เข้าสู่ระบบNilingon ko si Manang Loring habang unt-unti akong umaakyat sa hagdanan ng private jet na nakapark sa pribadong hangar ng paliparan. Nakatayo siya roon sa tabi ng sasakyan, pilit na kumakaway habang walang tigil sa pagpunas ng kaniyang mga luha. Sa tindi ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, hindi ko na rin napigilang mangilid ang luha at tuluyang humagulgol. Mamimiss ko nang husto ang matanda. Kahit pa sabihing modernong panahon na ngayon at may video calls naman, napakalaki pa rin ng pagkakaiba kapag nayayakap at nakikita mo nang personal ang tao. Mamimiss ko ang mga luto niya, ang mga payo niya, at ang init ng kaniyang pag-aaruga.Naramdaman ko ang marahang pagdaiti ng braso ni Tyler sa aking balikat. Inakbayan niya ako habang inaalayan ang bawat hakbang ko paitaas hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng eroplano. Isang pagbati agad ang isinalubong sa amin ng isang flight attendant.Dinala ako ni Tyler patungo sa pribadong master bedroom na nasa loob mismo ng jet. Napa
"What?" gulat at hindi makapaniwalang sambit ng ina ni Tyler.Kakarating lang niya sa ospital nang mabalitaan ang insidenteng nangyari sa labas ng headquarters kagabi. Bakas pa sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala, ngunit mas nangibabaw ang kalituhan sa kaniyang mga mata nang marinig ang balak namin."Tyler, Sophia... hindi ba't ang usapan niyo ay pagkatapos ng annulment case, maghahanda na kayo para magpakasal?" unti-unting pumatak ang kaniyang tingin sa amin, tila humihingi ng paglilinaw."Mom, it's been decided," seryosong sagot ni Tyler. "Sa Switzerland ipagpapatuloy ni Sophia ang pagbubuntis niya. Doon siya manganganak. At saka na kami babalik rito para ayusin ang annulment case niya."Napailing si Mrs. Santibañez, halatang hindi pa rin lubos na matanggap ang marahas na pagbabago ng mga plano. Binalingan niya ako ng tingin, tila naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang ang kaniyang anak, o kaya naman ay nagbabakasakaling kokontrahin ko ang desisyong iyon. Subalit nanati
Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Napapikit ako nang mariin habang pilit na kinikilala ang paligid. Hindi ito ang kwarto namin ni Tyler.Nasa ospital na naman ako.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko ibinaling ang aking tingin sa may pintuan. Bahagya itong nakasiwang, sapat para matanaw ko ang likod doon. Nakatalikod si Tyler sa pinto, at mula sa labas ng kwarto ay may kausap siya. Dahil sa katahimikan ng paligid, malinaw na umabot sa aking pandinig ang bawat salitang binibitawan ng kaniyang kausap."Goodness, Tyler. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag na huwag mo siyang bibigyan ng stress?" pangaral ni Chloe. Kahit mahina lang ang kaniyang boses. "Kung noong mga nakaraang buwan ay malakas pa ang kapit ng bata, ngayon ay hindi na. I can barely hear the heartbeat. Humihina ang kapit ng bata."Hindi sumagot si Tyler. Mula sa puwesto ko, nakita ko ang bahagyang pagbaba ng kaniyang mga balikat."Hindi ko a
MARIELNatuptop ko ang aking bibig gamit ang dalawang palad. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakadikit ang mukha ko sa salamin ng kotse ni Rowan. Mula sa madilim na sulok ng parking lot kung saan kami nakapark, kitang-kita ko kung paano dumanak ang dugo. Kitang-kita ko kung paano bumagsak si Glory sa semento matapos barilin ng pulis nang akma nitong babarilin si Tyler mula sa likod.Napakurkrap ako, pilit na inaalis ang imahe ng duguang katawan ni Glory sa isip ko. Dahan-dahan kong nilingon si Rowan na nasa driver's seat.Walang emosyon ang kaniyang mukha. Para sa kaniya, ang karahasang katatapos lang naming masaksihan ay parang isang normal na palabas lang sa telebisyon."Did you... do this on purpose?" hindi ko napigilang itanong, halos mapiat ang boses ko sa pinaghalong takot at pagtataka. "Dinala mo ba siya doon sa bahay nina Sophia dahil alam mong mahuhuli siya ng mga pulis? Dahil alam mong ganito ang mangyayari sa kaniya?"Hindi sumagot si Rowan. Sa halip, marii
Nakaupo ako sa passenger seat habang mariing nakahawak ang mga kamay ko sa seatbelt. Sa harap namin, natatanaw ko ang unt-unting pag-usad ng mobile patrol ng mga pulis, kung saan lulan si Glory.Nang sa wakas ay makarating kami sa tapat ng police headquarters, ipinarada ni Tyler ang sasakyan sa gilid. Sabay kaming bumaba. Pagkabukas ko ng pinto, agad na sumalubong sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon. Dahil manipis lang ang suot kong dress na inilaan ko pa naman para sa naudlot naming dinner date, hindi ko napigilang yakapin ang sarili ko at bahagyang haplusin ang aking mga braso.Napansin agad iyon ni Tyler. Lumapit siya sa akin, ang mga mata ay puno ng lambing at pag-aalala. "Are you cold, love?"Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Agad niyang hinubad ang kaniyang suit jacket at maingat iyong ipinatong sa mga balikat ko.Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you."Lumingon ako sa direksyon ng mobile patrol na huminto hindi kalayuan sa amin. Binubuksan na n
Nakaupo kami sa gilid ng kama ni Tyler. Katatapos ko lang gamutin ang sugat na sintido ni Tyler. Habang si Glory naman ay nananatiling walang malay sa sahig, mukhang matindi ang nabitawang suntok ni Tyler sa mukha nito.May hawak na cold compress si Tyler, dahan-dahang itinatapat sa namamagang bahagi ng mukha ko. Bakas sa mga mata niya ang labis na pag-aalala, na para bang kahit anong oras ay mababasag ako sa harap niya."Aray!" Napakagat-labi ako nang medyo madiin ang pagkakalapat niya sa sugat ko.Agad na napaatras ang kamay ni Tyler, gulat at natatarantang tumingin sa akin. "I'm sorry... napalakas, love.""O-Okay lang," bulong ko, kahit ang totoo ay kumikirot talaga ang buong mukha ko.Hinawakan niya nang banayad ang panga ko, bahagyang iniharap ang mukha ko sa kaniya. Lumapit siya nang kaunti at marahang hinihipan ang namumulang pisngi ko. Ang mainit na hininga niya na humahaplos sa nasaktang balat ko ay tila sandaling nagpatahimik sa magulong paligid. For a moment, it was just hi
"Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit
Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na
Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati




![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


