LOGINTYLERPabalik na ako sa kwarto ni Sophia nang matigil ako sa gitna ng pasilyo. Isang matinis at galit na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng VIP floor, na sinundan ng ingay ng mga gamit na nagbabagsakan. Kumunot ang noo ko at mabilis na hinanap ang pinanggalingan ng gulo."Baliw ka! You're out of your mind!" singhal ng isang boses na hinding-hindi ko mapagkakamalan. Kay Amesyl ang boses na iyon."N-Nasasaktan ako! Please, tama na! Wala naman akong ginagawang masama!" Dinig ko naman ang gumaralgal na iyak ni Glory.Sunod-sunod akong napamura sa isip ko habang mabilis na tinatahak ang pasilyo. Anong nangyayari? Ilang minuto pa lang akong nawala para sumagot ng tawag, pero tila naging war zone na ang kwarto ni Sophia.Halos sipain ko ang pinto sa pagmamadali at doon ay tumambad sa akin ang isang eksenang hindi ko inaasahan. Duguan ang ilong ni Glory at tila hirap siyang huminga habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakasabunot ni Amesyl sa kanyang mahabang buhok. Gigil na gigil si
TYLER"Her body is surprisingly strong. Isang araw pa lang ang lumipas, pero nakikitaan na namin siya ng mga positibong senyales. Her vital signs are stabilizing faster than we expected."Mas lalo akong nabuhayan nang sabihin iyon ng doktor ni Sophia."Talk to her as often as possible. Kahit nasa comatose state siya, research shows that patients can sometimes hear and process the voices of their loved ones. Direct communication can serve as a powerful stimulus for her recovery.""You mean... naririnig niya ako?" tanong ko, umaasa."It's a possibility we shouldn't ignore," sagot ng doktor. "Tell her stories, encourage her, or simply let her know you're there. It creates a sense of safety and connection that helps the neurological healing process. Every word counts."Tumango ako nang mariin. "I'll do everything, Doc. Hinding-hindi ko siya titigilan sa pagsasalita hanggang sa magising siya.""Good. For now, just keep the environment positive. Her physical recovery is on the right track,
AMESYL Inis akong naglakad pababa ng hagdan nang marinig ko ang ingay na nanggagaling sa baba. Sino ba namang hindi maiirita? Napakaaga pa para sa ganitong kaguluhan. Naabutan ko sina Manang Loring at ang iba pang mga kasambahay na nagkukumpulan sa tapat ng telebisyon, tila may mahalagang pinag-uusapan."What's with the loud noise this early in the morning?" iritable kong tanong habang pababa ng huling baitang.Sabay-sabay silang lumingon sa akin, at bakas sa mukha ni Manang Loring ang labis na pag-aalala. "Nasa ospital sina Sir Tyler at Sophia—"Halos tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig. "Tyler is in the hospital? What happened to him? Naaksidente ba siya sa daan?!" Mabilis akong lumapit at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Manang, hindi na maitago ang kaba sa boses ko.Mabilis namang umiling si Manang para pakalmahin ako. "Hindi, iha. Naroon siya dahil binabantayan niya si Sophia. Naaksidente siya. Nahulog daw sa gumuhong bundok kahapon dahil sa lindol kaya hanggang ngayon ay
TYLERNaalimpungatan ako bandang alas-tres ng madaling araw. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Sophia.Halos hindi ko siya matitigan nang matagal. Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga tahi sa kanyang balat at ang mga pasa na unti-unting lumilitaw. Sabi ng doktor, marami siyang tinamong sugat mula sa mga bumagsak na malalaking sanga bago siya tuluyang natabunan ng lupa. Kung hinintay ko pa ang mga naunang rescue team na kumilos, baka wala na akong babalikan ngayon. Mabuti na lang at hindi ako nagpadala sa protocols nila.Dahan-dahan akong tumayo at marahang hinagkan ang likod ng kanyang kamay. "I’ll be back, Sophia. Kukuha lang ako ng kape," bulong ko bago ako tahimik na lumabas ng kwarto.Habang naglalakad ako sa lobby patungo sa kapehan, napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na bulto sa reception desk. Si Rowan."Miss, paki-check naman nang mabuti. I'm looking for the room of Sophia Trajano," ri
TYLERPagparada na pagparada ni Axel sa tapat ng Emergency Entrance ng ospital ay halos tumalon ako palabas ng sasakyan para humingi ng tulong."Emergency! Help! Somebody help us!" sigaw ko, ang boses ko ay umalingawngaw sa buong lobby.Agad na nagtakbuhan ang mga nurse palabas bitbit ang isang stretcher. Sa gilid ng aking paningin, nakita ko ang isang pamilyar na bulto, si Chloe, na noon ay kaswal na umiinom ng kape. Sa sandaling magtama ang mga mata namin at makita niya ang duguang si Sophia na buhat-buhat namin, binitawan niya ang kanyang hawak. Wala siyang pakialam kung tumapon ang kape sa sahig, mabilis siyang sumugod sa gawi namin."Sophia!" sigaw ni Chloe, ang mukha ay namumutla sa takot. Tumulong siya sa pag-angat kay Sophia patungo sa stretcher. "Ingat sa leeg! Support her head!"Magkasabay naming itinulak ang stretcher papasok sa loob ng puting pasilyo. Ang tunog ng gulong nito ay tila ba nakikipagkarera sa tibok ng puso ko."Anong nangyari sa kanya, Tyler? Bakit siya nagkak
"Where are they? It's been fucking thirty minutes since you called them, Axel!" galit na singhal ko kay Axel sa loob ng sasakyan. "Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sila?!"Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay ng malakas na ulan na humahampas sa windshield, kasabay ng nakakabulag na kidlat na gumuguhit sa madilim na langit. Tulad ng kinatatakutan ko, ang operasyon sa labas ay pansamantalang natigil. Nakita ko ang mga rescuers pati na sina Rowan at ang kanyang assistant na sumilong na sa kani-kanilang mga sasakyan, naghihintay na humina ang bagsak ng ulan. Ngunit wala akong balak maghintay.Tarantang muling dinial ni Axel ang kanyang cellphone. "S-Sir, trying to reach them again—"Bago pa man siya makapagsalita ay isang pamilyar na ugong ang namayani. Mula sa makapal na ulap, unt-unting lumitaw ang isang anino na may mga umiikot na elisi. Isang chopper na may malaking tatak ng Santibañez ang mabilis na bumababa patungo sa bakanteng bahagi ng kalsada.Hindi
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
Napigil ko ang aking paghinga. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig para sumagot, pero mabilis ko rin itong itinigom. Walang anumang salita ang gustong lumabas sa lalamunan ko.Mabuti na lamang at biglang tumunog ang phone ni Tyler. Agad siyang umayos ng upo at bumangon mula sa pagkakahiga. Dinukot
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







