Savina's Pov
Agad akong napabalikwas ng bangon nang pagbalikan ako ng aking malay. Mabilis na pumasok sa aking alaala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Sinalakay ng mga taong-lobo sa pangunguna ni Desmon ang village na tinitirahan ng kaibigan kong si Julie. Walang awang pinagpapapatay nila ang mga taong makita at makasalubong nila. Like father like son. Katulad din siya ng kanyang ama. Malupit at walang puso.
"Ang sarap ng tulog mo, Savina. Ang tagal mo kasing nagising. Kanina pa ako nakaupo rito at hinihintay kang magising ngunit ngayon ka lang gumising," kausap sa akin ng pamilyar na boses.
Nilingon ko ang lalaking nagsalita at nakita kong nakaupo si Desmon sa gilid ng kama sa may ulunan. Hindi ko napansin na may tao pala sa aking tabi. Mali ako. Dahil hindi pala tao kundi hayop pala ang nasa tabi ko. Dahil maliban sa isa siyang taong-lobo ay asal hayop din ang kanyang pag-uugali.
Nagmamadali akong tumayo para lumabas sa silid na aking kinaroroonan ngunit mabilis akong naabutan ni Desmon at mahigpit na hinawakan ang aking magkabilang braso.
"Walang hiya ka! Mamamatay tao! Walang puso! Bitiwan mo ako!"galit na galit na sigaw ko sa kanya. Pilit akong nagwala para makakawala ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking mga braso. Ngunit tila kadena sa tibay ang mga kamay niya kaya wala akong nagawa kundi titigan na lamang siya ng nakamamatay na tingin. Kung nakamamatay lamang ang matalim na tingin ay tumimbuwang si Desmon sa aking harapan.
"At bakit naman kita bibitawan? Para makaalis ka? Kahit gustuhin mong umalis ay hindi ka makakaalis dahil nasa teritoryo kita. At magmula ngayon ay dito ka na mananatili at para maging utusan ko," nakangising sagot sa akin ni Desmon. Lalong nadagdagan ang galit ko sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya.
"Mga walang puso! Mga walang kaluluwa! Pareho lang kayo ng ama mo na maiitim ang budhi! Isinusumpa ko na kapag magkaroon ako ng pagkakataon ay papatayin ko kayong dalawa! Ipaghihiganti ko ang ginawa ninyo sa pamilya ko at sa mga taong pinatay ninyo!" nanlilisik sa galit ang aking mga mata na sigaw ko kay Desmon.
Bigla namang dumilim ang mukha ni Desmon at pagkatapos ay itinulak ako sa ibabaw ng kama at dinaganan ng kanyang katawan.
"Paano mo magagawa iyan kung ganito ka kahina? Gawin mo iyan kung malakas ka na. Kung sapat na iyong kapangyarihan bilang isang Canary Witch para labanan kami. Pero sa ngayon ay tanggapin mo na lang muna na magiging alipin kita," mariing sabi ni Desmon habang mahigpit ang pagkakadiin ng mga kamay niya sa aking dalawang braso. Inilayo ko sa kanyang mukha ang aking mukha dahil naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Ngunit kahit mabango pa iyon ay ayokong maamoy dahil kinamumuhian ko ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. Tungkol sa kanilang mga taong-lobo.
Gusto kong umiyak nang mga sandaling ito. Gusto kong maawa sa aking sarili. Paano ko nga naman maipaghihiganti ang aking pamilya kung mahina ako? Kung wala akong sapat na kapangyarihan para labanan sila? Labis talaga ang aking pagsisisi kung bakit hindi ko sinunod ang kagustuhan ng aking ina na matuto akong gumamit ng kapangyarihan naming mga witches.
"Hindi ko man magawa ngayon ay sinisigurado ko sa'yo na balang-araw ay maipaghihiganti ko rin ang sinapit ng aking angkan at iba pang mga tao na pinatay ninyong mag-ama," mariin at matapang ang boses na sagot ko sa kanya. Hindi ako iiyak. Hindi ko ipapakita sa taong-lobong ito na tama siya. Na isa nga akong mahinang Canary witch.
Naningkit ang mga mata ni Desmon ngunit hindi na nagkomento sa aking mga sinabi sa halip ay umalis siya sa pagkakadagan sa akin at tumayo.
"Ayusin mo ang sarili mo, Savina. May papasok dito na isang babae at siyang magtuturo ng mga dapat mong gawin. Tandaan mo na ikaw ay aking alipin magmula sa araw na ito. Hindi ka isang witch. At lalong hindi ka witch na mula sa angkan ng Canary Clan. Naiintindihan mo?" mariing bilin niya sa akin. Tinitigan ko lamang siya ng masama at hindi ko sinagot ang kanyang sinabi. "At kapag tinawag kita ay agad kang lalapit sa akin kahit ano pa iyang ginagawa mo at susundin mo ang lahat ng mga ipag-uutos ko sa'yo."
"Hindi mo ako alipin! Patayin mo na lamang ako kung gusto mo ngunit hindi ko susundin ang ipinag-uutos mo sa akin!" matapang kong sigaw sa kanya. Hindi ako natatakot sa maaari niyang gawin sa akin. Kung gusto niyang patayin ako ay gawin niya. Mabuti nga iyon para muki kaming magkakasama ng aking mga magulang at kapatid.
Hindi nagustuhan ni Desmon ang ginawa kong pagsagot sa kanya kaya bigla siyang napalapit sa akin at mariing hinawakan ang pisngi. "Ayoko sa lahat ay iyong sinasagot-sagot ako. Kaya kung ayaw mong masaktan ay sundin mo na lamang ang mga ipag-uutos at ipagagawa ko sa'yo."
