CHAPTER 6 —
Mainit ang sikat ng araw, pero ang puso ni Luna, tila ba nagyeyelo sa lamig. Nakatayo siya sa gitna ng field ng kanilang university, suot ang itim na toga, may medalya sa leeg, at may bitbit na bouquet ng bulaklak mula sa best friend niyang si Kate. Palakpakan, tawanan, at hiyawan ng mga magulang at kaibigan ang maririnig sa paligid. Pero ang ngiti sa labi ni Luna ay hindi man lang umaabot sa mga mata. Ilang araw pa lang ang lumipas mula noong gabing iyon sa hotel. Pero pakiramdam niya, parang ibang tao na siya ngayon. Parang sa bawat hakbang niya papunta sa entablado, may bahagi ng pagkatao niya ang naiwan sa 17th floor ng Blackwell Grand Hotel. “Grabe, Luna! Ang ganda mo tingnan, promise!” bungad ni Kate, masigla at kumpleto ang make-up, pero kita sa mga mata ang pag-aalala. Napangiti si Luna ng tipid. “Thanks, Kate.” “Hoy, ikaw ha… 'wag mong sabihing hindi ka masaya? Graduate ka na, girl! Degree holder ka na!” Degree holder. Mabigat pakinggan kung ang pagbabatayan ay ang antas ng pinag-aralan. Pero bakit pakiramdam niya, napakababa niya? “Ako ka ba? Masaya naman ako 'no?” napipilitan niyang sagot sabay ngumiti ng peke. Ni hindi rin siya makatingin sa mga mata ng bestfriend niya dahil natatakot siyang mahalata nito na May pinagdadaanan siya. Kate raised an eyebrow. “Hindi mo ako maloloko, bes. Yes, you’re smiling, pero iba yung aura mo ngayon. Something’s off.” “Pagod lang siguro,” palusot niya. Kate narrowed her eyes, tila nagdududa. “You sure? Kasi kung may nanakit sa’yo—” “Wala,” mabilis na sagot ni Luna. Hindi niya kayang magsalita pa. Hindi niya kayang ikwento ang nangyari. Hindi niya kayang isabuhay muli ang eksenang pilit niyang nililibing araw-araw. Ang totoo, kahit sa sarili niya, hindi niya pa rin matanggap ang nangyari. “Okay, sabi mo eh,” sagot na lang ni Kate. “Lika, pa-picture tayo para May remembrance,” anyaya pa nito sabay hila sa braso niya. “Sige.” Iyon na lang ang isinagot ni Luna sa kanyang kaibigan saka nagpatianod na lang. Wala na siyang lakas pa para makipagtalo. Pakiramdam kasi niya ay pagod na pagod siya— hindi lang sa katawan, lalong-lalo na sa isipan. ——— Pagkatapos ng seremonya, sinalubong siya ni Nanay Rina, suot ang simpleng blouse at maong na pantalon, halatang pagod pero labot-tenga ang ngiti. “Anak! Ang ganda-ganda mo sa toga!” bulalas ni Nanay Rina saka niyakap ang anak . “Sa wakas, Luna. Graduate ka na. Salamat sa Diyos…” maluha-luha pang dagdag nito. Napasinghap si Luna habang yakap siya ng ina. Iba ang pakiramdam niya. Mainit, payapa. At kasabay ng pagyakap na iyon, bumagsak ang lahat ng emosyon na pilit niyang kinikimkim. Pero hindi siya umiyak, sa halip ay ngumiti siya. Yumakap siya pabalik sa kanyang Nanay Rina. At paulit-ulit niyang inuukilkil sa kanyang isipan na may nahihintay sa kanyang bukas, kahit hindi pa siya handa... ——— Samantala, sa kabilang dako ng Metro Manila, sa loob ng sleek, glass-walled office ng Blackwell Tower, tahimik na nakaupo si Damon Blackwell, nakatutok sa mga headline na ipiniprisinta sa kanya ng secretary niyang si Chase Yu. “Media damage control is underway,” sabi ni Chase, nag-i-scroll sa tablet. “We’ve issued a statement blaming exhaustion, stress, and a high-pressure environment.” Damon didn’t look up. “And the board?” “They’re quiet for now. Marcus tried to stir the noise, but we shut it down, Sir Damon.” Tahimik si