Share

Kabanata 2

KABANATA 2 :: ARROGANT

"Sayang gwapo ka pa naman, ang luma lang ng banat mo."

Nawala ang ngisi niya at napalitan iyon nang nag iigting na panga.

May kung anong emosyon sa kanyang mata na hindi ko mabasa.

"Anong ginagawa mo dito sa bar?"

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko, partikular ang aking suot.

Pinaalala lamang noon sa akin kung bakit nga ba ako naglalasing.

Napapikit ako hindi dahil sa neon lights na tumama sa aking mata kundi sa pagragasa ng bawat ala-ala.

"Well... Hindi ko kasalanan na mas masarap ako sayo!"

"Tumahimik ka Vanna! Sa tatlong taon na yan hindi ako sumaya sayo!"

"Tanga ka ba Vanilla o ano? Hindi ka nya mahal! Narinig mo?"

"Tangina naman Vanna, wag kang umiyak-iyak diyan!"

Walang pag dadalawang isip kong hinila ang collar ng lalaki at sinibasib ito ng halik. Ilang minuto siyang natulos sa kinatatayuan bago tuluyang tumugon.

"Mas magaling si Mocha, bakit si Vanna?"

"Wag na. Kaya yan ni Mocha mag-isa mabuti pa Vanna sa bahay ka na lang muna."

Nanguyapit ako sa leeg niya at hinayaan ang hita kong nakapulupot sa kanyang bewang.

Hindi ko napigilan ang paghalinghing nang padaanan niya ng daliri ang sesitibong bahagi ng aking dibdib.

"Gusto mo yun?" paanas niyang tanong sa gitna ng halikan namin.

Para akong isang de-susing robot na biglang umungol bilang pagtugon ng piilin niya ang tuktok noon.

Nang kinakapos na sa hangin ay saka lamang namin binitawan ang isa't-isa. Siya ay nakatayo pa din habang ang isang kamay ay nakasuporta sa akin. Ang isa naman ay inaayos ang posisyon ng damit ko.

"Wag mo akong sabikin kung hindi mo kayang sumabay sa akin."

Para akong nainsulto at muli na namang bumalik sa ala-ala ang sinabi ng kapatid.

Mas magaling si Mocha sa kama pero wala sya. Ako lang nandito. Si Vanilla.

Umayos ako ng pagkakatayo kahit noong una ay muntik na akong mabuwal dahil sa hilo. Naalalayan kuka ang bewang ko kaya hindi ako tuluyang gumulong sa sahig.

"Dalhin mo ako sa bahay mo kung ganon at tingnan natin."

Isang ngisi ang pinakawalan niya bago ako tuluyang pinangko palabas ng bar, walang pakealam sa mga taong nakatingin sa aming dalawa.

Nagising ako kinabukasan sa isang hindi pamilyar na silid. Noong una ay blangko ang utak ko pero kalaunan ay rumagasa sa ala-ala ko ang mainit na sandaling pinasaluhan namin ng estranghero.

Napabalikwas ako agad ng bangon kaya naalerto ang lalaking katabi ko.

Halos sabay pa kaming napamura at kapwa sumapo sa ulo, siya marahil ay sa gulat sa reaksyon ko at ako naman ay sa kirot na nasa sentido.

Kaya hindi ako umiinom ng alak, bukod sa mababang tolerance ay ayoko rin sa hangover.

Napaungol ako nang hindi sinasadya matapos sumigid ang kakaibang kirot sa ibabang bahagi ng katawan ko. Akmang tatayo na ako ngunit nangilid ang luha sa aking mata dahil sa sakit na dala noon.

Mas masakit pa sa ulo ko!

"Ayos ka lang?"

Gusto ko stang barahin at pagsisigawan pero masyado na akong maraming iniinda para idagdag pa sya.

"Masakit ba?"

"Hindi mo ba nakikita?"

"S-Sorry."

"Bakit ka humihingi ng sorry?" pabulyaw kong tanong pero agad na bumalik sa pagkakayuko dahil sa bawat galaw ay parang may napupunit na kung ano sa loob ko.

"Ewan ko."

"Tangina mo kase bakit mo ipinasok y-yang ano mo kagabi?"

"Kasalanan ko pa na nagmakaawa ka?"

Ang sarap sigurong sampalin ng bunganga nya.

Kahit gaano kasakit ang pagkababae ko ay pilit akong tumayo sa kama at nagbihis ng damit na suot ko kagabi.

