Share

Kabanata 27

KABANATA 27 :: PUNISHMENT

Natagalan kaming dalawa sa paghahanap ng mga kailangan. Tumulong pa ang isang sales lady doon dahil hindi talaga namin mahanap ang brand ng mayonaise na pinapabili ni Manang. Nasa pinakaitaas pala iyon kaya hindi namin napansin.

Bagsak ako sa kama ng makauwi. Kumain pa kami ng late lunch sa isang eatery, doon din ako naghugas ng binti.

Ginabi pa kami sa daan dahil may nasalubong kaming dalawang bata, ang isa sa kanila ay dumudugo ang ulo. Maliit na cut lang daw pala iyon sabi ng nag-iisang doktor sa ospital ng isla ngunit dahil nag panick na din ako ay sa emergency namin dinala. Hinintay pa namin ang mga magulang at isinettle ng bill bago umalis.

"Magdidinner pa…" paalala ni Kleindro.

Kalalabas lamang niya ng banyo, nakapaligo na.

"Ise-set ko sa warm water ang tub, gusto mo?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok.

"Yes please…"

Nagbalik nga siya sa banyo at inihanda ang panligo ko. Muntik pa akong makatulog doon kung hindi lamang kumatok si Kleindro para sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status