Share

Sirit (SPG)
Sirit (SPG)
Author: Ensi

Simula

Author: Ensi
last update Huling Na-update: 2025-12-09 20:38:48

IRENE'S POV

May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat.

Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week.

I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura.

Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag.

Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo.

Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon.

Let’s not get ahead of ourselves.

Nagmamadali akong bumaba, nakipag-unahan sa ilang dumadaan habang halos madulas ako sa basang hagdan.

Paglabas ng building, sinalubong ako ng polusyong hangin ng Maynila at tirik na araw, yung klase ng init na parang sumisigaw sa’yo, "Maligayang pagbabalik sa impyerno!"

Ilang hakbang pa lang ako palayo sa gate, at doon ko na-realize ang isang malaking problema.

Wala akong pamasahe.

“Oh God!" Natampal ko ang noo. Nasa loob ng bag ko lahat, laptop, notes, resume—kasi lagi akong handang maghanap ng ibang trabaho kapag nasisante na ako, pero ang pitaka ko?

Naiwan sa kusina. Sa ibabaw ng ref.

Napaatras akong parang tanga, balik sa building, balik sa hagdan, balik sa unit ko. Pagbalik ko sa kalsada, late na late na talaga ako.

And in that company, being late is practically a sin.

Sa jeep, pilit akong huminga ng malalim kahit siksikan, literal na sardinas, eh. Pero ang mas malala, pay amoy putok pa. Kamalas-malas nga naman.

Sa bawat red light, lumilingon ako sa relo ko. Clock-in starts at 8:30. It’s already 8:42.

Kinakabahan na ako. Pinagpapawisan. Hindi ko alam kung dahil sa init, o dahil alam kong masesermonan na naman ako.

Si Tirso Gotiangco. The CEO, creative director, and the golden boy of GT Global. Ang may pinakamaraming award sa buong kasaysayan ng industriya. And the man who hates me for reasons I don’t even understand.

Kapag may mali ako, well, madalas naman akong magkamali pero sinusubukan ko namang itama. Kaso kapag sinisigawan niya ako, nakakapanliit ng pagkatao. Parang ako lagi ang nakikita niya.

“Irene, are you serious?” “This deck is garbage. Redo it.” “Who approved this font choice? Were you drunk?” iyan palagi ang naririnig ko sa kanya.

Kahit tahimik lang ako, kahit gusto ko lang gawin ang trabaho ko, para bang automatic siyang naaalerto kapag ako ang gumawa.

Minsan naiisip ko, bobô ba ako?

Pero eto ang mas weird, kahit gaano siya kabadtrip sa gawa ko, alam ko, siya ang umaayos. Hindi niya sinasabi, but I know. I’ve seen it. I’ve seen the edits. I’ve seen the changes. I’ve seen the work go from garbage to brilliance, because he fixed it.

Pero never niyang sinabi na siya ang gumawa. Never siyang nag-acknowledge. Never rin niyang sinabi sa akin kung bakit niya tinutulungan ang isang tulad kong palpak.

Ewan ko ba sa boss ko na 'yon. Ang labo minsan.

Pagdating ko sa opisina, eksaktong 9:01 a.m. na. Lagot na talaga ako nito.

I swiped my ID in the turnstile, dumiretso sa elevator. Lahat tahimik. Office air is always tense pag late ka.

At pagdating ko sa floor namin, sumalubong ang soundtrack ng keyboard clicks at tahimik na paghinga.

Nilampasan ko ang grupo sa pantry na nagtatawanan ng mahina ngunit no'ng dumaan ako, natahimik sila.

“Oh my God, she’s late again,” bulong no'ng isa.

“Hindi na ako magugulat kung palaging may kaltas ang sahod niya,” dagdag ng isa.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Sanay naman ako. Laging pinagbubulungan.

Kinuha ko ang mug ko sa drawer at nagtimpla ng instant coffee sa pantry. Kailangan ko ng caffeine pampalakas loob para if ever pagalitan, kayanin ko.

Pagbalik ko sa desk, nakapatong na agad sa table ko ang isang folder na may post-it.

