CHAPTER 7 –
Hapon na, at matamlay na naglalakad si Luna pauwi galing sa isang job interview. Katatapos lang niyang mananghalian pero nanlalambot na naman ang pakiramdam niya. Biglang sumakit ang sikmura niya, hindi dahil sa gutom, kundi sa panibagong hilo na tila sumusugod nang walang paalam. Huminto siya sa gilid ng daan. Pinikit niya ang mga mata habang marahang hinagod ang tiyan. “Please, not now…” bulong niya sa sarili, pawisan kahit malamig ang simoy ng hangin. "Hindi ka pwedeng magkasakit… hindi ngayon." Pero ilang linggo na rin siyang ganito. Ilang umaga na ang sinimulan niya sa pagsusuka. Ilang gabi na ang dumaan na hindi niya maubos ang hapunan. Hindi na ito normal. Hindi na ito basta pagod lang. Anim na linggo na ang lumipas simula nang gabing ‘yon sa Blackwell Grand Hotel. Anim na linggo ng katahimikan. Anim na linggo ng pag-pilit kalimutan. Anim na linggo ng panalangin—na sana, sana hindi ito ‘yon. ——— Pagdating sa bahay, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si Nanay Rina sa papag. Nakapikit at pagod, galing sa second shift sa tahian. Hindi niya ito ginising. Sa halip, tahimik siyang nagtungo sa kusina at kinuha ang thermos ng maligamgam na tubig. Mula sa bag, dahan-dahan niyang inilabas ang maliit na supot na papel. Nandoon ang pregnancy test kit na binili niya kaninang umaga. Pinag-ipunan pa niya ‘yon—isang daan at dalawampung piso ng kaba at takot. Hinawakan niya ito, mahigpit. Parang ang bigat-bigat ng maliit na kahon na ‘yon sa palad niya. Ilang minuto rin siyang nakatitig lang. Hindi agad kumilos. Parang may humahawak sa mga paa niya para ‘wag gumalaw. Pero kailangan niyang malaman. Kailangan niyang harapin kung ano man ang totoo. Mabilis siyang pumasok sa banyo. Tahimik sa loob. Ang tanging maririnig ay ang langitngit ng ilaw na kumikislap sa kisame. Doon, sa mismong espasyo kung saan siya madalas maghilamos o mag-toothbrush, doon tumigil ang mundo niya. Dalawang linya. Dalawang malinaw na guhit. Positive. Buntis siya. ——— Ilang oras na ang lumipas pero nakaupo pa rin si Luna sa sahig ng kwarto. Nakayakap sa tuhod habang nakasandal sa kama. Sa ibabaw ng kama, nakalatag ang pregnancy test kit—tinakpan niya ito ng kumot pero alam niyang nandoon pa rin. Nakatingin lang siya sa kawalan. Tahimik. Hindi siya umiyak. Ni hindi siya sumigaw. Walang salita ang lumabas sa bibig niya. Pero sa loob-loob niya, parang may patalim na unti-unting bumabaon sa dibdib niya. Parang may bubog sa puso niya na hindi niya kayang hilahin palabas. Hindi alam ni Luna kung paano magsisimula. Hindi niya alam kung anong dapat unahin. At higit sa lahat, hindi niya alam kung paano sasabihin… o kanino magsisimulang magsabi. Lalo na kung ang ama ng dinadala niya ay isang lalaking marinig pa lang niya ang pangalan ay para sa siyang masusuka. Si Damon Blackwell. Ang demonyong lalaki na sumira sa pagkatao niya. Ang lalaking kinalimutan ang lahat matapos siyang bayaran para manahimik... Nasa ganoong posisyon si Luna nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Anak?” tawag ni Nanay Rina, mahina ang tinig. Mabilis na tumayo si Luna, pinunasan ang mga mata kahit wala namang luhang dumaloy. Tinakpan din niya agad ng kumot ang test kit sa kama. “G-Gising ka na pala, Nay,” mahinang sabi niya. Tumango lang si Nanay Rina habang naupo sa gilid ng papag. Halatang pagod pa rin. “Nagpahinga lang ako saglit. Kumain ka na ba?” “Opo,” pagsisinungaling niya. “Sigurado ka? Pero bakit maputla ka? Baka napagod ka na naman sa pag-aapply?” anang Nanay Rina na baka ang pag-aalala sa tinig. “Medyo lang po. Umikot po kasi ako sa Makati kanina. Pinuntahan ko po ang lahat ng pwedeng apply-an.” Nagpakawala ng mahinang buntong-hininga si Nanay saka masuyong. “Hayaan mo anak… makakahanap ka rin. Mahal ka ng Diyos. Hindi ka Niya pababayaan.” Napakagat si Luna sa labi matapos niyang marinig iyon. Pilit niyang pinigil ang pangingilid ng luha dahil ayaw niyang mahalata ng kanyang nanay na may mabigat siyang pinagdadaanan. “Kung alam mo lang, Nay…” anang Luna habang nakatingin sa kanyang ina. Kung alam lang nito na may anim na linggong buhay na sa loob ng tiyan niya—bunga ng isang gabing pagkakamali sa piling