Share

Kabanata 6

KABANATA 6 :: LIMOUSINE

Kumpletong kolerete sa mukha ang ibinigay sa akin ni Roy, ang isa sa sandamakmak na men in black na nagkalat sa bahay ni Kleindro.

Pinaghahanda ako para sa kasal na dinaig pa yata ang bullet train sa sobrang bilis. Tinawanan ko lamang si Kleindro nang sabihin niyang magpapakasal kami ngayon dahil akala ko'y nagbibiro siya pero heto at totoo pala.

Suot ang dirty white terno, inayos ko ang pagkakapony tail ng aking buhok. Natural na alon-alon iyon kaya pinlantsya ko para mas magmukhang pormal.

Matapos masigurong maayos ang buhok ay sunod kong inayos ang aking mukha. Wala akong ibang inilagay kundi ang kulay maroon na lipstick at manipis na eyeliner para hindi naman ako mukhang zombie sa mata ko.

Tipid ang naging pag ngiti ko sa harap ng salamin matapos makita ang kinalabasan.

Sa wakas hindi ko na kailangang umaktong kagaya ng ibang tao.

"Are you done?"

Napapitlag ako ng maramdaman ang labi ni Kleindro sa aking leeg.

Sa sobrang okupado ng aking isip ay hindi ko napansin ang pagpasok at paglapit niya.

Nakadukwang si Kleindro sa aking likod at ang labi ay naglalaro sa sensitibong bahagi ng leeg ko.

"Hmm... Ang bango. Handa ka na?"

Gulantang akong napatango matapos niyang patakan ng isang maagang halik ang labi ko.

Wth?

"Tara na kung ganon."

Para pa rin akong nakalutang habang sabay kaming naglalakad pababa sa hagdan. Muntik pa akong mahulog nang magkamali ako ng pagtapak, mabuti na lamang at nakakapit ako sa staircase handle.

Lihim akong napamura nang tuloy-tuloy ang pagbaba ni Kleindro, hindi man lang napansin na kamuntikan na akong mahulog sa hagdan dahil abala sa kung ano mang binabasa sa cellphone.

Padabog akong nagmartsya pababa ng hagdan para masundan siya.

"Ma'am ayos lang po kayo?"

Mabuti pa yung bodyguard, napansin.

Nginitian ko si Roy nang makababa ako ng tuluyan at makalapit sa kanyang puwesto habang si Kleindro ay talagang abala.

"Ayos lang. Salamat nga pala sa make up kit kanina, Roy."

Namula ang kanyang pisngi at agad na nag-iwas ng tingin.

"W-Wala pong anuman. Tungkulin ko po iyon."

Mahina akong natawa at humalukipkip sa harapan ni Roy.

Bahala si Kleindro sa buhay nya! Edi yung cellphone ang pakasalan.

Ibubuka ko pa lamang ang bibig para biruin si Roy sa kanyang pamumula ay dumagundong na sa buong kabahayan ang tila kulog na boses ni Kleindro.

"VANILLA LETICIA!"

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Pilit nagkukunwaring unbothered kahit buhol-buhol ang utak pati rin yata ang pagtibok ng aking puso.

Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at marahas akong hinila palabas.

Minumura ko siya habang nagpupumiglas habang papalabas kami sa bahay. Nakontento lamang siya nang maisakay o mas tamang sabihin na naibalibag na niya ako pasakay sa limousine.

Padaskol akong umayos nang pagkakaupo at pilit pinipigilan ang sarili na layasan siya dito sa kotse.

Kung may choice lang, hindi ako papakasal sa damuhong ito.

"Puwede bang umakto ka ng tama?"

Inirapan ko siya at agad na bumaling sa bintana.

"Wag mo kong kausapin. Ewan ko sayo!"

Nang makasakay si Kleindro ay agad na gumalaw ang kotse.

Kanda haba-haba ang nguso ko sa pinaghalong iritasyon at gigil.

Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya! Ako nga itong muntikan nang mag slide pababa sa pesteng hagdan!