Damon. Nakatitig lang sa screen ng laptop sa harap niya, pero hindi talaga nagbabasa. Wala sa mga report ang hinahanap niya. Wala sa mga press releases ang sagot. Kahit ilang beses pa niyang ulitin sa isip ang mga gabing iyon, isang butil lang ang naaalala niya—isang sigaw. Isang mukha na hindi niya matukoy. Isang sandaling puno ng kung ano... Guilt, maybe? Pero walang pangalan. Walang detalye. At sa panahong iyon, mas pinili niyang wag na lang alalahanin. “Make it disappear, Chase,” utos niya. “All of it.” Tumango si Chase. “Already working on it, Sir Damon.” ——— Kinagabihan, tahimik na kumakain si Luna at si Nanay Rina sa maliit nilang apartment. Sinigang na baboy, pansit-bihon, at ilang piraso ng pritong lumpia. Celebration daw, ayon kay Nanay. Simpleng salu-salo lang, pero hindi na kailangan na bongga dahil ang mahalaga, naka-graduate na siya. “May naipon ako, Nay,” wika ni Luna, halos pabulong. “Para po may panggastos ako sa requirements at pamasahe habang naghahanap ng trabaho.” “Totoo ba ‘yan, anak?” sabi ni Nanay, gulat. “Akala ko may utang ka pa sa tuition?” “Bayad na po,” tipid na sagot niya. Hindi na siya nagdagdag pa ng sasabihin. Hindi niya binanggit kung saan galing ang pera. Hindi niya ikinuwento kung paano niya iyon nakuha. At wala na siyang ibang sinabi pa bukod sa salitang iyon. Si Nanay Rina naman, dahil sa sobrang tuwa, hindi na rin nag-usisa pa. Malaki ang tiwala siya sa anak kaya alam niyang maraming paraan ito para magkapera sa mabuting paraan. KINAGABIHAN, habang nakahiga sa kama, tahimik lang si Luna habang nakatingala sa kisame. Sa tabi niya, marahang humihilik si Nanay Rina, pagod mula sa maghapong trabaho. Sa loob ng silid, tahimik ang lahat—pero sa puso niya, para bang may matinding unos. Naiisip niya, dapat masaya siya dahil graduate na siya. May diploma, may pagkakataon nang magsimula ulit. Pero bakit parang may pader sa pagitan ng bawat tagumpay? Parang lahat ng hakbang niya ay binabayaran ng kapalit na hindi niya hinihingi. Mahigpit niyang niyakap ang sarili pero nanatili siyang walang kibo. At sa katahimikan ng gabi, nagpasya si Luna. Hindi siya pwedeng magpatalo sa lugmok habambuhay. Sa ngayon, kailangan siya ng kanyang nanay kaya kailangan niyang maging matatag sa kabila ng lahat. Pero hindi pa rin maiwasang tanungin ni Luna ang sarili. Bakit siya? Kasalanan ba niya? Kasalanan ni Ms. Ella? O kasalanan ng hayop na si Damon Blackwell? Hindi niya alam kung kanino siya dapat magalit—kay Damon Blackwell, sa sarili niya, o sa kapalaran na tila pinaglalaruan lang siya. Hindi niya alam kung kailan siya muling hihinga nang maluwang, o kung kailan muling magiging totoo ang ngiti niya. Ang alam lang niya, kailangan niyang magpakatatag para sa kanyang Nanay Rina. Napalingon siya sa nanay niya, mahimbing na natutulog, may munting ngiti pa sa labi habang yakap ang maliit na kumot. Hindi nito alam. Wala itong ideya sa bangungot na kinakaharap ng anak nito. At si Luna, sa kabila ng lahat, ay piniling manatiling tahimik. Hindi dahil mahina siya, kundi dahil alam niyang kung magsasalita siya, tuluyan nang magigiba ang mundo nilang mag-ina. KINABUKASAN, maagang nagising si Luna. Wala pa ang araw, pero gising na ang isip niya. Tahimik siyang nagluto ng almusal—isang routine na paulit-ulit, para lang maramdaman niyang normal siya. Habang nagtitimpla ng mainit na kape, isang desisyon ang nabuo ni