Share

Kabanata 9

KABANATA 9 :: BEAUTIFUL

"Nakaalis na si Kleindro?" tanong ko sa dalawang bodyguard na nakaposte sa ibaba ng hagdan.

"Maaga pong umalis. Pinapasabing may pupuntahan kayo mamayang hapon."

"Sinabi ba kung saan?"

Umiling siya kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

Oh well… Pang ilang araw ko na ba dito ulit? Parang kelan lang at nakatulala ako sa fireplace habang nakasuot ng makapal na damit. Bihira akong lumabas lalo na kapag bagsak ang temperatura at heto ako ngayon sa napakainit na syudad. Hindi ko maimagine ang buhay na walang aircon.

"Nakahanda na po ang almusal sa garden," si Roy ang sumalubong sa akin nang akmang papasok na ako sa dining room.

"Sinong nagpalagay doon?" kunot noong tanong ko.

"Utos po ni Mr. Lavaigne."

Inikot ko ang mata at sumunod sa kanya palabas.

May stone pathway mula sa kitchen backdoor patungo sa gazebo na nakatayo sa mismong gitna ng garden.

Hindi ko pa pala nalilibot ang bahay.

Nagpasalamat ako kay Roy na agad namang dumistansya para hayaan akong kumain ng mapayapa.

Napatitig ako sa napakaraming pagkain na nasa aking harapan, pagkuwan ay sinulyapan ang damit kong parang hindi nababagay sa ganito kaengrandeng hapag.

Ang mga damit sa aking closet, kung hindi pormal ay sobrang init naman sa katawan. Hindi naman maaaring lingerie at nightgown ang suotin ko.

Oo nga pala nakalimutan kong magreklamo kay Kleindro tungkol doon.

Mukha ba akong nagsusuot ng turtle neck long dresses at sweatshirts?

Hinagilap ko ang cellphone matapos makailang subo.

Ako:

Nasa meeting ka pa?

Hindi pa ako nagdadalawang kurap ay nakatanggap na ako ng reply.

Kleindro:

Oo. Kumain ka na?

Ako:

Kumakain pa. Ang dami neto!

Kleindro:

Sinadya ko yan para magkalaman ka.

Napairap ako sa emoji niyang umiiyak habang tumatawa. Weird.

Ako:

Hindi ako tataba kahit isang letchon pa ang ipakain mo.

Kleindro:

Anong plano mo ngayong araw?

Ako:

Kahit ano. Uuwi ng Baguio.

Ibinaba ko ang cellphone at ang ubas naman ang pinagdiskitahan. Hindi ako sanay sa heavy breakfast.

Halos mapatalon ako nang biglaang tumunog ang aking cellphone.

"Oh? Diba may meeting ka?" salubong ko kay Kleindro.

Sa background ay dinig ko pa ang paghabol ng kanyang sekretarya bago pabalibag na isara ang pinto.

"Uuwi ka sa Baguio, Vanilla Leticia?"

Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil naninindig ang balahibo ko sa lamig ng kanyang boses.

"H-Hindi… nagbibiro lang ako."

Nanahimik ang kanyang linya.

"Galit ka?"

Tahimik pa rin.

"Hoy Klein sorry na…"

Bumuntong hininga sya.

"Hindi na ako manggugulo, sorry na…"

"Vanilla…" aniya matapos ang ilang saglit na katahimikan. "May trabaho pa ako buong araw. Please behave, baby. Uuwi ako agad pagkatapos nito hindi mo kailangang pumunta pa sa Baguio."

Ilang minuto ko nang napatay ang tawag pero nanatili ako sa pagkatulala.

Mas binagabag ako nang konsensya ko dahil doon.

Isip bata ba ako at masyadong pabigat sa kanya? Siguro dahil buong buhay akong naghahanap ng kalinga sa iba tao, nang makilala ko sya heto at napasobra.

Bumuntong hininga ako at tinapos ang pag kain.

Para panatagin ang sarili ay nanatili ako sa garden, hindi para kumain kundi para magdilig ng mga halaman.

Maaliwalas ang paligid pero hindi ako naiinitan sa sikat ng araw dahil natatakpan ng matataas na puno ang kinaroroonan ko. Para tuloy mystique garden sa mga pelikulang fantasy.

Mula sa pinapanood na paru-paru ay napabaling ako kay Roy na biglang sumulpot sa tabi ko.

