Share

Chapter 59

Savina Pov

Nagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran.

"Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status