Luna. Bukas na bukas din ay maghahanap siya ng trabaho dahil balak niyang pumasok sa medical school at ituloy ang kurso sa pagiging Psychiatrist. At kaya naman napili ni Luna ang kursong ito ay dahil sa kanyang yumaong ama. Nakita niya kasi kung paano ito nawalan ng bait matapos malugi ang small business ng kanilang pamilya. Na naging dahilan para maaksidente ito sa kalye habang nagmamaneho. Walang ibang pagpipilian si Luna kundi ang magpatuloy. Magpanggap. Mabuhay. Kahit pakiramdam niya, wala nang natirang bahagi sa sarili niya na buo... At habang unti-unting sumisikat ang araw sa silangan, walang nakapansin na sa mata ni Luna, may lungkot na hindi maipinta—at sa puso niya, may binhi ng sakit na unti-unting mamumuladkad...CHAPTER 10 – “Ano po’ng tawag dito, Mommy?”Napangiti si Luna habang isinara ang cellphone at lumapit sa dining table kung saan abala si Callyx sa pagsusulat gamit ang makukulay na lapis. Hawak ng bata ang isang notebook, at ginuguhit nito ang mga pabilog na pattern.“That’s called a mandala, anak,” sagot niya habang naupo sa tabi. “Ginagamit ‘yan sa therapy minsan para makatulong sa relaxation.”“Ahh, parang sa ginagawa mo sa clinic mo po?” tanong ng bata habang nilalagyan ng kulay ang gitna ng bilog.“Exactly. Art therapy ‘yon. Ang galing mo, ha.” Yumuko si Luna at hinalikan ang ulo ng anak.Anim na taong gulang na si Callyx.Parang kailan lang, inihiwa siya ng sakit sa ospital habang pinipilit niyang iluwal ang batang hindi niya pinangarap pero buong puso niyang tinanggap. At ngayon, heto ito—matanong, malambing, at nakakagulat minsan sa mga salitang binibitawan.May mga araw na parang ordinaryo lang ang lahat. Homework. Breakfast. Kwentuhan. Pero paminsan-minsan, may tanong na bi
CHAPTER 9 – Makulimlim ang langit nang unang sumakit ang tiyan ni Luna.Alas-nuwebe ng umaga, nasa wellness clinic siya at abala sa pag-aasikaso ng mga pasyenteng papasok. Nakaupo siya sa front desk habang sinasaayos ang forms nang bigla siyang napahawak sa balakang, parang may pumipisil sa loob, mahigpit at matalim.“Luna? Okay ka lang ba?” tanong agad ng head nurse na si Ate Gemma, lumapit at nilapag ang clipboard sa mesa.Nagpilit siyang ngumiti. “Okay lang po… baka napagod lang po ako sa pag-akyat kanina.”Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, muling bumalot ang kirot—mas matagal, mas malalim. Napakapit siya sa desk, at sa ilalim ng mesa, ramdam niya ang mainit na likidong pumatak sa hita niya.“Luna, pumutok na ang panindigan mo!, sabi ni Ate Gemma, agad lumapit. “You’re in labor. Kailangan ka nang isugod sa ospital.”Sa ambulansyang sinakyan nila, nakaupo si Luna sa stretcher habang si Nanay Rina ay nasa tabi niya, mahigpit ang kapit sa kamay ng anak.“Ako na ang kasama mo, ana
CHAPTER 8 – “Sigurado ka ba talaga, anak?”Tahimik si Luna habang nakatitig sa tasa ng kape sa harap niya. Nasa maliit silang lamesa sa kusina. Maaga pa, halos hindi pa umaabot sa alas-siyete ng umaga. Ang liwanag ng araw ay bahagya pa lang sumisilip mula sa bintana. Ngunit sa pagitan nilang mag-ina, mabigat na ang hangin.“Opo,” sagot niya nang mahina, hindi tumitingin kay Nanay Rina. “Gusto ko pong umalis… magsimula ulit. Malayo sa Maynila. Malayo sa lahat.”Walang agad na tugon. Tanging tunog ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ang maririnig sa kusina. Si Nanay Rina, tahimik lang sa kabila ng malinaw na pag-aalala sa mga mata. Kita sa kilos nito ang dami ng tanong sa isip, pero wala siyang binigkas ni isa.Hindi niya kinukulit ang anak. Hindi siya nagtatanong kung bakit biglang may desisyong ganito si Luna. Alam niyang may mabigat na dahilan. At kung hindi pa handang magsalita ang anak niya, hihintayin niyang kusang dumating ang sandaling iyon.Hanggang sa hindi na kinaya ni Luna a
