Home / Romance / Six Weeks After Midnight / CHAPTER 8: “A Choice To Disappear.”

Share

CHAPTER 8: “A Choice To Disappear.”

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-07-17 11:58:58

CHAPTER 8 –

“Sigurado ka ba talaga, anak?”

Tahimik si Luna habang nakatitig sa tasa ng kape sa harap niya. Nasa maliit silang lamesa sa kusina. Maaga pa, halos hindi pa umaabot sa alas-siyete ng umaga. Ang liwanag ng araw ay bahagya pa lang sumisilip mula sa bintana. Ngunit sa pagitan nilang mag-ina, mabigat na ang hangin.

“Opo,” sagot niya nang mahina, hindi tumitingin kay Nanay Rina. “Gusto ko pong umalis… magsimula ulit. Malayo sa Maynila. Malayo sa lahat.”

Walang agad na tugon. Tanging tunog ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ang maririnig sa kusina. Si Nanay Rina, tahimik lang sa kabila ng malinaw na pag-aalala sa mga mata. Kita sa kilos nito ang dami ng tanong sa isip, pero wala siyang binigkas ni isa.

Hindi niya kinukulit ang anak. Hindi siya nagtatanong kung bakit biglang may desisyong ganito si Luna. Alam niyang may mabigat na dahilan. At kung hindi pa handang magsalita ang anak niya, hihintayin niyang kusang dumating ang sandaling iyon.

Hanggang sa hindi na kinaya ni Luna a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Swerte ka sa nanay mo,Luna.inunawa ka niya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 115: "Accomplice?”

    NANG matapos ang dinner kay Cassandra, kaagad na ring umalis si Damon sa resto. Hindi na siya nagprisinta pa na ihatid ang babae dahil ayaw niyang magkaroon pa muli ng ingay sa pagitan nila. Habang nakaupo sa backseat ay nakapikit ang mga mata ni Damon. From 6AM until 9:PM, gising na gising pa rin siya dahil sa sunod-sunod na meetings, appointments, at mga papeles na kailangang pirmahan. Sa totoo lang, exhausted na siya at pagod na pagod, kaya kung p'wede lang sanang umuwi na ay ginawa na niya. Pero malaking project ang Cebu mall expansion kaya hindi niya pwedeng basta iwan iyon sa mga tauhan niya lalo pa't may malaking problema na kinahaharap ito.Ilang minuto pa lang na nakapikit si Damon nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuntong-hininga siya saka dinukot ang aparato sa bulsa ng suot niyang coat. Nang tingnan niya kung sino iyon, si Chase ang lumabas sa caller ID.“Yes?” malamig na tugon niya, halatang pagod.Sa kabilang linya, si Chase, ramdam ang kaba sa boses. “Sir Damon,

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 114: "Quiet Deals, Powder Shadows.”

    CHAPTER 114: MAINIT ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng hotel conference room nang matapos na ang halos tatlong oras na meeting ni Damon kasama ang kanyang core team. Mga papeles, blueprint, at revisions ay nakakalat pa rin sa mesa. Nakatayo siya, bahagyang nakasandal sa gilid ng lamesa, hawak ang cellphone habang pinapakinggan si Chase na nag-uulat tungkol sa latest compliance report.“Sir, the city engineer accepted the revised structural plan. But may pending pa sa environmental office. They’re asking for supporting documents.”Pinisil ni Damon ang tungki ng ilong niya. Halos isang linggo na siyang lumalaban sa technicalities. “Who has the originals?”“Unfortunately, nasa kabilang kampo, Sir. They’re holding it for cross-checking.”Sa tabi, naglinis ng lalamunan si Cassandra, na kasama pa rin bilang legal representative ng opposing side. Naka-blazer ito, prim and proper, pero ang tono ng boses niya ay mas banayad kaysa kahapon. “Damon… if you want, I can provide copies for

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 113: “First Light."