"B-Bakit mo isinara?" naalarma kong tanong ng biglang sumara ang isang kurtinang naghihiwalay sa amin at sa nagmamaneho ng sasakyan.

Imbis na sumagot ay pinaglandas niya ang hintuturo sa umbok na nasa dibdib ko.

Agad akong napasinghap. Pinandilatan ko siya matapos mapaiktad.

"Nasa kotse tayo Kleindro ilugar mo naman yang— uhm..."

Nakagat ko ang pang ibabang labi nang marahan niyang masahehin ang aking dibdib. Ang isang kamay niya ay abala na rin sa paghaplos ng aking gitna.

"Kleindro ano ba!" agad kong protesta nang hagilapin niya ang butones ng aking damit.

Hindi siya nakinig at sa halip na tumigil ay mas lalo lamang niyang binilisan ang pagkakalag ng butones, hindi nakontento hanggang hindi nakikita kung ano ang gusto.

"Tangina Vanilla Leticia, lumalabas ka na naman ng walang bra?" marahas niyang tanong nang tuluyang matanggal ang lahat ng butones.

Gusto kong idepensa ang aking sarili dahil may nipple tape naman ngunit nang ibuka ko ang aking bibig ay kumawala ang mahinang halinghing doon. Tila napigtas ang kanyang pasensya dahil kinabig niya ako papalapit para mas magdikit ang aming katawan at saka hinalikan.

Hindi naging sagabal ang suot kong pang ibaba dahil sa bawat haplos ay nanunulay sa ugat ko ang init nang pagnanasa.

Hindi ko mapigilan ang pagdaing ng kagat-kagatin niya at paglaruan ang aking dibdib.

"Klein..." garalgal na ang aking tinig.

Agad akong napasabunot sa kanya matapos ang isang malakas na pag-ungol nang s******n niya ng mariin ang korona sa aking dibdib. Ang kamay ko ay hindi mapakali sa pagsabunot sa kanyang buhok at lalo pang pagduldol ng kanyang mukha sa akin. Pati ang namumungay kong mata ay halos hindi ko na maidilat.

Matapos ang ilang saglit ay binitawan niya ako at pinatayo nang bahagya para maalis ang suot kong pencil cut na palda. Agad akong tumalima at nagpadala sa gusto niya. Nang mahubad ang natitirang saplot ko sa katawan ay ipinosisyon niya ako pahiga sa upuan at agad na sinibasib ng halik ang aking labi.

Halos hindi ko na makontrol ang aking mga impit na d***g lalo pa nang paglaruan niya ang aking clitoris gamit ang mga daliri.

"Baby... Wag kang masyadong maingay nasa kalsada tayo..." anas ni Kleindro matapos kong pakawalan ang isang mahabang ungol.

Agad akong tumalima at hinila ang kanyang batok para sa isang mas marahas na halik. Hindi naman niya ako binigo dahil agad siyang tumugon.

Natuptop ko ng palad ang aking bibig nang bumaba ang halik niya sa aking leeg at dibdib. Nagkamali ako ng akalaing titigil siya doon dahil naramdaman ko na lamang ang mainit niyang labi sa puson ko.

"Klein anong g-ginagawa mo?" pabulong kong tanong dahil halos garalgal na naman ng aking tinig sa kaba at antisipasyon.

"Shhh... Relax..."

Nakagat ko ang pang ibabang labi nang titigan niya ang pagkababae ko gamit ang mga matang punong-puno ng pagnanasa.

"Tumigil ka na at— ahhh shit... Hmm..."

Natuptop ko ang aking bibig upang hindi kumawala ang malalakas na mga ungol doon.

Ilang saglit pa niyang pinaglaro ang dila at daliri sa aking gitna hanggang sa sumabog ang kung ano mang namumuo sa aking puson.

Nanginginig ang aking dalawang binti at halos hindi ko maimulat ang aking mga mata. Nanatili lamang akong lupaypay habang ninamnam ang kanyang bibig na patuloy sa pag said ng aking katas.

Nang matigil siya ay saka lamang ako dumilat at doon ko nasalubong ang mga mata niyang may kakaibang kislap.

