Asia Hospital.

Nang dalhin ni Rose ang mga papeles ng kaniyang ina sa nakarehistrong doktor, iniwasan ng doktor ang mga mata ni Rose at dahan-dahang ginalaw ang kaniyang mouse...

Isang abiso ang agad na lumabas sa selpon ni Jay at dali-dali niya itong kinuha.

Pagkatapos mabasa ang mensahe sa kaniyang selpon, ang kaniyang kaakit-akit at nakatutulalang mga labi ay ngumisi.

“Rose, makatatakbo ka ngunit hindi ka makapagtatago!”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status