ng taong ni hindi niya halos kilala pero kinasusuklaman niya. ——— Kinagabihan, habang mahimbing ang tulog ni Nanay Rina, bumangon si Luna at muling kinuha ang test kit mula sa ilalim ng unan. Sa liwanag ng malamlam na bumbilya ng lampshade sa tabi ng kama, tinitigan niya ang test kit na para bang naghihintay ng himala na magbago pa iyon. Pero hindi nagbago ang resulta. Dalawang linya pa rin. Isang malinaw na sagot na may sanggol sa sinapupunan niya. Hindi niya ito hiningi pero nandoon na. At sa gitna ng katahimikan, habang pinipigilan ni Luna ang bawat hikbi, isang pangako ang binuo niya sa sarili. "Hindi ko 'to pababayaan. Kahit mahirap. Kahit mag-isa lang ako." ——— Lumipas ang mga araw, parang naging robot si Luna. Gumigising nang maaga, naghahain ng almusal, umaalis para mag-apply ng trabaho sa ospital, clinic, o kahit sa call center. Lahat sinusubukan niya. Pero sa bawat hakbang, may dalang bigat. Sa bawat ngiti, may pilit. Wala pa siyang sinasabihan ng mabigat niyang dinadala. Hindi ang kanyang Nanay Rina, hindi rin si Kate. Dahil pilit pa rin niyang dini-deny sa kanyang sarili ang lahat, at alam niyang pag May nakaalam, magiging totoo ang lahat. Gabi-gabi, hinihimas ni Luna ang tiyan niya—flat pa rin pero alam niyang may nabubuo na sa loob. Isang buhay. Isang lihim. Isang sanggol na bunga ng isang trahedya. At sa bawat dampi ng palad niya, isang tanong ang paulit-ulit sa isip niya, "Paano kung kamukha siya ng ama niya?" Minsan, bigla na lang siyang nilalamon ng alaala ng gabing iyon. Hindi malinaw. Hindi eksaktong imahe. Pero naririnig niya ang sarili niyang hininga. Nararamdaman niya ang lamig. Naririnig niya ang tibok ng puso niyang halos sumabog. At ang bigat ng mga kamay na humahaplos sa kan'ya. Tuwing naaalala niya ‘yon, nanginginig pa rin siya at galit, sa takot, sa pag-aalala. Pero sa gitna ng lahat, isa lang ang pinanghahawakan niya, “Hindi kasalanan ng batang ito ang nangyari.” At ang sanggol na iyon ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumaban. Kaya, sa gabing iyon, habang natutulog ang kanyang nanay, kinuha niya ang lumang notebook at nagsimulang magsulat: “Six weeks matapos ang gabing iyon, nalaman kong may munting buhay sa sinapupunan ko. Hindi ko alam kung paano, pero poprotektahan kita. Kahit pa mag-isa lang ako...”CHAPTER 10 – “Ano po’ng tawag dito, Mommy?”Napangiti si Luna habang isinara ang cellphone at lumapit sa dining table kung saan abala si Callyx sa pagsusulat gamit ang makukulay na lapis. Hawak ng bata ang isang notebook, at ginuguhit nito ang mga pabilog na pattern.“That’s called a mandala, anak,” sagot niya habang naupo sa tabi. “Ginagamit ‘yan sa therapy minsan para makatulong sa relaxation.”“Ahh, parang sa ginagawa mo sa clinic mo po?” tanong ng bata habang nilalagyan ng kulay ang gitna ng bilog.“Exactly. Art therapy ‘yon. Ang galing mo, ha.” Yumuko si Luna at hinalikan ang ulo ng anak.Anim na taong gulang na si Callyx.Parang kailan lang, inihiwa siya ng sakit sa ospital habang pinipilit niyang iluwal ang batang hindi niya pinangarap pero buong puso niyang tinanggap. At ngayon, heto ito—matanong, malambing, at nakakagulat minsan sa mga salitang binibitawan.May mga araw na parang ordinaryo lang ang lahat. Homework. Breakfast. Kwentuhan. Pero paminsan-minsan, may tanong na bi
CHAPTER 9 – Makulimlim ang langit nang unang sumakit ang tiyan ni Luna.Alas-nuwebe ng umaga, nasa wellness clinic siya at abala sa pag-aasikaso ng mga pasyenteng papasok. Nakaupo siya sa front desk habang sinasaayos ang forms nang bigla siyang napahawak sa balakang, parang may pumipisil sa loob, mahigpit at matalim.“Luna? Okay ka lang ba?” tanong agad ng head nurse na si Ate Gemma, lumapit at nilapag ang clipboard sa mesa.Nagpilit siyang ngumiti. “Okay lang po… baka napagod lang po ako sa pag-akyat kanina.”Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, muling bumalot ang kirot—mas matagal, mas malalim. Napakapit siya sa desk, at sa ilalim ng mesa, ramdam niya ang mainit na likidong pumatak sa hita niya.“Luna, pumutok na ang panindigan mo!, sabi ni Ate Gemma, agad lumapit. “You’re in labor. Kailangan ka nang isugod sa ospital.”Sa ambulansyang sinakyan nila, nakaupo si Luna sa stretcher habang si Nanay Rina ay nasa tabi niya, mahigpit ang kapit sa kamay ng anak.“Ako na ang kasama mo, ana