Siya mismo ang nag ayos ng damit ko at hinayaan lamang akong nakakandong sa kanya buong oras ng biyahe. Namimigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa ring dumilat para tingnan ang kanyang mukha.

"Bakit?"

Agad akong umiling at nagpatuloy sa sa paghaplos sa malambot niyang pisngi.

Hindi ko maintindihan. Kahit minsan hindi ko naisip na ibigay ang sarili ko kay Atticus dahil alam kong ibibigay ko lamang ang bagay na iningatan ko sa loob ng maraming taon sa gabi matapos ang aming kasal. Bakit kay Kleindro ay napakadali lamang bumigay?

"Vanilla Leticia..." aniyang may pagbabanta na.

"Vanna..." pagtatama ko sa kanya.

Tinitigan lamang niya ako hanggang sa ako na ang kusang bumitaw. Nanatili ako sa kanyang kandungan kaya madali lang na yakapin siya at isubsob ang ulo ko sa kanyang balikat. Hindi naman siya umapela.

"Nakakapagod... Kung sinabi mong mas gusto mong dito sa kotse sana—"

"Tumigil ka nga!"

Humalakhak ako at nanahimik na. Baka mapikon pa at itapon ako palabas ng kotse.

Masayang pagbati ng judge ang bumungad sa amin nang makarating kami sa opisina nito.

"Kleindro, iho! Hindi ko akalaing ngayon ka agad dadalaw sa akin," anang matandang lalaki.

Bakas ang tuwa sa mukha nito habang pinagmamasdan ang braso ni Kleindro na nakapulupot sa makipot kong bewang.

"Ninong, ito si Vanna. Vanna baby, si Judge Miranda."

Wala akong nagawa kundi makipagkamay sa ginoo dahil excited niyang kinuha ang kamay ko. Hindi pa rin ako makahuma sa paraan ng pagpapakilala ni Kleindro. Baby?

"Nice to meet you po..."

"Akin ang karangalan Mrs. Lavaigne. Hindi ko akalaing makakatagpo ng ganito kagandang mapapangasawa etong playboy kong inaanak," tumawa pa ang matanda na animo'y si Santa Claus kapag bumabati ng maligayang pasko.

"Ninong wag kang ganyan baka umatras," nakangising sagot ni Kleindro at hinalikan pa ang sentido ko.

Ang galing umarte pang Oscars!

"Oh sya. Oh sya. Halina kayo at nang maitali mo na nang tuluyan."

Hindi na nagkaroon ng pormal na seremonyas para sa kasal. Pinapirma na lamang kami ng marraige contract. Sa harap din ng judge at ng abogado ni Klein ay pinirmahan namin ang six months agreement ayon sa mga kondisyon na napagkasunduan naming dalawa.

"Congratulations Mr. and Mrs. Lavaigne!" ani Atty. Laynes, ang abogadong pinagkakatiwalaan ni Kleindro habang papalabas kami sa opisina ni Judge Miranda.

Tipid ang naging ngiti ko at ako na rin ang nagsatinig ng pasasalamat dahil kausap pa ni Kleindro ang kanyang sekretarya sa telepono. Medyo malayo ang distansya sa pagitan namin kaya hindi ko lama ang pinag uusapan nila.

"Mauna na ako, masaya ako para sa inyong dalawa."

Yun lamang at nawala na ang abogado sa aking harapan. Sakto namang kabababa ni Klein ng telepono kaya sa kanya ako dumiretso. Hindi na kailangang iutos dahil kusa nya na akong sinalubong ng yakap.

"Tapos ka na?"

"Si Gregor iyon, ang secretary ko. May problema daw sa opisina," aniya kahit hindi ko naman tinatanong.

"Kailangan ka ba nila sa opisina?"

"Hindi kaya nila iyon. Kakain muna tayo ng lunch bago umuwi."

Tumango-tango ako at hinayaan siyang igiya ako sa kotse. Nang makapasok ako sa loob ay dumukwang siya para magnakaw ng halik at nagsalita.

"Inimbitahan ko ang mga kaibigan ko. Gusto kong makilala mo sila."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status