Home / Romance / Six Weeks After Midnight / CHAPTER 43: “A Heart That Remembers.”

Share

CHAPTER 43: “A Heart That Remembers.”

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-08-03 16:28:20

CHAPTER 43 –

Ang katahimikan sa emergency waiting area ng Smith Medical Center ay tila kasing bigat ng paghinga ni Luna. Sa bawat segundo ng paghihintay, pakiramdam niya’y may sumisiksik na malamig na palad sa kanyang dibdib, unti-unting pinipiga ang puso. Hawak niya ang gilid ng upuan habang nakaupo sa tabi ng dingding, ang mga daliri niya ay nanginginig habang kumakapit sa tela ng kanyang slacks.

“Ms. Herrera?” tawag ng doktor habang lumapit sa kanila, may hawak na chart.

Tumayo agad si Luna. “Kamusta po ang anak ko?”

The doctor cleared his throat. “We’ve diagnosed your son with Long QT Syndrome. Isa po itong rare heart rhythm condition. It affects the electrical activity of the heart—maari pong magdulot ng irregular heartbeat, sudden fainting spells, seizures, at sa worst cases, sudden cardiac arrest.”

“Impossible,” mahinang bulong ni Luna habang umiling. “Wala sa pamilya namin ang may history ng ganitong sakit.”

Mula sa kabilang gilid ng hallway, tahimik na lumapit si Damon. Suot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbs vinson
sana happy ending po wag nkka visit na babae
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 53— ”Paper Rings, Glass Walls.«

    CHAPTER 53 – Blackwell Tower, 17th Floor Executive Suite – Friday, 9:08 AMTahimik ang buong opisina. Ang glass walls na karaniwang nagbibigay ng commanding view ng lungsod ay mistulang walang saysay sa mga oras na iyon. Nakatulala si Damon sa isang punto sa labas, pero wala naman siyang tinitingnan. Nasa harap niya ang kopya ng kasunduan — pirma niya, pirma ni Luna, at petsa kung kailan sila dapat ikasal. Isang taon. Isang taon ng kasinungalingang legal.He didn't know which part stung more — the fact that Luna called him an abuser, or the fact that he couldn't deny it.Sa likod ng katahimikang iyon ay naroon si Chase, maingat na naglalakad papalapit. Bitbit niya ang tablet na may nakabukas na calendar."Sir Damon," mahina nitong tawag. "Nakausap ko na po si Atty. Lacson. The earliest civil wedding schedule we can get privately is next Thursday, 11:30 AM. Discreet venue, no media, off-record."Tumango si Damon, mabigat ang bawat kilos. "Book it.""Yes, Sir. Shall I notify Ms. Herrer

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 52: “One Year, then divorce.”

    CHAPTER 52 – For a long moment, walang gumalaw sa pagitan nilang dalawa. Si Damon ay nanatiling nakatayo, habang si Luna ay muling naupo, nakaharap sa kanya na tila hindi alintana ang bigat ng sinabi niya.One year, then divorce, then full custody.Parang malakas na hampas ng alon ang bawat salitang iyon kay Damon. Paulit-ulit. Sumasampal sa alaala, sa konsensiya, sa damdamin niyang unti-unti nang natutong magmahal sa batang hindi niya man lang namalayang sa kanya pala nanggaling.Gusto niyang tumutol. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang tanungin kung bakit ganoon kabigat ang galit ni Luna sa kanya. Pero wala siyang nagawa kundi ang tumango."Fine," mahina niyang tugon. "Kung 'yan ang kailangan para maging maayos ang buhay ni Callyx, tatanggapin ko."Hindi umimik si Luna. Ni hindi siya tumingin kay Damon. Tahimik nitong binuksan ang envelope, inilabas ang kopya ng kasunduan na siya rin ang gumawa. Nakasaad doon ang mga kondisyon, kasal sa loob ng isang taon. Walang intimacy, wala

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 51: "

