Share

Kabanata 7

KABANATA 7 :: PHONECALL

Umingay ang VIP room na kinaroroonan ng mga kaibigan ni Klein sa aming pagdating. Lima silang nasa lamesa at ang iba ay pamilyar sa akin. At sa mesa ay nakahain ang sandamakmak na putahe at pagkain.

"Mabuti at naisipan mong mag-imbita sa celebration!"

"Naku nagmamadali yan! Sa ganda ng bride baka atrasan pa."

Umugong ang tawanan nang pakitaan ni Klein ng middle finger ang dalawang lalaking nangantyaw sa kanya.

"Hindi ko na kayo inimbita dahil mga tarantado kayo baka masira nyo pa ang kasal ko."

Nagtawanan ang mga lalaki at nagngisian naman ang mga babae.

Balewala iyon kay Klein na ipinaghila pa ako ng upuan bago naupo sa tabi ko. Syempre hindi iyon nakaligtas sa kantyawan.

"Oh naging gentleman ka na? Sabi sayo si kupido ang kailangan mo."

Tipid akong napangiti.

Kupido? Sex kamo.

"Manahimik ka dyan Kendrick!" binalingan nya ang iba. "Eto si Vanna."

Hinintay kong ipakilala niya ang mga kaibigan ngunit nagkusa na ang mga ito.

"Hi Mrs. Lavaigne, ako si Harry. At eto ang misis ko si Inna."

Kumaway ang babaeng itinuro ni Harry habang ang isa pang babae sa gilid niya ay dumukwang para abutin ang kamay ko.

"Hi Vanna, ang ganda ganda mo nice to meet you!"

"Gem!" ngumiwi ang lalaki dito "Vince. At si Gem, hindi lang halata pero wife ko— Aray!"

Umugong na muli ang tawanan nang hampasin siya ni Gem sa braso. Saka ko lang napansin ang maumbok niyang tiyan.

"Buntis ka?"

Ngumisi si Gem.

"Sharpshooter ang gagu."

Ano kayang pakiramdam kapag buntis?

Nagpatuloy ang usapan habang kumakain kami. Apat pala silang magkakaibigan at si Kendrick na lamang ang single. Si Gem ay walong buwan ng buntis habang sina Harry at Inna ay nasa honeymoon stage pa rin kahit dalawang taon nang kasal dahil tinatapos sa ni Inna ang master's degree nito.

Masaya ang naging pananghalian namin at kung walang lakad ang mga ito ay baka mas natagalan pa.

"Wag mo syang ngitian," may pagbabantang saad ni Kleindro nang makasakay kami sa sasakyan.

"Huh? Sino?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Wag mong ngitian ang driver."

Inirapan ko siya para itago ang kakaibang kiliti sa aking tiyan.

"Bawal na nga hawakan, bawal ding ngitian?"

Tinapunan niya ako ng isang mas matalim na tingin kaya napanguso ako.

Ngingiti lang naman anong masama doon?

Tumunog na naman ang kanyang cellphone at halos mapailing na lamang ako dahil hanggang makabalik sa mansyon ay abala siya doon.

Isinenyas niyang mauna na ako paakyat sa kuwarto kaya ganoon ang ginawa ko. Sa banyo ako agad dumiretso.

Patapos na akong mag blow dry ng buhok nang bumukas ang pinto.

"Nasa kuwarto na natin ang ibang gamit mo, hayaan mo na yung mga nandito."

Kumunot ang aking noo.

"Kuwarto natin?"

"Kasal na tayo hindi ba?"

Required ba na magsama sa kuwarto? Di ko naisip yun nung gawin ang agreement ah.

"Okay."

Nagkibit-balikat ako at nagsuklay matapos siguraduhing tuyo na ang buhok.

"Sumunod ka na. Mag sho-shower lang ako."

"Okay."

Nang hindi ko marinig ang pagsara ng pinto ay itinigil ko ang ginagawa at hinarap siya.

"Oh akala ko dun ka sa kabila?" taas kilay kong tanong.

"Galit ka ba?"

"Bakit ako magagalit?" sinipat ko ang mukha niyang lito. "Sige na, maligo ka na."

"Bakit mo ako pinapaalis?"

Napamulagat ako sa halos bayolente niyang reaksyon.