Bente kuwatro oras ba ang duty ng isang ito?

"May bisita po si Mr. Lavaigne sa tanggapan, papaalisin ko po ba?"

"A-Ah…" tumigil ako at pinatay ang water hose. "Wag na, malapit na naman yatang mag lunch uuwi na si Kleindro mamaya."

Nakasunod lamang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa sala.

"Vanna!" nakangising bungad ng isang pamilyar na lalaki.

Nakilala ko na yata siya noon hindi ko lamang matandaan kung saan.

"Hinahanap mo si Klein? Nasa opisina pa, nagtatrabaho" inilahad ko ang mahabang sofa. "Upo ka."

"Salamat," aniya sa isang house help na nagbigay ng kape at tubig sa kanya.

"Anyway… Nag meet na ba tayo before? Pasensya na mahina ang memory ko," alangan kong saad.

Simula pa noon kahinaan ko na ang pagtanda sa mga taong nakilala ko na ng isang beses. Kung hindi pangalan lang, minsan naman ay mukha lamang ang tumatatak sa isip ko.

"Kendrick, kaibigan ni Kleindro. Nagkakilala tayo sa reception ng kasal ninyo."

Tumango-tango ako.

Sa dami nila noon ay hindi ko na nga siya matandaan lalo pa at hindi naman kami nakapag-usap nang maayos.

"Ang isang iyon talaga… Dito ako dumiretso, akala ko ay naghohoneymoon kayo o something dahil nga hindi daw kayo lumabas ng bansa."

May kung anong pait na rumehistro sa aking sistema nang tumama sa akin ang inosente niyang mata.

"Ah… inaasikaso nya lang muna. Anytime naman puwede kaming maghoneymoon," nginisian ko siya kahit sa totoo lamang ay nawawalan na ako nang ganang makipag-usap.

"May point ka," binalingan niya ang hawak na envelope. "Anyway dumaan lang ako para sana papirmahan ito sa kanya, mauna na ako Vanna."

Tumayo na rin ako kasabay niya.

"Oh sige. Pupunta ka sa opisina? Umuuwi si Kleindro dito para sabay kaming mag lunch at…" na itin sa ere ang mga salita ko dahil sa mahina nyang pagtawa. "B-Bakit?"

"Wala," umiling-iling siya pero tatawa-tawa pa din. "Ang layo ng binabyahe nya para sayo."

"Ha?"

Imbis na sagutin ay winala niya ang usapan at nagpaalam din pagkuwan.

"Anong pinag-usapan nyo ni Kendrick?" kunot noong pag-uusisa ni Kleindro habang sabay kaming kumakain.

"Wala naman…"

"Sya na lang ang single sa amin. Baka naman…"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko maintindihan ang punto nya.

"Nevermind."

Buong durasyon nang pagkain ay busangot ang kanyang mukha hanggang sa makaalis para bumalik ulit sa opisina. Hindi na ako nag-usisa o nagtanong pa dahil baka mas mairita lamang siya sa akin. Hinayaan ko na lamang at humilata sa kuwarto habang nanunuod ng isang Thai drama.

Humahagulgol na ako nang iyak dahil namatay ang lola ng babaeng bida nang tumunog ang cellphone ko.

Dinungaw ko at nang makitang si Kleindro iyon ay itinigil ko muna ang palabas at sinagot.

"Kanina pa ako tumatawag" bakas ang inis niya sa kabilang linya.

"B-Bakit?"

Suminghot-singhot ako dahil pakiramdam ko ay sobrang bigat na ng aking ulo sa pag-iyak.

Sa susunod hindi na ako manunuod ng drama. Napakaiyakin ko pa naman. Kaunting kalabit bumabaha ang luha ko.

"Umiiyak ka ba?"

"H-Hindi"

Napapikit ako at agad na nakagat ng mariin ang labi ko dahil pasinghot ulit ako. Paano ba naman tutulo na ang aking sipon.

"Bakit ka umiiyak? Galit ka ba dahil wala akong oras sayo?' mahina niyang tanong.

Napamulagat ako. Kakasabi ko lang na hindi ko na sya guguluhin pero heto na naman ako.

"Nanunuod lang ako ng TV. At… naintindihan ko namang kailangan mong magtrabaho," marahan kong sagot at tantyado ang bawat salita.

Bumuntong hininga siya.