“Deck. Revise. Meeting in 1 hour. —TG”

TG. Tirso Gotiangco. Initials pa lang, nakakakilabot na.

Umupo ako, nilapag ang kape. At sa pagmamadaling ayusin ang mouse, natabig ko ‘yung mug. Diretso sa keyboard. Diretsong tumapon ang mainit-init na kape sa files, desk, at sa kamay ko.

“Shiiît!” bulong ko, at tarantang nagtatanggal ng papel. Pero huli na, basang-basa na.

Sakto namang dumaan si Tirso sa likod ko.

“What the hell happened here?”

Nanigas ako at dahan-dahang lumingon.

Tirso in his lack dress shirt, sleeves rolled up, eyes sharp as always. Nakatitig siya ng mariin sa mesa ko na parang nagkaroon ng crimè scene.

Patay na talaga ako nito!

“I-I spilled coffee,” bulong ko.

“Of course you did.”

Natahimik ako. Gusto ko sanang magpaliwanag at sabihin na hindi ko sinasadya. Pero hindi ko sinabi.

Kasi alam kong kahit ano pang sabihin ko, sarado ang isip niya para makinig.

“Clean that up. Now. And you better have a revised deck in my inbox in 45 minutes. Or I'll punish you."

He didn’t wait for my reply. Nakapamulsa siyang naglakad na para bang nagra-round, tinitingnan kung nagagawa ba ng maayos ang trabaho. Ganun siya ka-strikto na boss.

I cleaned up the mess.

Sinampay ko ang basang printouts sa gilid ng cubicle ko. Tinapunan ako ng tingin ng ilang officemates. Some were disappointed. Some were pitying. Most were indifferent.

And then I opened the deck, revised everything, while my hand stung from the coffee burn, while my stomach growled from not eating, while my chest felt so heavy it might explode.

But I made it.

Nasend ko sa kanya ang bagong file at exactly 9:48 a.m.

At 9:52, tumunog ang slack ko.

Tirso: "Better."

Isang salita lang. Pero pakiramdam ko lumutang ako sa ere.

Why did that word feel like a win?

I looked at his office, glass walls and all. He was staring at his screen, one hand on his chin, unreadable.

Iyong gawa ko ba ang tinitingnan niya? Pero sabi naman niya, "Better" it means, okay na sa kanya.

Pero naisip ko, kahit lagi niya akong pinapagalitan, bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatanggal sa trabaho?

Napakurap ako at agad na nag-iwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa gawi ko.

Nahuli ba niya akong nakatingin sa kanya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maricar Godezano
iniba mo miss a yung title ng stories?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Sirit (SPG)   Kabanata 10

    Umupo ako sa tabi ng ina niya, ramdam ang mabigat nilang tingin sa akin na para bang konting pagkakamali ko lang, mabubuko kami. “Tell us, Irene,” dagdag ng ina nito, nakangiti pero mapanuri ang mga mata. “How did you and my son meet? We’ve never heard about you before.” Pinagdaop ko ang nanlalamig na mga palad at tumingin kay Tirso. Nagtama ang tingin namin na tila sinasabi na turn ko naman. “Go ahead,” he whispered, barely moving his lips. “This is where you prove yourself.” Huminga ako nang malalim, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang labi. “Ah… we… we met at work,” halos pabulong kong sabi. “I was new at the office, tapos siya naman ang boss ko.” Napatingin agad ang ama niya, brow raised. “Your boss?” “Yes, Dad,” Tirso answered, calm and controlled. “I noticed her right away. She was hardworking… different. Not like the others,” he continued glancing at my side, that smirk tugging at his lips. “She caught my attention.” Nanatili akong nakangiti, kunwari nahihiya k