"Alangan namang bawalan kitang maligo, Keindro. Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Ano bang problema mo?"

"Oh bakit ka galit?'

"Hindi ako galit, Vanilla Leticia!"

Napalabi ako nang marinig ang buong pangalan.

Seriously?

Narinig ko pa ang pagbulong-bulong niya bago pabalibag na isara ang pinto.

Nababaliw na yata.

Nagising ako kinabukasan sa kama ng nag-iisa. Nasa library si Kleindro magdamag at maging ang dinner na ipinaakyat ay hindi ko alam kung kinain nya.

Hindi ito ang buhay na inaasahan ko. I mean, syempre oo kase may six months agreement pero malay ko bang ganito.

Walang seremonyas ang kasal, ang 'asawa' ko ay hindi mapakali kakatrabaho.

Nagkibit-balikat ako para alisin ang mga naiisip.

At least may reception. Tss.

Nag ayos ako bago bumaba sa pag-asang nasa paligid lamang si Kleindro pero mali ako.

"Nasa opisina na po nang maaga. Ipinapasabi pong kami muna ang aasikaso sa mga kailangan ninyo."

Inirapan ko lamang si Roy dahil sa inis at tahimik na umupo sa dining table na pagkahaba-haba pero ako lang mag-isa.

Unang araw ng pagiging misis Lavaigne. Yeah right, may mas sasaya pa ba dito?

"Ayokong kumain mag-isa."

Natigilan ang mga bodyguard na hanggang sa hapagkainan ay nakabantay dahil sa biglaang deklarasyon ko.

"Ano pang hinihintay nyo? Kumuha na kayo ng pinggan sa kusina, sasabayan ninyo ako."

"Ma'am bawal po ang—"

"Shut up, Roy! Wala dito ang amo nyo at wala akong pakealam sa kanya!"

Walang nagawa ang limang bodyguard kundi magsikuha ng utensils sa kusina dahil hindi ako nag simula hanggat wala dilang lahat sa hapag.

"Kakain ka nang naka shades?" pakli ko kay Roy na tahimik lamang sa aking gilid.

"Ma'am—"

"Vanna. Yun ang itatawag nyo sa akin simula ngayon, besides hindi ako pinanganak para maging teacher wag nyo kong i-ma'am."

"Pero ma'am—"

"Ang kulit ng lahi mo," inirapan ko si Roy na litong-lito habang nagtatanggal ng shades.

"Hindi nga po pwedeng Vanna lang dahil mapapatay kami ni sir Kleindro," sansala ng isa pang bodyguard.

"Ipapalibing ko na lang kayo," ngisi ko dito.

Nagtawanan ang mga nasa lamesa kasabay ko. Ang akala kong pormal na mga tao ay may itinatago din palang kadaldalan kaya inabot kami ng isang oras pagkain ng almusal.

Kung saan-saan napadpad ang usapan namin. Lahat pala sila ay limang taon na pataas kay Kleindro. Si Roy ang pinakamatagal na naninilbihan dahil si Klein daw ang nagpaaral sa kanya ng college pero nang makatapos ay mas gusto na lamang niyang magtrabaho para dito.

Nalaman ko rin na walang babae sa bahay. Maging ang mga kasambahay ay lalaki din at stay out.

Bale pito sila. Dalawa ang kasama ni Kleindro kung aalis at lima ang maiiwan sa bahay. Ngayong nadito na ako, si Roy at Fred daw ang nakatalaga sa akin at may tatlo pa ring maiiwan sa bahay.

Halos mapailing na lang ako ng marealize kung gaano ka security freak si Kleindro. Lumaki rin ako sa pamilyang nasa alta sociedad pero ni minsan hindi ko kinailangan ng kasamang lumabas maliban sa driver.

"Kami na po ang maghuhugas ng plato Miss Vanna," ani Fred na natataranta pa sa pagkuha ng mga plato sa kamay ko.

Napagkasunduan naming Miss Vanna na lamang ang itawag nila sa akin dahil naiirita akong madinig ang ma'am.

Hinayaan ko na silang magligpit dahil baka makabasag ako ng mga kasangkapan. Hindi pa naman ako marunong sa mga gawaing bahay.