"Tumawag lang ako para tingnan kung ayos ka. Sige," aniya at pinatay ang tawag.

Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil parang may mga bulateng nagtatalunan sa sikmura ko. Teka— DAPAT PARU-PARU YUN DIBA? BAKIT BULATE ANG NASA AKIN? SCAM!

Binalingan kong muli ang pinapanuod at sa di malamang kadahilanan, kahit anong sakit nang mga linyang ibinabato ng dalawang bida nakangisi ako.

Hindi iyon happy ending pero imbis na magdalamhati nang hindi magkatuluyan ang dalawang bida ay para akong siraulong nagsasalita mag-isa.

"Hindi naman kase totoo ang habang buhay. Like hello, reality check walang prince charming sa totoong buhay at— Teka sandali!"

Tumayo ako agad nang may kumatok sa pituan at nang idinungaw ko ang ulo ay si Roy pala iyon.

"Hindi daw po kayo macontact ni Mr. Lavaigne, Miss."

Oo nga pala!

"Hehe lowbat kase ang cellphone ko, nanunuod ako kaya nakalimutan kong icharge."

"Mag impake na daw po kayo, nakalimutang sabihin ni boss pero sinabihan ko na po kayo kaninang umaga—"

"Ha? San punta?"

"Hindi ko po alam. Sige, Miss pauwi na si Mr. Lavaigne."

Iniwan ako doon ni Roy kaya natataranta kong hinagilap ang cellphone at charger ko. Dahil ubos ang baterya, matagal bago iyon nabuhay at kahit nakacharge ay ginamit ko na para itext si Klein.

Ako:

San tayo pupunta?

Kleindro:

Ewan ko.

Ako:

Napakawalang kwenta mong kausap. Anong damit ba ihahanda ko?

Kleindro:

Wag na. Ihanda mo na lang sarili mo.

Naguguluhan akong napatitig sa huling mensahe niya. Tinadtad ko siya ng tanong para pilitin na sabihin kung saang lupalop kami ng daigdig pupunta pero wala akong napigang sagot mula sa kanya.

Baliw. Ang lakas ng trip!

Dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, nakailang baliktad na ako sa mga laman ng closet. Wala akong nahanap na matinong maiisuot doon kundi isang light yellow tube style dress. Pinaresan ko iyon ng isang itim na pumps bago nag-ayos ng buhok.

Wala akong kolorete bukod sa manipis na lip balm dahil hindi babagay sa damit at soft features ko ang heavy make up. Ayoko namang isipin ni Kleindro na nag ayos ako ng sobra para sa kanya.

"Perfection Vanilla…" usal ko sa linyang madalas kong inuusal para pagtakpan ang mga insekyuridad ko sa katawan.

Para sa katulad kong lumaki sa glamorosang buhay na nilikha para gumawa ng pekeng ilusyon ng karangyaan at kagandahan, napakahirap kumbinsihin ang sarili ko na ayos lamang ang aking itsura dahil alam kong hindi.

Sa likod ng maamo kong mukha ang mga pilat at bakas ng malupit na kahapon. Malupit ang mundo. Malupit ang mga tao.

Kulay kahel kong mga mata ang aking natagpuan sa salamin. Mga matang kailanman ay hindi makokontento sa sariling itsura.

Tumayo ako para sana magpalit ng damit pero bumukas ang pintuan ng walk in closet.

"A-Ah teka Klein m-magbibihis pa ako…" natataranta kong apila.

Hinagod niya ako ng mainit na tingin mula ulo hanggang paa kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Maganda ka na. Bakit magpapalit ka pa?"

Okay tangina kailangan kong huminga!

"H-Ha? Kase hindi naman bagay sa akin ang ganito— teka bat ka lumalapit?" natataranta pati yata ang mga litid sa utak ko dahil sa biglaan niyang paghakbang patungo sa akin.

"Ilang beses kong ipapaalala? Maganda ka, Vanilla Leticia…"

Hindi ko alam kung saan nangangatog ang mga tuhod ko, sa sinabi niya o sa marahan niyang paghawi sa buhok na bahagyang tumatabing sa aking mukha.

"Klein k-kase…" nakagat ko ng mariin ang aking mga labi dahil hindi ko maapuhap ang susunod na sasabihin.

Vanna anong kagaguhan ito?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Satria Ramirez
update plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status