Natatandaan kong winasak nya ang aking panty at bra kaya hindi ko na hinagilap ang mga iyon. May foam naman ang suot kong gown.

"San ka pupunta?"

Hindi makapaniwalang tinapunan ko siya ng tingin habang sinusuot ang aking sapatos.

Unti-unti na akong nasasanay sa sakit ng aking kaselanan kaya madali na lamang ang pagkilos para sa akin.

"Uuwi na."

"Bakit?"

"Antok ka pa ba? Hindi ako dito nakatira malamang."

Inirapan ko siya at hindi pinansin ang pagkalukot ng kanyang mukha.

Sayang pogi pa naman kaso sabog.

"Paano kung bibigyan kita ng offer?"

Nangunot ang noo ko at saglit na natigil sa pagsusuot sa strap ng aking heels.

"Anong klase naman iyan?"

"Mag stay ka kasama ko at babayaran kita sa presyong gusto mo."

"Nababaliw ka na ba? Bakit ko gagawin yan?"

Nagkibit balikat siya at balewalang tumayo sa kama para lapitan ako.

Ilang ulit akong napalunok matapos pilit na iwasan ng tingin ang alaga niyang buhay na buhay sa umaga.

Tumigil siya sa tapat ko at hinuli ang aking tingin.

Napakurap-kurap ako nang mas maaninag ang pagnanasa sa kulay tsokolate niyang mata.

"Pera na nga ang lumalapit sa iyo ayaw mo pa?"

Nanlaki ang mga mata ko at ang palad ay kusang umigkas patungo sa kanyang mukha.

"Hindi ako bayaran! Tangina mo sayo na yang pera mo hindi ko yan kailangan!" bulyaw ko sa kanya at walang sabi-sabing nagmartsya palabas ng unit.

Nang makababa sa ground floor ay agad akong sumakay ng taxi.

Ayaw pa nga akong ihatid pauwi sa Baguio kaya kinailangan ko pang doblehin ang bayad para lamang makalayo ako sa pesteng lalaki na iyon.

Napaka arogante! Akala yata lahat ng tao ay mabibili ng pera niya!

Kumalma lamang ako nang unti-unting maramdaman ang malamig na klima at masilayan ang mga pine tree sa labas.

Eto ang tahanan ko. Tulad ng isang pine tree na kahit anong init o ulan ay nananatiling berde ang mga dahon, kahit gaano pa kasama ang buhay dapat kayanin ko pa ring lumaban.

Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, na kahit ikaw halos hindi mo kilala kung sino ka nga ba talaga. Hindi rin madali ang mabuhay sa mundong walang ibang kinikilala kundi ang pera at kapangyarihan.

Napangiti ako ng mapait nang maalala kung paano ang naging buhay ko habang lumalaki. Kung ang ibang mga bata ay may pagkakataon na magliwaliw sa labas at makipaglaro sa mga kapwa nila bata, ako ay abala sa pagsunod kina mama at Mocha. Dahil si Mocha ay pinanganak para sa kamera, sinanay din ako para maging kagaya niya. Yun nga lang habang tumatagal ay mas hindi ko na kinakaya ang industriya kaya hinayaan na lamang akong huwag mag modelo kapalit ng matataas na grado sa paaralan.

Hindi ako matalino kaya imbis na maglaro ay nakaenroll ako sa iba't-ibang summer at tutorial classes.

Napanatag ako nang matanaw ang kulay kape naming mansyon pero agad iyong napalitan ng pangamba dahil kalahati pa lang ng mahabang drive way ang nalalakad ko ay sumalubong na sa akin ang mangiyak-ngiyak na si Nana Maring.

"Vanna, anak san ka nanggaling? Kagabi ka pa hinihintay ng Mama at Papa mo!"

"Nakitulog po ako kina Dairene, nay."

Kita ko ang bahagyang pagkalma niya nang mabanggit ko ang pangalan ni Dairene, ang pinakamalapit kong kaibigan.

"Mabuti naman at nakauwi ka nang ligtas, hindi mo kabisado ang Maynila hindi ba? Bakit hindi ka nagpasundo kay Berto?" tukoy nito sa anak na syang naging family driver namin pamula ng mamatay ang asawa ni Nana Maring.

"Kumalma po kayo, maayos lang ako. Kung maligaw man ako doon madali lang tumawag dito sa Baguio o pumunta sa hotel—"

"Nana Maring si Vanna na ba yan?"