  • Sirit (SPG)   Kabanata 9

    Para ko na ring benenta ang sarili ko sa kanya kapalit ng kaligtasan ko, pero wala na akong ibang maisip na paraan. Gusto ko pang mabuhay. Tirso studied me quietly, his eyes narrowing. Umupo siya pabalik sa swivel chair niya, crossing one leg over the other like a heartless man. Walang pakialam. At ngayon, napagtanto ko, baka nakonsensya lang siya kagabi kaya maayos ang trato niya sa akin, pero siya pa rin ang boss kong walang paki sa nararamdaman ng ibang tao kahit nasa bingit na ng kamatayan. “Good,” he finally said, swirling the last of the wine in his glass. “From this moment on, you belong to my plan. No more excuses, no more hesitations. Kapag kasama kita, you smile. You hold my hand. You play the role. Clear?” "O-Opo, Sir..." Yumuko ako, hindi na kayang tagalan ang paninitig niya sa akin. He leaned forward, elbows on the desk, and smirked. “Don’t worry, Irene. I’m not asking you to love me. I don’t believe in that crap anyway. This is just business. You get one millio

  • Sirit (SPG)   Kabanata 8

    Pagkapasok namin sa opisina niya, nanlamig ako lalo. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko at ang kabang bumabalot sa dibdib ko. Para akong bibigay anumang oras. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, sumandal at hinawakan ang isang baso ng alak. Ako naman, nanatiling nakatayo sa gitna ng opisina, hindi makagalaw, nanghihina, at nilalamon ng takot. “Sit down,” utos niya. Dahan-dahan akong naupo, nangangatog ang mga tuhod. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na lang akong bumigay, mahinang humihikbi. "Now tell, what happened? Why are you shivering? Bakit hindi mo natapos ang pinapagawa ko sayo? Bakit parang wala ka naman sa sarili?" Nangatal ang labi ko, nanginginig, hindi alam kung saan magsisimula. I tried to open my mouth, pero walang lumabas na anumang salita. “I… I—" nakagat ko ang ibabang labi, nanginginig ang balikat sa takot. “They… they came for me, Sir. Mga lalaki… mga armadong lalaki.” Halos mapugto ang hininga ko sa gitna ng pagsasalita. My tear

  • Sirit (SPG)   Kabanata 7

    Kinabukasan, halos hindi ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari kahapon. Nakapikit lang ako buong gabi pero ang utak ko gising na gising, paulit-ulit na binabalikan ang mga eksena kagabi. Hindi matanggal sa isip ko ang pagtrato sa akin ng boss ko. Ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nasa loob kami ng kumpanya. Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko. Bakit ang bait niya? Naawa lang ba siya sa akin? Nakokonsensya sa pinaggagawa sa akin? Kakaisip ko, nakatulog ako nang hindi ko namamalayan kaya late na naman ng gising. Nagmamadali akong nag-ayos at hindi na naman nakapag-almusal. Bitbit ang laptop at bag, dali-dali akong bumaba ng apartment building at patakbong lumabas. Alas syete na at kung maglalakad lang ako papunta sa terminal baka sakto lang ang dating ko sa opisina. Pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Pagtawid ko sa kabilang kalsada, biglang huminto ang isang itim na van sa harap ko. Bumukas ang sliding door at may bumabang tatlong lalaki, lahat naka-it

  • Sirit (SPG)   Kabanata 6

    Nanatili akong tahimik hanggang sa bigla siyang lumiko sa hindi pamilyar na kalsada. Kumunot ang noo ko. Na-alarma ako pero hindi ko pinahalata. Saan siya pupunta? May dadaanan pa ba siya? “Sir… hindi po ito daan pa-uwi sa amin,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Relax,” sagot niya nang diretso, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Ilang segundo lang, nakilala ko agad ang pulang bubong na may kislap ng ilaw, Jollibee drive-thru. Napakagat ako ng labi. Akala ko diretso na kami uuwi, pero bakit nandito kami? Tahimik lang siya nang iikot niya ang sasakyan sa drive-thru lane. Hindi ko alam kung anong sasabihin, kaya pinili kong manahimik na lang. Pagdating sa order window, narinig ko ang mababa pero malinaw niyang boses. “One burger steak, one chickenjoy meal, extra rice, fries, palabok, spaghetti… at dalawang sundae.” Dire-diretso niyang binanggit, walang pag-aalangan. Napatingin ako sa kanya. Ang dami. Parang pang-family meal. Nang matapos ang order, in

  • Sirit (SPG)   Kabanata 5

    Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na. Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal. Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi. So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko? Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status