Share

Kabanata 5

KABANATA 5 :: WEDDING

"Mama... Kapag nawala ba si Vanna sasaya ka?"

Isang malutong na halakhak ang pumuno sa silid aklatan na kinaroroonan namin.

"Kapag sinabi kong mamatay ka, gagawin mo ba?"

Napatitig ako sa sapatos kong punong-puno nang putik. Kailangan ko kaseng suungin ang mataas na baha kahit umuulan pa dahil tiyak na magagalit si mama kapag inabot ako nang dilim sa paaralan.

Si Mocha lamang ang sinundo niya at naiwan ako dahil sabi ni Titser hindi aalis kapag walang sundo. Nakiusap lamang ako sa kanya at sinabing abala sa trabaho ang mama ko.

Basang-basa ako pati ang lahat ng mga gamit sa loob ng bag ko pero dito ako dumiretso para ihabol ang pagbati ko sa kaarawan ni Mama.

Bukas pa iyon pero isasama nila si Mocha patungong Maynila para doon magcelebrate kaya maiiwan ako dito.

"Umalis ka na Vanna habang nakakapagtimpi pa ako sayo."

Mula sa backpack na tumutulo pa sa pagkabasa ng tubig ulan ay kinuha ko ang regalo ko sa kanya. Kahit nangingig ang kamay dahil sa lamig at kaba ay sinubukan kong ipakita na maayos ako.

"Mama, happy birthday po. Mahal ka ni Vanna."

Nahihintakutang napatingin siya sa kutsilyong iniabot ko.

Minsan ko kase siyang naabutang hawak iyon sa kalagitnaan ng gabi. Pumasok siya sa aking silid at itinapat iyon sa aking leeg. Kahit takot na takot ay nagkunwari pa rin akong tulog hanggang sa marinig ko ang pagkabasag ng mga bagay sa labas.

Mahal ako ni mama. Hindi sya galit sa akin. Ayaw lamang niya na nahihirapan ako kaya gusto nya na akong mamatay.

"Hindi mo ba nagustuhan mama?" nagsimula na ajg pangangatal ang aking labi. "P-Pinag ipunan ko po iyan... A-Akala ko kase magugustuhan nyo kung galing sa akin—Mama?"

Tuluyang kumawala ang hikbi sa aking bibig nang narinig ang pagkabasag ng kopitang dumulas sa kanyang kamay.

Nagising akong pawis na pawis at umiiyak.

Panaginip na naman.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon humagulgol.

"Tanga ka ba Vanilla o ano? Hindi ka nya mahal! Narinig mo?"

"Tangina naman Vanna, wag kang umiyak-iyak diyan!"

"Mas masarap ako kesa sayo!"

"Bakit hindi ka pa namatay?"

"Si Mocha na lang! Wag nyo nang isama si Vanna at magkakalat lamang ang batang iyan sa sosyal na party!"

Pilit kong tinakpan ang aking tenga dahil palakas ng palakas ang mga boses.

"Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?"

"Mabuti pa si Mocha nag-iisip!"

"Talent na yan? Basura!"

Balisa akong tumayo habang humahagulgol at nagpabalik-balik ng lakad sa silid.

"Hindi Vanna... Kumalma ka. Palayasin mo sila..."

Pabalang na bumukas ang pinto at ang mukha ng estrangherong nagligtas sa buhay ko ang sumagip sa akin.

"Vanna..." inilang hakbang niya ang pagitan namin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Vanna, anong nangyayari? Tumingin ka sa akin."

Pilit niyang hinuli ang balisang mata ko na mas lalong nagpalakas sa hikbi ko.

"Tulungan mo ko..."

"Sabihin mo kung anong gagawin ko. Tubig gusto mo? Halika sa kusina bubuhatin na lang—"

"Shhh..." marahan kong ipinatong ang hintuturo sa bibig niya dahilan kung bakit siya natigil. "Hindi yan ang tulong na gusto ko."

Nag igting ang panga niya at maingat na hinaplos ang aking mukha.

Sa sinag ng lampshade hindi kalayuan ay kita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata.

"Ilang beses na tayong nagkita pero hindi ko pa naitatanong ang pangalan mo."

"Kleindro... Yun ang pangalan ko."

"Klein... Tutulungan mo ba ako?" marahan kong tanong at idinikit ang katawan ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagkatuod niya sa kinatatayuan kaya kinuha ko ang pagkakataon para iyapos ang aking kamay sa kanyang leeg.

Agad ko siyang hinila para maging magkalebel ang aming mga mukha at inatake ang kanyang labi.

Ilang minuto pa siyang natuod bago tumugon sa aking halik. Sabik, naghahamon at mapusok.

Ilang sandaling naglaban ang aming mga dila bago ko maramdaman ang masuyo niyang paghaplos sa aking dibdib. Agad na parang sinilaban ang katawan ko nang dahil doon kaya nagkusa na akong ipulupot ang binti ko sa kanya habang patuloy kami sa paghahalikan.

Sinalo nya ang bigat ng aking katawan at isinuporta ang isang kamay sa aking pang upo habang ang isa naman ay naglulumikot na sa suot kong panty.

Hindi ko maiwasang mapahalinghing nang haplusin niya ang pagkakababae ko. Kahit may tela pang tabing ay nag iinit ang aking katawan.

Naramdaman ko ang paggalaw niya sa puwesto kaya mas nanguyapit pa ako. Sunod na lumapat ang aking likod sa malambot na kama at doon lamang niya ako binitawan.

Nanatili akong nakatihaya sa pagaakalang kukubabaw siya sa akin ngunit mali ako dahil nahiga siya sa tabi ko.

"A-Anong ginagawa mo?"