Matapang na sinalubong ko ang kanyang tingin. "Sa tingin mo ay natatakot ako sa'yo? Wala akong pakialam kung saktan mo man ako, Desmon. Ngunit uulitin ko ang sinabi ko sa'yo. Hindi ko susundin ang ipag-uutos mo at hindi mo ako alipin!"
Tila mauubusan ng pasensiya na binitawan ni Desmon ang aking mukha pagkatapos ay naglakad papunta sa pintuan. Binuksan nito ang pintuan ngunit hindi agad lumabas sa halip ay nilingon niya ako.
"Alam ko na hindi ka natatakot sa akin at hindi ka natatakot na saktan kita. Pero siguro naman ay matatakot sa akin ang kaibigan mong purong tao na si Julie kasama ang pamilya niya," makahulugang sabi ni Desmon sa akin.
"Ano ang ginawa mo sa kaibigan ko at sa pamilya niya? Nasaan sila? Ano ang ginawa mo sa kanila?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. "Wala kang puso Desmon! Ako na lamang ang saktan mo at huwag mo nang idamay ang ibang tao! Wala silang kasalanan sa'yo!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Kung gusto mo na manatili silang ligtas ay sundin mo lamang ang lahat ng mga ipag-uutos ko sa'yo," ani Desmon na may bahagyang ngiti sa mga labi. Natitiyak nito na susundin ko ang lahat ng gusto niya dahil may hawak siyang kahinaan ko.
"Nasaan sila, Desmon? Nasaan sila?" sigaw ko sa kanya ngunit mabilis na niyang isinarado ang pintuan. Nagpupuyos ang aking kalooban at hindi ko na napigilan ang aking sarili. Bigla na lamang akong napaiyak ng malakas. Kasalanan ko ang lahat. Idinamay ko pa ang pamilya ni Julie sa gulong ito. "I hate you, Desmon! Ipinapangako ko na balang-araw ay mapapatay ko kayo ng walang puso mong ama," pangako ko sa aking sarili habang nakakuyom ang aking mga kamao.
Pagkaalis ni Alpha Desmon ay pumasok naman sa silid na kinaroroonan ko ang isang babae na sa tingin ko ay isa sa mga alipin nito. Masama ang pagkakatingin niya sa akin. Hindi ako nakaramdam ng panliliit sa harapan niya sa halip ay nakataas ang noo na sinalubong ko ang kanyang paningin.
"Hindi ko alam kung bakit iniligtas pa ni Alpha Desmon ang isang walang kuwentang witch na katulad mo," nakasimangot na kausap niya sa akin. "At hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili niya para turuan ka sa mga dapat mong gawin dito," dugtong pa nito na lalong sumama ang tingin sa akin."Ako? Iniligtas ng inyong alpha? Baka ang ibig mong sabihin ay kinidnap ng inyong alpha dahil sapilitan lamang ang pagdadala niya sa akin dito. Dahil ayokong tumapak sa teritoryo ng mga kinamumuhian kong taong-lobo. At lalong hindi ko pinangarap na maging alipin niya," mariin ang boses na sagot ko sa kanya.Biglang lumapit sa akin ang babae at mahigpit na hinawakan ang aking braso. "Hindi mo ba alam na karangalan ng mga katulad namin ang maging alipin ng aming alpha? Kaya huwag mong minamaliit ang mga alipin na katulad ko. At kung gusto mong magtagal sa pagiging alipin ni Alpha Desmon ay maging mabait ka sa amin na mga naunang alipin niya. Naiintindihan mo?"Kung inaakala niya na matatakot ako sa kanya ay nagkakamali siya. Hindi lamang siya ang matapang sa aming dalawa. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa aking braso at sapilitang inalis sa braso ko.
"Itatak mo sa utak mo na kahit kailan ay hindi ko ginusto na maging alipin ng inyong alpha. Kinamumuhian ko ang mga katulad ninyong taong-lobo na maiitim ang puso. At kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay tatakas ako rito. Ngunit bago ako tumakas ay papatayin ko muna ang inyong alpha para maiganti ko ang ginawa niyang pagpatay sa pamilya ko," nagtatagis ang mga ngipin na sagot ko sa kanya pagkatapos ay pabiglang binitawan ko ang kanyang kamay.
Matapang ang alipin na nasa harapan ko at loyal kay Alpha Desmon kaya naman nang marinig niya ang aking sinabi ay bigla niya akong inatake. Bigla niya akong sinakal sa leeg kasabay ng pagtulak niya sa akin pasandal sa dingding.
"Ngayong sinabi mo iyan ay maaari na kitang patayin. Sasabihin ko na lamang sa aming alpha na pinagtangkaan mo ang buhay ko dahil gusto mong tumakas kaso hindi ka nagtagumpay at napatay kita. Hindi niya ako sisisihin dahil ipinagtanggol ko lamang ang aking sarili," nakangising sabi ng alipin habang nanlalaki ang mga mata at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ko.
Ngunit hindi ako papayag na mamatay sa teritoryo ng mga kinamumuhian kong taong-lobo. At lalong hindi ako papayag na sa mga kamay ng isang alipin lamang ang magwawakas ang buhay ko. Kaya inipon ko ang lakas ko at itinulak ko siya ng malakas hanggang sa siya naman ang napasandig sa dingding. At dahil malakas ang pagkakatulak ko sa kanya kaya nauntog ang ulo niya sa dinding at nabitiwan ako. Sinamantala ko ang pagkakataon para lumabas sa kuwarto at hanapin kung saan ikinulong ni Alpha Desmon ang kaibigan ko at ang pamilya niya. Dahil kung tatakas ako sa lugar na ito ay hindi ko sila iiwan.
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.