    CHAPTER 51 – Terms of LoveBlackwell Mansio, Forbes Park – 6:03 AMIsang maagang umaga ng Huwebes. Tahimik pa ang buong paligid. Mula sa bintana ng silid ni Damon Blackwell, tanaw ang unti-unting pagliwanag ng langit. Nasa gilid siya ng kama, suot ang gray na robe, hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Hindi siya mapakali. Simula pa kagabi, hindi na siya nakatulog nang maayos. Patuloy na bumabalik sa isipan niya ang tanong ni Callyx kahapon..."Kayo po ba ang daddy ko?"Iyon lang, pero para sa kanya, parang lindol na gumising sa lahat ng natutulog niyang emosyon.Kaya nang biglang tumunog ang cellphone niya nang maaga pa, hindi karaniwan ay halos mabitawan niya ang tasa sa kaba. Nang tingnan niya ang caller ID, ang pangalan ni Luna Herrera ang lumabas. Napatitig siya sa pangalan sa screen. Ilang segundo siyang hindi gumalaw. Pero sa huli, sinagot din niya. "Hello?" aniya sa medyo paos na tinig.Sa kabilang linya, sandaling katahimikan muna ang namayani na para bang nag-iisip. Hangga

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 50: “Between Truth and Safety.”

    CHAPTER 50 – Tahimik ang loob ng sasakyan. Mula sa speaker, marahang tumutugtog ang instrumental jazz, pero hindi nito natatakpan ang tensyon sa hangin. Si Luna ay nakatanaw sa labas ng bintana, habang si Damon ay tahimik lang sa kabilang dulo, pilit pinapakalma ang sarili. Sa pagitan nila, si Callyx, bitbit ang stuffed bunny niyang si "Bun-Bun," nakaupo nang maayos ngunit may tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang inosenteng isipan."Excuse me po, Mister. Kayo po ba ang daddy ko?"Nagkatinginan sina Luna at Damon.Isang segundong katahimikan. Isang segundong parang huminto ang mundo.Napakagat-labi si Luna. Wala sa plano niya ito. Hindi pa ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon.Pero paano mo matatakpan ang katotohanang unti-unti nang binubuo ng bata sa isip niya?Huminga siya nang malalim. Pilit pinakalma ang kaba. Ayaw niyang magsinungaling, pero hindi rin siya handang isiwalat ang buong katotohanan."Anak... si T-Tito Damon ay... friend ni Mommy," sagot ni Luna, malumanay. "Mataga

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 49: “Shadows at St. Jude.”

    CHAPTER 49 – St. Jude Academy, Quezon City – Friday, 7:52 AMMagaan ang ihip ng hangin sa kampus ng St. Jude habang ang mga batang naka-uniform ay unti-unting naglalakad papasok sa kanilang mga silid-aralan. Ilang yaya, magulang, at school personnel ang naroon na rin, tila isang normal na umaga lang sa isa sa mga eksklusibong paaralan sa lungsod. Pero para kay Luna, ang simpleng pagpasok na ito sa eskwelahan ay tila paglalakad sa gitna ng entablado, habang daan-daang matang hindi niya kilala ang tahimik na humuhusga sa kanila.Hawak niya ang kamay ni Callyx, na suot ang kanyang uniporme at maliit na backpack. Sa kabilang banda ay si Mariel, ang yaya, na may bitbit na insulated bag na may gamot, isang pulse oximeter, at bottled water. Lahat ng ito ay parte ng protocol para sa batang may Long QT Syndrome. Bawat galaw ni Callyx ay bantay-sarado, bawat lakad ay maingat. Pero ang mas mabigat na bantay ngayon ay ang mga matang sumusunod sa kanila."Ayan na sila," bulong ng isang ginang na

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 48: “The Weight of an Apology.”

    CHAPTER 48 – Herrera Residence, Quezon City– Thursday, 10:17 AMMaagang gumising si Luna kinabukasan. Sa kabila ng ilang oras lang na tulog, hindi siya nagreklamo. Sanay na ang katawan niyang gumalaw kahit may sakit pa sa dibdib. Kailangan. Para kay Callyx.Pagkababa niya ng kama, agad siyang dumiretso sa kusina para ipaghanda ng light breakfast ang anak. Oatmeal at sliced bananas lang ang kayang kainin ni Callyx sa mga panahong ito. Habang binabantayan niya ang pinakukuluang gatas, mabilis siyang sumulyap sa tablet na naka-stand sa counter. May update sa email."Ms. Herrera, please confirm your availability for the rescheduled performance review next Monday."Pinikit niya ang mata. Performance review? Hindi ba’t naka-indefinite leave siya? Pero halata naman. Gusto ng HR na pormalin ang desisyon. Disiplina disguised as formality. Hindi siya nagreply. Hindi pa ngayon.Pagbalik niya sa kwarto, nakaupo na si Callyx sa kama, gising na at nakasuot ng oversized pajamas. Sa tabi nito, si Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status