Share

Chapter 10

Dorco's Pov

"Ano? May pinatay si Desmon na miyembro ng ating pack?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong ko kay Arkin na aking kanang kamay. Si Desmon ay ang bagong alpha ng Golden Wolf clan at mortal na kaasay ng aming Silver Wolf clan. Gusto ko siyang patayin para ako na ang mamuno sa kanyang pack. Ako na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang alpha ng aming lahi.

"Opo, Alpha Dorco. Hindi sinasadyang nakita namin sa kagubatan ang katawan ni Allou na pinag-aagawan ng mga hayop. Nang suriin namin ang katawan niya ay natuklasan namin na wala na siyang puso. Dinukot ang kanyang puso at alam naman natin kung sino lamang ang nilalang na may kakayahang gumawa ng ganoong kalupit na pagpatay. Tanging si Alpha Desmon lamang ay nakakagawa niyon," paliwanag sa akin ni Arkin.

Sa tindi ng galit ko ay itinapon ko ang mesang nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa pinatay ni Desmon na miyembro ng aking pack dahil kinaiinisan ko rin namam si Alloy na anak ng aking beta. Palagi niya ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status