Iniyapos niya ang bisig sa katawan ko at kinabig ang ulo ko para isiksik sa kanyang dibdib.

"Shhh... Matulog ka na."

Dismayado ko siyang itinutak palayo saka siya tinalikuran.

Ang katawan kong kanina ay nag iinit sa pagnanasa ngayon ay napalitan na ng pagkairita.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Galit ka na nyan?"

"Wag mo kong kausapin, letche ka!"

Naramdaman ko ang kiliti nang pagtama ng mainit niyang kamay sa aking mukha. Inaayos pala ng loko ang aking buhok para kumportable ako.

"Hindi pa tayo kasal para pagsamantalahan mo ako. Pumayag ka muna."

Umismid ako kunwari para itago ang aking ngiti at hindi na nagkomento pa.

Maparaan din pala ang gago muntik na ako doon buwiset na katawan ito.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pero nagising ako kinaumagahan ay mag isa na lamang ako sa kama.

Nag inat muna ako ng kaunti bago pumasok sa banyo para maligo.

Kampante na ako at alam ang desisyon na gagawin.

Hanggang matapos sa paliligo at pagbibihis ay pakanta-kanta pa ako.

"Mukhang maganda ang gising mo ah," nakangising salubong ni Kleindro nang maabutan ko siya sa hapag.

Dumiretso ako sa kanya at walang pasubaling hinalikan siya sa labi.

Humalakhak ako nang rumehistro sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Mas maganda pa ako sa umaga!" nakangisi kong pagbati sa kanya.

Tumikhim siya at tinaasan ako ng kilay.

Lumipad din ang tingin ko sa suot kong nude pink na mini dress. Kitang-kita doon ang hita at cleavage ko.

"Puro ganito ang nasa closet," agad kong depensa.

Maglalakad na sana ako patungo sa isang silya ngunit hinila nya ang braso ko at hindi pa nakontento sa aming distansya. Madali niya akong napaupo sa kanyang kandungan dahil sa laki ng agwat ng aming katawan.

"Kakain ako!" apela ko at pinandilatan siya ng mata.

Dahil sa posisyon namin ay ramdam ko ang kaibigan niyang buhay na buhay sa loob ng kulungan nito.

"Dito ka na lang kumain," balewala niyang tugon.

Palihim kong sinulyapan ang dalawang guwardyang nakaposte sa may hapag at lihim na napailing.

"Gusto mong mag live show sa harap ng mga bodyguard mo?"

Ngumisi siya at pinatakan ng magaang halik ang aking pisngi.

"Depende. Kung aakitin mo ako, hindi malabong makita nila tayo dito sa mismong upuan na ito."

Nanindig ang balahibo ko at kahit alam kong biro lamang iyon ay ramdam ko ang rumehistrong init sa gitna ko.

Tangina Vanilla Leticia umagang-umaga!

"K-Kumain na tayo kung ganon."

Sinubukan kong kunin ang kutsara at tinidor sa mesa.

Mukhang pinlano nya talaga ito dahil iisang plato ang nakahanda. Maliban na lang kung hindi nya ako balak pakainin.

"Bakit ka nanginginig?"

Tumikhim ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsara at tinidor.

Baka maisaksak ko ito sayo Kleindro parang awa mo na manahimik ka.

"Eto, kainin mo," nginisian ko siya at iniumang ang kutsara.

"Ang laki ng kanin hindi ka ba—"

Ngiting tagumpay ako matapos isupalpal sa bibig niya ang kutsarang napakaraming kanin.

"Oh ulam naman..."

Sinamaan niya ako ng tingin at hinayaan ang kamay kong mangalay kakahawak sa malaking tipak ng bacon.

"Potangina papatayin mo ba ako?"

Imbis na matakot sa madilim niyang mukha ay kinuha ko ang baso at iniabot sa kanya.

"Tubig?"

Padabog niyang kinuha iyon at inubos ang laman.

Hinaplos-haplos ko ang panga niyang umiigting matapos maibaba ang basong walang laman.

"Kleindro... Kung gusto mo akong maging asawa dapat alam mong hindi maganda ang ugali ko. At higit sa lahat... Mahirap akong pakisamahan."

"Pumapayag ka na?"

"Anim na buwan, hindi ba?"

"O-Oo."

"Sige magpakasal tayo," huminto ako sa paghaplos a kanyang panga at seryoso siyang hinarap. "Gusto ko nang kontratang panghahawakan sakaling hindi mo tuparin ang pangako mo. Babayaran mo ako ng isang daang libo sa bawat buwan na mananatili ako dito at isang milyon kapag maghihiwalay na tayo."

Tumango-tango siya at hindi pa rin natanggal ang madilim na itsura.

"Masusunod ang lahat ng mga gusto mo. Meron pa ba?"

Huminto ako at nag-isip.

"Wala na."

"Kung ganoon, wala kang ibang gagawin kundi umaktong asawa ko. Matalino ang aking mga magulang at si Mama ay naninidigan sa paniniwalang hindi ako magseseryoso sa pag-ibig kaya mahahalata nya agad kung papalpak ka."

Tumango-tango ako habang nakikinig sa kanya.

"Bawal ang kahit na sinong lalaki, lumapit man o humawak sayo. Naintindihan mo?"

Sumikdo ang kaba sa aking dibdib dahil sa lamig ng tingin na ipinukol niya sa akin.

"O-Oo. Naintindihan ko."

"Kung susunod ka sa gusto ko, magkakasundo tayo."

Bumuntong hininga ako matapos ang ilang saglit na katahimikan. Hindi ko na yata kaya pang mag almusal.

"Kelan tayo magpapakasal?"

"Ngayon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status