Savina's Pov
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Savina?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Julie. Nang mahimatay ako matapos kong makita ang ginawang pagpatay sa mga magulang ko ng Alpha ng Golden Wolf clan ay natagpuan ako ni Julie na wala pa ring malay at nakahiga sa damuhan. Nasa kagubatan kasi ito kasama ang kanyang ama at nangunguha raw ng panggatong nang makita nila ako. Kaagad nila aking dinala sa bahay nila at magmula nang araw na iyon ay dito na ako tumira sa kanila.
"Kahit paano ay okay na ang pakiramdam ko, Julie. Salamat sa concern mo," nahihiyang sagot ko sa kanya. Ayokong maging pabigat sa kanya at sa mga magulang niya kaya kahit gusto kong magmukmok at umiyak sa isang tabi ay pilit kong inayos ang aking sarili. Kailangan kong magpakatatag. Walang mangyayari sa akin kung patuloy akong magluluksa at ang magpapakahina-hina. Hindi ko magagawang makapaghiganti kung isa akong mahinang babae.
"Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin sa gubat para manguha ng mga tuyong sanga na panggatong para naman malibang ka," suhestiyon ni Julie. Mabilis akong tumango sa kanya. Nakatira ako sa bahay nila kaya kailangan kong tumulong sa mga gawaing bahay. Nakakahiya kung wala akong gagawin habang ang buong pamilya ni Julie ay busy sa pagtatrabaho.
"Tutulungan kitang manguha ng mga panggatong," sabi ko sa kanya. Ngumiti si Julie at tumango sa akin. Magkasama kaming nagpunta sa gubat para mamulot ng mga tuyong sanga ng kahoy na naglaglagan sa lupa.
"Ano na ang balak mo ngayon, Savina?" tanong sa akin ni Julie habang naglalakad kami sa gubat. "Balak mo ba na ipaghiganti ang nangyari sa mga pamilya mo?"
"Oo, Julie. Magpapalakas ako at mag-aaral ng mabuti sa paggamit ng aming kapangyarihan nang sa gayon kapag kaya ko nang laban ang Golden Wolf Clan ay maigaganti ko na sa kanila ang sinapit ng aking pamilya at clan members," sagot ko habang nakakuyom ang isa kong kamao. Hindi na ako makapaghintay na makapaghiganti sa mga masasamng taong-lobo na nagwasak sa aking pamilya.
"Paano mo naman magagawa iyon kung nag-iisa ka lamang?" nag-aalalang tanong ni Julie.
"Huwag mo na akong alalahain, Julie. Kapag malakas na ang kapangyarihan ko ay makakaya ko silang talunin kahit mag-isa lamang ako," puno ng kumpiyansa sa sarili na tugon ko sa kanya.
Akmang magsasalita pa sana si Julie ngunit bigla siyang natigilan nang humangin ng malakas. Napatingala siya sa kalangitan at nakita ang mga ibon na nagliliparan na tila may kinakatakutan.
"Mukhang may malakas na bagyong parating, Savina. Kahit ang mga ibon ay natatakot sa bagyo," komento ni Julie habang nakatingala sa kalangitan.
"Ang mabuti pa ay umuwi na lamang tayo, Julie. Baka maabutan pa tayo ng malakas na ulan," sabi ko sa kanya. Ang totoo ay hindi malakas na bagyo ang parating kundi grupo ng mga mababangis na taong-lobo. Ngunit hindi ko na lamang ipinaalam sa kanya dahil ayokong matakot siya. Mas makabubuting bumalik na kami sa bahay nila para maiwasan namin ang makasalubong ang mga taong-lobo. Ayokong malagay sa panganib ang buhay niya nang dahil sa akin.
"Sa tingin ko ay tama ka, Savina. Mas magandang bumalik na lang tayo sa bahay. Ayokong maabutan ng ulan dito sa loob ng gubat dahil nakakatakot," sang-ayon ni Julie. Naglakad na lamang kami pabalik sa bahay nila. Marami pa namang araw kaya sa susunod na lamang kami mangunguha ng mga panggatong na kahoy.
Habang naglalakad kami pabalik sa bahay ng kaibigan ko ay bigla na lamang may malakas na hangin ang dumaan sa tabi namin na parang ipo-ipo. Sa sobrang lakas ay pareho kaming natumba ni Julie sa damuhan. Pareho kaming napapikit ng mga mata dahil pumapasok sa loob ng mga mata namin ang dumi na dala ng malakas na hangin na dumaan. Pagmulat ko ng mga mata ay nabigla ako nang makita ko sa harapan namin ang tatlong lalaki na nakatayo at nakatingin sa amin. Nagulat din si Julie sa nakita ngunit mabilis itong nakabawi ng pagkabigla. Inis na tumayo ito at nagpagpag ng mga dumi na kumapit sa suot nito pagkatapos ay matapang na hinarap ang tatlo.
"Hoy! Ano ba kayo bulag? Hindi niyo ba nakita na may mga tao sa tinatakbuhan ninyo?" galit na sita ng kaibigan ko sa tatlong lalaki.