Sumikdo ang pinaghalong galit at kaba sa aking dibdib nang matunugan ang matinis na boses ng aking kapatid.

Anong ginagawa ni Mocha dito?

"Dito nga pala umuwi yan si Mocha, nakakapagtaka nga," ani nanay Maring habang iginigiya ako papasok sa loob ng bahay tila nababasa ang tanong sa isip ko.

"Mabuti naman at alam mo pa ang daan pauwi!"

Sa kabila ng nanggagalaiting bungad ni mama ay lumapit pa rin ako para sana halikan siya ngunit umiwas siya kaya minabuti kong tumigil na lamang.

"San ka nanggaling kagabi, Vanna?" mas malumanay na tanong ni papa.

Sa kanilang dalawa si mama ang mas istrikto. Si papa ay bihirang magsalita at palaging malumanay, kabaliktaran ni mama na palaging nakabulyaw tuwing magkakamali ako.

"K-Kina... Dairene po."

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi.

Bakit kay hirap magsinungaling sa kanila?

"Sinungaling!"

"Pero mama—"

"Basahin mo yan! Basahin mo Vanilla Leticia para malaman mo na pinapipiyestahan tayo dahil sa katangahan mo."

Halos isampal na niya sa akin ang hawak na dyaryo kaya naman nanginginig ang kamay ko ng abutin iyon.

Si Nana Maring ay pasimpleng hinahaplos ang aking likod habang nakayuko lamang sa gilid. Hindi siya maaring magsalita dahil malilintikan siya kagaya ko.

Lahat naman yata kami ay takot sa galit ni mama dahil sya ang pinakamalala, hindi lang minsang sinasaktan niya ako ng pisikal kapag may ginagawa ako na ayaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ang larawan at litong nagpalinga-linga. Nagtama ang mga mata namin ni Mocha at imbis na simpatya, ngiting tagumpay ang nakapaskil sa mukha niya.

"Nakita mo na? Hindi kita pinalaki para maging suwail! Paano mo yun nagawa kay Atticus?"

"M-Mama..." nabasag ang boses ko sa pinaghalo-halong kaba, galit at pagkalito sa sitwasyon.

"Ngayon ka iiyak? Nakakahiya ka Vanilla! Sabi ko na nga bang may iba kang lalaki," singit ni Mocha at saka binalingan si mama na tila humihingi ng saklolo.

"Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa atin? Nagpalaki ako ng isang babaeng puta?"

Napapikit ako nang mariin matapos marinig ang salitang iyon galing sa bibig ng sarili kong ina.

Nilingon ko si papa ngunit isang iling tanda ng disappointment ang ibinigay niya sa akin.

Dire-diretso ang daloy nang aking mga luha habang pinapakinggan ang iba't-ibang akusasyon ng ina at kapatid.

Binaliktad ni Mocha ang sitwasyon. Imbis na ako ang magsumbong tungkol sa kanila ni Atticus sinamantala niya ang balita sa diyaryo tungkol sa lalaking nakakuha ng pagkababae ko nang nagdaang gabi para palabasin na may lalaki ako.

"Wala kang dadalhing kahit na ano, lumayas ka sa pamamahay ko!"

Agad akong napapitlag at nang tangkang lalapit kay mama para magmakaawa ay itinulak ako ni Mocha dahilan para mapaupo ako sa marmol na sahig.

Hindi ko na alam kung anong mas masakit, ang katawan ko ba dulot ng pagbagsak o ang puso kong parang pinipiga.

"Narinig mo? Lumayas ka! Wala akong kapatid na manloloko—"

"Wag mong baliktarin Mocha! Ikaw ang—"

"Vanilla Leticia! Wag mong sisigawan ng ganyan ang kapatid mo!" agad na pag alma ni mama.

Napangiti ako ng mapait at yumuko na lamang sa sahig kung saan halos kita ko na ang repleksyon sa kabila ng nanlalabong mata dulot ng luha.

Oo nga naman, wag sisigawan pero kay Mocha lang applicable. Wag sasaktan pero si Mocha lang. Dapat pakinggan pero si Mocha rin lang. Paano ako? Kung puro si Mocha, paano si Vanna?

Ni hindi man lang dininig ang paliwanag ko. Nakatatak na talaga sa mga isip nila na ako ang lamat na palaging nagbabadyang sumira sa perpekto nilang pamilya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status