Dumiretso ako sa kuwarto dahil mataas na ang sikat ng araw sa labas, mas gusto kong magbasa ng kinuha kong libro sa library.

Nakadapa ako sa kama habang nagbabasa kaya agad akong umayos nang pagkakaupo.

"Bukas yan!"

Pumihit ang seradura at pumasok si Roy sa silid tila nagmamadali.

"Miss Vanna, gusto po kayong makausap ni Mr. Lavaigne."

Tinanggap ko ang inilahad niyang telepono at sinipat iyon. Naka mute.

Sinenyasan ko syang iwanan muna ako at nang masigurong nakalayo na ay saka ko tinakbo ang pinto para ilock iyon.

"Hi!" agad kong bati nang i-on muli ang audio.

"Bakit parang hinihingal ka?"

"Katatapos ko lang kaseng..."

Pumapalakpak na ang tenga ko sa sobrang tuwa sa naiisip kong kalokohan.

"Katatapos na?— No thanks, sa opisina lang ako. Pipirmahan ko mamaya, kakausapin ko lang asawa ko."

Asawa?

Naninindig ang balahibo ko tuwing maririnig ko ang salitang yun galing sa bibig nya.

"Hmm?" muli nyang baling sa akin. "Anong pinagkakaabalahan mo?"

"Pinapasaya ko sarili ko," walang gatol kong sagot.

Nanahimik siya pagkatapos ay natinig ko ang pagtunog ng kung ano.

"Vanilla Leticia hindi ako nakikipagbiruan sayo."

"Sinong may sabing binibiro kita? Pinapasaya ko talaga ang sarili ko dahil wala ka dito para gawin yun," palihim akong humuhugot ng hininga para ipunin ang lakas ng loob. "Uhmm..."

"Nagtatrabaho ako kaya— Ohh shit..."

"Eh di magtrabaho ka dyan. May problema ka ba— Ahh... Klein ugh..."

Nanahimik ang kabilang linya at wala akong ibang naririnig kundi marahas nyang paghinga.

Luminga-linga pa ako sa paligid kahit alam kong naka lock ang pinto pati ang blinds ng silid na kinaroroonan ko.

"Uhmm Klein ang sarap mo... Isagad mo— Ohh..."

Agad kong pinindot ang mute button at napabalikwas sa kama ng mapansin ang likidong bumabasa sa suot kong panloob.

Tangina Vanna ikaw ang dapat na nanunukso hindi ka magpapatukso gaga!

Pulang-pula ang mukha ko ng balikan ang cellphone.

"Gregor uuwi ako— I-cancell mo lahat— Wala akong pakealam— Sabihin mo humanap na sila ng ibang investment kung ganon— Kailangan kong umuwi— Oh shit hindi pa naka end call."

And just like that, namatay ang tawag.

Anong nagyayari?

Lumabas ako ng kuwarto para ibalik kay Roy ang telepono pero bumalik din agad dahil kailangan kong magpalit ng damit.

Buong umaga kong inabala ang sarili ko sa pagbabasa at nang magtanghalian ay saka lamang ako bumaba para kumain.

Muntik pa akong mahulog sa hagdan ng bumulaga si Kleindro sa akin. Padabog syang naglalakad papasok. Madilim ang mukha at tila pasan ang mundo.

"Anong nangyari sayo?" takang tanong ko nang tuluyang makababa sa hagdan.

Tiningnan nya lamang ako at agad na lumakad patungo sa direksyon ng hapag.

Napalabi ako sa kinatatayuan at tinaasan ng kilay si Roy na pailing-iling habang pasimpleng nagmamasid sa amin.

"Vanilla!"

"Oh?"

Tinaasan ko din ng kilay si Kleindro dahil imbis na dumiretso ay tumigil sa kinatatayuan at nilingon ako.

Nakasimangot siyang naglakad pabalik sa akin at hinablot ang kamay ko. Napanguso na alang ako nang hilahin niya ako patungo sa dining room.

"Bitaw."

"Ayoko."

Napikit ako ng mariin dahil hindi ko na alam ang gagawin kay Kleindro.

Bakit ganito syang umakto ngayon?

"Bitaw sabi, kakain ako."

Isang hila nya lamang ulit sa akin ay napaupo na ako sa kanyang kandungan.

"There. Perfect Mrs. Lavaigne."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status