    MAAGA pa, bahagya pang madilim ang langit sa Forbes Park nang magising si Luna. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan at huni ng mga ibon ang maririnig. Hawak niya ang cellphone, nakapatong sa mesa katabi ng malamig na tasa ng kape na hindi niya naubos kagabi.Tahimik siyang nakahiga habang nakatingin sa puting kisame. Mabigat pa rin ang kanyang dibdib, pero muling niyang in-on ang cellphone hindi para muling magbasa ng mga mapanirang article kundi i-check kung may message ang asawa sa kan'ya.Pagkabukas niya ng tawag, sunod-sunod na notifications ang pumasok sa cellphone niya. Texts, chats, at maya-maya pa'y tawag mula kay Damon.Awtomatikong kumabog ang kanyang dibdib. Mariin ang pagkakahawak niya sa cellphone. Pagpindot niya ng answer button halos mapikit siya. “Hello…”“Love.” Boses ni Damon, paos, mababa, halatang galing sa puyat pero puno ng pag-aalala. “Finally. Thank God you answered.”Naramdaman ni Luna ang biglang pagsikip ng lalamunan. Hindi siya agad nakasa

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 112: “Under The Skin.”

    MALAMIG ang simoy mula sa garden, pero mainit ang dibdib ni Luna paggising kinaumagahan. Maaga pa, maaliwalas ang langit sa labas, at ang mansyon ay may amoy ng bagong timplang kape. Nakatitig siya sa telepono, nakabalandra ang dose-dosenang notification mula sa group chats at work threads, pati mga unknown numbers.Hindi pa niya ito binubuksan, kumapit muna siya sa sandalan ng upuan at humugot ng malalim na hininga. “Good morning,” bulong niya sa sarili, parang ritwal laban sa kaba. Sa may pinto, sumulpot si Callyx, bitbit ang backpack at ang paboritong dinosaur.“Mommy, can I bring two snacks? Promise I’ll share!” Kumislap ang mata nito.“Deal,” sagot ni Luna, marahang tinapik ang ulo ng anak. “And be kind to your seatmate.”Tumakbo si Callyx palabas para hanapin si Mariel. Saka pa lang binuksan ni Luna ang telepono. Naka-pin ang message ni Kate.“Bestie, breathe. I’m here. Don’t open comments. Call me when ready. 💛”Sumunod naman ang link tungkol sa blind-item page na kilala sa ma

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 111: ”CEBU SCANDAL."

    NARATING si Damon sa Mactan-Cebu International Airport bitbit ang bigat ng problema. Hindi gaya ng inaasahan niyang tatlong araw lang na business trip, mabilis niyang napagtanto na magiging mas komplikado ang lahat.Paglapag pa lang, sinalubong na siya ng abogado ng kumpanya nila, si Atty. Romero, dala ang makapal na folder ng documents.“Sir Damon,” bati nito habang inaabot ang mga papeles. “The local government discovered several inconsistencies sa environmental clearance. May signature na hindi tugma, at may missing annexes. It looks like someone forged certain approvals.”Napatingin si Damon, seryosong nakakunot ang noo. “Are you saying someone inside tampered with our papers?”“Possible, sir. And the opposing counsel is pushing for a full investigation. This could delay the expansion indefinitely if not handled properly.”Humigpit ang hawak ni Damon sa folder. Ramdam niya ang kirot ng galit sa ilalim ng kanyang dibdib. “Set a meeting with their legal team tomorrow. I want to know

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 110: "First Night.”

    MAAGA ring nagising si Damon kinabukasan, bago pa man sumikat ang araw. Nakahiga siya, nakayakap kay Luna, habang marahang humihinga ang babae sa tabi niya. Pinagmasdan niya ito sandali—ang maayos na buhok na nakalugay sa unan, ang banayad na paggalaw ng dibdib habang natutulog.Napangiti siya, at marahang hinalikan ang sentido nito. “Good morning, love,” bulong niya kahit alam niyang hindi pa ito gising.Maya-maya’y nagmulat din si Luna, medyo antok pa. “Hmm, ang aga mo.”“Couldn’t sleep,” sagot ni Damon, hinahaplos ang buhok niya. “Too many things on my mind.”Nagtaas ng kilay si Luna. “Work?”“Always,” sagot niya, pero sabay halik sa labi ng asawa. “But you come first.”Umiling si Luna, pinisil ang kamay niya. “Kaya mo ’yan. Just don’t forget na hindi ka mag-isa ngayon.”---Habang nag-aalmusal sila kasama si Callyx, tumunog ang cellphone ni Damon. Isang tawag mula kay Chase. Pinilit niyang manatiling composed, pero ramdam ni Luna na may bigat ang tawag.“Excuse me,” sabi ni Damon,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status