"Hayaan mo na sila, Julie. Umalis na lamang tayo," sabi ko sa kaibigan ko. Hinawakan ko ang kanyang braso at pilit na hinihila paalis sa harapan ng tatlong lalaki.
"Bakit natin sila hahayaan, Savina? Nasaktan tayo dahil sa kanila. Parang sila ang may-ari ng gubat na ito kung makatakbo ng mabilis," inis na sagot sa akin ni Julie.
"Little Miss, magdahan-dahan ka ng iyong pananalita. Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo," kausap naman ng isa sa tatlong lalaki sa kaibigan ko. Halatado sa boses niya ang pagkainis kay Julie.
"Wala akong pakialam kung sino kayong tatlo as long as hindi kayo ang may-ari ng gubat na ito," matapang na sagot naman ni Julie habang nanlalaki ang mga mata niya sa kausap na lalaki. Akmang papatulan ng lalaki ang sinabi ng kaibigan ko ngunit mabilis itong napigilan ng kasama nitong lalaki na seryoso ang mukha.
"Huwag mo nang patulan ang babaeng iyan, Faris. May mahalaga tayong sadya kaya tayo naparito," saway nito sa kasama.
"Pero Desmon—"
"Narinig mo ang sinabi ni Desmon, Faris. Gusto mo bang maparusahan dahil sa pagsuway sa kanyang ipinag-uutos?" sabi naman ng pangatlong lalaki na seryoso rin ang mukha.
Desmon, sambit ko sa pangalan ng lalaki. Hindi ko napigilan ang aking sarili na titigan siya. Matangkad at maganda ang pangangatawan niya. Halatado na batak ang katawan niya sa exercise. Makinis ang balat niya na bahagyang namumula dahil sa pagbibilad sa araw. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi niyang nakatikom. Ang panghuli kong napansin ay ang kanyang mga mata na kulay golden brown. Pamilyar sa akin ang mga mata niya ngunit hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mga matang kagaya niya. Hindi maikakailang guwapo siya sa kabila ng pagiging seryoso ng kanyang mukha. Saglit na nagtama ang aming paningin bago mabilis siyang tumalikod sa amin at naglakad palayo. Agad namang sumunod sa kanya ang dalawang lalaki na kasama niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Parang hindi siya isang ordinaryong tao. Ang seryoso niyang anyo ay tila ba nagtatago ng kung anong hiwaga.
KASALUKUYAN akong nasa loob ng silid ni Julie na pansamantalang naging silid ko magmula nang sa bahay na nila ako tumira. Nakaupo ako ng pa-indian sit at nagko-concentrate dahil sinusubukan kong kontrolin ang dalawang baso ng tubig na nasa aking harapan. Naisip kong unahing aralin ang pag-kontrol ng mga bagay gamit lamang ang aking kamay.
May maliit na baston ang mga witch na katulad namin na ginagamit sa pagma-magic ngunit kung malakas ang aking konsentrasyon ay hindi ko na kailangang gamitin pa iyon. Saka wala rin naman akong baston dahil kasama na iyong natupok ng bahay namin. Kasalukuyang inaangat ko ang tubig mula sa baso gamit ang aking dalawang daliri nang makarinig ako ng tila komosyon sa labas. Agad kong inihinto ang aking ginagawa at nagmamadaling lumabas ng silid para alamin kung ano ang nangyayari.
"Ano ang nangyayari, Julie? Bakit tila nagpapanic ang mga tao?" tanong ko sa aking kaibigan nang makita kong nagtatakbuhan ang mga tao na tila ba takot na takot.
"Sinasalakay ng mga taong-lobo ang barangay natin, Savina. Pinapatay nila ang bawat taong makita nila!" hinatakot na wika ni Julie. "Mukhang ikaw yata ang sadya nila rito, Savina. Ang mabuti pa ay tumakas ka na bago ka pa nila mahuli."
Umiling ako sa kanya. Hindi ko sila iiwan. Walang puso ang mga taong-lobo at nag-aalala ako na baka kung ano ang gawin nila sa pamilya ni Julie. Ayokong mangyari sa pamilya niya ang ginawa ng mga taong-lobo sa aking pamilya. Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita para kontrahin ang sinabi ni Julie ay bigla na lamang dumating sa harapan namin ang lalaking nakasalubong namin sa loob ng gubat noong isang araw.
Desmon! sambit ko sa aking isip. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon kaysa noong unang beses ko siyang nakita. Mas matapang ang mukha niya ngayon kaysa noong una kaming magkita na kalmado lamang siya. Tama ang aking hinala na hindi siya isang normal na tao. At kaya pala pamilyar sa akin ang kanyang mga mata dahil isa pala siyang taong-lobo. Isa siya sa mga kinamumuhian kong nilalang.
"Kung ayaw mong masaktan ang kaibigan mo ay sumama ka na lamang ng maayos sa akin, Savina," malamig ang boses na kausap niya sa akin.
"Walang puso! Papatayin—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kanya gamit ang kanyang latigo. Pagkatapos ay pinalo ng kamay niya ang likuran ng aking leeg kaya bigla na lamang nagdilim ang aking paningin at tuluyang lumungayngay ang aking ulo.
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.