공유

Kabanata 11

작가: twanyo
last update 최신 업데이트: 2022-07-20 09:33:47

“Auntie, payagan moa na si Kari kahit ngayon lang. It’s my birthday!” sambit ni Cade sa mommy ni Kari.

Nandito sila ngayon sa office nito sa bahay nila at pinagpapaalam siya ng mga pinsan niya para makadalo siya sa party.

“Oo nga po, auntie. It’s been a while naman na,” pagsingit naman ni Tori.

Lumingon kay Kari ang kanyang ina kaya napaiwas siya ng tingin, hindi siya kumikibo kanina pa. Syempre, gusto niyang pumunta pero ayaw niyang magsalita dahil baka lalong hindi pumayag ang mommy niya.

“Okay, just for tonight!” sabi ng mommy niya kaya nanlaki ang mata niya dahil sa gulat.

“Yay! Thank you, auntie!”

“You’re allowed until midnight, Karisma.”

Agad na kumunot ang noo niya. “What?”

“It’s okay, auntie. Thank you po,” agap ni Tori at siniko siya ng maraming beses. Nagpaalam na ang mga ito sa mommy niya bago sila lumabas at hinila siya sa kwarto niya.

“Magbihis ka na!”

She rolled her eyes. “Nakakatamad magpunta, may curfew pa rin.”

“Atleast makakapunta ka nang hindi tumatakas.”

Napabunton
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • So Eager To Please   Kabanata 23

    Walang magawa si Kari magmula nang pumasok si Tobias sa school. Kaya naman naisip niya na lang na maglinis ng konti.Hindi naman niya ginalaw ang mga gamit dahil ayaw niyang makialam, nagwalis lamang siya at pinunasan ang mga kaunting alikabok sa mga gamit.Pagod na humiga siya sa higaan ni Tobias, tumitig sa kisame. Ngayon niya lang naisip kung paano siya ime-message ng binata kung wala naman silang number ng isa’t-isa.Naaalala niya na hindi totoo ang binigay nitong number sa kanya noon, dahil doon ay lalo siyang napagalitan ng mommy niya.Hindi niya naman masisisi si Tobias dahil kahit siya ay maiinis kung may hahabol nang hahabol sa kanya. Akala niya nga ay hindi mapapalapit ang loob nito sa kanya.Agad siyang napaupo nang bumukas ang pintuan, nadismaya siya nang makitang si Joaquin ang pumasok.Nakita nito ang reaksyon niya kaya tumawa ito. “‘Wag mo naman masyadong ipahalata na dismayado ka na ako ang nakita mo, nandyan na rin si Tobi sa labas.”Mabilis siyang napangiti at tumayo

  • So Eager To Please   Kabanata 22

    Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang maglaro ng Mario Kart. Racing game iyon, dati ay kadalasan nilalaro ni Karisma iyon kasama ang mga kapatid niya. Lagi niyang kakampi dati ang kanyang Kuya Felix na magaling sa mga laro.Ngayon ay magkakampi sila ni Tobias, at kalaban nila sina Domino at Joaquin.“Hindi ko makita rito sa gilid,” saad ni Domino at umupo sa carpet, samantalang si Joaquin ay katabi niyang nakaupo roon sa couch.Umupo rin si Tobias sa tapat niya, sa pagitan ng mga binti niya. Ipinatong ng binata ang braso nito sa mga tuhod niya at sumandal sa kanya tapos ay nag-angat ng tingin kaya tinakpan niya agad ng controller ang mukha niya. Paano kung hindi pala siya maganda sa anggulo na ‘yon?“Oh, simula na,” paalala ni Domino kaya bumaling na sa screen si Tobias, hinigpitan ni Kari ang paghawak sa controller niya dahil kinakabahan siya na nae-excite.Kalmado lang ang mga kalaro niya na nakatingin sa screen, pero siguradong walang magpapatalo sa mga ito.Agad na tumahimik n

  • So Eager To Please   Kabanata 21

    Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq

  • So Eager To Please   Kabanata 20

    Tanghali na nang magising si Kari kinabukasan. Ayaw niyang bumangon pero may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Sino ‘yan?” tanong niya habang nakapikit pa rin.“Ma’am Kari, oras na po ng pagkain.”Suminghap siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “I don’t wanna eat, please, stop disturbing my sleep.”“Sige po, ma’am. Pasensya na.”Wala na ulit kumatok sa pagkatapos no’n pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Naligo na lang siya at inayos ang sarili, aalis siya dahil hindi siya mapakali sa bahay nila. Hindi na siya komportable. Wala rin siyang ganang pumasok sa eskwelahan.Naglagay siya ng concealer para matakpan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa mga sampal ng ina, mabuti ay hindi sobra ang pamamaga kaya hindi masyadong halata. Slippers lang ulit ang sinuot niya dahil hindi siya makakalakad ng maayos sa sapatos.Pagkababa niya ay nagulat siya nang may humarang sa kanya na kasambahay.“Binilin po ni Mada’am Elena na wag kayong paaalisin.”Napairap siya sa han

  • So Eager To Please   Kabanata 19

    Nagpaalam si Kari kay Tobias nang madilim na. Sinabi niya ay uuwi na siya kahit hindi naman, kahit kasi umiyak siya sa harapan nito ay hindi nito tinanong ang dahilan niya.Gusto niya iyon, ayaw niyang mapag-usapan kung gaano kagulo ang kanyang pamilya. Well, hindi naman magulo, ayaw lang talaga sa kanya ng mga ito.Nandito siya ngayon sa parking lot ng school na pinapasukan niya, doon niya napagpasyahan na iwan ang Bentley ng kanyang Kuya Felix para hindi makita ng mommy niya tapos ay saka siya sasakay ng taxi pauwi.Iyon ang plano niya. Pero ayaw niya pang umuwi, ayaw niya na ro’n dahil sumasama lamang ang loob niya.Sumandal siya sa backrest ng drivers seat, pumikit ako at wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga. Pagod siya at walang gana.Nami-miss agad niya si Tobias, nang kasama niya ito kanina ay nakalimutan niya ang lahat. Ang galing niya nga dahil hindi nito napansin na iika-ika ang lakad niya, tiniis niya iyon ng husto kanina.Napadilat siya ng mata nang mag-vibrate ang ph

  • So Eager To Please   Kabanata 18

    Hindi alam kung paano sila nakarating ni Tobias sa isang bakanteng classroom, hindi na niya maalala ang nangyari dahil sa sobrang pag-iyak.Kani-kanina ay umalis si Tobias saglit at pagbalik ay may mga dala nang pagkain at inumin, kaya naman nilantakan niya ang mga iyon. Gutom na gutom siya. Kagabi pa ang huling kain niya at napagod pa siya dahil sa kakaiyak.Napatigil siya sa pag nguya nang mapansin na pinapanood pala siya ni Tobias. Nakapatong ang kanang bahagi ng mukha nito sa lamesa ng inuupuan nito at nakatingin lang sa kanya.Bigla na lang siyan nabulunan kaya agad binuksan ng binata ang bote ng tubig at iniabot sa kanya na agad niyang ininom.“Dahan dahan.” Mahinahon na sabi nito.Pinunasan ni Tobias ng likod ng palad ang bibig niya at sumubo ulit ng pagkain. Sumandal ito sa upuan at idiniretso ang mahaba nitong binti, naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya na maingat na pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.Lumingon siya sa binata kaya tumigil ang kamay nito at tuma

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status