CHAPTER 8 – “Sigurado ka ba talaga, anak?”Tahimik si Luna habang nakatitig sa tasa ng kape sa harap niya. Nasa maliit silang lamesa sa kusina. Maaga pa, halos hindi pa umaabot sa alas-siyete ng umaga. Ang liwanag ng araw ay bahagya pa lang sumisilip mula sa bintana. Ngunit sa pagitan nilang mag-ina, mabigat na ang hangin.“Opo,” sagot niya nang mahina, hindi tumitingin kay Nanay Rina. “Gusto ko pong umalis… magsimula ulit. Malayo sa Maynila. Malayo sa lahat.”Walang agad na tugon. Tanging tunog ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ang maririnig sa kusina. Si Nanay Rina, tahimik lang sa kabila ng malinaw na pag-aalala sa mga mata. Kita sa kilos nito ang dami ng tanong sa isip, pero wala siyang binigkas ni isa.Hindi niya kinukulit ang anak. Hindi siya nagtatanong kung bakit biglang may desisyong ganito si Luna. Alam niyang may mabigat na dahilan. At kung hindi pa handang magsalita ang anak niya, hihintayin niyang kusang dumating ang sandaling iyon.Hanggang sa hindi na kinaya ni Luna a
CHAPTER 7 – Hapon na, at matamlay na naglalakad si Luna pauwi galing sa isang job interview. Katatapos lang niyang mananghalian pero nanlalambot na naman ang pakiramdam niya. Biglang sumakit ang sikmura niya, hindi dahil sa gutom, kundi sa panibagong hilo na tila sumusugod nang walang paalam. Huminto siya sa gilid ng daan. Pinikit niya ang mga mata habang marahang hinagod ang tiyan. “Please, not now…” bulong niya sa sarili, pawisan kahit malamig ang simoy ng hangin. "Hindi ka pwedeng magkasakit… hindi ngayon." Pero ilang linggo na rin siyang ganito. Ilang umaga na ang sinimulan niya sa pagsusuka. Ilang gabi na ang dumaan na hindi niya maubos ang hapunan. Hindi na ito normal. Hindi na ito basta pagod lang. Anim na linggo na ang lumipas simula nang gabing ‘yon sa Blackwell Grand Hotel. Anim na linggo ng katahimikan. Anim na linggo ng pag-pilit kalimutan. Anim na linggo ng panalangin—na sana, sana hindi ito ‘yon. ——— Pagdating sa bahay, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si N
CHAPTER 6 —Mainit ang sikat ng araw, pero ang puso ni Luna, tila ba nagyeyelo sa lamig.Nakatayo siya sa gitna ng field ng kanilang university, suot ang itim na toga, may medalya sa leeg, at may bitbit na bouquet ng bulaklak mula sa best friend niyang si Kate. Palakpakan, tawanan, at hiyawan ng mga magulang at kaibigan ang maririnig sa paligid. Pero ang ngiti sa labi ni Luna ay hindi man lang umaabot sa mga mata.Ilang araw pa lang ang lumipas mula noong gabing iyon sa hotel. Pero pakiramdam niya, parang ibang tao na siya ngayon. Parang sa bawat hakbang niya papunta sa entablado, may bahagi ng pagkatao niya ang naiwan sa 17th floor ng Blackwell Grand Hotel.“Grabe, Luna! Ang ganda mo tingnan, promise!” bungad ni Kate, masigla at kumpleto ang make-up, pero kita sa mga mata ang pag-aalala.Napangiti si Luna ng tipid. “Thanks, Kate.”“Hoy, ikaw ha… 'wag mong sabihing hindi ka masaya? Graduate ka na, girl! Degree holder ka na!”Degree holder.Mabigat pakinggan kung ang pagbabatayan ay an
CHAPTER 5 – After the Door ClosedTulirong isinara ni Luna ang pinto nang marahan, halos walang ingay. Hawak niya ang tray na walang laman, at sa ilalim ng madilim ng hallway, hindi na niya alam kung saan siya dadaan.bAng ilaw sa corridor ng 17th floor ay malabo, naninilaw, at para bang mas malamlam kaysa dati.Dahan-dahan siyang naglakad. Mabagal. Hindi dahil sa pagod— kundi dahil sa nararamdaman niyang may kung anong nasira sa loob niya, parang may nabasag na hindi na kaya pang ibalik.Pagdating sa staff elevator, halos hindi niya makita ang button sa panel. Nanginginig ang daliri niya habang pinipindot ang "G" para sa ground floor. Pagpasok niya, agad siyang napasandal sa likod. Ang tray ay nalaglag sa sahig pero hindi niya pinulot.Napapikit si Luna. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagsasalita. Pero ang dibdib niya’y para bang sasabog. Ang sikmura niya’y parang babaliktad. At ang balat niya—parang pinipiga ng malamig na hangin.Naramdaman niyang may kung anong bumagsak sa loob