CHAPTER 7 – Hapon na, at matamlay na naglalakad si Luna pauwi galing sa isang job interview. Katatapos lang niyang mananghalian pero nanlalambot na naman ang pakiramdam niya. Biglang sumakit ang sikmura niya, hindi dahil sa gutom, kundi sa panibagong hilo na tila sumusugod nang walang paalam. Huminto siya sa gilid ng daan. Pinikit niya ang mga mata habang marahang hinagod ang tiyan. “Please, not now…” bulong niya sa sarili, pawisan kahit malamig ang simoy ng hangin. "Hindi ka pwedeng magkasakit… hindi ngayon." Pero ilang linggo na rin siyang ganito. Ilang umaga na ang sinimulan niya sa pagsusuka. Ilang gabi na ang dumaan na hindi niya maubos ang hapunan. Hindi na ito normal. Hindi na ito basta pagod lang. Anim na linggo na ang lumipas simula nang gabing ‘yon sa Blackwell Grand Hotel. Anim na linggo ng katahimikan. Anim na linggo ng pag-pilit kalimutan. Anim na linggo ng panalangin—na sana, sana hindi ito ‘yon. ——— Pagdating sa bahay, nadatnan niyang mahimbing na natutulog si N
CHAPTER 6 —Mainit ang sikat ng araw, pero ang puso ni Luna, tila ba nagyeyelo sa lamig.Nakatayo siya sa gitna ng field ng kanilang university, suot ang itim na toga, may medalya sa leeg, at may bitbit na bouquet ng bulaklak mula sa best friend niyang si Kate. Palakpakan, tawanan, at hiyawan ng mga magulang at kaibigan ang maririnig sa paligid. Pero ang ngiti sa labi ni Luna ay hindi man lang umaabot sa mga mata.Ilang araw pa lang ang lumipas mula noong gabing iyon sa hotel. Pero pakiramdam niya, parang ibang tao na siya ngayon. Parang sa bawat hakbang niya papunta sa entablado, may bahagi ng pagkatao niya ang naiwan sa 17th floor ng Blackwell Grand Hotel.“Grabe, Luna! Ang ganda mo tingnan, promise!” bungad ni Kate, masigla at kumpleto ang make-up, pero kita sa mga mata ang pag-aalala.Napangiti si Luna ng tipid. “Thanks, Kate.”“Hoy, ikaw ha… 'wag mong sabihing hindi ka masaya? Graduate ka na, girl! Degree holder ka na!”Degree holder.Mabigat pakinggan kung ang pagbabatayan ay an
CHAPTER 5 – After the Door ClosedTulirong isinara ni Luna ang pinto nang marahan, halos walang ingay. Hawak niya ang tray na walang laman, at sa ilalim ng madilim ng hallway, hindi na niya alam kung saan siya dadaan.bAng ilaw sa corridor ng 17th floor ay malabo, naninilaw, at para bang mas malamlam kaysa dati.Dahan-dahan siyang naglakad. Mabagal. Hindi dahil sa pagod— kundi dahil sa nararamdaman niyang may kung anong nasira sa loob niya, parang may nabasag na hindi na kaya pang ibalik.Pagdating sa staff elevator, halos hindi niya makita ang button sa panel. Nanginginig ang daliri niya habang pinipindot ang "G" para sa ground floor. Pagpasok niya, agad siyang napasandal sa likod. Ang tray ay nalaglag sa sahig pero hindi niya pinulot.Napapikit si Luna. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagsasalita. Pero ang dibdib niya’y para bang sasabog. Ang sikmura niya’y parang babaliktad. At ang balat niya—parang pinipiga ng malamig na hangin.Naramdaman niyang may kung anong bumagsak sa loob